“Mas makakabuti kung hihingi tayo ng tawad at magbayad ng danyos. Magiging mabuti kung magagawa nating pahupaon ang sitwasyon.” “CEO York, may mas mahalaga ka pang bagay na aasikasuhin para umangat ka sa rango kung pupunta ka ng Mordu. Magiging mainam na suporta si Josh.” “Kahit na walang paraan para maresolba ang sitwasyon na ito, kailangan nating humanap ng paraan para hindi na lumala pa ang sitwasyon.” “Kung hindi, magiging mas mahirap para sayo na makontrol ang Mordu branch ng Longmen.” Sinusunod ni Tyson ang utos sa kanya na imbestigahan ang mga bagay-bagay tungkol sa Longmen. Ngunit habang iniimbestigahan niya ito, lalo lang niya naunawaan ang hangganan ng kapangyarihan na hawak ng mga gangster ng underworld. Ang impormasyon na ito ang nagpuno ng takot kay tyson. Malakas ang Head Coach, ngunit ang master ng Longmen ay walang iba kung hindi ang dating Elder ng Army. Bukod sa makapangyarihan ito, malawak pa ang kanyang impluwensya! Nakatanggap din si Tyson ng balita
Pagkalipas ng isang oras, huminto ang Lexus sa isang lihim na patyo sa may tabi ng burol ng Silver Nimbus Mountain. Ang patyo ay halos papunta na sa bundok mismo. Mapayapa ang kapaligiran, at isang hindi mailarawan na katahimikan ang nakapalibot sa buong lugar. Sa kasalukuyan, ng kontrolado pa noon ng mga York ang bundok, nilista nila ang lugar na ito bilang isang ipinagbabawal na lugar. Ngunit ang patyo na ito ay nakatayo pa din kahit na ang sirkumstansya n iyon. Sapat na ito na patunay sa lakas at kakayahan ng may-ari ng patyo na ito. Ang patyo ay may Victorian style na arkitektura, na napapalibutan ng lima hanggang anim na iba pang mga silid. Ang patyo mismo ay malayo. Naglalabas ito ng isang aura ng pagiging isang antigo. Ang pangalang “Longmen” ay nakapaskil sa may patyo, na inaanunsyo kung sino ang nagmamay-ari ng buong lugar na ito. Inimbitahan ni Samuel si Harvey na makipagkita sa kanya sa may bakuran. Pagkatapos na suriin ang patyo, nakita ni Harvey na maramin
Nabalot ng alikabok ang mukha ni Wyler. Hinampas pa nga niya ang kanyang ulo sa lapag hanggang sa magdugo ito. Mukhang hindi pa nasiyahan sa kanyang ginawa, umupo si Wyler at hinampas ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha ng dalawang beses. Malakas ang pagkakahamnpas niya. Nagulantang si Tyson sa kanyang nasaksihan. ‘Kailangan pa ba niyang gawin to?’ ‘Sinabihan ko lang siya na umalis. Hindi naman niya kailangan na gawin ang bagay na to!’‘Balak ba niyang pekein ang kanyang natamong mga sugat?’Bago pa man makapagsalita si Tyson, ngumisi si Wyler bago sumigaw ng, “Tulong! Papatayin ako! Balak akong patayin ni Harvey York!” “Wala siyang prinsipyo! Gusto niya akong patayin sa patyo ng Longmen!” “Harvey York, wala kang galang sa batas ng bansa! Hindi mo na ginalang ang Longmen! Binabastos mo ang master ng Longmen!” “Tulungan niyo ko!” Binaril ni Wyler ang surveillance camera dahil sa gusto niyang masisi kay Harvey ang lahat. Sa sobrang dami ng mga saksi sa paligid at
“Wyler? Anong nangyari sayo?!” “Alis, tumabi kayo!” Lumitaw ang mga miyembro ng Ward family na nasa loob ng Longmen. Isang magandang babae na nakasuot ng magandang damit ang nangunguna sa grupo, isang nag-aalalang ekspresyon ang makikita sa kanyang mukha. Lumitaw siya na labis na nag-aalala. Siya ay walang iba kung hindi ang ina ni Wyler, si Josie Lopez. Ngunit ang branch leader ng Mordu, na si Josh, ay mukhang mahinahon. Hindi man lang siya nagpakita. Sumugod si Josie papunta sa pinangyarihan ng insidente. Nakita niya si Wyler, na duguan, malapit kay Harvey, na mahinahon na nakatayo. Kaagad na dumilim ang kanyang ekspresyon. “Wyler, anong nangyari sayo?” “Bakit nagdudugo ang ulo mo?” “Bakit may mga bakat ng palad sa mukha mo?!” Napatalon patayo si Josie sa galit. “Kung sinuman ang nanakit sa anak ko, magpakita ka! Papatayin kita!” “Ina, tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!” Isang tusong tingin ang namutawi sa mukha ni Wyler sa loob ng ilang segundo sa sandali
