Ang tinaguriang Sentries of York ay katulad ng isang law enforcement agency ng mga York ng Hong Kong. Hindi lamang sila naatasang magbantay sa pinakamahalagang tao ng pamilya, ngunit responsable rin sila sa pagpupuksa ng mga panganib sa pamilya. Sa madaling salita, ang Sentries of York ay nakaatas sa mga marangal na trabaho… Ngunit kailangan rin nilang dungisan ang kamay nila. Upang mapanatili ang lakas ng organisasyon, bawat iisang miyembro nito ay kailangang lumaban sa labas ng bansa sa loob ng kalahating taon. Sobraang mapanganib sila, at bawat isa sa kanila ay may taglay na kakaibang lakas. Hindi makakalapit sa kanila ang mga karaniwang guwardiya ng mga York. Isang lalaking mukhang mabangis na may unat na buhok at nakasuot ng puti ang nangunguna sa limampung Sentries of York sa tapat ng villa. Si Harvey, na hindi pa lumalabas mula umaga, ay nakatayo sa tapat ng tarangkahan at pinanood ang mga ito nang interesado. Gusto niyang hintayin na magpakita si Vince, ngunit h
Subalit, tumayo si Harvey sa tapat at humarang sa daan ni Julian. Tinitigan ni Julian nang masama si Harvey habang nakasimangot."Wala akong pakialam kung sino ka." "Wala rin akong pake kung saan ka nanggaling." "Hindi nangangagat ang mababait na aso." "Kaya tabi!" Hindi nagalit si Harvey kahit narinig niya ang aroganteng tono ni Julian. Tinitigan niya si Julian nang nakangiti, interesado. "Hindi mo ako kilala?" "Ikaw ang pumigil kay Dean na patayin ang master mong si Akio sa likod ng Taiping Mountain forbidden area, tama?" "Malinaw na utusan ka niya, kung titingnan kung paano mo pinigilang mamatay si Akio." "At ngayon nagpapanggap kang hindi mo ako kilala?" "May punto ba ang usapang ito?" Nagalit nang sobra si Julian sa pang-iinis ni Harvey. "Manahimik ka!" Kumilos lamang si Julian at tinulungan si Akio upang bumawi kay Vince, tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya hindi niya inakalang mabubuking siya ni Harvey pagkatapos niyang magpakahirap na itago ang kany
"Ano? Hindi ka ba masaya dito?" Humakbang paharap si Harvey at tinapik nang ilang beses ang mukha ni Julian. "Kung hindi ka masaya, patayin mo na ako!" "May tapang ka ba para gawin ito?" Kumirot ang mata ni Julian nang makita niya ang pagiging kampante ni Harvey. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at binunot niya ang kanyang baril bago ito itutok sa noo ni Harvey. "Manahimik ka, Harvey!" "Sasabihin ko sa'yo…" "Teritoryo ito ng mga York!" "Sa teritoryo namin, gagawin mo ang gusto namin! Hindi mahalaga kung sino ka pa!" "Wala kang karapatang magyabang dito!" "Wala akong pake kung sinaktan ka nito, at wala rin akong pake kung balak mo siyang kastiguhin!" "Ito lang ang tanong ko sa'yo: ibibigay mo ba siya sa amin o hindi?!" "Kung hindi, huwag mo kaming sisihin kapag namatay ka!" "Alam kong marunong kang lumaban, pero kaya mo bang protektahan ang sarili mo mula sa mga baril na ito?!" Nasa limampung Sentries of York ang kaagad na tinutok ang kanilang baril
Ang Sentries of York ay napuno ng takot at pagkabigla. Samantala, si Julian ay galit na galit. Galit niyang kinumpas ang kanyang kamay at tumawa. "Dahil ayaw tayong igalang ni Harvey, huhulihin na lang natin siya!" "Patayin ang sinumang magpupumiglas!" Kumirot nang bahagya ang mga mata ngga sentry sa utos na ito. Natatakot sila ngunit kailangan pa rin nilang kumilos. Tinutok nila ang kanilang baril sa bawat mahinang bahagi ng katawan ni Harvey. Dahan-dahan silang lumalapit kay Harvey, para bang natatakot sila na baka biglang pumalag si Harvey at patayin sila sa isang iglap. "Sinabi ko bang pwede kayong gumalaw?" tanong ni Harvey nang kalmado habang naglalakad paharap. Kahit ang simpleng kaunting galaw mula sa kanya ay may matinding bigat. Isang malakas na aura ang mararamdamang dumidiin sa buong kalangitan, at napapayuko ang mga sentry. Para bang hindi nila magagawang tutukan ng baril ang taong ito. Lumala ang ekspresyon ni Julian nang makita niya ang kinikilos ng
