Pinilit na ngumiti si Dominic Park at sinagot, “Consultant York, alam ni Master Lee ang lahat.” “Ngunit gusto niyang makipagkaibigan, at handa siyang makipagkaibigan sayo. Kung alam mo kung paano magdesisyon, bukod sa magmumukhang hindi nangyari ang pagkamatay ni Cam Lee, magkakaroon din ng maraming pagkakataon ang Star Chaebol ng Buckwood na makipagtulungan sayo sa hinaharap!” “Hindi naman matatagalan para lumaki at maging isang first-rate family ang Star Chaebol!” Habang nagsasalita si Dominic, ang tatlong tinaguriang Heavenly Kings at ang mga sekretarya ay mababa ang tingin kay Harvey. Sa kanilang paningin, kahit na may mahalagang katayuan si Harvey, dahil sa isa siyang live-in husband ay nangangahulugan lang na wala siyang maraming pera.Napakabuti ng mga kondisyon ni Steve. Ang sinumang matalinong tao ay hindi alam kung ano ang pipiliin.Isa lang naman itong hamak na security guard!Ang problema ay kaagad na masosolusyunan sa pamamagitan ng buhay ng isang hamak na secur
Natural lang na alam ni Steve Lee na kontrolado na niya si Harvey York base sa mga salita na sinabi niya. Ilan sa mga maganda niyang sekretarya ay pinanlilisikan si Harvey na puno ng pandidiri, habang iniisip na ang isang lalake na luluhod sa harapan ni Steve ay walang kwenta. Laban sa pang pe-pressure ni Steve, nagkaroon ng interes si Harvey. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko ang oportunidad na binibigay mo sa akin? “O baka napagkamalan mo at pakiramdam mo ay kaya mo akong i-pressure?”Ngumiti si Steve. “Hindi ko alam kung ano ang ikinasama ng loob mo, Consultant York. Ngunit ang isang hamak na consultant na kagaya mo ay hindi dapat ginagalit ang ilang mga tao at mga powerhouses.“Mas mabuti pa kung wala kang binabangga hangga’t maaari. Para ito sa ikabubuti mo!” Pakiramdam ni Steve na masyado na siya naging pasensyoso. Kung hindi dahil sa lalakeng ito na nasa kanyang harapan na pumatay kay Cam Lee, malamang ay sinampal na niya si Harvey hanggang sa humampas na ito sa
Ngayon, bibigyan kita ng isang huling pagkakataon. Ibigay mo sa'kin ang security guard at mamili ka ng isang braso at binti na babaliin sa loob ng sampung minuto. Kapag ginawa mo yun, pababayaan kita! "Kung mayabang ka pa rin pagkatapos ng sampung minuto, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari!" Pagkatapos ng sinabi niya, simpleng umupo si Steve Lee sa sofa, pagkatapos ay dumekwatro habang naningkit ang mga mata niya kay Harvey York. Nang tumingin ang mga magagandang sekretarya kay Steve, kuminang ang mga mata nila sa pagkamangha. Ito ang maalamat na malaking karakter, ang maalamat na dominanteng CEO! Ito ang lalaking kayang manalo sa kahit na anong laban gamit lang ng maingat na pagpaplano! At kumpara sa kanya, isa lamang mahirap na basura si Harvey. Tumawa si Harvey sa nakita niya. "Mukhang mas matalino ka kesa sa patay mong kapatid. Kahit papaano alam mong kailangan mo ng dami ng tao para labanan ako…" Kalmadong sumagot si Steve, "Hindi lang ito lakas ng mara
