Pagkatapos ng humigit-kumulang sampung minuto, isang itim na Mercedes Benz S-class ang huminto doon. Pagkatapos noon, isang lalaki na naka white suit ang dahan-dahang lumabas sa sasakyan.May dalawang bodyguard sa likuran nila. Para silang mabangis. Sa unang tingin, tila bihasa sila sa pakikipaglaban.Ang tagapagmana ng mga Brooke, si Kane Brooke, ay napakalakas ng loob na banggain kahit ang York Enterprise dahil lamang sa pag-aakalang kakampi niya si Liam Stone.Matapos ang pagtitipon ni Mandy Zimmer sa mga oras na iyon, nakatanggap ang mga Brooke ng matinding leksyon mula kay Liam. Ngayon, iniinda nila ang medyo malaking pagkawala.Mayroon daw kasabihan na kahit isang payat na kamelyo ay mas malaki kaysa sa isang kabayo. Bagaman ang mga Brooke ay medyo miserable kamakailan lamang, sila pa rin ay higit na nakaka-angat kaysa sa ordinaryong tao kahit nakaranas sila ng sunud-sunod na pagkalugi sa larangan ng negosyo.Kamakailan, maraming bagay ang di umayon sa kanila. Samakatuwid, s
Bahagyang hindi naka-imik si Harvey. ‘Anong klaseng ng perception iyon? Hindi kaya may sakit na sa pag-iisip si Jerry Zabel?'Ngunit bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, nagsimula nang mawalan ng pasensya si Kane Brooke.Pagkatapos ay kaswal niyang hinubad ang kanyang coat at itinapon sa isang bodyguard sa tabi niya. Mahinang niyang sinabi, "Sino iyan? Wala akong pake kung sino ka. Mawala ka na ngayon. Huwag mong sirain ang kasiyahan ko. Kung hindi, papatayin kita sa mamaya."Habang sinasabi niya iyon, binaling niya ang kanyang tingi sa isang bodyguard na nasa likuran niya. Naintindihan ng bodyguard na iyon kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung kaya, naglabas ang bodyguard ng isang tumpok ng asul na banknote at tinapon ito sa lupa.Para sa isang mababang taong tulad nito, maraming karanasan si Kane. Kailangan lang niyang bahagyang bantaan sila at bigyan ng pera. Pagkatapos, alam na alam na ng taong iyon ang dapat o hindi niya dapat sabihin.Nang gabing iyon, nagpunta siya roo
Nang makitang tulog na si Mandy Zimmer, hindi na nagtanong pa si Harvey York. Nilipat niya ang mga gamit niya sa study at doon nagpalipas ng gabi.Kinabukasan, nang magising siya ng madaling araw, naghanda siya para ayusin ng agahan. Pero narinig niya agad si Mandy, at malamig na sisabi, "Simula ngayon, hindi mo na kailangang maghanda pa ng agahan para sa pamilya namin."Mukhang walang magawa si Harvey. Bumuntong hininga siya, "Darling, huwag mo masyadong isipin ang tungkol sa insidente kagabi. Mag-kaibigan lang kami ni Ella Graves."Saglit siyang tiningnan ni Mandy, at wala siyang balak na makipagtalo sa kanya. Mukha lamang siyang malamig at malayo.Noong una, naisip niya na medyo nagbago ang relasyon nila ni Harvey ngayon. Iba ito sa nakaraan. Naisip pa niya na pwede silang kumilos na parang isang normal na mag-asawa isang araw.Isa pa, naisip niya na talagang nagkamali siya ng pag-unawa sa insidente sa ospital. Naghanda pa nga siyang ihayag ang kanyang pasasalamat.Ngunit sa h
