Habang iniisip iyon, labis na pumangit ang facial expression ni Zack Zimmer.“Hindi, hindi ko pwedeng hayaang gawin ni Mandy ang mga gusto nya. Paano kung hiwalayan niya talaga iyon? Edi magkakaroon siya ng pagkakataong kalabanin ako para sa post! Hindi pwede! Kailangan kong maka-isip ng resolusyon!” Bahagyang napasimangot si Zack.“Madali lang iyan. Sabihin mo lang kay lolo na kritikal na oras para sa atin ngayong may kooperasyon tayo sa York Enterprise. Hindi natin kayang magkaroon ng kahit anong isyu dito sa mga Zimmer. Tapos ay pwede mong sabihin kay lolo na pagbawalan siyang maghiwalay. Gagana iyon, ‘di ba?” Mayabang na sinabi ni Quinn Zimmer. Pakiramdam niya ay napakahusay ng kanyang ideya.“Nasa katwiran iyan!: Nakahinga nang maluwag si Zack. Subalit, tila naging mapagmatyag ang kanyang tingin kay Quinn. ‘Mukhang hindi dapat minamaliit ang babaeng ito. Kailangan kong mag-ingat sa kanya sa hinahahap.’***Hindi nakita ni Harvey York si Mandy nang makauwi siya. Subalit, nakau
May malabong litrato sa phone. Pero iyon nga ang litrato nila Harvey York at Ella Graves nang magkasama sila noong gabing iyon, ay palihim na kinunan ng kung sinuman.Walang magawa si Harvey. Saka bigla niyang naisip ang naging ugali ni Zack Zimmer sa araw na iyon, at ‘di nagtagal ay napagtanto niya ito. Marahil ay si Zack ang kumuha ng litrato at sinadyang ipadala kay Mandy Zimmer.“Ano pang sasabihin mo? Nandito na sa harapan natin ang katotohanan. Gusto mo pa rin bang itanggi ito?”Nanatiling tahimik si Harvey, at wala siyang kahit anong intensyong ipagtanggol ang kanyang sarili. Nang makita iyon, pakiramdam ni Mandy ay nawalan siya ng pag-asa sa sandaling iyon.Kaya niya hinayaan si Harvey na tingnan ang phone ay para bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pero sa huli ay walang sinabi si Harvey."Mahal, hindi ito tulag ng iniisip mo..." Bumuntong hininga si Harvey at sinabi iyon.“Eh ano nga ito? Sabihin mo sa akin!” Malamig na sinabi ni Mandy.Nilibre niya si Ella sa is
“Hindi ka na dapat magtiis pa sa ganoong uri ng lalaki. Anak, basta’t hiwalayan mo siya, maghahanap ako ng mabuting son-in-law na di hamak na mas matino pa sa kanya.”“At saka, baka nakakuha na siya ng kung anong kakaibang sakit. Paano kung mahawa ka sa kanya? Nakakatakot iyon!”Walang tigil na tinapik ni Lilian Yates ang kanyang dibdib, at mukhang medyo takot habang iniisip iyon. Kung talagang magkakaroon ng ganoong iskandalo, tiyak na itatakwil ni Senior Zimmer ang buong pamilya niya at papalayasin sila sa mga Zimmer.“Subukan mong pag-isipan ito. Nag-aalala na ngayon si Zack Zimmer na wala siyang pagkakataong pabagsakin ka! Kung malaman niya ang tungkol dito, siguradong may panibago na naman siyang excuse para hanapan ka ng butas!”“Hindi madali para sa iyo na makakuha ng ganoong katayuan sa mga Zimmer ngayon. Hindi mo pwedeng sirain ang iyong kinabukasan ngn dahil lamang sa walang silbing basurang lalaking iyon!”“Mom, tumigil ka na sa pagsasalita!”Medyo nabu-bwisit na si Ma
Sa study, natulog si Harvey York sa sabih. Wala siyang magawa sa mga pangyayari.Naintindihan niya ang damdamin ni Mandy Zimmer. Kung siya iyon, marahil ay hindi rin siya magiging kalmado.Isa pa, marahil ay lihim na pinapalala ng kanyang hindi mapagkakatiwalaang mother-in-law ang mga bagay-bagay, binabaluktot ang katotohanan. Talagang magiging mas magulo ang insidenteng iyon ngayon.***Kinabukasan sa oras ng agahan, maagang naghanda si Harvey ng agahan dahil nais niyang pasayahin si Mandy.Ngunit hindi man lang kinain ni Mandy ang inihanda niyang agahan. Pinunit lamang niya ang divorce agreement sa harap niya.Sumimangot si Harvey at walang sinabi dahil alam niyang hindi ito madaling matatapos.Tulad ng inaasahan, malamig na sinabi ni Mandy, "Kalimutan mo ang hiwalayan sa ngayon. Pero kailangan mong ipangako sa akin ang isang bagay."“Ano yun? Ipinapangako ko sa iyo." Mabilis na sinabi ni Harvey."Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ito. Pero dali-dali kang nangako. Hind
