"Si Vince." Hindi nagdalawang-isip si Selena nang sumagot siya. "Sa buong pamilya, siya lang ang taong may karapatang kumilos laban sa'kin. Pwede rin siyang makahanap ng pagkakataong gawin ito nang hindi ko napapansin." "Hindi ko lang alam kung bakit gusto niya akong mamatay nang ganito kabilis." "Lalo na't malapit na niya akong maging opisyal na ina." Kumibit-balikat si Harvey. "Kaya sinasabi ko sa'yo na wala siyang karapatang maging makapangyarihan." "Hindi tayo makakasiguro," kalmadong sagot ni Selena. "Lalo na't tiyak na maapektuhan ng pag-iimbestiga ko tungkol sa insidente sampung taon ang nakalipas ang interes ng marami." "Hindi lang si Vince. Marami pang iba ang gusto akong mamatay." "Sayang nga lang. Kahit na kinamumuhian nila ako nang sobra, natatakot din sila sa'kin. Hindi sila magtatangkang labanan ako." "Kahit sa gusto nila o hindi, ako ang kasalukuyang lady ng pamilya ngayon." "Ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa loob ng buong pamilya."
Sa Victoria Harbor, biglang tumunog ang phone ni Vince sa sandaling umupo siya sa opisina niya. Paulit-ulit na nagbago ang ekspresyon niya pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Pagkatapos, isang masamang ekspresyon ang nanatili sa mukha niya. "Anong nangyayari? Nabigo rin ba ang pagpapapatay kay Selena?"Kaagad na dumilim ang mukha ni Vince. "Hindi lang yun, nahuli rin nang buhay ang killer mula sa House of Phantoms." "Sinabi sa'kin na walang malay ngayon ang killer. Wala pa silang nakukuha mula sa kanya.""Tinawagan na ni Selena si Lord York kaya magpapadala siya ng ilang interrogation experts." "Kapag umayon ang lahat sa plano nila, ikokonekta nila ang mga impormasyon sa'tin sa lalong madaling panahon.""Kahit na walang matibay na ebidensya, maaapektuhan nito nang matindi ang mga plano ko." "Baka mapigilan ako ng mga tsismis na maging makapangyarihan." Hindi napigilan ni Vince na hilutin ang sentido niya. Hindi niya inasahan na magiging ganito kagulo ang lahat. Puma
Ang tinaguriang Sentries of York ay katulad ng isang law enforcement agency ng mga York ng Hong Kong. Hindi lamang sila naatasang magbantay sa pinakamahalagang tao ng pamilya, ngunit responsable rin sila sa pagpupuksa ng mga panganib sa pamilya. Sa madaling salita, ang Sentries of York ay nakaatas sa mga marangal na trabaho… Ngunit kailangan rin nilang dungisan ang kamay nila. Upang mapanatili ang lakas ng organisasyon, bawat iisang miyembro nito ay kailangang lumaban sa labas ng bansa sa loob ng kalahating taon. Sobraang mapanganib sila, at bawat isa sa kanila ay may taglay na kakaibang lakas. Hindi makakalapit sa kanila ang mga karaniwang guwardiya ng mga York. Isang lalaking mukhang mabangis na may unat na buhok at nakasuot ng puti ang nangunguna sa limampung Sentries of York sa tapat ng villa. Si Harvey, na hindi pa lumalabas mula umaga, ay nakatayo sa tapat ng tarangkahan at pinanood ang mga ito nang interesado. Gusto niyang hintayin na magpakita si Vince, ngunit h
Subalit, tumayo si Harvey sa tapat at humarang sa daan ni Julian. Tinitigan ni Julian nang masama si Harvey habang nakasimangot."Wala akong pakialam kung sino ka." "Wala rin akong pake kung saan ka nanggaling." "Hindi nangangagat ang mababait na aso." "Kaya tabi!" Hindi nagalit si Harvey kahit narinig niya ang aroganteng tono ni Julian. Tinitigan niya si Julian nang nakangiti, interesado. "Hindi mo ako kilala?" "Ikaw ang pumigil kay Dean na patayin ang master mong si Akio sa likod ng Taiping Mountain forbidden area, tama?" "Malinaw na utusan ka niya, kung titingnan kung paano mo pinigilang mamatay si Akio." "At ngayon nagpapanggap kang hindi mo ako kilala?" "May punto ba ang usapang ito?" Nagalit nang sobra si Julian sa pang-iinis ni Harvey. "Manahimik ka!" Kumilos lamang si Julian at tinulungan si Akio upang bumawi kay Vince, tulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya hindi niya inakalang mabubuking siya ni Harvey pagkatapos niyang magpakahirap na itago ang kany