Sa harap ni Dario Moore, may isang working desk. Tumingin ang presidente ng health center kay Dario mula sa likod ng working desk. Bagaman takot siya sa loob, iyon lang ang kaya niyang gawin kahit na gaano pa siya katakot sa sandaling iyon, nang maisip niya ang mga pakinabang na nakamit niya.Kung sabagay, kung ma-offend niya si Dario, makakaligtas pa rin siya. Pero kung lolokohin niya si Tyson Woods matapos mangako sa kanyang makikipagtulungan, baka magdusa siya nang husto sa huli."Mas marami kang nalalaman kaysa sa amin tungkol sa kalagayan ng iyong kapatid. Kung titingnan ang estado ng mga bagay sa health center ngayon, wala talaga kaming paraan para masimulan ang operasyon niya. Paano naman ang gamutan niya?""At saka, ginagamit niyo ang nag-iisang ward dito sa mahabang pahanon, at palagi kayong hindi nakakapagbayad ng hospitalization fees. Sa totoo lang, wala rin kaming magawa. Ngayon, maraming mga pasyente at kanilang pamilya ang may opinyon tungkol dito. Kailangan niyo nang
“Dario Moore, kung magta-trabaho ka para sa akin, makakahanap ako ng kayang magpagaling sa mga binti ng kapatid mo.” Walang sinabing kahit anong kalokohan si Harvey. Direkta siyang tumayo at pinatigil si Tyson Woods.Naiinis na tiningnan ni Dario si Harvey. Sinabi niya, “Sa palagay mo ba ay maniniwala ako dahil lang sinabi mo iyan?”Naglabas si Harvey ng isang name card na hinanda niya kanina at tinapon ito kay Dario. Mahina niyang sinabi, “Ito ang name card ni Dr. Ella Graves. Tawagan mo siya. Aayusin niya ang operasyon at ang pinaka magandang ward para sa kapatid mo. Huwag kang mag-alala sa mga gastusin. Ako nang bahala doon.”“Paano mo naayos iyo? Nagsisinungaling ka ba?” Hindi makapaniwala si Dario. Ang doktor ay ang vice president ng Niumhi Hospital, at isa siyang kilalang tao. Hindi magsasagawa ng operasyon ang taong tulad niya kung hindi hihigit sa one hundred fifty thousand dollars ang gastos sa operasyon. ‘Paanong naayos ng lalaking nasa harapan ko ang ganoon kalaking isyu?
Habang iniisip iyon, labis na pumangit ang facial expression ni Zack Zimmer.“Hindi, hindi ko pwedeng hayaang gawin ni Mandy ang mga gusto nya. Paano kung hiwalayan niya talaga iyon? Edi magkakaroon siya ng pagkakataong kalabanin ako para sa post! Hindi pwede! Kailangan kong maka-isip ng resolusyon!” Bahagyang napasimangot si Zack.“Madali lang iyan. Sabihin mo lang kay lolo na kritikal na oras para sa atin ngayong may kooperasyon tayo sa York Enterprise. Hindi natin kayang magkaroon ng kahit anong isyu dito sa mga Zimmer. Tapos ay pwede mong sabihin kay lolo na pagbawalan siyang maghiwalay. Gagana iyon, ‘di ba?” Mayabang na sinabi ni Quinn Zimmer. Pakiramdam niya ay napakahusay ng kanyang ideya.“Nasa katwiran iyan!: Nakahinga nang maluwag si Zack. Subalit, tila naging mapagmatyag ang kanyang tingin kay Quinn. ‘Mukhang hindi dapat minamaliit ang babaeng ito. Kailangan kong mag-ingat sa kanya sa hinahahap.’***Hindi nakita ni Harvey York si Mandy nang makauwi siya. Subalit, nakau
May malabong litrato sa phone. Pero iyon nga ang litrato nila Harvey York at Ella Graves nang magkasama sila noong gabing iyon, ay palihim na kinunan ng kung sinuman.Walang magawa si Harvey. Saka bigla niyang naisip ang naging ugali ni Zack Zimmer sa araw na iyon, at ‘di nagtagal ay napagtanto niya ito. Marahil ay si Zack ang kumuha ng litrato at sinadyang ipadala kay Mandy Zimmer.“Ano pang sasabihin mo? Nandito na sa harapan natin ang katotohanan. Gusto mo pa rin bang itanggi ito?”Nanatiling tahimik si Harvey, at wala siyang kahit anong intensyong ipagtanggol ang kanyang sarili. Nang makita iyon, pakiramdam ni Mandy ay nawalan siya ng pag-asa sa sandaling iyon.Kaya niya hinayaan si Harvey na tingnan ang phone ay para bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pero sa huli ay walang sinabi si Harvey."Mahal, hindi ito tulag ng iniisip mo..." Bumuntong hininga si Harvey at sinabi iyon.“Eh ano nga ito? Sabihin mo sa akin!” Malamig na sinabi ni Mandy.Nilibre niya si Ella sa is
