Pagkalipas ng mahabang sandali, isang tusong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Matthew. “Kawili-wili, kawili-wili! Kahit si Roy ay hii inaasahan na nabigo.” “Mukhang makukumpirma na natin na ang ating mahal na Harvey York ay si Prince York mismo. Kung hindi, paano niya magagawang labanan si Roy?” Meron tusong ekspresyon si Matthew, ngunit si Faye naman ay nagngangalit ang ngipin ng husto na halos mabasag na niya ang mga ito. Hindi lubos akalain na ang lalakeng nagpahiya sa kanya sa Flynn’s Antiques ay walang iba kung hindi si Prince York mismo! Ngayon na nakumpirma na nila ang pagkatao ni Harvey, mukhang kailangan na ni Faye na itigil ang balak niyang paghihiganti. Muling nagsalin ng isa pang glass ng wine si Lucas para sa sarili niya, pagkatapos ay ngumiti ay sinabi, “Master Flynn, ano na ang gagawin mo ngayon?” “Inimbitahan mo ako para manood ng isang malaking palabas dito sa Buckwood. Hindi mo naman siguro hahayaan na matapos na lang ito ng ganito, tama?” Mahinahon na
Nagtaka si Harvey. “Aling pagkatao?” “Na ikaw si Prince York!” Natawa na lang si Harvey sa mga salita ni Yvonne. “Marahil ay minamaliit mo ang ating mga kalaban kung sa tingin mo ay hindi nila malalaman na ako si Prince York.” Bahagyang natigilan si Yvonne, at pagkatapos ay napangiti siya na kayang magpaguho ng gusali. Minsan, nakakalimutan niya na kahit ang pagkatao ni Harvey bilang Prince York ay isa din lamang balatkayo. Ang tunay niyang pagkatao ay isang alamat! “Meron pang iba, CEO York. Malapit nang matapos ang Sky Corporation sa package listing.” “Tingnan niyo. Kailangan pa ba natin tingnan kung meron pang mas mainam na oras para sa listing?” Sabi ni Ray, habang inaabot ang patong-patong na mga dokumento kay Havey. Pinasadahan ni Harvey ang nilalaman ng mga dokumento. “Sige lang, ipagpatuloy niyo na lang ang proseso. Imbitahan niyo ang mga malalaking pamilya ay negosyo sa ating Listing Ceremony kapag natapos na ito.” “Masusunod!” …Sa sumunod na ilang
Nagmamakaawang tinignan ni Xynthia si Harvey. “Bukod dun, ito ang unang araw ko bilang kasapi ng student council. Kapag hindi ako pumunta sa salo-salo, isa itong malaking kawalang galang sa parte ko.” “At sobra akong matatakot kapag pumunta ako ng mag-isa. Wala akong masyadong kilalang tao, lalo na. Kung kaya bakit gusto kitang isama!” “Ang salo-salo na ito ay kinakailangan na magdala ng kasama.” “Isa pa, maraming masarap na pagkain at inumin doon! Sigurado ako na magugustuhan mo doon, Brother-In-Law!” Pinakitaan ni Xynthia si Harvey ng isang nakakahalinang tingin, na para bang ang pangako ng masarap na pagkain ay sapat na upang mapapayag si Harvey. Malungkot na sumagot si Harvey, “Kahit ano naman ang piliin ko, pupunta ka pa din kahit na sumama ako o hindi, tama?” Tumango si Xynthia. “Ang talino mo talaga, Brother-in-Law! Dahil pupunta ako kahit na anong mangyari, kaya kailangan mo talaga akong samahan!” “Kapag hindi, anong sasabihin mo kay ate kapag may masamang na
Pinanood ni Ava ang eksena. Napa-buntong hininga siya bago mahinahon na sinabi, “Dahil nandito ka na din, bisita ka na din. Sumakay ka na!” Pagkatapos nun, tinitigan niya si Harvey na puno ng panghuhusga. Bakas ang panghahamak sa kanyang mga mata sa sandaling iyon. Kahit na nagpalit ng damit si Harvey, halata naman na kaswal lang itong damit na ilang beses na niyang ginamit. Kung gagamitin itong basehan, isa lang siyang hangal na pulubi!Paano nagkaroon ng lakas ng loob ang hangal na pulubi na ito na dumalo sa isang salo-salo? Paano ang isang taong katulad niya ay maihahalintulad sa mga prinsipe na dadalo sa salo-salo? Lalo na ang master na interesadong interesado kay Xynthia, si Hugh Baker. Matangkad at makisig si Hugh, at mukha siyang isang artista. Napaka prominente ng kanyang pamilya, at siya ang second master ng Baker family ng San Francisco. Ang kanyang kapatid ay walang iba kung hindi ang prinsipe ng Baker family ng San Francisco, si Sam Baker mismo!. Ang isa
