Pinanood ni Ava ang eksena. Napa-buntong hininga siya bago mahinahon na sinabi, “Dahil nandito ka na din, bisita ka na din. Sumakay ka na!” Pagkatapos nun, tinitigan niya si Harvey na puno ng panghuhusga. Bakas ang panghahamak sa kanyang mga mata sa sandaling iyon. Kahit na nagpalit ng damit si Harvey, halata naman na kaswal lang itong damit na ilang beses na niyang ginamit. Kung gagamitin itong basehan, isa lang siyang hangal na pulubi!Paano nagkaroon ng lakas ng loob ang hangal na pulubi na ito na dumalo sa isang salo-salo? Paano ang isang taong katulad niya ay maihahalintulad sa mga prinsipe na dadalo sa salo-salo? Lalo na ang master na interesadong interesado kay Xynthia, si Hugh Baker. Matangkad at makisig si Hugh, at mukha siyang isang artista. Napaka prominente ng kanyang pamilya, at siya ang second master ng Baker family ng San Francisco. Ang kanyang kapatid ay walang iba kung hindi ang prinsipe ng Baker family ng San Francisco, si Sam Baker mismo!. Ang isa
Mahinahon na tinitigan ni Harvey si Ava, at sinagot siya ng may malamig din na tono. “Anong ibig mong sabihin dun?” Kaagad na naging kasing lamig ng kanyang boses ang kanyang ekspresyon. “Isa ka lamang live-in son-in-law. Kahit na may titulo ka na consultant, ,meron na akong inutusan na alamin ang pagkatao mo. Hindi ka nga binabayaran sa trabaho mo!” “Hindi ko nga alam kung totoo ba o peke ang titulo mo sa puntong ito!” “Sa aking mga mata, isa kang hangal na pulubi!” “Anong karapatan ng isang taong katulad mo na kumapit kay Xynthia?” Pinapakita ni Ava na mas nakakaangat siya kay Harvey. “Mabuti pang layuan mo si Xynthia. Hindi ka bagay sa kanya!” Nanatiling mahinahon si Harvey. “Baka nagkakamali ka yata?” “Anong ibig mong sabihin?” Lalong lumamig ang ekspresyon ni Ava. “Sinasabi mo na si Xynthia ang kumakapit sayo?” “Para malaman na ganito ka pala kayabang! Sino ka ba sa tingin mo?” “Isa ka lang naman live-in son-in-law! Bakit naman magiging malapit sayo si Xy
"Nandito ka na agad, Ava?" Tumawa ang isang lalaking nakasuot ng puti habang naglakad siya at hinawakan ang kamay ni Ava. Matangkad siya at gwapo. Nababalot ng mga mamahaling bagay an buong katawan niya; ang braso niya ay may relo na may titulo ng billionaire's entry ticket, ang Richard Mille. Dahil dito, talagang matindi ang aura niya bilang isang master ng isang mayamang pamilya. "Pasensya na talaga, Master Baker. May nakasalubong akong pulubi papunta rito at nasayang ang oras ko."Nahihiyang tumawa si Ava, pero malaki pa rin ang ngiti niya. Gusto niyang makitang mangyari ang isang malaking away sa sandaling ito. "Patawarin niyo ko!" "Malaking karangalan para sa lahat na makita kayo rito!" Mainit na ngumiti si Hugh sa kanya, pagkatapos ay lumingon kay Xynthia. "Ito siguro ang junior na sinasabi mo sa'kin, si Xynthia Zimmer. Ang baguhan sa student council, tama?" "Oo, siya nga. Hindi lang siya ang baguhan sa student council, siya rin ang beauty queen ng taong ito sa U
Diyos ko! Nang makita ni Hugh na halikan ni Harvey si Xynthia, sumabog siya sa galit. Para bang papatay ang mga mata niya. Sino si Hugh Baker? Siya ay walang iba kundi ang second master ng mga Baker mula sa San Francisco! Ang Baker family ang top family sa San Francisco. Malaki ang impluwensiya nila kahit na nasa Mordu sila! Ang kapatid niyang si Sam Baker ay kapantay ng mga kagaya ng Four Young Masters ng Wolsing, Four Young Masters ng Hong Kong, at ang Six Princes ng Mordu! Palaging nakukuha ni Hugh ang mga babaeng gusto niya. Kahit na isa pa siyang first-class na artista o isang sikat na tao sa internet, madali niya silang mapapasakamay. Hindi niya inakala na matatalo siya nang ganito nang dahil kay Xynthia. Ang pinakanakakainis para sa kanya ay hindi pinansin ni Harvey ang mga banta niya at pinahiya siya sa harap ng lahat!Isang langgam ang nagtangkang hamunin siya! Napakamapusok!Napakamangmang! Galit si Hugh. Malaki ang magiging kahihinatnan nito. Kumuku