Kumirot ng bahagya ang mga mata ni Julian. Mukhang napagtanto niya rin ito. Kaagad niyang pinigilan ang kanyang galit at seryoso ng sinabi, "Tama, si Selena ang lady ng pamilya. Pero kung tama ang pagkakaalala ko, inakis na niya ang kapangyarihan niya noon dahil sa pagkawala ng kanyang anak." "Kung gusto mong patunayang lumabag kami sa patakaran, kailangan mong patunayan na siya pa rin ang Lady Judd at hindi isang hamak na babaeng may sakit." "Alam kong hindi ka basta susuko." Ngumiti si Harvey bago kumaway kay Abel. Nanigas sandali si Abel. Pagkatapos, dinala niya ang isang ginintuang badge at inilapag ito sa kamay ni Harvey. Hinampas ni Harvey ang badge sa mukha ni Julian nang buong lakas. "Idilat mo ang mata mo at tingnan mo nang maigi!" "Ito ang Lord Badge! Binigay ito ng Lord mo sa asawa niya!" "Ang badge nito ay kumakatawan mismo sa lord!" "Ngayon, paano ka namin paparusahan sa pagkalaban mo sa mga nakatataas sa'yo?" "Tingin mo ba basta ka na lang makakalaba
Mahinahon lang ang tono ni Harvey, ngunit may sapat itong lakas para i-pressure ang sinuman na nandoon. Ang mga elite ay takot na humakbang pasulong, lalo na ang kalabitin ang gatilyo. Wala sa kanila ang pinagdudahan ang lakas ni Harvey sa mga sandaling iyon. Lalo na, nagawa niyang patayin si Miyata. Hindi magiging mahirap para sa kanya na iligpit si Julian, na ang alam lang ay gumamit ng baril at hindi martial arts. Natauhan na din si Julian nung nakahandusay na siya sa lupa. Patuloy sa pagkibot ang kanyang mga mata, at ang kanyang mukha ay namimilipit at naging pangit. Hindi niya inaasahan na si Harvey ay ganito kabaliw. Ang lalaki ay malinaw na nasa alanganin, ngunit may lakas pa din ito ng loob na suntukin sa mukha si Julian! Higit pa dun, sinipa ni Harvey si Julian hanggang sa nakahandusay na ito sa lupa! Direktang tinitigan ni Julian si Harvey sa mga mata nito.‘Kaya mana pala ang isang malakas na lalaki na kagaya ni Vince ay takot sa lalaking ito…’‘Hindi naman
Kumalat ang pagnanasang pumatay sa buong paligid. Matapang ang mga mukha ng mga sentry, at mukhang handa na silang kumilos anumang oras. Ang mukha ni Julian ay tuluyan nang nawalan ng kulay. Halos hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili sa pagsigaw. Isang masamang ngiti ang namutawi sa kanyang mukha. “Ang lakas ng loob mo, Prince York!”“Ang lakas ng loob mo na baliin ang kamay ko?!”“Iyon lang naman ang kayang mong gawin!”“Hindi mo ko kayang patayin!”“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?”“Ibig sabihin nito ay takot ka!” “Hindi ka pwedeng makipaglaro sa akin!”“Ito lang ang masasabi ko sayo: kung may lakas ka ng loob, patayin mo ko ngayon din!” “Kung wala, sisiguraduhin ko na gagantihan kita!”“Pagkatapos ay huhulihin ko ang pumatay!” “Pwede mong tingnan kung may iba ka pang pagpipilian!” Isang baliw na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Julian.Malinaw na nabali ang kanyang kamay, ngunit ang masama niyang ekspresyon ang nagpamukha sa kanya na parang
“Aaaagh!”Walang bala na pumutok, pero maraming mga alipin sa garden villa ang sumigaw sa takot.Ang taktika ni Julian ay walang awa. Sinusubukan niyang takutin ang lahat na isipin na pababagsakin niya silang lahat kasama niya. Nakakatakot na kilos!Pero bago magsalita ang kahit sino, si Julian ay baliw na tumawa bago pinitik ang kanyang daliri muli.Clack!Ang elite na may bomba na nakadikit sa kanya ay kinalabit ang gatilyo muli.Walang bala ang pumutok, pero ang lahat mula sa garden ay sobrang kinabahan.Ang lahat ay sobrang takot sa kabaliwan ng mga Sentry ng York. Ang ilan ay umatras, pero sila ay takot na si Julian ay idadamay ang lahat sa libingan dahil sa kanilang ginawa.“Julian, hayop ka!” Nagalit si Abel.“Kung merong mangyari sa lady, tignan natin kung paano mo ito babayaran ito gamit ang iyong buhay.”“Hahahaha!”“Patay na tayong lahat kapag nangyari iyan! Hindi ko kailangan magbayad sa kahit ano!”“Patayin mo muli ako sa impyerno kung gusto mo!”Nagpakawala