Si Shirley Ryan ay nataranta at nagsalita, "Senior, na-misunderstood mo ako, hindi ako naging close sa iyo kung kaya't hindi ako nagsalita ng maayos, ngunit pagkatapos na mas nakilala kita nitong mga nagdaang araw nalaman ko na ikaw pala ay isang mabuting tao at tinatry kong tanggapin ka kung sino ka. ""See, sinamahan pa kitang mag-dinner, mas magagandang araw ang naghihintay sa atin, bitawan mo ako ngayon din, pwede ba? Pwede tayong magsalo ng hapunan. "Sinubukan ni Shirley na magmukhang kaawa-awa sa kanya, hindi na siya ang babaeng kakatapos lamang ng kolehiyo, sa loob ng maraming taon na inimulat ang sarili sa realidad ng working industry alam na alam niya na kung hindi siya aastang masunurin, baka madala siya ng kapusukan at makagawa ng bagay na mas masahol pa sa paghawak sa kanya.Lumapit si Jerry Zabel at humirit. “Sinusubukan mong tanggapin ako? Matamis kang magsalita, Shirley! Kung hindi ko nakamit anumang mayroon ako ngayon magagawa mo kayang tingnan ako sa mga mata? Kayo
Namula agad ang mukha ni Shirley Ryan. Hindi na siya bata, paanong hindi niya malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi pa siya sinagip ni Harvey York. Nang ‘di malaman kung ano ang isasagot, napakagat-labi na lang siya."Harvey, binabalaan kita, kapag nangahas ka pang hawakan ako kahit minsan titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan!" Sa wakas ay naibangon na ni Jerry Zabel ang kanyang sarili kahit umiika habang binubulyawan si Harvey.Ang isang live-in na manugang, na minamaliit ng lahat, naghuhugas ng paa para sa kanyang biyenan, naglinis ng banyo ng bahay, ay nangahas na hawakan siya. Napakarami niyang paraan upang mapilitan si Harvey na magmakaawa para sa kanyang buhay!Sa huli…Swoosh!Sunod niyang namalayan, sinampal na ni Harvey si Jerry ng malakas sa mukha nang siya ay nahihilo na may pulang markang namamaga sa kanyang pisngi."Ikaw ... sinampal mo ako ..." Galit na galit si Jerry.Nataranta si Shirley, may mga tsismis na matapos maging live-in na manugang si Harvey,
Pagkatapos ng humigit-kumulang sampung minuto, isang itim na Mercedes Benz S-class ang huminto doon. Pagkatapos noon, isang lalaki na naka white suit ang dahan-dahang lumabas sa sasakyan.May dalawang bodyguard sa likuran nila. Para silang mabangis. Sa unang tingin, tila bihasa sila sa pakikipaglaban.Ang tagapagmana ng mga Brooke, si Kane Brooke, ay napakalakas ng loob na banggain kahit ang York Enterprise dahil lamang sa pag-aakalang kakampi niya si Liam Stone.Matapos ang pagtitipon ni Mandy Zimmer sa mga oras na iyon, nakatanggap ang mga Brooke ng matinding leksyon mula kay Liam. Ngayon, iniinda nila ang medyo malaking pagkawala.Mayroon daw kasabihan na kahit isang payat na kamelyo ay mas malaki kaysa sa isang kabayo. Bagaman ang mga Brooke ay medyo miserable kamakailan lamang, sila pa rin ay higit na nakaka-angat kaysa sa ordinaryong tao kahit nakaranas sila ng sunud-sunod na pagkalugi sa larangan ng negosyo.Kamakailan, maraming bagay ang di umayon sa kanila. Samakatuwid, s
Bahagyang hindi naka-imik si Harvey. ‘Anong klaseng ng perception iyon? Hindi kaya may sakit na sa pag-iisip si Jerry Zabel?'Ngunit bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, nagsimula nang mawalan ng pasensya si Kane Brooke.Pagkatapos ay kaswal niyang hinubad ang kanyang coat at itinapon sa isang bodyguard sa tabi niya. Mahinang niyang sinabi, "Sino iyan? Wala akong pake kung sino ka. Mawala ka na ngayon. Huwag mong sirain ang kasiyahan ko. Kung hindi, papatayin kita sa mamaya."Habang sinasabi niya iyon, binaling niya ang kanyang tingi sa isang bodyguard na nasa likuran niya. Naintindihan ng bodyguard na iyon kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung kaya, naglabas ang bodyguard ng isang tumpok ng asul na banknote at tinapon ito sa lupa.Para sa isang mababang taong tulad nito, maraming karanasan si Kane. Kailangan lang niyang bahagyang bantaan sila at bigyan ng pera. Pagkatapos, alam na alam na ng taong iyon ang dapat o hindi niya dapat sabihin.Nang gabing iyon, nagpunta siya roo
