Ang revolving restaurant na nasa top floor ng Niumhi Grand Hotel ay ang lokasyon din ng western restaurant. Ang mga nais na magpareserba ay kailangang mag-sign up para sa membership card. Kinakailangan ng isang linggo in advance para magpa-reserba.Ang elevator ay ang nag-iisang paraan para marating ang top floor at ito rin ang kauna-unahang beses na nandito si Harvey York.Samantala, hiniling ni Harvey kay Willa White na umalis at huwag silang abalahin. Pumunta naman si Ella Graves sa washroom para ayusin ang kanyang makeup. Medyo nainip si Harvey habang nakatayo sa harap ng elevator.Sa sandaling ito, isang pigura na naka-suit ang biglang huminto sa harap ni Harvey. Matapos sandaling tingnan si Harvey mula ulo hanggang paa, nakasimangot siya at tinanong, "Harvey, bakit ka nandito?"Napasimangot si Harvey. Zack Zimmer iyon na nakatayo sa harapan niya, at sa tabi niya ay isang babaeng may 'plastic' na mukha.Medyo hindi naka-imik si Harvey. ‘Nagpunta lang ako dito para kumain. Bak
Nang makita kung paano nagbago ang reaksyon ng lahat, natuwa si Zack Zimmer sa sarili siya.Hindi pa rin siya nakaka-recover mula sa kanyang galit sa pagkabigong ligawan sina Yvonne Xavier at Wendy Sorell ilang araw na ang nakalipas.Napakaswerte niya na makita niya si Ella Graves - isang dyosa na may kurbadang katawan at nakaka-akit na mukha, syempre hindi niya papakawalan ang pagkakataong ito!Sa wakas ay itinaas ni Ella ang kanyang ulo at tinitigan si Zack saka nagtanong, "Kahit ano?"Itinuro ni Zack ang VIP elevator na hindi kalayuan sa kanila at sinabi, "Miss Pretty, maghahapunan ako sa Western restaurant sa top floor, tsaka pinai-book ko ang pinakamagandang puwesto, pwede ba kitang yayaing mag-hapunan?"Nang hindi man lang hinintay ang sagot ni Ella, nagmadaling sumugod ang babaeng may plastik na mukha sa tagiliran ni Zack. "Mr. Zimmer, wala akong pakialam kung pakikipag-landian ka sa ibang mga babae, pero ako mismo ang inimbitahan mong lumabas para mag-hapunan ngayong gabi
Ngumuso si Zack Zimmer. "Harvey York, gaano ka kagaling sa pagmamayabang, bago ito ay ipinagyabang mo na ikaw talaga ang CEO ng York's Enterprise, at ngayon sinasabi mo na kaming mga Zimmer ay hindi kwalipikado na ipareserba ang spot na kinukuha mo? Sino ka ba sa akala mo? Kung ganoon ka nga kagaling, paanong isa ka pa ring live-in na manugang sa pamilya Zimmer? ""Ganoon man ako kagaling o hindi ano'ng pakialam mo? Ano ngayon sa'yo kung saan ko man gustuhing mag-dinner? Mind your own business. "Malamig na sumagot si Zack, "Ako ang vice CEO ng family business ng pamilya Zimmer, hindi ba ako pwedeng makialam kung may pangahas na gumagastos ng pera namin para mag pick up ng mga babae?"Nakita kung paano pinasaringan si Harvey nang maraming beses, sinuggest niya, "Harvey, bakit hindi na lang tayo kumain sa iba?""Hindi na kailangan iyon, kumakain na tayo dito." Nagdecide si Harvey na huwag nang pansinin ang mga kalokohan ni Zack at hinatid si Ella Graves sa elevator."Okay, tingnan
Nang makita niya kung paano nag-usap at nagtawanan sina Harvey York at Ella Graves sa VIP area, naging malamig ang mukha ni Zack Zimmer na parang yelo.Ang lakas ng loob ng live-in na manugang na ito na pikapin ang mga babae sa kanyang paningin at gumastos ng napakaraming pera mula sa bulsa ni mga Zimmer, sigurado akong sisipain niya ngayon si Harvey palabas ng pintuan.***Si Mandy Zimmer, na nagpapahinga sa silid pagkatapos ng hapunan, ay narinig na nag-ring ang kanyang telepono."Zack, gabi na ah, ano ang kailangan mo?" Malamig na sinagot ni Mandy ang tawag.Bihirang tawagan siya ni Zack dahil hindi sila gaanong magkasundo."Mandy, hindi mo kasama sa bahay yang basurang kinakasama mo, di ba?" Pagnguso ni Zack."Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang kinalaman nito sa iyo? " Hindi pa naging ganoon kalamig at kamanhid si Mandy kahit sa mga tawag."Dati kasi wala itong kinalaman sa akin, ngunit ang live-in na manugang ng mga Zimmer ay nagdala ng babae sa Niumhi Grand Hotel gamit an