Nakakita na ng mga aroganteng tao noon ang Ward family noong nasa Mordu pa sila, pero kahit na ganoon, hindi pa sila nakakakita ng ganito katinding kayabangan!"Ang yabang yabang niya! Wala man siyang pakialam sa batas!" "Kahit si Sheldon Xavier ay hindi magiging ganito kahabang!" "Mukhang hindi siya nagpunta rito para humingi ng tawad. Nandito siya para labanan tayo hanggang kamatayan!" "Kailangan nating sabihan ang master ng Longmen para bigyan tayo ng hustisya!" "Dapat nating gawin na pagsisihan niyang pinanganak siya sa mundong ito!" Ngumisi si Wyler habang pinakinggan niya ang patuloy na pang-iinsulto ng mga tao kay Harvey. "Harvey York, masyado ka pang bata para hamunin ako!" Nanatiling walang pakialam si Harvey, hindi siya nagbigay ng malinaw na sagot. Gusto niyang si Tyson ang sumagot para sa kanya, pero ngumiti lang siya at pinigilan ito na para bang aligaga siya na panooring maglaro ang isang unggoy. Kinilabutan si Wyler nang makita niya ang maliit na ngiti n
Plinano ito ng mga Ward. Bakit nila hahayaan ang mga salita ni Tyson, na walang bigat, na makaapekto sa lahat? "Sige! Tama na ang kalokohang ito!" Tinitigan ni Josie nang masama si Harvey at suminghal, "Harvey York! Kailangan mong pagbayaran ang ginawa ko sa anak ko. Wala kang magagawa kundi aminin ang ginawa mo, kahit na tumanggi ka pa!" "Wala akong magagawa?" Tumawa si Harvey. "Lady Lopez, ayos lang ba ang pamilya mo? Napakarami mong tao rito na gumagawa ng gulo para lang pagbintangan ako na sinampal si Wyler at insultuhin ang Ward family?" "Hindi ba ang kikitid lang ng mga utak niyo?" Napahinto ang lahat. Hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ng mga salita ni Harvey. "Bakit hindi kita tulungan dito? Gumawa tayo ng mas malaking gulo! Kung ganun, maiintindihan mo kung anong ibig sabihin ng tumingin sa buong sitwasyon!" "Makinig ka, Tyson. Bibigyan kita ng isa pang leksyon ngayong araw. Laban sa mga kagaya nila, walang magagawa ang pagiging makatwiran." Pagkata
“Wyler!”"Ang Wyler ko!" Natauhan si Josie at nagsimulang bumulahaw. "Bw*sit ka, Harvey York! Bw*sit ka!" "Patayin niyo siya! Patayin niyo siya ngayon din! Gusto ko siyang ilibing kasama ng anak ko!" Sa puntong ito, nawalan na ng katwiran si Josie. Kaagad siyang nagbigay ng utos sa mga propesyonal ng Ward family. Kaagad na tumakas ang mga taong naroon para panoorin ang pangyayari nang marinig nila ang kanyang utos. Wala sa kanila ang gustong madamay sa sitwasyon kung lumala man ito. Ilang mga matataas na awtoridad sa Ward family ang nagkatinginan bago nilabas ang mga sandata nila at kaagad na sumugod papunta kay Harvey. Kuminang nang malagim sa ilalim ng liwanag ang mga patalim nila habang bumigat ang hangin sa paligid nila. Handa silang pabagsakin si Harvey sa sandaling iyon. Schwing, schwing, schwing!Narinig sa kung saan-saan ang tunog ng mga patalim. Parang hindi tao ang bilis ng mga disipulo ng Longmen. Hindi makalapit si Tyson kay Harvey. "CEO York, mag-ingat
Puno ng galit at kalungkutan si Josh. Gusto niya ang dugo ni Harvey para ibuhos ang galit niya! Ngunit wala pa ring pakialam si Harvey at bingian lang siya nagbigay ng maayos na sagot kay Josh. "Kung ganun, dadalhin kita sa libingan mo!" Sumugod ang dalawang Great Generals mula sa dalawang direksyon papunta kay Harvey, layunin nilang patayin siya. Ngunit nang lumitaw sila sa harapan ni Harvey, maliwanag na kumislap ang espada niya. Sa isang iglap, bumagsak sila sa lapag nang walang malay habang hawak ang mga lalamunan nila. Madaming humakbang si Harvey at humiwa pababa. Naglabas si Josh ng patalim mula sa kanyang manggas. Tinaas niya ang patalim at sumugod papunta kay Harvey. Klang! Bayolenteng nagbanggaan sina Josh at Harvey. Nanatiling nakatayo si Harvey, ngunit sumuka ng dugo si Josh bago siya nakalipad ng ilang distansya. Natulala ang lahat. 'Paanong nangyari ito?!' 'Si Josh Ward, na nagsasabing mayroong pambihirang lakas, ay hindi man lang makasalag ng isang