Maaari niyang piliin na hindi maniwala sa pananaw ni Harvey York. Pero lubos siyang nagtitiwala kay Shane Naiswell. Ito ay dahil isang expert master sa larangan ng pag-appraise ang kanyang lolo. Totoo ngang hindi ganoon karami ang mga taong tumatamasa ng prestihiyosong katayuan sa kanilang bansa na tulad ng kanyang lolo.“Sir, kung may oras ka, bisitahin mo sana ang mga Naiswell para makipagkita sa akin. Malugod ka naming tatanggapin dito anumang oras.” Sa kabilang linya ng phone, bahagyang ngumiti si Shane bago binaba ang phone.Pagkatapos niyon, ibinalik ni Harvey ang phone kay Rosalie Naiswell. Bahagya siyang ngumiti at sinabi, “Miss Naiswell, naaalala mo pa rin ba ang pustahan natin ngayon lang?”“Ako…” Hindi maka-imik si Rosalie. ‘Kailangan ko ba talaga siyang tawagin na ama ko?’Habang nakatayo sa tabi nila, matindi ang galit ni Wyatt Johnson. Sigaw niya, “Harvey, isa ka bang gentleman? Nagbibiro lang si Miss Naiswell sa iyo. Paano mo sineryoso iyon? Paano mo ginagawang pahir
Bahagyang balisa rin si Mandy Zimmer. Humingi siya ng paumanhin. “Miss Naiswell, humihingi kami ng tawad. Basta-basta na lang iyon sinabi ni Harvey. Huwag mo sanang isapuso ang sinabi niya. Huwag mo na siyang isipin.”Pabalang na sinabi ni Wyatt Johnson, “Mandy, kahit na nasawa mo siya, hindi pwedeng parati mo na lang siyang pinagtatanggol. Talagang duwag lang siya. Hindi mo kailangang gawin ito.”Nakasimangot si Rosalie Naiswell habang lumala ang kanyang facial expression. Sa una, natapos na ang insidente. Pero pagkatapos ng ginawa ng iba, lalong lumala ang insidente, at lalo lang siyang napahiya.Habang iniisip ang mga iyon, lalong nanlamig ang kanyang boses. “Harvey, hindi mo pwedeng gawing biro ang reputasyon at dignidad ng mga Naiswell. Kailangan mong ipaliwanag nang maayos ang sarili mo. Kung hindi, hindi ito matatapos dito.”Lalo pang hinangaan ni Harvey si Rosalie. Sa panahon ngayon, wala nang gaanong mga tao na sobrang matapat at prangka.Sa pag-iisip nito, dahan-dahang s
Hindi na kailangang sabihin pa, pero gusto nila Wyatt, Jake, at Cecilia na mamatay si Harvey. Bakit nila iisiping tulungan si Harvey ngayon?Isa pa, sabik ang iba na sumali muli sa auction, dahil ang “The Rocky Mountains, Lander’s Peak” ay sobrang sikat na maraming tao ang gustong mapasakamay iyon.”Sa sandaling iyon, isang binata na naka-suit ang naglakad mula sa likuran ng stage na may kasamang ilang bodyguard.“Mr. Cloude…” Tila napanatag ang loob ng auctioneer nang makita ang binata. Siya si Jude ng mga Cloude, ang person in charge sa auction, at alam na niya kung anong nangyari ngayon lang.Umikot ang malamig na tingin ni Jude sa buong paligid bago ito napako kay Harvey. Ngumiti siya sa kanya. “Sir, narinig kong tumulong ka sa pag-identify ng authenticity ng “The Rocky Mountains, Lander’s Peak” Para ipakita ang paghingi namin ng paumanhin, babayaran ka namin ng isang daan limangput-dalawang libong dolyar bilang appraisal fee. Huwag mo sanang tanggihan ito.”Bahagyang sumimang
