”Ang Head Coach ay mahusay na tao! Ang kanyang aura ay nagpapayanig sa buong mundo!”“Siya ay nabubuhay na alamat ng military force ng Country H!”“Ang lakas ng loob mo na tawagin ang sarili mo nito?!”“Hindi mo ba alam na dinungisan mo na ang pangalan na iyon sa pagsabi mo nito?!”Ang tingin ni Teal kay Harvey ay puno ng panlalait at sama ng loob.“Dahil dito, sobrang kinamumuhian kita!”“Kung hindi dahil sa pagpigil ko sa sarili ko na patayin ang mga inosente…”“Wala kang pagkakataon para makaalis mula dito!”Nagkibit balikat si Harvey.“Lahat ng sinabi ko ay totoo. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi.”“Hmph! Kung nagsasalita ka pa din ng ganito ngayon, ikaw ay talagang hindi na maaring maligtas pa.”Ang mukha ni Teal ay puno ng galit. Ang Head Coach ay malinaw na kanyang idolo. Hindi niya hahayaan ang kahit na sino na dungisan ang pangalan ng mahusay na taong iyon.Umatras siya at umangal ng nanlalamig, “Dakpin ang taong ito! Itapon siya palabas ng Hong Kong s
”Sabi ng mga tao na magaling ka magsalita. Nakikita ko na ito ngayon.”“Kung isang God of War mula Country H ay nagsabi sa akin nito, maniniwala ako sa kanya.”“Pero sanay ka na sa pagtraydor sa iba. Ang iyong pangako ay kalokohan lang!”“Sabihin mo sa akin. Paano ako maniniwala sayo ngayon?”“Ako ay mamamatay na matanda, pero alam ko na ang aking bansa at ang Country H ay dapat umasa sa isa’t isa.”“Totoo, merong ilang alitan sa pagitan namin. Pero ngayon, itong lahat ay ayos na!”“Sa kabilang banda, kaming mga mula Nanyang ay siguradong mabubuhay ng malala sa hinaharap kung ang mga Islander ay matutupad ang kanilang layunin. Tama ba ako?”Nagbuntong hininga si Akio ng makita niya na walang paraan para makumbinsi niya si Dean.“Kung gayon sinasabi mo na handa ka na maglakad sa landas na ito hanggang dulo?” Kalmado niyang tanong.“Kung iyan ang kaso, kung gayon halika!”“Ipadadala kita sa iyong kamatayan!”Nagpakita ng malagim na tingin si Akio kay Dean. Sa parehong oras, an
Clang!Walang magawa si Akio kung hindi ang ihampas ang kanyang espada para harangan ang atake ni Dean.Ang hampas ay sapat para pilitin si Dean na umtras, habang pinipigilan siya ng pagkakataon na mapatay si Akio.Gayunpaman, ang parehong paghampas ay pinilit si Akio na magsuka ng maraming dugo.Huminga siya ng malalim ng ilang beses para pigilan ang sakita, pero ang kanyang galit kay Harvey ay tanging patindi ng patindi.Nakita ang masamang ekspresyon ni Akio, sinabi ni Dean, “Ikaw ay hindi man lang kasing galing ni Miyata. Kaya niya kahit papaano na makipagpalitan ng atake kay Sir York.”“Pero ikaw?”“Hindi ka man lang makatanggap ng isa! Ikaw ay sobrang takot na sa kamatayan ni Miyata!”“Iyan ang dahilan bakit hindi mo naiwasan ang blade ni Harvey!”“At ngayon, ang kanyang blade ang papatay sayo!”Nanlamig na tumawa si Akio.“Isang random na aso lang si Harvey!”“Kung ako ay hindi umalis ng bansa ko ng nagmamadali at nadala ng damdamin…”“Ang batang iyon ay hindi magka
Dahan-dahang bumukas ang electric door ng kotse at nagmula roon si Vince. Naglakad siya sa ilalim ng ulan nang gamit ang itim na payong at papapunta sa Ferrari. Kinatok niya ang kotse para senyasan si Lexie na ibaba ang bintana. Mabilis na natauhan si Lexie. Nang nakita niya ang malambing na ngiti ni Vince, hindi siya sigurado kung anong dapat niyang maramdaman. Bumugso ang kumplikadong emosyon sa loob niya. Natagalan siya bago siya nagpasya na buksan ang pinto ng kotse. Kaagad siyang tumalon sa mainit na yakap ni Vince. "Nabigo ako, Vince," bulong niya. "Hindi ko siya makumbinsi at hindi ko rin siya kayang tapusin…" "Patuloy ko siyang tinatawag na basura…" "Pero sa puntong ito, kagaya ko lang siya…"Ang hindi alam ni Lexie, puno ng pagkamuhi ang mukha ni Vince. Sa kabila ng ekspresyon niya, marahan niyang hinaplos ang ulo ni Lexie. "Ayon sa balita ko, sumugod ang lalaking yun sa forbidden grounds ng Five Virtues Temple at nakita niya si Teal," kalmado niyang sabi.
