Ang lalakeng naliligo sa may bath ay walang iba kung hindi si Peter Lee mismo.Ang kinatawan ng awtoridad ng Star Chaebol sa Country H. Sa loob ng teritoryo ng Country H, meron siyang kapangyarihan sa buhay at kamatayan sa mga tao ng Star Chaebol. Isang salita lamang mula sa kanya ay madaling makapagpasya sa kapalaran ng hindi mabilang na mga manggagawa.Ngunit ang kanyang ekspresyon ay sadyang masama sa mga sandaling iyon.‘Namatay siya?!’‘Namatay ang sarili kong anak na lalake?!’Kahit na hindi ganun kalapit ang loob ni Peter sa kanyang anak na lalake, dugo’t laman pa din niya ito. Isang araw matapos magtungo sa timog ang kanyang anak upang palawakin ang kanilang merkado, agad itong namatay.“Basura!” Sambit ni Peter pagkalipas ng mahabang sandali. Sa sandaling iyon, isang lalake na nakasuot ng gold wire glasses ang lumabas mula sa tabi ng bathhouse.Kahawig siya ni Cam Lee ngunit mas elegante at mahinahon ito. Ngumiti siya at sinabi, “Ama, nakikiramay ako.“Sinabi ko
Sa kabilang panig ng tawag, nagsalita si Dominic Park na para bang binali ang butoniya sa likod. Natural lang na hindi na nangahas ang dating mayabang na lalake na magmataas sa harapan ni Harvey York. Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Harvey. Wala siyang alitan sa Star Chaebol, ngunit hindi niya hahayaan na kamkamin ng mga ito ang mga ari-arian na meron ang Yates family na mula Amerika dito sa Buckwood.Ito ay dahil sa pagmamay-ari ito ng mga mamamayan ng Buckwood.Nag-iisip pa din si Harvey ng paraan para mabawi niya ang mga ari-arian na ito. Natural lang na gusto niyang makipagkita sa bagong namamahala na mula sa Star Chaebol ngayon na nagpakita na ito. “Anong oras at saan?” Direktang sinabi ni Harvey ng walang paligoy-ligoy. “Gusto niyang makipagkita sa inyo sa Golden Pond Mountain Villa. Tulad ng dati, gusto din niyang humingi sa inyo ng pabor.” Takot na takot si Dominic. Ngumiti si Harvey at sumagot, “Sige, papunta na ako ngayon. Hintayin mo ako.” Pagkatapo
Ang lalake ay walang iba kung hindi si Steve Lee. Akala ni Steve ay ang lalakeng kayang patayin si Cam Lee ay marahil isang maabilidad na tao. Ngunit kahit na pambihira ang ang aura ni Harvey York, mulha pa siyang masyadong bata. Wala siyang makitang kahit na anong espesyal tungkol kay Harvey. Kahit ang titulo ng consultant ng gobyerno ay hindi nakatulong para baguhin ang kanyang isipan. Ngunit sa mga mata ng mga tao na katulad ni Steve, maliban na lang kung si Harvey ang consultant ng Country H, hindi niya pagtutuunan ng pansin ang consultant ng South Light. ‘Mukhang masasabi ko na ang walang kwentang kapatid ko na iyon ay wala talagang kwenta!‘Hindi man lang niya nagawang iligpit ang ganitong klaseng tao kahit na may kasama na siyang isa sa Eight Heavenly Kings at pagkatapos ay namatay pa siya sa bandang huli. Walang kwenta.’Nagpakita ng ekspresyon na puno ng pagkadismaya si Steve. “Alam mo ba alam na dapat kang lumuhod bago mo sagutin si Master Lee?” Isa sa tatl
Pinilit na ngumiti si Dominic Park at sinagot, “Consultant York, alam ni Master Lee ang lahat.” “Ngunit gusto niyang makipagkaibigan, at handa siyang makipagkaibigan sayo. Kung alam mo kung paano magdesisyon, bukod sa magmumukhang hindi nangyari ang pagkamatay ni Cam Lee, magkakaroon din ng maraming pagkakataon ang Star Chaebol ng Buckwood na makipagtulungan sayo sa hinaharap!” “Hindi naman matatagalan para lumaki at maging isang first-rate family ang Star Chaebol!” Habang nagsasalita si Dominic, ang tatlong tinaguriang Heavenly Kings at ang mga sekretarya ay mababa ang tingin kay Harvey. Sa kanilang paningin, kahit na may mahalagang katayuan si Harvey, dahil sa isa siyang live-in husband ay nangangahulugan lang na wala siyang maraming pera.Napakabuti ng mga kondisyon ni Steve. Ang sinumang matalinong tao ay hindi alam kung ano ang pipiliin.Isa lang naman itong hamak na security guard!Ang problema ay kaagad na masosolusyunan sa pamamagitan ng buhay ng isang hamak na secur
Natural lang na alam ni Steve Lee na kontrolado na niya si Harvey York base sa mga salita na sinabi niya. Ilan sa mga maganda niyang sekretarya ay pinanlilisikan si Harvey na puno ng pandidiri, habang iniisip na ang isang lalake na luluhod sa harapan ni Steve ay walang kwenta. Laban sa pang pe-pressure ni Steve, nagkaroon ng interes si Harvey. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko ang oportunidad na binibigay mo sa akin? “O baka napagkamalan mo at pakiramdam mo ay kaya mo akong i-pressure?”Ngumiti si Steve. “Hindi ko alam kung ano ang ikinasama ng loob mo, Consultant York. Ngunit ang isang hamak na consultant na kagaya mo ay hindi dapat ginagalit ang ilang mga tao at mga powerhouses.“Mas mabuti pa kung wala kang binabangga hangga’t maaari. Para ito sa ikabubuti mo!” Pakiramdam ni Steve na masyado na siya naging pasensyoso. Kung hindi dahil sa lalakeng ito na nasa kanyang harapan na pumatay kay Cam Lee, malamang ay sinampal na niya si Harvey hanggang sa humampas na ito sa
Ngayon, bibigyan kita ng isang huling pagkakataon. Ibigay mo sa'kin ang security guard at mamili ka ng isang braso at binti na babaliin sa loob ng sampung minuto. Kapag ginawa mo yun, pababayaan kita! "Kung mayabang ka pa rin pagkatapos ng sampung minuto, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari!" Pagkatapos ng sinabi niya, simpleng umupo si Steve Lee sa sofa, pagkatapos ay dumekwatro habang naningkit ang mga mata niya kay Harvey York. Nang tumingin ang mga magagandang sekretarya kay Steve, kuminang ang mga mata nila sa pagkamangha. Ito ang maalamat na malaking karakter, ang maalamat na dominanteng CEO! Ito ang lalaking kayang manalo sa kahit na anong laban gamit lang ng maingat na pagpaplano! At kumpara sa kanya, isa lamang mahirap na basura si Harvey. Tumawa si Harvey sa nakita niya. "Mukhang mas matalino ka kesa sa patay mong kapatid. Kahit papaano alam mong kailangan mo ng dami ng tao para labanan ako…" Kalmadong sumagot si Steve, "Hindi lang ito lakas ng mara
Maraming taon nang nasa Country H si Steve Lee. Narinig niya ang lahat mula sa fourth master ng Wolsing hanggang sa sixth prince ng Mordu. Mayroong prestihiyosong titulo na dapat si Harvey York sa lakas niya, pero walang masyadong impormasyon tungkol sa kanya pagkatapos niyang tignan ang pinagmulan ni Steve. At sa gitna ng mga aninong iyon, nakita niya ang isa pang lalaki. 'Si Tyson Woods?!'Ang bagong hari ng kalye sa South Light, si Tyson Woods?!' Kahit na hindi nakikisalamuha ang Star Chaebol sa South Light noon, tinignan nila nang maayos ang lahat ng malalaking karakter sa loob ng South Light bago pumunta rito. At sa lahat ng mga taong tinignan niya, si Tyson ang pinakatinitingala niya. Ayon sa plano ng Star Chaebol, kailangan nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para mapalapit kay Tyson kahit na anong mangyari. Sa suporta mula sa kalye ng South Light, magagawa ng Star Chaebol ang lahat ng gugustuhin nila. Pero hindi nila inisip na ang bagong maalamat na hari n
Masama ang ekspresyon ni Steve Lee. Malamig siyang sumigaw sa sandaling ito, "Harvey… "Sumusuko kami! "Wag niyo sana kaming patayin!" Bago pa makapagbigay ng utos si Steve, binagsak na ng mga Taekwondo blackbelt mula Country J ang mga tuhod nila sa lapag. Marami sa kanila ang nakataas ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng kanilang ulo, sinesenyas nila na wala silang malisyosong intention. Laban sa isanlibong nakapagsanay na tao, ang nag-iisang desisyon lang nila ay ang aminin ang kanilang pagkatalo. Kumpara sa pananatiling buhay, ano naman kung susuko sila? Bahagyang tinaas ni Harvey York ang ulo niya. Kaagad na lumapit si Tyson Woods kasama ng iba pa para itali ang mga tinatawag na Taekwondo blackbelt. Tanging sina Steve at ang kanyang mga magagandang sekretarya lamang ang nanatiling nakatayo sa lahat mula sa malakas at mabangis na Star Chaebol. “Harvey York!"Sumosobra ka na! "Sa huli, ako pa rin ang anak ni Representative Lee mula sa Star Chaebol. Isa akong malaking