Share

Kabanata 2493

Author: A Potato-Loving Wolf
Humipak si Black Dog sa kanyang sigarilyo pagkatapos lumapit habang nakatingin kay Harvey York na umiinom ng tsaa.

Si Kamishita ay nakahiga sa sahig na parang isang patay na aso sa harapan ni Harvey, nangingisay.

Nang maubos ni Harvey ang kanyang tsaa, tumingin siya sa taas at sinulyapan si Black Dog.

“Ikaw ba ang tauhan ng Briewood Gang?” kalmado niyang tanong.

“Oh! Kilala mo pala ako?” sigaw ni Black Dog nang may kakaibang tono habang nakangiti.

“Dahil alam mong mula kami sa Briewood Gang, bakit ka pa nagyayabang sa harap namin?!

“Siguro maganda ang pinagmulan mo!

“Malakas ka rin siguro!

“Tara. Tara. Sabihin mo sa akin ang tungkol sa mga pwersang sumusuporta sa’yo. Tingnan natin kung matatakot mo ako!

“Kapag hindi mo nagawa, hindi ka makakalabas nang buhay!”

Sumenyas si Black Dog habang nagsasalita. Umabante ang mga tao ng Briewood Gang habang tumatawa.

Natural, naniniwala silang walang lakas si Harvey na pigilan ang Briewood Gang.

“Talagang nakakatuwa kayong mga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2494

    Nagulat nang sobra ang mga tao ng Briewood Gang sa nakita nila. Bigla silang nanlumo. Sinampal pa ng ilang babae ang kanilang sarili para masigurong hindi sila nananaginip! 'Binali ng isang tao ang magiting na Hydra Badge?' Sa sandaling ito, marami sa kanila ang mababaliw na. "G*go ka! Sino ka ba sa tingin mo?!" "Alam mo ba ang ginawa mo?!" "Gusto mo bang mamatay?!" Nang mahimasmasan si Black Dog, tumagaktak ang malamig na pawis sa kanyang likod habang sumisigaw siya sa galit. Nakita niya ang isang tao na hatiin sa dalawa ang badge sa harap niya. Kapag nakatakas si Harvey York ngayon, agad siyang papatayin kapag bumalik siya kay Carol Parker.“Gusto ko na bang mamatay?”Mahinahong nagsalita si Harvey.“Sa tingin ko ikaw ang gusto nang mamatay.“Sinusubukan mo akong paluhurin gamit ang isang walang kwentang badge?“Mga ignorante lang ba talaga ang mga tao mula sa Briewood Gang o sadyang mayabang lang kayo?“Iniisip niyo ba mga hari kayo?“Bumalik na kayo kay Carol

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2495

    Bang!Umabante si Edward Mendoza at tinapakan ang ulo ni Black Dog.“Sinabi ba ni Sir York na pwede ka nang umalis?” Mahinahon na sinabi ni Edward.Malinaw na, sa mga mata ni Edward, ang mga taong ito ay kailangan magdusa ng malaking kawalan dahil sa pagkalaban nila kay Harvey York.Walang sinuman ang pwedeng pumunta at umalis ng gusto nila dito. Pilit na nagpupumiglas si Black Dog sa sahig habang ang kanyang ulo ay nakapirmi sa sahig. Sinubukan niya itaas ang kanyang ulo para panlisikan si Harvey habang sinisigawan ito.“Ang lakas naman ng loob mo na saktan ako, Bata?!“Hindi mo ba alam na parte ako ng Bierwood Gang?!“Hindi mo ba alam na ako ang pinaka pinagkakatiwalaan na tauhan ni Carol Parker?!Naisip mo ba ang tungkol sa kahihinatnan ng pagbastos mo at pananakit mo sa akin ng ganito?!” Tumayo si Harvey at nilapitan si Black Dog habang nagpapakita ng interes.“Tanga ka ba? Hindi mo ba kayang mag-isip kahit na isang segundo?”“Bakit nagpapakitang-gilas ka pa din hangg

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2496

    Ang isang dosenang Brierwood Gang elites ay lumabas habang pinanlilisikan si Harvey york, na umiinom ng kanyang tsaa.Kung nakakamatay lang ang tingin, namatay na ng ilang libong ulit si Harvey sa mga oras na iyon.Wala naman imik si Carol Parker.Sa isang kumpas ng kanyang kamay, ang Brierwood Gang ay kaagad na huminto sa kanilang paggalaw.Mula dito, sapat na ito para makita ang reputasyon ni Carol sa loob ng Brierwood Gang at ang kontrol na meron siya sa kanyang mga tauhan.Humakbang ng ilang beses si Carol at pinulot ang nahating Hydra Badge.Pagkatapos paglaruan ang badge na hawak niya, saka niya tiningnan si Harvey bago nagpakita ng isang mababaw na ngiti.“Ikaw ang humati sa dalawa ng Hydra Badge?”Nakakaakit ang ngiti ni Carol, pero may nakatagong pagnanasa na pumatay sa likod ng kanyang kagandahan.“Tama ka,” mabilis na tugon ni Harvey.“Kung ganun ay isa itong peke, tama? Hindi ko nga kinailangan na ibuhos ang lahat para lang mahati ito sa dalawa. Dapat nga ay pasal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2497

    “Nakakapanghinayang lang na ang tanong mo ay hindi bahagi ng problema.” Kaswal na ininom ni Harvey York ang kanyang tsaa habang inabot kay Edwin Mendoza ang isang teacup. “Gusto ko lang malaman kung paano mo ipapaliwanag sa akin ang tungkol sa pag-droga mo sa kaibigan ko. “Luluhod ka ba? O gusto mong mamatay na lang?”“Lumuhod?“Mamatay?”Nagpakita ng isang matamis na ngiti si Carol Parker habang nakatingin kay Harvey at nagsasalita ng pabiro.“Baka nagkakamali ka ata, Bata?“Drinoga ko ang kaibigan mo?“Isang malaking karangalan para sayo na magkaroon si Young Master Takei ng interes sa kaibigan mong babae!“Ang babaeng ito ay talaga namang pinagpala! Nauunawaan mo ba iyon?! “Dapat ay nagpapasalamat ka pa nga na binigyan siya ni Young Master Takei na paglingkuran siya! Dapat ay lumuhod ka bilang pasasalamat bilang pagpapakita ng iyong sinseridad!“Ito ang dapat ginagawa mo!“Hindi ka dapat umasta na para bang gusto mo nang mamatay. Nauunawaan mo ba?”Tiningnan ni Car

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2498

    Walang pakialam na naglakad si Old Man Zummo bago naningkit ang mga mata niya kay Carol Parker. "Ms. Parker, kailangan mong bigyan ang mga Hamilton ng patas na pahayag tungkol sa insidenteng ito. "Kung hindi, hindi kami magdadalawang-isip na nakipaglaban sa Briewood Gang." Naglakad si Naoto Takei papunta kay Carol at tahimik na nagtanong, "Ms. Parker, may espesyal bang pagkatao ang babaeng to?""Espesyal?" Isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa labi ni Carol. "Syempre meron. Isa siyang miyembro ng mga Hamilton." “Isang anak ng mga Hamilton?!' Hindi nakaramdam ng takot si Naoto pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Sa halip ay nasabik siya. Sa sandaling ito, gusto niyang tumalon kay Zina Hamilton at lamunin siya nang buo. "Ms. Hamilton, Butler Zummo, ang lahat ng ito ay isa lamang hindi pagkakaunawaan." Naningkit ang mga mata ni Carol sa matapang tignan na si Zina at Old Man Zummo habang nagpapakita nang maliit na ngiti. "Masyadong maraming nainom si Young Ma

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2499

    "Limang bahagi? Gusto mo ring baliin ang ari niya?"Isang malarong ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Carol Parker. "Wag kang masyadong magpadalos-dalos, Zina Hamilton. "Wag kang magpanggap na hindi ka biktima dito! Iniisip mo ba talaga na wala kang kasalanan?! "Sa tingin mo natatakot ako sa mga Hamilton dahil matapang ka?! "Ano bang makukuha mo sa paglaban mo sa'kin?!"Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Carol sa sandaling ito. "Bibigyan kita ng isang minuto!" Hindi pinansin ni Zina ang sumbat ni Carol. "Kayo mismo ang gagawa o ang mga tao ko ang gagawa nito para sa inyo!" malamig na sigaw ni Zina. Kaagad na nagdilim ang mukha ni Carol. Hindi niya inasahan na hindi man lang siya rerespetuhin ni Zina. "Hindi mo ba kilala kung sino si Young Master Takei?! Siya ang top talent ng Shinkage Way!" sabi ni Carol. "Naisip mo ba kung ano ang Shinkage Way?!"Isa sila sa Six Schools of Martial Arts mula sa Island Nations. Ang katayuan nila ay kapantay ng sa five hidden f

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2500

    Sa sandaling ito, nahimasmasan si Carol Parker. Nanginig ang mga mata niya habang nakatingin sa nakakatakot na eksena. "Anong ibig sabihin nito, Zina Hamilton?!" sigaw niya. "Hindi mo ba babaguhin ang isip mo?! "Gusto mo ba ng away?! "Gusto mo ba talaga na maghiwalay tayo ng landas?!" Nanatiling kalmado si Zina. "Old Man Zummo, pilayin mo si Naoto Takei," malamig na sabi ni Zina. Bahagyang tumango si Old Man Zummo at kumaway. Kaagad na tumalon ang mga fighter ng Hamilton pagkatapos nito. Matindi ang tensyon sa pagitan ng parehong panig, handa silang lumaban sa kahit na anong sandali. "Tigil!" Nang malapit nang magsimula ang laban, narinig ang isang sigaw mula sa entrance. "Huminto kayo ngayon din!" May nagtanggal ng safety ng isang baril at bumaril sa langit. Gulat na gulat ang madla. Isang grupo ng taong nakasuot ng tradisyonal na damit ang pumasok sa loob ng kwarto. Ang nauunang lalaki ay napakagwapo. Naningkit ang mga mata ni Harvey bago kinuha ang ph

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2501

    “Brother York!”Mukhang malapit si Zina Hamilton kay Vince York. "Hindi naman sa gusto kong gumawa ng gulo, pero ang walang hiyang h*yop na yan, si Naoto Takei, drinoga niya ko!" sigaw ni Zina habang kagat ang labi niya. "Maski si Carol Parker ay kinampihan siya! "Mali ba na manghingi ako ng hustisya?" Nagbago ang ekspresyon ni Carol ilang sandali bago siya yumuko. "Young Lord York, isa tong hindi pagkakaunawaan. "Para ipakita ang katapatan namin, handang kami ni Young Master Takei na humingi ng tawad at magbayad ng danyos, pero balak pang kapunin ng babaeng to si Young Master Takei gamit ng impluwensya ng pamilya niya! "Alam mo dapat na isa tong napakasamang paraan para tratuhin ang isang lalaki, Young Lord York! "Kaya ako…" "Sige. Kayong dalawa, manahimik kayo." Kumaway si Vince habang naglalabas ng mabigat na aura nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "May nagsabi na sa'kin kung anong nangyari. "Pareho kayong mali ni Naoto, Carol. "Kapag dinungisan

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5297

    Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5296

    ”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5295

    "Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5294

    Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5293

    Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5292

    Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5291

    Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5290

    Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5289

    Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status