"Ano? Hindi ka ba masaya dito?" Humakbang paharap si Harvey at tinapik nang ilang beses ang mukha ni Julian. "Kung hindi ka masaya, patayin mo na ako!" "May tapang ka ba para gawin ito?" Kumirot ang mata ni Julian nang makita niya ang pagiging kampante ni Harvey. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at binunot niya ang kanyang baril bago ito itutok sa noo ni Harvey. "Manahimik ka, Harvey!" "Sasabihin ko sa'yo…" "Teritoryo ito ng mga York!" "Sa teritoryo namin, gagawin mo ang gusto namin! Hindi mahalaga kung sino ka pa!" "Wala kang karapatang magyabang dito!" "Wala akong pake kung sinaktan ka nito, at wala rin akong pake kung balak mo siyang kastiguhin!" "Ito lang ang tanong ko sa'yo: ibibigay mo ba siya sa amin o hindi?!" "Kung hindi, huwag mo kaming sisihin kapag namatay ka!" "Alam kong marunong kang lumaban, pero kaya mo bang protektahan ang sarili mo mula sa mga baril na ito?!" Nasa limampung Sentries of York ang kaagad na tinutok ang kanilang baril
Ang Sentries of York ay napuno ng takot at pagkabigla. Samantala, si Julian ay galit na galit. Galit niyang kinumpas ang kanyang kamay at tumawa. "Dahil ayaw tayong igalang ni Harvey, huhulihin na lang natin siya!" "Patayin ang sinumang magpupumiglas!" Kumirot nang bahagya ang mga mata ngga sentry sa utos na ito. Natatakot sila ngunit kailangan pa rin nilang kumilos. Tinutok nila ang kanilang baril sa bawat mahinang bahagi ng katawan ni Harvey. Dahan-dahan silang lumalapit kay Harvey, para bang natatakot sila na baka biglang pumalag si Harvey at patayin sila sa isang iglap. "Sinabi ko bang pwede kayong gumalaw?" tanong ni Harvey nang kalmado habang naglalakad paharap. Kahit ang simpleng kaunting galaw mula sa kanya ay may matinding bigat. Isang malakas na aura ang mararamdamang dumidiin sa buong kalangitan, at napapayuko ang mga sentry. Para bang hindi nila magagawang tutukan ng baril ang taong ito. Lumala ang ekspresyon ni Julian nang makita niya ang kinikilos ng
Kumirot ng bahagya ang mga mata ni Julian. Mukhang napagtanto niya rin ito. Kaagad niyang pinigilan ang kanyang galit at seryoso ng sinabi, "Tama, si Selena ang lady ng pamilya. Pero kung tama ang pagkakaalala ko, inakis na niya ang kapangyarihan niya noon dahil sa pagkawala ng kanyang anak." "Kung gusto mong patunayang lumabag kami sa patakaran, kailangan mong patunayan na siya pa rin ang Lady Judd at hindi isang hamak na babaeng may sakit." "Alam kong hindi ka basta susuko." Ngumiti si Harvey bago kumaway kay Abel. Nanigas sandali si Abel. Pagkatapos, dinala niya ang isang ginintuang badge at inilapag ito sa kamay ni Harvey. Hinampas ni Harvey ang badge sa mukha ni Julian nang buong lakas. "Idilat mo ang mata mo at tingnan mo nang maigi!" "Ito ang Lord Badge! Binigay ito ng Lord mo sa asawa niya!" "Ang badge nito ay kumakatawan mismo sa lord!" "Ngayon, paano ka namin paparusahan sa pagkalaban mo sa mga nakatataas sa'yo?" "Tingin mo ba basta ka na lang makakalaba
Mahinahon lang ang tono ni Harvey, ngunit may sapat itong lakas para i-pressure ang sinuman na nandoon. Ang mga elite ay takot na humakbang pasulong, lalo na ang kalabitin ang gatilyo. Wala sa kanila ang pinagdudahan ang lakas ni Harvey sa mga sandaling iyon. Lalo na, nagawa niyang patayin si Miyata. Hindi magiging mahirap para sa kanya na iligpit si Julian, na ang alam lang ay gumamit ng baril at hindi martial arts. Natauhan na din si Julian nung nakahandusay na siya sa lupa. Patuloy sa pagkibot ang kanyang mga mata, at ang kanyang mukha ay namimilipit at naging pangit. Hindi niya inaasahan na si Harvey ay ganito kabaliw. Ang lalaki ay malinaw na nasa alanganin, ngunit may lakas pa din ito ng loob na suntukin sa mukha si Julian! Higit pa dun, sinipa ni Harvey si Julian hanggang sa nakahandusay na ito sa lupa! Direktang tinitigan ni Julian si Harvey sa mga mata nito.‘Kaya mana pala ang isang malakas na lalaki na kagaya ni Vince ay takot sa lalaking ito…’‘Hindi naman
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”