Diyos ko! Nang makita ni Hugh na halikan ni Harvey si Xynthia, sumabog siya sa galit. Para bang papatay ang mga mata niya. Sino si Hugh Baker? Siya ay walang iba kundi ang second master ng mga Baker mula sa San Francisco! Ang Baker family ang top family sa San Francisco. Malaki ang impluwensiya nila kahit na nasa Mordu sila! Ang kapatid niyang si Sam Baker ay kapantay ng mga kagaya ng Four Young Masters ng Wolsing, Four Young Masters ng Hong Kong, at ang Six Princes ng Mordu! Palaging nakukuha ni Hugh ang mga babaeng gusto niya. Kahit na isa pa siyang first-class na artista o isang sikat na tao sa internet, madali niya silang mapapasakamay. Hindi niya inakala na matatalo siya nang ganito nang dahil kay Xynthia. Ang pinakanakakainis para sa kanya ay hindi pinansin ni Harvey ang mga banta niya at pinahiya siya sa harap ng lahat!Isang langgam ang nagtangkang hamunin siya! Napakamapusok!Napakamangmang! Galit si Hugh. Malaki ang magiging kahihinatnan nito. Kumuku
Nakikita ng lahat na kinukutya ng kalbong lalaki si Harvey. Paanong magkakaroon ng tatlong daang milyon ang isang live-in son-in-law? Kung mayroon siyang ganoon karaming pera, dapat ay tinanggap na siya bilang isa sa mga dinarangal na panauhin sa upper social circles. Ang problema, hindi mukhang mula sa circle na iyon si Harvey! “Three hundred million?”Tumawa si Harvey. "Hindi ako interesado sa pera, at hindi ko alam kung magkano ba talaga ang laman ng bank account ko." "Pero malamang mayroon akong hindi bababa sa fifteen billion dollars." Umirap ang ilang mga sosyalera sa mga salita ni Harvey. Tinawanan nila siya nang may pangmamaliit. ‘Fifteen billion?’'Hindi mo nga kayang maglabas ng fifteen dollars!' 'Kung kaya mong magyabang nang ganito, bakit hindi ka na lang pumunta sa isang talk show?!' 'Mas hahanapin ang mga taong kagaya niya habang lalo siyang magyayabang!' Kahit si Xynthia ay napahinto sa sinabi ni Harvey. Pagkatapos ay naintindihan niya kaagad. A
Hindi inasahan ng lahat na hahawakan pa rin ni Harvey ang kamay ni Xynthia, pagkatapos ay tumayo siya nang diretso at sumagot kay Hugh bang may malarong tono, "Seven hundred and fifty million dollars na investment na kumikita ng three hundred million kada taon. Maganda ang kikitain nito." "Paano kung ganito? Magpadala ka ng project proposal at hahayaan ko ang team ko na tignan ito. Kung magagawa ang plano, pag-iisipan ko ang pag-invest." "Syempre, kailangan nating pumirma ng agreement." Malinaw na ginagawang katatawanan ni Hugh si Harvey kaya hindi nag-alinlangan si Harvey na paglaruan rin si Hugh. Maliban rito, ayos lang kay Harvey na bumili ng share para kay Xynthia kung lumabas na kumikita ang amusement park project. “Project proposal?”"Mag-iinvest ng seven hundred and fifty million dollars?" “Agreement?”Hindi na napigilan ng lahat ang mga tawa nila. Halos sumabog ang tiyan nila habang tumawa sila nang malakas. Masyadong nakakatawa ang pagtitipon ngayong gabi! Hi
Nagulat sina Hugh at Tristan kagaya ng iba, pero nang magsalita si Ava, pareho silang nagpakita ng ekspresyon na para bang alam na nila ang katotohanan. "Naiintindihan ko na. Naghanap ka ng kaibigan para isagawa to bago ang lahat, ano?" "Aaminin ko, ang galing ng ginawa mo!" "Sayang lang at nakasuot ka ng damit na mabibili mo sa kahit saan. Hindi ka talaga mukhang isang billionaire master!" "Sabihin mo lang na ikaw si Prince York kung matapang ka! Sa isang lugar na kagaya ng South Light, mapapatay ka sa pagsabi ng ganitong kalokohan!" "Oo nga! Tignan mo ang sarili mo! Magpapanggap ka pa rin na master mula sa isang mayamang pamilya at isang bilyonaryo?" "Alam mo ba kung ilang zero ang nasa isang bilyon?" "Trinato ka na parang tanga nina Master Baker at Master Tristan! Sa tingin mo ba talaga mataas ka?!" Tumalon sa galit ang mga tigasunod ni Hugh, dinuro nila si Harvey habang kinutya nila siya nang walang katapusan. Muntik na silang maloko ng mahirap na tangang ito! I
