Nang makitang tulog na si Mandy Zimmer, hindi na nagtanong pa si Harvey York. Nilipat niya ang mga gamit niya sa study at doon nagpalipas ng gabi.Kinabukasan, nang magising siya ng madaling araw, naghanda siya para ayusin ng agahan. Pero narinig niya agad si Mandy, at malamig na sisabi, "Simula ngayon, hindi mo na kailangang maghanda pa ng agahan para sa pamilya namin."Mukhang walang magawa si Harvey. Bumuntong hininga siya, "Darling, huwag mo masyadong isipin ang tungkol sa insidente kagabi. Mag-kaibigan lang kami ni Ella Graves."Saglit siyang tiningnan ni Mandy, at wala siyang balak na makipagtalo sa kanya. Mukha lamang siyang malamig at malayo.Noong una, naisip niya na medyo nagbago ang relasyon nila ni Harvey ngayon. Iba ito sa nakaraan. Naisip pa niya na pwede silang kumilos na parang isang normal na mag-asawa isang araw.Isa pa, naisip niya na talagang nagkamali siya ng pag-unawa sa insidente sa ospital. Naghanda pa nga siyang ihayag ang kanyang pasasalamat.Ngunit sa h
Sa harap ni Dario Moore, may isang working desk. Tumingin ang presidente ng health center kay Dario mula sa likod ng working desk. Bagaman takot siya sa loob, iyon lang ang kaya niyang gawin kahit na gaano pa siya katakot sa sandaling iyon, nang maisip niya ang mga pakinabang na nakamit niya.Kung sabagay, kung ma-offend niya si Dario, makakaligtas pa rin siya. Pero kung lolokohin niya si Tyson Woods matapos mangako sa kanyang makikipagtulungan, baka magdusa siya nang husto sa huli."Mas marami kang nalalaman kaysa sa amin tungkol sa kalagayan ng iyong kapatid. Kung titingnan ang estado ng mga bagay sa health center ngayon, wala talaga kaming paraan para masimulan ang operasyon niya. Paano naman ang gamutan niya?""At saka, ginagamit niyo ang nag-iisang ward dito sa mahabang pahanon, at palagi kayong hindi nakakapagbayad ng hospitalization fees. Sa totoo lang, wala rin kaming magawa. Ngayon, maraming mga pasyente at kanilang pamilya ang may opinyon tungkol dito. Kailangan niyo nang
“Dario Moore, kung magta-trabaho ka para sa akin, makakahanap ako ng kayang magpagaling sa mga binti ng kapatid mo.” Walang sinabing kahit anong kalokohan si Harvey. Direkta siyang tumayo at pinatigil si Tyson Woods.Naiinis na tiningnan ni Dario si Harvey. Sinabi niya, “Sa palagay mo ba ay maniniwala ako dahil lang sinabi mo iyan?”Naglabas si Harvey ng isang name card na hinanda niya kanina at tinapon ito kay Dario. Mahina niyang sinabi, “Ito ang name card ni Dr. Ella Graves. Tawagan mo siya. Aayusin niya ang operasyon at ang pinaka magandang ward para sa kapatid mo. Huwag kang mag-alala sa mga gastusin. Ako nang bahala doon.”“Paano mo naayos iyo? Nagsisinungaling ka ba?” Hindi makapaniwala si Dario. Ang doktor ay ang vice president ng Niumhi Hospital, at isa siyang kilalang tao. Hindi magsasagawa ng operasyon ang taong tulad niya kung hindi hihigit sa one hundred fifty thousand dollars ang gastos sa operasyon. ‘Paanong naayos ng lalaking nasa harapan ko ang ganoon kalaking isyu?