“Hindi ka na dapat magtiis pa sa ganoong uri ng lalaki. Anak, basta’t hiwalayan mo siya, maghahanap ako ng mabuting son-in-law na di hamak na mas matino pa sa kanya.”“At saka, baka nakakuha na siya ng kung anong kakaibang sakit. Paano kung mahawa ka sa kanya? Nakakatakot iyon!”Walang tigil na tinapik ni Lilian Yates ang kanyang dibdib, at mukhang medyo takot habang iniisip iyon. Kung talagang magkakaroon ng ganoong iskandalo, tiyak na itatakwil ni Senior Zimmer ang buong pamilya niya at papalayasin sila sa mga Zimmer.“Subukan mong pag-isipan ito. Nag-aalala na ngayon si Zack Zimmer na wala siyang pagkakataong pabagsakin ka! Kung malaman niya ang tungkol dito, siguradong may panibago na naman siyang excuse para hanapan ka ng butas!”“Hindi madali para sa iyo na makakuha ng ganoong katayuan sa mga Zimmer ngayon. Hindi mo pwedeng sirain ang iyong kinabukasan ngn dahil lamang sa walang silbing basurang lalaking iyon!”“Mom, tumigil ka na sa pagsasalita!”Medyo nabu-bwisit na si Ma
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon
Tumingin ng malamig si Kora matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey.Tumalim ang kanyang mga mata habang sinusuri niya si Harvey bago siya suminghal.“Natatakot?"Hindi kailanman nagkaroon ng salitang iyon sa aking diksyunaryo mula pa noong bata pa ako!"Nagdisect ako ng mga pusa at aso mula pa noong tatlong taong gulang ako!"Mag-isa akong natulog sa sementeryo ng isang buong gabi noong anim na taong gulang ako!"Dinala ko pa nga ang isang bangkay mula sa punerarya pauwi noong siyam na taong gulang ako!"Hindi ako marunong matakot!"Pero gayunpaman, wala akong interes sa isang walang kwentang pustahan na tulad ng sayo."Kung handa kang taasan ang pustahan, makikipaglaro ako sayo!"Nagpakita si Kora ng malamig na ekspresyon."Gayunpaman, may lakas ka ba ng loob?""Magsalita ka," sagot ni Harvey."Kapag natalo ako, gagapang ako palabas ng lungsod na ito.“Kapag natalo ka, ikaw ang gagawa nun.“Ano sa tingin mo?”Tumawa si Harvey.“Hindi pa sapat ‘yun…“Bakit hi
Siyempre, alam ni Kora kung sino si Harvey York.Alam niyang baka hindi siya magkaroon ng kalamangan kung siya rin ay kikilos.Sinasadya niyang nagkunwari na pigilan ang mga tao sa likuran niya upang wala nang dahilan si Harvey na makipaglaban.Kung nakipaglaban pa rin si Harvey sa ilalim ng mga kalagayang iyon…Tatanungin siya kahit na siya ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa.Kasabay nito, tinawag lamang ni Kora si Harvey na isang utusan upang hindi niya maipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Maaari niyang ipagpatuloy ang pag-pressure sa kanya sa ganung paraan.Ang karamihan ay nagpakita ng labis na paghamak nang tingnan nila si Harvey.‘Hindi nakapagtataka kung bakit siya tumatahol sa lahat ng nakikita niya! Alaga siya ng pamilya Pagan!’‘Pero sa totoo lang, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya!’‘Makikinabang siya sa pagiging alaga. Wala siyang kahit ano kung isa lang siyang utusan!Kung hindi pagmamay-ari ng pamilya Pagan ang lupa, malamang ay nalunod na
Sa mata ng lahat, si Harvey York ay isang tanga lang.‘Gusto niyang makipagpustahan kay Kora?’‘Sino ba siya sa akala niya?’‘Karapat-dapat ba siya?’‘Kahit ang pamilya Pagan, isa sa Six Hermit Families, ay natalo ni Kora!‘‘Ano pa bang magagawa ni Harvey?’‘Sa sitwasyong ito, ang mga ordinaryong tao ay makikipagkasundo kay Kora. Baka nga hayaan pa nila siya na gawin ang gusto niya para hindi na siya gumawa pa ng problema.”‘Siguro desperado na siyang mamatay kaya kinakalaban niya si Kora ng ganito!’Ang mga tao sa likod ni Kora ay nagpakita ng mapanghusgang tingin habang tinitingnan si Harvey, at suminghal sila.Gusto sanang magsalita ni Arlet Pagan ngunit nag-alinlangan siya sandali bago hayaan si Harvey na magdesisyon."Natatakot ka ba, Kora?"Nagpakita si Harvey ng kalmadong ekspresyon."Pipili din ako ng labindalawang bato. Sinisiguro kong ang mga gem na pinili ko ay tiyak na mas mataas ang halaga kaysa sa mga pinili mo. Ano sa tingin mo?"Suminghal ang lahat matapos
Patuloy na kumikibot ang mga mata ni Arlet Pagan matapos marinig ang mga salita ni Kora.Isang pakiramdam ng lamig ang bumalot sa kanyang magandang mukha.“Ang pamilya Pagan ay tapat lamang sa kanilang negosyo!“Tunay ang lahat ng mga antigo namin!“Kung gusto mo, pwede kang dumaan kahit anong oras!”“Ganun ba?”Bahagyang ngumiti si Kora habang siya ay humilig pasulong."Sabihin mo sa akin, kapag pumunta ako sa tindahan ng mga antigo na pag-aari ng pamilya mo at tinuro ko ang ilang bagay, at sinabi ko na iyon lang ang mga tunay na antigong naroon..."Maniniwala ba sa akin ang lahat?“O baka naman mas paniwalaan pa nila ang reputasyon mong unti-unti nang nadudurog?!"Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Arlet.“Walang hiya ka!”“Totoo ‘yun! Wala akong hiya!Lumapit si Kora bago tinapik ang mukha ni Arlet.“Gayunpaman, bibigyan kita ng pagkakataon."Ibigay mo sa’kin ang limampu't isang porsyento ng shares ng Archa Corporation. Saka ko lang titigilan ang pamilya mo."A
Kasabay ng mga galaw ni Kora, ilang lalaki na nakasuot ng itim ang tumalon mula sa balkonahe bago itinulak ang mga tao upang makuha ang mga bato.Ang mga bato ay nag-iiba-iba sa laki. Ang ilan ay mukhang makinis at matambok, habang ang iba naman ay deformed lang.Ang mga lalaking nakasuot ng itim ay hindi nag-aksaya ng kahit isang segundo. Pagkatapos bayaran ang mga bato, agad nilang pinagawa ang mga panday.“Gems! Gems! Gems!”Ang mga tao ay labis na natuwa nang makita nila ang tanawin.Ang mga babae ay sumigaw sa kasiyahan, na parang hindi pa sila nakakakita ng pera sa buong buhay nila.Ang lugar ay biglang uminit nang saglit."Ganito rin ang nangyari nang dalawang beses noon, pero walang nakapansin sa unang pagkakataon," bulong ni Arlet."Pero sa pangalawang pagkakataon, lubos na nahuli ang atensyon ng lahat."“Sa pagkakataong ito…”Si Arlet ay umiling na may bahid ng kawalang-kakayahan na makikita sa kanyang nakakunot na noo.Wala nang pagpipilian ang pamilya Pagan kundi
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil