Naisip ni Garry Duncan na malamang ganito ang mangyayari. Si Harvey York ay isa lang alagaing lalaki.Ginamit nito si Yona Lynch upang pigilan si Garry noon.Ngunit pagkatapos gumawa ng ganito kalaking gulo, kailangan pa rin nito ang tulong ni Rachel Hardy para ayusin ang sitwasyon.Nasampal na siguro hanggang mamatay si Harvey kung titingnan sa manipis nitong braso at binti kung hindi dahil kay Rachel. Ang pagkabigla sa magandang mukha ni Hazel Malone ay naging matinding pandidiri. Hindi niya inakalang gagawin ni Harvey ang ganitong bagay. Makikitang hindi sapat ang isang babae para sa kanya, kaya nagpaalaga siya sa iba. Ang tawagin si Harvey na hari ng mga alagaing lalaki ay hindi ensaherada. Sila Yona, Chief Leonard Bray, Aiden Bauer at ang iba ay kalmadong nanonood sa nangyayari.Alam nila ang lakas ni Rachel, at ang lahat ng ito ay isa lamang maliit na pagsubok para sa kanya.Tinitigan nang masama ni Yvonne Xavier si Alec at sumgiaw, “Sumosobra ka na, Mr. Cloude!” H
kaagad na naliwanagan si Rachel Hardy sa mga sinabi ni Harvey York. Kaagad niyang hinarang ang mga atake gamit ng kanyang kanang kamay. Bang bang bang bang!Tuluy-tuloy na nagbabanggaan ang mga kamao, nagpapadala ng alon sa buong lugar. Kahit na ang kakayahan ni Rachel ay mas mahina kumpara kay Yin at Yang, sa ilalim ng gabay ni Harvey, gumalaw nang parang anino ang kanyang mga kamay at hinarang ang bawat atake ng kalaban. Naging interesado si Alec Cloude habang pinapanood ang laban. Gusto niyang paglaruan pa lalo si Rachel na para bang nakikipaghabulan. Ayaw niyang ibuhos ng mga tauhan niya ang buong makakaya nito. Bang bang bang!Medyo bumibilis na ang magkabilang panig. Higit isang dosenang beses nang nagkatamaan sila Rachel at ang kalaban. Masaabing si Yin at Yang ay magagaling na propesyonal. Gusto silang talunin ni Rachel, ngunit magiging mahirap itong gawin sa ngayon.“Kasinlakas sila ng mga Kings of Arms…”Hindi nagtagal ay may natukoy si Harvey. Ang lakas ng da
"Ano?!"Napalunok sila Hazel Malone pagkatapos nila itong makita. Hindi nila inasahang magiging ganitong nakakatakot ang galing ni Rachel Hardy. At anong nangyayari kay Harvey York?Para bang binibigyan niya ng panuto si Rachel tuwing nagsasalita siya! Si Rachel ang pinakamahusay sa Longmen ng Mordu, kaya paano niya nagawang utusan ito? Ngunit nandoon ang katotohanan. Malinaw na si Yin at Yang ay parehong nakakatakot na kalaban. Ngunit sa ilalim ng patnubay ni Harvey, madaling natalo ni Rachel ang dalawang ito. Ang dalawang sampal sa huli ay sobrang nakakagulat. "Maswerte lang siya! "Tingin ba niya isa siyang God of Wat? Bakit siya nagpapanggap ngayon na nag-uutos siya?" Makikita ang determinasyin sa mukha no Garry Duncan. May karapatan man lang ba si Harvey na utusan si Rachel? Siya na sana ang pinakamagaling sa batang henerasyon kung kaya niya. Sana hindi siya natitinag! Kahit paano itong tingnan ni Garry, tingin niya ginagamit lang ni Harvey ang pagkakata
”Atsaka, nakikipaglaro lang ako sayo noong huling laban.”“Kailangan ko lang na gumawa ng oras…”Mabangis na mga yapak ang narinig mula sa labas sa sandaling ito!Kagustuhang pumatay ang kumakalat papasok!Mga nasa isang daang tao na may baril ang pumasok, tuluyang pinalibutan ang hall ng mahusay.Si Benjamin Lynch, Zeke Smith, Otis Kyle at iba pang opisyal ng gobyerno ay napilitang lumabas.Kahit ang ekspresyon ni Benjamin ay nagbago kaunti matapos makita ang tanawing ito.Walang nagakala na merong ganitong pagbaliktad sa mga pangyayari ng araw na iyon.Ang mga may baril ay talagang pinahinnto ang buong lugar!Ang dami tulad nito ay talagang nakakatakot!“Ang lakas ng loob mo?!”Habang ang second-in-command at miyembro ng pamilya Smith, si Zeke ay hindi lang tatayo ng basta basta at papanoorin ang palabas.Humakbang siya paharap at galitt na tumitig kay Alec Cloude.“Ano ang gusto ng Little Dwelling sa amin, Alec?!” Nanlalamig na sinabi ni Zeke.Isang masamang ngiti ang
”Bawat isa sa mga shooter ko ay kahit papaano meron isang daang pala sa kanilang mga baril. Kapag kinalabit nila ang gatilyo ng sabay sabay, gaano karami sa tingin mo sa inyo ang talagang mabubuhay?”Ang ekspresyon ng mga tao ay biglang nagbago matapos marinig ang mga salitang iyon.Si Chief Leonard Bray, na nakaupo sa pangunahing lamesa, ay tumayo at nanlalamig na sinabi, “Tumigil ka na sa pagyayabang!”“Opisyal ng gobyerno, tao mula sa mga top pamilya at malalaking tao mula sa underworld ang lahat nandito, Alec Cloude!”“Maglalakas ka ba na bastusin ang marming mga tao ng sabay sabay?!”“Gusto bang mamatay ng Little Dwelling o kung ano man?!”Bang!Hindi nagsayang si Alec ng oras at kinumpas ang kanyang kanang kamay. Tapos isang shooter ang tinutok ang baril nito kay Chief Leonard at kinalabit ang gatilyo ng walang pagdadalawang isip.Pfft!Ang kaliwang braso ni Chief Leonard ay kaagad nabaril. Ang kanyang mukha ay talagang nawalan ng kulay habang nagpapakita gg masamang eks
Matapos marinig ang mga salitang ito, si Hazel Malone at iba pa at natawa.Ang matanda ay naghahanap pa din ng live-in son-in-law kahit sa sandaling ito!Si Harvey York ay talagang walang masabi. Siya ay meron ng asawa. Kung kumalat ang balita tungkol sa pagtanong ni Jaden Smith sa kanya na maging live-in son-in-law, talagang walang paraan para kay Harvey na magawang bigyan siya ng paliwanag.Kaagad na umiling si Harvey.“Senior Smith, pagusapan natin ito mamaya.”“Asikasuhin muna natin ang problema ngayon gabi.”Ngumiti ng malaki si Jaden.“Malaki ang problema ni Yvonne Xavier at ang ibang bagay ay simple lang.”“Kalimutan mo na ito. Tutal kayong mga bata ay makapal ang mukha, pagusapan natin ang tungkol dito matapos asikasuhin ang problema ngayong gabi kung gayon.”Tumingin si Jaden kay Alec Cloude, na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya.“Bata mula sa pamilya Cloude. Alama mo na naghanda ako ng piging ng kaarawan ngayong gabi, pero nagdala ka ngg kabaong dito para bastus
”Hindi ba’t umaasa ang matanda sayo?”“Gumalaw ka. Kung baliin mo ang leeg niya at itapon ang bangkay niya sa kabaong, pinapangako ko na hindi kita papatayin. Paano kung ganito?”“Kung hindi ka sumunod, uutusan ko ang mga tao ko na barilin ka sa kinatatayuan mo!”“Huwag kang mangarap na umiwas. Kung gagawin mo, papatayin ko muna ang iba!”Sinasabi ito, tinaas ni Alec Cloude ang kanyang kamay at gumawa ng simpleng senyas. Sa sumunod na segundo, lahat ng kanyang mga tauhan ay tinutok ang kanilang mga baril kay Harvey.Ang safety ay nakatanggal at lahat sila ay handa na bumaril para pumatay.Sa nakakakilabot na eksena, ang mga mukha ng mga bisita sa banquet ay kaagad na namutla. Marami ang alam kung gaano kawalang awa at mabangis si Alec Cloude.Kung iiwas si Harvey sa padating na mga bala, sila ang siyang magbabayad gamit ang kanilang mga buhay!Si Benjamin at kanyang mga tauhan ay nakasimangot, nalululngkot sa pangyayari ng mga bagay.Wala sa kanila ang makakasiguro kung ang im
Ang mga shooter ni Alec ay nilagay ang daliri sa gatilyo, handa na kalabitin ito. Sa sandaling iyon, ang tingin ni Harvey ay kaswal na tumingin sa kanila.Sila ay nanigas, nanlumo at takot, sobra na sila ay hindi nagawang igalaw ang kanilang mga daliri.Sa sandaling iyon, kunha ni Rachel ang pagkakataon para sumugod paharap sa bilis na makakaya niya. Nakakasilaw ang kanyang bilis.Sa mundo ng martial arts, bilis ang tumutukoy sa panalo.Ang kanyang atake ay mukhang umikot sa mundo sa isang iglap, kinuha ang atensyon ng lahat.Slap!Ang kanyang malakas na sampal ay malutong na tumama sa mukha ni Alec.Ang epekto ay pinatalsik si Alec sa ere. Ang kanyang katawan ay bumagsak at humampas sa Mount Tai Stone sa malayong dulo ng entrance ng hall.Pula ang lumabas sa kanyang ilong at bibig na parang waterfall at ang kanyang leeg ay napihit sa masamang paraan. Walang sino ang makakapagsabi kung siya ay buhay o patay…Si Rahel ay naglakad paharap at tinapakan ang ulo ni Alec gamit ang k
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai