Natawa si Harvey sa eksena. "Mukhang maganda para sa'yong maranasan ang ganitong bagay." "Kahit papaano naging maingat ka sa lahat ng bagay.""Nabubuhay ka at natututo. Kung pareho pa rin ako ng ako sa nakaraan, namatay na ako nang hindi ko man lang nalalaman kung bakit sa ngayon," kalmadong sagot ni Selena. "Lalo na't natuklasan kong maraming tao ang gusto akong mamatay sa sandaling nagpasya akong imbestigahan ang insidente sampung taon ang nakalipas."Nanlaki ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Ibig sabihin nito ay marami-rami ring tao ang sangkot sa insidenteng iyon. Baka madamay ang buong Hong Kong at Las Vegas sa bagay na ito. Naningkit ang mga mata ni Harvey sa madilim na langit sa labas ng bintana. Isang bagyo ang paparating… Habang nag-uusap ang dalawa, isang magandang waitress ang nagtulak ng isang food trolley papasok sa kwarto. Magalang siyang yumuko kay Selena bago malambing na nagsabi, "Almusal niyo, Madam." "Ilatag mo rito.
Smash!Sa sandaling ibinato ni Harvey ang tasa, umiwas ang magandang waitress sa gilid. Malamig ang mukha niya. Alam niyang nabisto siya. Kinaway niya ang kamay niya nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos nito, lumipad ang mga pilak na karayom papunta kay Harvey. Kumuha ng napkin si Harvey at kalmado itong ibinato, na sumalo naman sa bawat isang karayom. Nang nakaramdam siya ng pagkakataon, yumuko ang waitress at nagpakita ng isang manipis na patalim sa kamay niya. Nagpunta siya kay Selena at tinutok ang patalim niya sa leeg ni Selena. Bang, bang, bang!Ngunit sa sandaling tinaas niya ang patalim, ang mukhang walang kalaban-labang si Selena ay bumunot ng isang nakatagong baril. Kaagad niyang pinindot ang gatilyo na nagpalipad ng anim na bala papunta sa katawan ng waitress nang hindi man lang humihinto. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Natarantang nanlaban ang waitress bago bumagsak sa lapag nang may masamang ekspresyon sa mukha niya. Hindi niya inasahan an
"Si Vince." Hindi nagdalawang-isip si Selena nang sumagot siya. "Sa buong pamilya, siya lang ang taong may karapatang kumilos laban sa'kin. Pwede rin siyang makahanap ng pagkakataong gawin ito nang hindi ko napapansin." "Hindi ko lang alam kung bakit gusto niya akong mamatay nang ganito kabilis." "Lalo na't malapit na niya akong maging opisyal na ina." Kumibit-balikat si Harvey. "Kaya sinasabi ko sa'yo na wala siyang karapatang maging makapangyarihan." "Hindi tayo makakasiguro," kalmadong sagot ni Selena. "Lalo na't tiyak na maapektuhan ng pag-iimbestiga ko tungkol sa insidente sampung taon ang nakalipas ang interes ng marami." "Hindi lang si Vince. Marami pang iba ang gusto akong mamatay." "Sayang nga lang. Kahit na kinamumuhian nila ako nang sobra, natatakot din sila sa'kin. Hindi sila magtatangkang labanan ako." "Kahit sa gusto nila o hindi, ako ang kasalukuyang lady ng pamilya ngayon." "Ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa loob ng buong pamilya."