Nakikita ng lahat na kinukutya ng kalbong lalaki si Harvey. Paanong magkakaroon ng tatlong daang milyon ang isang live-in son-in-law? Kung mayroon siyang ganoon karaming pera, dapat ay tinanggap na siya bilang isa sa mga dinarangal na panauhin sa upper social circles. Ang problema, hindi mukhang mula sa circle na iyon si Harvey! “Three hundred million?”Tumawa si Harvey. "Hindi ako interesado sa pera, at hindi ko alam kung magkano ba talaga ang laman ng bank account ko." "Pero malamang mayroon akong hindi bababa sa fifteen billion dollars." Umirap ang ilang mga sosyalera sa mga salita ni Harvey. Tinawanan nila siya nang may pangmamaliit. ‘Fifteen billion?’'Hindi mo nga kayang maglabas ng fifteen dollars!' 'Kung kaya mong magyabang nang ganito, bakit hindi ka na lang pumunta sa isang talk show?!' 'Mas hahanapin ang mga taong kagaya niya habang lalo siyang magyayabang!' Kahit si Xynthia ay napahinto sa sinabi ni Harvey. Pagkatapos ay naintindihan niya kaagad. A
Hindi inasahan ng lahat na hahawakan pa rin ni Harvey ang kamay ni Xynthia, pagkatapos ay tumayo siya nang diretso at sumagot kay Hugh bang may malarong tono, "Seven hundred and fifty million dollars na investment na kumikita ng three hundred million kada taon. Maganda ang kikitain nito." "Paano kung ganito? Magpadala ka ng project proposal at hahayaan ko ang team ko na tignan ito. Kung magagawa ang plano, pag-iisipan ko ang pag-invest." "Syempre, kailangan nating pumirma ng agreement." Malinaw na ginagawang katatawanan ni Hugh si Harvey kaya hindi nag-alinlangan si Harvey na paglaruan rin si Hugh. Maliban rito, ayos lang kay Harvey na bumili ng share para kay Xynthia kung lumabas na kumikita ang amusement park project. “Project proposal?”"Mag-iinvest ng seven hundred and fifty million dollars?" “Agreement?”Hindi na napigilan ng lahat ang mga tawa nila. Halos sumabog ang tiyan nila habang tumawa sila nang malakas. Masyadong nakakatawa ang pagtitipon ngayong gabi! Hi
Nagulat sina Hugh at Tristan kagaya ng iba, pero nang magsalita si Ava, pareho silang nagpakita ng ekspresyon na para bang alam na nila ang katotohanan. "Naiintindihan ko na. Naghanap ka ng kaibigan para isagawa to bago ang lahat, ano?" "Aaminin ko, ang galing ng ginawa mo!" "Sayang lang at nakasuot ka ng damit na mabibili mo sa kahit saan. Hindi ka talaga mukhang isang billionaire master!" "Sabihin mo lang na ikaw si Prince York kung matapang ka! Sa isang lugar na kagaya ng South Light, mapapatay ka sa pagsabi ng ganitong kalokohan!" "Oo nga! Tignan mo ang sarili mo! Magpapanggap ka pa rin na master mula sa isang mayamang pamilya at isang bilyonaryo?" "Alam mo ba kung ilang zero ang nasa isang bilyon?" "Trinato ka na parang tanga nina Master Baker at Master Tristan! Sa tingin mo ba talaga mataas ka?!" Tumalon sa galit ang mga tigasunod ni Hugh, dinuro nila si Harvey habang kinutya nila siya nang walang katapusan. Muntik na silang maloko ng mahirap na tangang ito! I
“Magaling!” “Matapang ka ha!” Nainis si Tristan. Noong ginamit niya ang pangalan ng Quinlan family noon, maging mga prinsipe at mga master ay nagbibigay-galang sa kanya. Ito ang unang pagkakataong nakatagpo siya ng isang taong tulad ni Harvey. Galit na sumigaw si Tristan, “Harvey York! Dahil gusto mo talagang mamatay, edi tutuparin ko ang hiling mo!” “Pagsisisihan mong ipinanganak ka!” Dahil masyadong bastos si Fane, ayos lang kay Tristan na gamitin ang mga koneksyon niya sa Buckwood upang tapusin nang tuluyan si Harvey.Ang ilang mga taong nasa malayo ay pinanood si Harvey nang may mapanghamak na ngiti. Sa mata nila, ang isang pasikat na tulad ni Harvey na walang ibang alam kundi magyabang ay wala man lang karapatang pakintabin ang sapatos ng mga master ng mayayamang pamilya tulad ni Hugh at Tristan. ‘Nagpapasikat ka na ngayon?’ “Anong nasa isip niya?!’ ‘Hindi kailangan ni Hugh na mag-abala mismo kay Harvey!’ ’Kapag ginusto ni Tristan na mamatay si Harvey, wal