“Magaling!” “Matapang ka ha!” Nainis si Tristan. Noong ginamit niya ang pangalan ng Quinlan family noon, maging mga prinsipe at mga master ay nagbibigay-galang sa kanya. Ito ang unang pagkakataong nakatagpo siya ng isang taong tulad ni Harvey. Galit na sumigaw si Tristan, “Harvey York! Dahil gusto mo talagang mamatay, edi tutuparin ko ang hiling mo!” “Pagsisisihan mong ipinanganak ka!” Dahil masyadong bastos si Fane, ayos lang kay Tristan na gamitin ang mga koneksyon niya sa Buckwood upang tapusin nang tuluyan si Harvey.Ang ilang mga taong nasa malayo ay pinanood si Harvey nang may mapanghamak na ngiti. Sa mata nila, ang isang pasikat na tulad ni Harvey na walang ibang alam kundi magyabang ay wala man lang karapatang pakintabin ang sapatos ng mga master ng mayayamang pamilya tulad ni Hugh at Tristan. ‘Nagpapasikat ka na ngayon?’ “Anong nasa isip niya?!’ ‘Hindi kailangan ni Hugh na mag-abala mismo kay Harvey!’ ’Kapag ginusto ni Tristan na mamatay si Harvey, wal
Kalmadong sinabi ni Harvey, “Dahil masyadong magalang si Master Baker, iinom rin ako!” “Pero alam mo, allergic si Xynthia sa alak. Huwag na natin siyang pahirapan.” “Paano kung ganito? Ako na lang ang iinom para sa kanya.” “Kahit anong mangyari ako ang brother-in-law at boyfriend niya. Natural lang na uminom ako para sa kanya!” Habang nagsasalita si Harvey, itinaas niya ang isang baso ng wine at tumayo. Nagtinginan si Hugh at Tristan at ngumiti. Lumapit si Tristan kay Harvey at sinabi, “Master York, napakadali mong kausap! Mukhang nagkamali kami ng akala sa’yo kanina!” “Tara, tara, tara. Uminom tayo upang ipakita ang paghingi ko ng tawad. Cheers!” Kaagad na binigyan ni Tristan si Harvey ng isa pang baso ng wine pagkatapos niyang magsalita. Nagbago nang husto ang ekspresyon ni Xynthia. Bahagya niyang kinurot ang binti ni Harvey upang senyasan siyang huwag sumama. Hindi tanga si Xynthia. Alam niyang may masamang binabalak sila Hugh kay Harvey. Subalit, hindi kumibo
Habang lalong umiinom si Harvey, lalong namula ang kanyang mukha. Pinanood ni Hugh ang eksena habang tumatawa. ‘Ang tanga! Ang saya pa rin niya kahit napilitan siyang uminom ng ganito karaming alak.” Ayon sa karanasan ni Hugh sa inuman, babagsak na si Harvey pagkatapos ng ilang inom. Kapag hindi umikli ang buhay ni Harvey sa kakainom, kahit paano ay sasakit ang tiyan niya. Samantala, tinitigan ni Tristan si Hugh nang humahanga. Tulad ng inaasahan kay Master Baker, walang kahirap-hirap siyang nanalo! Tama na ginamit niya kay Harvey ang paraang ito. Kumuha si Tristan ng isa pang baso ng wine at kaagad na lumapit.Hindi nagtagal, naubos na ang laman ng mga bote ng wine. Hinila ni Xynthia si Harvey at sumigaw, “Brother-In-Law, huwag ka nang iinom! Umuwi na tayo okay?” “Wala kayong naiintindihang mga babae! Wala kayong kinalaman sa pag-inom naming mga lalaki!” Gumegewang ang katawan ni Harvey habang tuliro ang kanyang mga mata. Parang anumang oras ay tutumba na siya.
Bang!Pagkatapos uminom nang isang beses, bumagsak si Hugh sa sahig. Halos magkasabay ring bumagsak ang iba. Si Harvey at Xynthia na lang ang natitirang nakatayo. Basta na lang ihinagis ni Harvey ang baso ng wine na hawak niya. Bumalik siya sa natural niyang ekspresyon. “Brother-In-Law, ayos ka lang?!” “Itinumba mo silang lahat nang mag-isa?!” Nagulat si Xynthia. Walang magawa si Harvey kundi ang tumawa. “Magiging ayos pa rin ako kahit pagkatapos ng ilang round.” “Kung ganoon, nung nakipagkita ka pala sa isang kliyente kasama ang ate ko noong nakaraan, nagpapanggap ka lang palang lasing!” “Kung hindi lang ako nagpumilit, nakuha mo sana ang gusto mo at may nangyari sana sa inyo!” Nang maalala ang eksenang iyon, umirap si Xynthia. Nagdilim ang mukha ni Harvey at pinitik niya ang noo ni Xynthia. “Anong sinasabi mo?! Brother-In-Law mo ako. Diba natural lang na may mangyari sa amin ng ate mo?!” “Hindi ako papayag kahit anong mangyari!” Nagwala si Xynthia habang