Sa Victoria Harbor, biglang tumunog ang phone ni Vince sa sandaling umupo siya sa opisina niya. Paulit-ulit na nagbago ang ekspresyon niya pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Pagkatapos, isang masamang ekspresyon ang nanatili sa mukha niya. "Anong nangyayari? Nabigo rin ba ang pagpapapatay kay Selena?"Kaagad na dumilim ang mukha ni Vince. "Hindi lang yun, nahuli rin nang buhay ang killer mula sa House of Phantoms." "Sinabi sa'kin na walang malay ngayon ang killer. Wala pa silang nakukuha mula sa kanya.""Tinawagan na ni Selena si Lord York kaya magpapadala siya ng ilang interrogation experts." "Kapag umayon ang lahat sa plano nila, ikokonekta nila ang mga impormasyon sa'tin sa lalong madaling panahon.""Kahit na walang matibay na ebidensya, maaapektuhan nito nang matindi ang mga plano ko." "Baka mapigilan ako ng mga tsismis na maging makapangyarihan." Hindi napigilan ni Vince na hilutin ang sentido niya. Hindi niya inasahan na magiging ganito kagulo ang lahat. Puma
Ang tinaguriang Sentries of York ay katulad ng isang law enforcement agency ng mga York ng Hong Kong. Hindi lamang sila naatasang magbantay sa pinakamahalagang tao ng pamilya, ngunit responsable rin sila sa pagpupuksa ng mga panganib sa pamilya. Sa madaling salita, ang Sentries of York ay nakaatas sa mga marangal na trabaho… Ngunit kailangan rin nilang dungisan ang kamay nila. Upang mapanatili ang lakas ng organisasyon, bawat iisang miyembro nito ay kailangang lumaban sa labas ng bansa sa loob ng kalahating taon. Sobraang mapanganib sila, at bawat isa sa kanila ay may taglay na kakaibang lakas. Hindi makakalapit sa kanila ang mga karaniwang guwardiya ng mga York. Isang lalaking mukhang mabangis na may unat na buhok at nakasuot ng puti ang nangunguna sa limampung Sentries of York sa tapat ng villa. Si Harvey, na hindi pa lumalabas mula umaga, ay nakatayo sa tapat ng tarangkahan at pinanood ang mga ito nang interesado. Gusto niyang hintayin na magpakita si Vince, ngunit h
Subalit, tumayo si Harvey sa tapat at humarang sa daan ni Julian. Tinitigan ni Julian nang masama si Harvey habang nakasimangot."Wala akong pakialam kung sino ka." "Wala rin akong pake kung saan ka nanggaling." "Hindi nangangagat ang mababait na aso." "Kaya tabi!" Hindi nagalit si Harvey kahit narinig niya ang aroganteng tono ni Julian. Tinitigan niya si Julian nang nakangiti, interesado. "Hindi mo ako kilala?" "Ikaw ang pumigil kay Dean na patayin ang master mong si Akio sa likod ng Taiping Mountain forbidden area, tama?" "Malinaw na utusan ka niya, kung titingnan kung paano mo pinigilang mamatay si Akio." "At ngayon nagpapanggap kang hindi mo ako kilala?" "May punto ba ang usapang ito?" Nagalit nang sobra si Julian sa pang-iinis ni Harvey. "Manahimik ka!" Kumilos lamang si Julian at tinulungan si Akio upang bumawi kay Vince, tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya hindi niya inakalang mabubuking siya ni Harvey pagkatapos niyang magpakahirap na itago ang kany
"Ano? Hindi ka ba masaya dito?" Humakbang paharap si Harvey at tinapik nang ilang beses ang mukha ni Julian. "Kung hindi ka masaya, patayin mo na ako!" "May tapang ka ba para gawin ito?" Kumirot ang mata ni Julian nang makita niya ang pagiging kampante ni Harvey. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at binunot niya ang kanyang baril bago ito itutok sa noo ni Harvey. "Manahimik ka, Harvey!" "Sasabihin ko sa'yo…" "Teritoryo ito ng mga York!" "Sa teritoryo namin, gagawin mo ang gusto namin! Hindi mahalaga kung sino ka pa!" "Wala kang karapatang magyabang dito!" "Wala akong pake kung sinaktan ka nito, at wala rin akong pake kung balak mo siyang kastiguhin!" "Ito lang ang tanong ko sa'yo: ibibigay mo ba siya sa amin o hindi?!" "Kung hindi, huwag mo kaming sisihin kapag namatay ka!" "Alam kong marunong kang lumaban, pero kaya mo bang protektahan ang sarili mo mula sa mga baril na ito?!" Nasa limampung Sentries of York ang kaagad na tinutok ang kanilang baril
Ang Sentries of York ay napuno ng takot at pagkabigla. Samantala, si Julian ay galit na galit. Galit niyang kinumpas ang kanyang kamay at tumawa. "Dahil ayaw tayong igalang ni Harvey, huhulihin na lang natin siya!" "Patayin ang sinumang magpupumiglas!" Kumirot nang bahagya ang mga mata ngga sentry sa utos na ito. Natatakot sila ngunit kailangan pa rin nilang kumilos. Tinutok nila ang kanilang baril sa bawat mahinang bahagi ng katawan ni Harvey. Dahan-dahan silang lumalapit kay Harvey, para bang natatakot sila na baka biglang pumalag si Harvey at patayin sila sa isang iglap. "Sinabi ko bang pwede kayong gumalaw?" tanong ni Harvey nang kalmado habang naglalakad paharap. Kahit ang simpleng kaunting galaw mula sa kanya ay may matinding bigat. Isang malakas na aura ang mararamdamang dumidiin sa buong kalangitan, at napapayuko ang mga sentry. Para bang hindi nila magagawang tutukan ng baril ang taong ito. Lumala ang ekspresyon ni Julian nang makita niya ang kinikilos ng