Si Shirley Ryan ay nataranta at nagsalita, "Senior, na-misunderstood mo ako, hindi ako naging close sa iyo kung kaya't hindi ako nagsalita ng maayos, ngunit pagkatapos na mas nakilala kita nitong mga nagdaang araw nalaman ko na ikaw pala ay isang mabuting tao at tinatry kong tanggapin ka kung sino ka. ""See, sinamahan pa kitang mag-dinner, mas magagandang araw ang naghihintay sa atin, bitawan mo ako ngayon din, pwede ba? Pwede tayong magsalo ng hapunan. "Sinubukan ni Shirley na magmukhang kaawa-awa sa kanya, hindi na siya ang babaeng kakatapos lamang ng kolehiyo, sa loob ng maraming taon na inimulat ang sarili sa realidad ng working industry alam na alam niya na kung hindi siya aastang masunurin, baka madala siya ng kapusukan at makagawa ng bagay na mas masahol pa sa paghawak sa kanya.Lumapit si Jerry Zabel at humirit. “Sinusubukan mong tanggapin ako? Matamis kang magsalita, Shirley! Kung hindi ko nakamit anumang mayroon ako ngayon magagawa mo kayang tingnan ako sa mga mata? Kayo
Namula agad ang mukha ni Shirley Ryan. Hindi na siya bata, paanong hindi niya malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi pa siya sinagip ni Harvey York. Nang ‘di malaman kung ano ang isasagot, napakagat-labi na lang siya."Harvey, binabalaan kita, kapag nangahas ka pang hawakan ako kahit minsan titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan!" Sa wakas ay naibangon na ni Jerry Zabel ang kanyang sarili kahit umiika habang binubulyawan si Harvey.Ang isang live-in na manugang, na minamaliit ng lahat, naghuhugas ng paa para sa kanyang biyenan, naglinis ng banyo ng bahay, ay nangahas na hawakan siya. Napakarami niyang paraan upang mapilitan si Harvey na magmakaawa para sa kanyang buhay!Sa huli…Swoosh!Sunod niyang namalayan, sinampal na ni Harvey si Jerry ng malakas sa mukha nang siya ay nahihilo na may pulang markang namamaga sa kanyang pisngi."Ikaw ... sinampal mo ako ..." Galit na galit si Jerry.Nataranta si Shirley, may mga tsismis na matapos maging live-in na manugang si Harvey,
Pagkatapos ng humigit-kumulang sampung minuto, isang itim na Mercedes Benz S-class ang huminto doon. Pagkatapos noon, isang lalaki na naka white suit ang dahan-dahang lumabas sa sasakyan.May dalawang bodyguard sa likuran nila. Para silang mabangis. Sa unang tingin, tila bihasa sila sa pakikipaglaban.Ang tagapagmana ng mga Brooke, si Kane Brooke, ay napakalakas ng loob na banggain kahit ang York Enterprise dahil lamang sa pag-aakalang kakampi niya si Liam Stone.Matapos ang pagtitipon ni Mandy Zimmer sa mga oras na iyon, nakatanggap ang mga Brooke ng matinding leksyon mula kay Liam. Ngayon, iniinda nila ang medyo malaking pagkawala.Mayroon daw kasabihan na kahit isang payat na kamelyo ay mas malaki kaysa sa isang kabayo. Bagaman ang mga Brooke ay medyo miserable kamakailan lamang, sila pa rin ay higit na nakaka-angat kaysa sa ordinaryong tao kahit nakaranas sila ng sunud-sunod na pagkalugi sa larangan ng negosyo.Kamakailan, maraming bagay ang di umayon sa kanila. Samakatuwid, s
Bahagyang hindi naka-imik si Harvey. ‘Anong klaseng ng perception iyon? Hindi kaya may sakit na sa pag-iisip si Jerry Zabel?'Ngunit bago pa siya makapagsalita ng kahit ano, nagsimula nang mawalan ng pasensya si Kane Brooke.Pagkatapos ay kaswal niyang hinubad ang kanyang coat at itinapon sa isang bodyguard sa tabi niya. Mahinang niyang sinabi, "Sino iyan? Wala akong pake kung sino ka. Mawala ka na ngayon. Huwag mong sirain ang kasiyahan ko. Kung hindi, papatayin kita sa mamaya."Habang sinasabi niya iyon, binaling niya ang kanyang tingi sa isang bodyguard na nasa likuran niya. Naintindihan ng bodyguard na iyon kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung kaya, naglabas ang bodyguard ng isang tumpok ng asul na banknote at tinapon ito sa lupa.Para sa isang mababang taong tulad nito, maraming karanasan si Kane. Kailangan lang niyang bahagyang bantaan sila at bigyan ng pera. Pagkatapos, alam na alam na ng taong iyon ang dapat o hindi niya dapat sabihin.Nang gabing iyon, nagpunta siya roo