Si Rosalie na nakatayo malapit sa kanila ay nagsalita. :Jude, sumosobra ka na.”“Rosalie…” Nakasimangot si Jude. Wala siyang pakialam kay Mandy, sa katunayan, wala para sa kanya ang pamilya Zimmer. Subalit, ibang usapan pagdating sa mga Naiswell dahil isa rin silang kilalang pamilya sa provincial town. Dahil nagsalita si Rosalie, makakasama para sa kanya na hindi siya paunlakan.Ngumiti si Jude habang nag-isip, at bigla niyang sinabi, “Hindi na ako magsasalita pa dahil nagsalita na si Miss Naiswell, pero dapat alam ng ilang mga tao ang kanilang kinatatayuan. Tulad ng nasa kasabihan, ‘Ang yaman ng isang tao ay masisira sa kasakiman ng iba.’ Sikat na ang kasabihang ito noong unang panahon pa, hindi ba?”Tinitigan ni Jude nang masama si Harvey pagkatapos nito, pagkatapos ay tumalikod siya at umalis. Alam na niya na ang "The Rocky Mountains, Lander's Peak" ay nasa kamay ni Harvey, ngunit hindi ba madali para sa kanya na bawiin ito?Nakasimangot si Harvey habang nagmumuni-muni. Alam niy
Sina Mandy, Rosalie, at Yvonne, ang tatlong magagandang mga kababaihan, ay nakatayo sa paligid ni Harvey. Maraming kalalakihan ang naiinggit na nakatingin sa kanya.Walang pakialam si Yvonne sa mga tingin ng ibang tao, at nakangiting tumingin kay Harvey. "Mr. York, interesado ako sa ‘The Rocky Mountains, Lander's Peak’ na mayroon ka. Nagtataka ako kung nais mong ipagpalit ito?"Ang buong madla ay nanahimik kaagad nang sinabi iyon ni Yvonne. Pagkaraan ng ilang sandali, napabuntong hininga ang ilang mga tao ay ang ilang mga tao at napasigaw sa gulat.Kung ang pamilya Cloude ay isang mogul sa South Light, ibig sabihin ang mga York ay isang mogul sa mga mogul. Dahil sinabi iyon ng babaeng kumakatawan sa mga York, kung ang live-in son-in-law na ito ay mangangahas na tumanggi, baka hindi niya malalaman kung paano siya mamamatay mamaya.Maraming tao ang nakatingin kay Harvey, inaabangan kung ano ang kanyang gagawin.Sinabi ni Harvey na may interes, "Presyuhan mo ito, Miss Xavier.""Kahi
Medyo nagulat si Mandy. Hindi niya inaasahan na hindi tatanggapin ni Harvey ang pera at sa halip ay pinagpalit ito para sa Forever Mine. Kung gugustuhin niya, magandang presyo na ang ilang daang milyong dolyar. Ngunit, ang tanging siya lang ang naiisip ng lalaking ito sa ilalim ng ganitong sitwasyon, at gusto lang niya siyang mapasaya. Tinignan ni Mandy si Harvey at kinagat ang kanyang labi habang iniisip ito. Isang kakaibang pakiramdam ang umusbong sa kanyang puso. "Miss Xavier, hindi mo pwedeng ibigay 'yan sa kanya! Baka peke ang painting!" Biglang sumigaw si Jake. Ano? Bakit niya sinabi iyon? Lahat sila ay kaagad na lumingon sa kanya. Nakatingin si Yvonne, wala siyang masabi. Saan nanggaling ang lalaking ito? Nagsasaya lang siya habang nagpapanggap kasama ng CEO. Bakit ba siya biglang lumitaw nang ganito? Ngunit, nagpatuloy si Yvonne sa pagpapanggap na para bang nagulat siya. Naiilang siyang ngumiti at nagtanong, "Sir, bakit mo nasabi 'yan?" Seryosong nagsalita si Jake,