Nang makitang tulog na si Mandy Zimmer, hindi na nagtanong pa si Harvey York. Nilipat niya ang mga gamit niya sa study at doon nagpalipas ng gabi.Kinabukasan, nang magising siya ng madaling araw, naghanda siya para ayusin ng agahan. Pero narinig niya agad si Mandy, at malamig na sisabi, "Simula ngayon, hindi mo na kailangang maghanda pa ng agahan para sa pamilya namin."Mukhang walang magawa si Harvey. Bumuntong hininga siya, "Darling, huwag mo masyadong isipin ang tungkol sa insidente kagabi. Mag-kaibigan lang kami ni Ella Graves."Saglit siyang tiningnan ni Mandy, at wala siyang balak na makipagtalo sa kanya. Mukha lamang siyang malamig at malayo.Noong una, naisip niya na medyo nagbago ang relasyon nila ni Harvey ngayon. Iba ito sa nakaraan. Naisip pa niya na pwede silang kumilos na parang isang normal na mag-asawa isang araw.Isa pa, naisip niya na talagang nagkamali siya ng pag-unawa sa insidente sa ospital. Naghanda pa nga siyang ihayag ang kanyang pasasalamat.Ngunit sa h
Sa harap ni Dario Moore, may isang working desk. Tumingin ang presidente ng health center kay Dario mula sa likod ng working desk. Bagaman takot siya sa loob, iyon lang ang kaya niyang gawin kahit na gaano pa siya katakot sa sandaling iyon, nang maisip niya ang mga pakinabang na nakamit niya.Kung sabagay, kung ma-offend niya si Dario, makakaligtas pa rin siya. Pero kung lolokohin niya si Tyson Woods matapos mangako sa kanyang makikipagtulungan, baka magdusa siya nang husto sa huli."Mas marami kang nalalaman kaysa sa amin tungkol sa kalagayan ng iyong kapatid. Kung titingnan ang estado ng mga bagay sa health center ngayon, wala talaga kaming paraan para masimulan ang operasyon niya. Paano naman ang gamutan niya?""At saka, ginagamit niyo ang nag-iisang ward dito sa mahabang pahanon, at palagi kayong hindi nakakapagbayad ng hospitalization fees. Sa totoo lang, wala rin kaming magawa. Ngayon, maraming mga pasyente at kanilang pamilya ang may opinyon tungkol dito. Kailangan niyo nang
“Dario Moore, kung magta-trabaho ka para sa akin, makakahanap ako ng kayang magpagaling sa mga binti ng kapatid mo.” Walang sinabing kahit anong kalokohan si Harvey. Direkta siyang tumayo at pinatigil si Tyson Woods.Naiinis na tiningnan ni Dario si Harvey. Sinabi niya, “Sa palagay mo ba ay maniniwala ako dahil lang sinabi mo iyan?”Naglabas si Harvey ng isang name card na hinanda niya kanina at tinapon ito kay Dario. Mahina niyang sinabi, “Ito ang name card ni Dr. Ella Graves. Tawagan mo siya. Aayusin niya ang operasyon at ang pinaka magandang ward para sa kapatid mo. Huwag kang mag-alala sa mga gastusin. Ako nang bahala doon.”“Paano mo naayos iyo? Nagsisinungaling ka ba?” Hindi makapaniwala si Dario. Ang doktor ay ang vice president ng Niumhi Hospital, at isa siyang kilalang tao. Hindi magsasagawa ng operasyon ang taong tulad niya kung hindi hihigit sa one hundred fifty thousand dollars ang gastos sa operasyon. ‘Paanong naayos ng lalaking nasa harapan ko ang ganoon kalaking isyu?
Habang iniisip iyon, labis na pumangit ang facial expression ni Zack Zimmer.“Hindi, hindi ko pwedeng hayaang gawin ni Mandy ang mga gusto nya. Paano kung hiwalayan niya talaga iyon? Edi magkakaroon siya ng pagkakataong kalabanin ako para sa post! Hindi pwede! Kailangan kong maka-isip ng resolusyon!” Bahagyang napasimangot si Zack.“Madali lang iyan. Sabihin mo lang kay lolo na kritikal na oras para sa atin ngayong may kooperasyon tayo sa York Enterprise. Hindi natin kayang magkaroon ng kahit anong isyu dito sa mga Zimmer. Tapos ay pwede mong sabihin kay lolo na pagbawalan siyang maghiwalay. Gagana iyon, ‘di ba?” Mayabang na sinabi ni Quinn Zimmer. Pakiramdam niya ay napakahusay ng kanyang ideya.“Nasa katwiran iyan!: Nakahinga nang maluwag si Zack. Subalit, tila naging mapagmatyag ang kanyang tingin kay Quinn. ‘Mukhang hindi dapat minamaliit ang babaeng ito. Kailangan kong mag-ingat sa kanya sa hinahahap.’***Hindi nakita ni Harvey York si Mandy nang makauwi siya. Subalit, nakau