"Kung talagang ganun, hindi pala talaga kita mapagkakatiwalaan!" "Sa lahat ng nagdaang taon, nagkamali ako ng tingin sa'yo!" Tinaas ni Lexie ang mukha niya at tinitigan nang masama si Vince nang may seryosong ekspresyon. Hindi niya inasahan na magwawala nang ganito si Young Lord York mismo para lang sa isang hamak na babae. "Hindi to tungkol sa pagiging padalos-dalos, Lexie. Alam ng buong Hong Kong at Las Vegas na nakatayo sa likod ko ang Five Virtues Temple," kalmadong sagot ni Vince. "Kahit na nagkataon lang na nagkita sina Harvey at Teal, guguho ang mahina nating alyansa sa Five Virtues Temple kapag may nagpasyang magpakalat ng tsismis tungkol dito. Mas posible ito lalo na sa katayuan ni Teal." "At saka, bilang isang lalaki, hindi ko hahayaan ang kahit na sino na dungisan ang dignidad ko!" "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa hayaan ang lalaking yun na makasama si Teal." Marahang hinaplos ni Lexie ang gwapong mukha ni Vince. "Mas gugustuhin mong mamatay?" bulong
Kumislap ang mga mata ni Vince. Pagkatapos ay bumulong siya sa tainga ni Lexie. "Kung tatapusin natin ang cheap kong ina, kailangan nating maging mas maingat." "Napakanakakapagduda niya nitong mga nagdaang ilang taon ngunit mahal na mahal pa rin siya ng fourth uncle ko." "May peak King of Arms pa siyang nakapalibot sa kanya sa bawat sandali." "Kung gusto natin siyang patayin, kailangan nating tiyakin na magtatagumpay tayo kaagad. Kung hindi, gagawa lang tayo nang mas maraming gulo para sa sarili natin." "Hindi naman magiging mahirap yun." Malambing na ngumiti si Lexie kay Vince bago tinawagan ang isang numero sa phone niya. "Ang number one killer organization ng Country H, ang House of Phantoms." "May utang sila sa'kin." …Sa sumunod na araw nang maagang-maaga. Pagkatapos magising mula sa presidential suite ng Three Seasons Hotel, napansin ni Harvey ang ilang text sa phone niya. Isa sa mga ito ay ang ulat sa kalagayan ni Akio mula kay Katy. Maliban sa matagumpay
Kahit na sinabi ng mundo na nawalan ng kaluluwa si Selena sa lahat ng nagdaang taon pagkatapos mawala sa kanya ang anak niya… Ngunit base sa matalas niyang pag-iisip at kakayahan na malaman kung anong nangyari nang napakabilis, mukhang nanumbalik ang lakas ng loob at determinasyon na mayroon siya sa kabataan niya. Lumingon si Selena kay Harvey nang matapos siyang magsalita na para bang gusto niyang malaman ang iniisip niya. Kumibit-balikat si Harvey. "Wag mong sabihing wala kang backups sa mga dokumentong to, Madam Judd," kalmado niyang sabi. "Meron," bulong ni Selena. "Pina-scan ko ang mga dokumentong to sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan kasama ng ilang mga hindi ko pwedeng kopyahin." Hindi napigilan ni Selena na hilutin ang sentido niya. "Kaya medyo nakakailang ang mga bagay ngayon," tahimik niyang sabi. "Pwede akong magpatuloy na mag-imbestiga, ngunit hindi ako makakapagdala ng pruweba kapag lumabas na ang lahat.""Walang ibig sabihin ang mga scanned documents
Natawa si Harvey sa eksena. "Mukhang maganda para sa'yong maranasan ang ganitong bagay." "Kahit papaano naging maingat ka sa lahat ng bagay.""Nabubuhay ka at natututo. Kung pareho pa rin ako ng ako sa nakaraan, namatay na ako nang hindi ko man lang nalalaman kung bakit sa ngayon," kalmadong sagot ni Selena. "Lalo na't natuklasan kong maraming tao ang gusto akong mamatay sa sandaling nagpasya akong imbestigahan ang insidente sampung taon ang nakalipas."Nanlaki ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Ibig sabihin nito ay marami-rami ring tao ang sangkot sa insidenteng iyon. Baka madamay ang buong Hong Kong at Las Vegas sa bagay na ito. Naningkit ang mga mata ni Harvey sa madilim na langit sa labas ng bintana. Isang bagyo ang paparating… Habang nag-uusap ang dalawa, isang magandang waitress ang nagtulak ng isang food trolley papasok sa kwarto. Magalang siyang yumuko kay Selena bago malambing na nagsabi, "Almusal niyo, Madam." "Ilatag mo rito.