Nagliwanag ang nga mata ni Harvey. Sa wakas ay makakapasok na siya sa kwarto matapos matulog sa study room sa loob ng tatlong taon. Sa sandaling iyon, hindi ma siya makapaghintay na umuwi. At para sa divorce, inalis na niya ito sa kanyang isipan. Nagngalit ang mga ngipin ni Jake, at hindi niya mapigilang tumingin nang masama kay Cecilia. Tumango si Cecilia at matigas na sinabi, "Mandy, huwag kang magpapaloko sa kanya. Isa lamang siyang walang kwentang lalaki at hindi pa siya nagbabago. Maswerte lang siya na nakuha niya ang painting, kahit na totoo ito o hindi, sa halagang labinlimang dolyar. Di mo dapat tanggapin ang regalong ito mula sa kanya. Kung hindi, kapag isang araw nalaman ng mga York na peke ang larawan, edi--" Slap! Naglakad palapit si Yvonne suot ang kanyang high heels at sinampal si Cecillia sa mukha bago pa siya makatapos. "Ikaw… ikaw…" Hinawakan ni Cecilia ang kanyang mukha sa gulat at matagal siyang hindi makasalita. "Ano?" Mukhang galit si Yvonne. "Wala ko
"Tsk, tsk, tsk, Harvey. Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?" Tumawa si Jake. "Kung ganun ka kagaling, bakit di mo sabihin kay Yvonne na pumunta dito ngayon na? Bakit hindi mo siya hayaan na ihatid ka? Kapag nagawa mo yun, luluhod ako sa harap mo ngayon!" Agad na lumapit si Yvonne kay Harvey habang nagsasalita si Jake. "Mr. York, nasabi ko na sa CEO namin yung tungkol sa pagpapalit sa painting. Inutusan niya ako na sabihin sayong sinamantala ang kakayahan mo. Bilang kabayaran sa nangyari, pumapayag na kami sa investment na hinihingi ni Ms. Zimmer. Pwede na niyang pirmahan ang mga papeles bukas," Ang sabi ni Yvonne, pagkatapos nagpatuloy siya, "Kung ayos lang sa inyo, gusto ko sana kayong ihatid pauwi. Kakatapos lang namin sa isang business deal dito. Responsibilidad ko na maihatid kayo ng ligtas sa bahay niyo.""Okay, salamat, Ms. Xavier. Tatanggapin ko ang alok mo." Ngumiti si Harvey at tumingin siya kay Jake. Ano? Talaga bang lumapit si Yvonne at inalok si Harvey
"Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito
Pak!Sa isang iglap lamang, isang nakakatakot na alon ang kumalat. Mga bitak na kahawig ng mga sapot ng gagamba ang nabuo sa pagitan nina Alani at Harvey.Tumuloy si Harvey nang walang kahit isang tunog.Si Alani, sa kabilang banda, ay nagpagulong-gulong sa hangin ng ilang beses bago natumba sa lupa. Masaya siya nang tumayo muli, tila walang sugat.Nagtinginan ang mga Islanders bago sila sumigaw nang malakas. Sa kanilang mga mata, nagawa ni Alani na manatiling buo matapos magturok ng gamot. Ibig sabihin nito ay nagtagumpay ang kanilang eksperimento!Sa tulong ng gamot, makakalikha ang Island Nations ng isang di-mapipigilang hukbo!Magagawa nilang bumuo ng isang napakalaking alyansa ng Far East!Maaari nilang sakupin ang mundo! Hindi na ito magiging pangarap para sa kanila!“Magpanggap ka pa, Harvey!” sabi ni Alani."Iyon ang Ashura’s Palm ng Abito Way! Sinumang tamaan nito ay magkakaroon ng pagkasira ng kanilang mga internal na organ bago mamatay!"Okay ka lang ngayon dahil sa
Hindi man lang pinansin ni Harvey si Wanda, na nanatiling nakapako sa kanyang pwesto."Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod nito. Ikaw talaga ang gumagawa ng gulo ngayon, Alani."Pinapapunta mo ang mga makapangyarihang Indiano laban sa akin pagkatapos marinig ang aking pangalan... Pero bukod sa pagpapadala sa kanila sa kamatayan nila, ano sa tingin mo ang nakamit mo dito?“Atakihin mo ako kung talagang kaya mo."Hinahayaan mo si Wanda at ang iba pa na makipaglaban sa’kin para lang mapabagsak ko sila, di ba?"Kasapi ka din ng Evermore! Sa Evermore, bawat isa sa inyo ay magkakumpitensya."Basta't mapabagsak mo ang mga nangungunang talento ng mas batang henerasyon sa Far East... Magiging pinuno ka ng teritoryo ng Evermore sa Far East!"Hinala ko na binigyan ka rin ng permiso ng pamilyang maharlika para gawin ito! Marahil ang Island Nations ay sinusubukang makuha ang kabuuan ng Evermore mismo..."Kung ganoon, malamang na sobrang lungkot ng Evermore. Kailangan nitong magtrabaho