Kung kailan nag-iisip si Lilian Yates ng masamang balak kay Harvey York para makahiram siya ng dagdag na walong daang libong dolyar para gastusin niya, isang malaking insidente ang nangyari sa Niumhi airport.Walang masyadong mga flight sa Niumhi Airport, at karamihan ay mula sa probinsya.Sa sandaling iyon, may isang kaakit-akit na lalaki na may slim suit at may makintab na naka-suklay na buhok, na nakatayo sa arrival gate. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa likod niya.Isa pa, hindi niya pinaglaruan ang kanyang phone. May hawak lang siyang isang bouquet ng mga rosas habang nakatalikod ang mga kamay niya. Mukha siyang malamig.Maraming dalagang dumaan sa kanya ang hindi mapigilang lumiwanag ang kanilang mga mata nang makita siya.Ngayon, masyado nang bihira ang mga lalaking hindi pinaglalaruan ang kanilang phone habang may hinihintay sa arrival gate. Kayang umakit ng posturang iyon ng maraming dalaga.Makalipas ang ilang sandali, may mga tao nang naglalakad palabas ng arriva
Sa Zimmer Villa.Nagpunta si Harvey York sa bangko para lang makuha ang walong daang libong dolyar na cash.Nang ihagis niya ang plastic bag na may cash sa coffee table, nanlaki ang mga mata ni Lilian Yates.Sa sandaling iyon, hindi niya pinansin si Harvey na nandoon mismo sa tabi niya. Hindi nagtagal ay nagsimula siyang i-flip ang mga asul na stack ng mga banknote. Matapos niyang matiyak na totoo ang mga banknote, hindi niya napigilan ang ngiti niya."Nasaan ang personal declaration mo? Hindi ba sinabi mo na aakuin mo mag-isa ang utang?" Tumingala si Lilian at sinabi sa kanya ng walang pakundangan.Kumuha si Harvey ng isang dokumento na nihanda niya. Hindi lamang niya pinirmahan ang dokumento, meron ding pirma ng isang abogado. Naka-outline dito na personal na utang ni Harvey ang 1.6 milyong dolyar, at wala itong kinalaman kay Mandy Zimmer.Maingat na tiningnan ni Lilian ang dokumento. Pagkatapos ay tumawag siya sa mga diumano’y mga propesyonal para magtanong tungkol doon. Doon
Matapos magkaroon ng pabago-bagong ayos ng mukha, biglang tumayo si Lilian Yates. Pagkatapos ay itinuro niya si Harvey York at sinabing, "Walang kwentang basura, huwag mo isiping tapos na ang insidente ngayong nakahiram ka ng eight hundred thousand dollars. Para sabihin ko sa iyo. Dapat kang lumakad at mangutang pa ng dagdag na eight hundred thousand dollars. Hindi, kailangan mong makakuha ng 1.6 million dollars! Isa pa, kailangan mong bunuin ang utang nang mag-isa! ""Sige, walang problema. Ngunit baka kailanganin pa nating maghintay ng ilang taon pa. Kakahiram ko lang ng 1.6 million dollars sa aking kaibigan. Imposibleng pahiramin pa niya ako ulit ng pera, di ba? " Sinabi ni Harvey sa isang kalmadong paraan."Ikaw ..." muling nagbago ang ayos ng mukha ni Lilian. Sa susunod na sandali, sinabi niya, "Ikaw ang live-in na manugang ng mga Zimmer, at mayroon kang trabaho ngayon. Kailangan mong ibigay sa akin ang pay card, at ako ang hahawak sa iyong buwanang suweldo! ""Ma, kung talagan
Sa una, si Zack Zimmer ay nananatiling kalmado. Ngunit ngayon, hindi na niya kayang pigilan ang kanyang sarili. Sinamaan niya ng tingin si Harvey York at galit na sinabi, “Putangina mo! Harvey, gaano ka kawalanghiya? Paano ka pa naging CEO ng York Enterprise! Hindi ka ba natatakot na ikaw mismo ang puntiryahin nila kung kumalat ang insidenteng ito? "Hindi talaga iyon mapaniwalaan ng lahat. Paanong si Harvey ay maging CEO ng York Enterprise given na isa siyang walang kwentang basura?Dati, garapalang inangkin ni Harvey na siya ay CEO nang magpropose si Don Xander kay Mandy Zimmer. Ngunit ano ang nangyari? Pinagtibay lang ang katotohanan na siya ay walang iba kundi isang paulit-ulit na biro.Ngayong muli niyang nabanggit iyon. Siya talaga ay walang kahihiyan.Nakatayo sa tabi nila, hindi na kinaya ni Mandy na makita iyon. Humakbang siya paabante at marahang sinabi, "Lolo, baka ginamit ni Harvey ang member card ng kanyang boss ...""Iyon ba ang nagpahintulot sa kanya na i-maneho ang