Habang iniisip iyon, labis na pumangit ang facial expression ni Zack Zimmer.“Hindi, hindi ko pwedeng hayaang gawin ni Mandy ang mga gusto nya. Paano kung hiwalayan niya talaga iyon? Edi magkakaroon siya ng pagkakataong kalabanin ako para sa post! Hindi pwede! Kailangan kong maka-isip ng resolusyon!” Bahagyang napasimangot si Zack.“Madali lang iyan. Sabihin mo lang kay lolo na kritikal na oras para sa atin ngayong may kooperasyon tayo sa York Enterprise. Hindi natin kayang magkaroon ng kahit anong isyu dito sa mga Zimmer. Tapos ay pwede mong sabihin kay lolo na pagbawalan siyang maghiwalay. Gagana iyon, ‘di ba?” Mayabang na sinabi ni Quinn Zimmer. Pakiramdam niya ay napakahusay ng kanyang ideya.“Nasa katwiran iyan!: Nakahinga nang maluwag si Zack. Subalit, tila naging mapagmatyag ang kanyang tingin kay Quinn. ‘Mukhang hindi dapat minamaliit ang babaeng ito. Kailangan kong mag-ingat sa kanya sa hinahahap.’***Hindi nakita ni Harvey York si Mandy nang makauwi siya. Subalit, nakau
May malabong litrato sa phone. Pero iyon nga ang litrato nila Harvey York at Ella Graves nang magkasama sila noong gabing iyon, ay palihim na kinunan ng kung sinuman.Walang magawa si Harvey. Saka bigla niyang naisip ang naging ugali ni Zack Zimmer sa araw na iyon, at ‘di nagtagal ay napagtanto niya ito. Marahil ay si Zack ang kumuha ng litrato at sinadyang ipadala kay Mandy Zimmer.“Ano pang sasabihin mo? Nandito na sa harapan natin ang katotohanan. Gusto mo pa rin bang itanggi ito?”Nanatiling tahimik si Harvey, at wala siyang kahit anong intensyong ipagtanggol ang kanyang sarili. Nang makita iyon, pakiramdam ni Mandy ay nawalan siya ng pag-asa sa sandaling iyon.Kaya niya hinayaan si Harvey na tingnan ang phone ay para bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pero sa huli ay walang sinabi si Harvey."Mahal, hindi ito tulag ng iniisip mo..." Bumuntong hininga si Harvey at sinabi iyon.“Eh ano nga ito? Sabihin mo sa akin!” Malamig na sinabi ni Mandy.Nilibre niya si Ella sa is
“Hindi ka na dapat magtiis pa sa ganoong uri ng lalaki. Anak, basta’t hiwalayan mo siya, maghahanap ako ng mabuting son-in-law na di hamak na mas matino pa sa kanya.”“At saka, baka nakakuha na siya ng kung anong kakaibang sakit. Paano kung mahawa ka sa kanya? Nakakatakot iyon!”Walang tigil na tinapik ni Lilian Yates ang kanyang dibdib, at mukhang medyo takot habang iniisip iyon. Kung talagang magkakaroon ng ganoong iskandalo, tiyak na itatakwil ni Senior Zimmer ang buong pamilya niya at papalayasin sila sa mga Zimmer.“Subukan mong pag-isipan ito. Nag-aalala na ngayon si Zack Zimmer na wala siyang pagkakataong pabagsakin ka! Kung malaman niya ang tungkol dito, siguradong may panibago na naman siyang excuse para hanapan ka ng butas!”“Hindi madali para sa iyo na makakuha ng ganoong katayuan sa mga Zimmer ngayon. Hindi mo pwedeng sirain ang iyong kinabukasan ngn dahil lamang sa walang silbing basurang lalaking iyon!”“Mom, tumigil ka na sa pagsasalita!”Medyo nabu-bwisit na si Ma
Sa study, natulog si Harvey York sa sabih. Wala siyang magawa sa mga pangyayari.Naintindihan niya ang damdamin ni Mandy Zimmer. Kung siya iyon, marahil ay hindi rin siya magiging kalmado.Isa pa, marahil ay lihim na pinapalala ng kanyang hindi mapagkakatiwalaang mother-in-law ang mga bagay-bagay, binabaluktot ang katotohanan. Talagang magiging mas magulo ang insidenteng iyon ngayon.***Kinabukasan sa oras ng agahan, maagang naghanda si Harvey ng agahan dahil nais niyang pasayahin si Mandy.Ngunit hindi man lang kinain ni Mandy ang inihanda niyang agahan. Pinunit lamang niya ang divorce agreement sa harap niya.Sumimangot si Harvey at walang sinabi dahil alam niyang hindi ito madaling matatapos.Tulad ng inaasahan, malamig na sinabi ni Mandy, "Kalimutan mo ang hiwalayan sa ngayon. Pero kailangan mong ipangako sa akin ang isang bagay."“Ano yun? Ipinapangako ko sa iyo." Mabilis na sinabi ni Harvey."Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ito. Pero dali-dali kang nangako. Hind
Kung kailan nag-iisip si Lilian Yates ng masamang balak kay Harvey York para makahiram siya ng dagdag na walong daang libong dolyar para gastusin niya, isang malaking insidente ang nangyari sa Niumhi airport.Walang masyadong mga flight sa Niumhi Airport, at karamihan ay mula sa probinsya.Sa sandaling iyon, may isang kaakit-akit na lalaki na may slim suit at may makintab na naka-suklay na buhok, na nakatayo sa arrival gate. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa likod niya.Isa pa, hindi niya pinaglaruan ang kanyang phone. May hawak lang siyang isang bouquet ng mga rosas habang nakatalikod ang mga kamay niya. Mukha siyang malamig.Maraming dalagang dumaan sa kanya ang hindi mapigilang lumiwanag ang kanilang mga mata nang makita siya.Ngayon, masyado nang bihira ang mga lalaking hindi pinaglalaruan ang kanilang phone habang may hinihintay sa arrival gate. Kayang umakit ng posturang iyon ng maraming dalaga.Makalipas ang ilang sandali, may mga tao nang naglalakad palabas ng arriva