”Hayy…”Isang nakakakilabot na boses ang narinig.Isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na damit ng India ang biglang lumabas mula sa karamihan. Naka-suot siya ng scarf sa mukha na bahagyang nagpapakita ng kanyang balat. May malinaw na tanaw sa kanyang baywang, at may nakadikit na Cat’s Eye Stone sa kanyang pusod.Naglalabas siya ng nakakapreskong amoy habang siya'y lumalabas. Amoy siya ng malamig na simoy ng hangin sa dalampasigan, na nahuhumaling ang lahat sa kanya.Hawak niya ang isang scimitar na puno ng alahas. Sa kabila ng kanyang mahinahong asal, ang kanyang ekspresyon ay matindi. Sa madaling salita, ang babae ay isang rosas na natatakpan ng mga tinik.“At sino ka naman?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa babaeng Indiyano.Ngumiti ang babae; ang kanyang mga mata ay kayang bumihag ng puso.Ako si Wanda Garcia mula sa India.Nandito ako para matutunan ang inyong paraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, handa akong ipagkaloob sa iyo ang anumang kahilingan kung susuko ka at p
Walang ginawang espesyal si Harvey.Ito ay isang malinis at simpleng atake. Nakikita ng lahat na pinupuntirya niya mismo ang ulo ni Shinsuke.Maraming mga Islander ang nagpakita ng paghamak, iniisip na nagmamayabang si Harvey at talagang hindi kahanga-hanga.Gayunpaman, tanging si Shinsuke lamang ang nakakita sa tunay na kapangyarihan ni Harvey.Ang kanyang atake ay simple, ngunit ang bilis lamang nito ay sapat na upang takutin ang sinuman. Ang ulo ni Shinsuke ay mabibiyak sa gitna kapag tinamaan siya nito!Nang maisip niya ito, biglang siyang nanginig. Agad niyang inipon ang kanyang lakas at winasiwas ang kanyang espada, sinubukan niyang harangin ang atake ni Harvey.Clang!Agad na nabali ang custom-made na espada ni Shinsuke. Malinaw na ang lakas ng atake ni Harvey ay higit pa sa inaasahan ni Shinsuke.Swoosh!Huminto si Harvey sa kanyang pag-atake nang malapit na ang espada sa ulo ni Shinsuke."Kulang pa ang lakas mo. Ni hindi mo kayang saluhin ang isang atake.”Nanigas si
Bumuntong-hininga si Harvey."Nasa kalagitnaan ka na ng pagiging isang God of War, pero heto ka pa rin at umiinom ng droga. Hindi mo ba kayang bitawan 'yan?”Akala ni Harvey na alam na niya ang lakas ni Shinsuke, pero mas malakas pa siya kaysa sa inaasahan niya. Base sa mga namumulang mga mata at gutom na gutom na ekspresyon ni Shinsuke, wala nang ibang paliwanag.Alam ni Harvey na ang mga Islander ay may kinalaman sa mga ninja, onmyoji, conjurer, at martial artist. Nakapag-imbento sila ng iba't ibang kakaibang bagay dahil sa kanilang pinagsamang mga talento.Gayunpaman, hindi niya akalain na kahit na ang isang tao na may pambihirang lakas ay gagamit ng droga.Gayunpaman, sapat na ito upang ipakita kung gaano talaga kagusto ng Island Nations ang pagbagsak ng Country H. Hindi sila titigil para lang makamit ang layuning iyon.“Halika!”Lumamig ang tingin ni Shinsuke matapos niyang makita si Harvey na umatras. Suminghal siya, pagkatapos ay muli siyang humakbang at muling inihanda a