Mahinahon na tinitigan ni Harvey si Ava, at sinagot siya ng may malamig din na tono. “Anong ibig mong sabihin dun?” Kaagad na naging kasing lamig ng kanyang boses ang kanyang ekspresyon. “Isa ka lamang live-in son-in-law. Kahit na may titulo ka na consultant, ,meron na akong inutusan na alamin ang pagkatao mo. Hindi ka nga binabayaran sa trabaho mo!” “Hindi ko nga alam kung totoo ba o peke ang titulo mo sa puntong ito!” “Sa aking mga mata, isa kang hangal na pulubi!” “Anong karapatan ng isang taong katulad mo na kumapit kay Xynthia?” Pinapakita ni Ava na mas nakakaangat siya kay Harvey. “Mabuti pang layuan mo si Xynthia. Hindi ka bagay sa kanya!” Nanatiling mahinahon si Harvey. “Baka nagkakamali ka yata?” “Anong ibig mong sabihin?” Lalong lumamig ang ekspresyon ni Ava. “Sinasabi mo na si Xynthia ang kumakapit sayo?” “Para malaman na ganito ka pala kayabang! Sino ka ba sa tingin mo?” “Isa ka lang naman live-in son-in-law! Bakit naman magiging malapit sayo si Xy
"Nandito ka na agad, Ava?" Tumawa ang isang lalaking nakasuot ng puti habang naglakad siya at hinawakan ang kamay ni Ava. Matangkad siya at gwapo. Nababalot ng mga mamahaling bagay an buong katawan niya; ang braso niya ay may relo na may titulo ng billionaire's entry ticket, ang Richard Mille. Dahil dito, talagang matindi ang aura niya bilang isang master ng isang mayamang pamilya. "Pasensya na talaga, Master Baker. May nakasalubong akong pulubi papunta rito at nasayang ang oras ko."Nahihiyang tumawa si Ava, pero malaki pa rin ang ngiti niya. Gusto niyang makitang mangyari ang isang malaking away sa sandaling ito. "Patawarin niyo ko!" "Malaking karangalan para sa lahat na makita kayo rito!" Mainit na ngumiti si Hugh sa kanya, pagkatapos ay lumingon kay Xynthia. "Ito siguro ang junior na sinasabi mo sa'kin, si Xynthia Zimmer. Ang baguhan sa student council, tama?" "Oo, siya nga. Hindi lang siya ang baguhan sa student council, siya rin ang beauty queen ng taong ito sa U
Diyos ko! Nang makita ni Hugh na halikan ni Harvey si Xynthia, sumabog siya sa galit. Para bang papatay ang mga mata niya. Sino si Hugh Baker? Siya ay walang iba kundi ang second master ng mga Baker mula sa San Francisco! Ang Baker family ang top family sa San Francisco. Malaki ang impluwensiya nila kahit na nasa Mordu sila! Ang kapatid niyang si Sam Baker ay kapantay ng mga kagaya ng Four Young Masters ng Wolsing, Four Young Masters ng Hong Kong, at ang Six Princes ng Mordu! Palaging nakukuha ni Hugh ang mga babaeng gusto niya. Kahit na isa pa siyang first-class na artista o isang sikat na tao sa internet, madali niya silang mapapasakamay. Hindi niya inakala na matatalo siya nang ganito nang dahil kay Xynthia. Ang pinakanakakainis para sa kanya ay hindi pinansin ni Harvey ang mga banta niya at pinahiya siya sa harap ng lahat!Isang langgam ang nagtangkang hamunin siya! Napakamapusok!Napakamangmang! Galit si Hugh. Malaki ang magiging kahihinatnan nito. Kumuku
Nakikita ng lahat na kinukutya ng kalbong lalaki si Harvey. Paanong magkakaroon ng tatlong daang milyon ang isang live-in son-in-law? Kung mayroon siyang ganoon karaming pera, dapat ay tinanggap na siya bilang isa sa mga dinarangal na panauhin sa upper social circles. Ang problema, hindi mukhang mula sa circle na iyon si Harvey! “Three hundred million?”Tumawa si Harvey. "Hindi ako interesado sa pera, at hindi ko alam kung magkano ba talaga ang laman ng bank account ko." "Pero malamang mayroon akong hindi bababa sa fifteen billion dollars." Umirap ang ilang mga sosyalera sa mga salita ni Harvey. Tinawanan nila siya nang may pangmamaliit. ‘Fifteen billion?’'Hindi mo nga kayang maglabas ng fifteen dollars!' 'Kung kaya mong magyabang nang ganito, bakit hindi ka na lang pumunta sa isang talk show?!' 'Mas hahanapin ang mga taong kagaya niya habang lalo siyang magyayabang!' Kahit si Xynthia ay napahinto sa sinabi ni Harvey. Pagkatapos ay naintindihan niya kaagad. A