"Ipapaintindi ko sa'yo na ginawa mo ang pinakamasamang desisyon sa buong buhay mo!" Sigaw ni Seb, ang kanyang boses ay magaspang.Ang kanyang mukha ay puno ng galit. Sa parehong oras, nagsisimula na siyang magsisi sa kanyang desisyon.Nagtataka siya kung bakit siya tumayo upang labanan si Harvey sa simula pa lang. Kung sana ay pinilit na lang niya si Harvey sa likod ng mga eksena, siya sana ay gagantimpalaan kapag natapos na ang lahat.Ngayon na siya'y naparalisa, ano pa ang halaga ng gantimpala kahit na mahuli si Harvey?"Ang mga sorcerer, laban sa akin?"Nagpakita si Harvey ng isang mapaghambog na ekspresyon.“Tanungin mo si Kylen kung mangangahas siya.”Pagkatapos ay hindi pinansin ni Harvey si Seb, at pinunasan ang kanyang kamay gamit ang ilang tisyu."Sino pa ang nandiyan? Kung ito lang ang meron ka, hindi mo makakamit ang hustisyang nararapat sayo. Kailangan mo rin akong bigyan ng paliwanag tungkol sa sitwasyon."Huwag kang masyadong magyabang, Harvey."Si Shinsuke, na
“Venom Strike!”Tapos na si Seb sa paggamit ng mga trick; pumalakpak siya, pagkatapos ay tumakbo diretso kay Harvey.Isang masangsang na amoy ang sumingaw sa sandaling magdikit ang kanyang mga kamay. Ang kanyang mga kamay ay natatakpan ng lason. Sinumang mahawakan nito ay makakaranas ng impiyernong sakit.Sa harap ng mabilis na atake ni Seb, kalmadong tinapakan ni Harvey ang lupa.Crack!Isang piraso ng mga guho ang tumama diretso sa lalamunan ni Seb. Mabilis ang pag-atake.Nakita ito, walang magawa si Seb kundi umatras na may galit na ekspresyon.Naniniwala siya na si Harvey ay talagang napakababa. Hindi siya hinarap ni Harvey nang harapan, at gumamit pa ng mga palihim na taktika para sirain ang kanyang killer move!Kailangang ipagtanggol ni Seb ang kanyang sarili laban kay Harvey. Humakbang siya paatras, saka inilagay ang kanyang mga kamay sa harap niya.Clack!Isang piraso ng mga guho ang tumama mismo sa kamay ni Seb. Narinig ang tunog ng mga buto na bumabagsak. Ang napaka
”Mag-iingat ka, Sir York!"Ang mga sorcerer ng South Sea ay gumagamit ng lason at miasma!"Mahawakan ka lang niya, at patay ka na!"Agad na nagsalita si Rachel; dahil siya ay isang mataas na opisyal ng Longmen, mayroon siyang kaalaman tungkol sa mga sorcerer.Ang kanilang katayuan sa South Sea ay hindi bababa sa kasing taas ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts. Higit sa lahat, ang kanilang mga pamamaraan ay karaniwang lampas sa pag-unawa. Mamamatay ang mga tao sa kanila nang hindi man lang alam kung bakit.Pinagmasdan ni Harvey ang paligid bago siya maglakad nang walang pakialam.Hiss!Isang makamandag na ahas ang bumagsak sa lugar kung saan siya nakatayo; naiwasan niya ang atake nang sandaling humakbang siya.Nabigla si Seb, at muli siyang nagpakita."Paano nangyari iyon? Paano mo nagawang iwasan ang Psyche Fog?!”Ang kanyang itim na usok ay isang ilusyon lamang. Nakapagtanim na siya ng isang nakakalason na bagay, at itinago ito sa paligid ni Harvey. At gayun