Maraming taon nang nasa Country H si Steve Lee. Narinig niya ang lahat mula sa fourth master ng Wolsing hanggang sa sixth prince ng Mordu. Mayroong prestihiyosong titulo na dapat si Harvey York sa lakas niya, pero walang masyadong impormasyon tungkol sa kanya pagkatapos niyang tignan ang pinagmulan ni Steve. At sa gitna ng mga aninong iyon, nakita niya ang isa pang lalaki. 'Si Tyson Woods?!'Ang bagong hari ng kalye sa South Light, si Tyson Woods?!' Kahit na hindi nakikisalamuha ang Star Chaebol sa South Light noon, tinignan nila nang maayos ang lahat ng malalaking karakter sa loob ng South Light bago pumunta rito. At sa lahat ng mga taong tinignan niya, si Tyson ang pinakatinitingala niya. Ayon sa plano ng Star Chaebol, kailangan nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para mapalapit kay Tyson kahit na anong mangyari. Sa suporta mula sa kalye ng South Light, magagawa ng Star Chaebol ang lahat ng gugustuhin nila. Pero hindi nila inisip na ang bagong maalamat na hari n
Masama ang ekspresyon ni Steve Lee. Malamig siyang sumigaw sa sandaling ito, "Harvey… "Sumusuko kami! "Wag niyo sana kaming patayin!" Bago pa makapagbigay ng utos si Steve, binagsak na ng mga Taekwondo blackbelt mula Country J ang mga tuhod nila sa lapag. Marami sa kanila ang nakataas ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng kanilang ulo, sinesenyas nila na wala silang malisyosong intention. Laban sa isanlibong nakapagsanay na tao, ang nag-iisang desisyon lang nila ay ang aminin ang kanilang pagkatalo. Kumpara sa pananatiling buhay, ano naman kung susuko sila? Bahagyang tinaas ni Harvey York ang ulo niya. Kaagad na lumapit si Tyson Woods kasama ng iba pa para itali ang mga tinatawag na Taekwondo blackbelt. Tanging sina Steve at ang kanyang mga magagandang sekretarya lamang ang nanatiling nakatayo sa lahat mula sa malakas at mabangis na Star Chaebol. “Harvey York!"Sumosobra ka na! "Sa huli, ako pa rin ang anak ni Representative Lee mula sa Star Chaebol. Isa akong malaking
Namaga na parang baboy ang mukha ni Steve Lee. Galit siyang sumigaw habang dumudugo ang kanyang bibig at ilong. Isa siyang sikat na henyo sa Country J, magaling sa literatura at sa pakikipaglaban! Siya rin ang huling disipulo ng Taekwondo master noon! Ang anak ng representative ng Star Chaebol! Kahit saan tignan, isa pa rin siyang malaking karakter na may mataas na katayuan. Pero sa sandaling ito, isa lang siyang nalulunod na aso sa harapan ni Harvey. Nawalan na siya ng lakas para lumaban. Ang pinakamahalagang bagay ay kung gagamit ng kahit na anong malakas na atake si Harvey kay Steve, tiyak na aamin siya ng pagkatalo. Pero palad lang ang ginagamit ni Harvey. 'Wala akong pakialam kung gaano pa kaganda at nakakatakot ang mga atake ni Steve. 'Lalapit ako sa kanya at pagsasampalin ko ang mukha niya. 'Ang mahalaga ay hindi niya to masasalag kahit na gustuhin niya. Hindi niya rin ito maiiwasan!' Slap!Sa isa pang sampal, lumipad na naman si Steve. "Dali, isa kang m
Sa babang palapag ng the Gardens Residence, isang pink na Rolls Royce Phantom ang pumarada sa nakalaang parking space. Maraming tao ang nagpapakita ng lahat ng klase ng emosyon, mula sa paghanga hanggang sa inggit, nang maglakad sila. Mayroong isang matangkad na lalaking nakasandal sa tabi ng kotse. Natulala ang mga taong napadaan sa nakita nila. Maraming babae ang itinuring siya bilang isang prinsipe. Hindi nagtagal, isang napakagandang babae ang lumabas mula sa the Gardens Residence. Medyo natulala si Mandy Zimmer nang makita niya si Harvey York. 'Siya pa rin ba ang live-in husband na yun?' Nang makita ni Harvey si Mandy na papalapit, kaagad niyang kinawayan si Mandy at nagsabing, "Pumasok ka, ganda!" Hindi nagtagal pagkatapos nilang makasakay sa kotse, kaagad na gumana ang makina nito. Nagulat ang lahat ng tao sa paligid. Sa loob ng kotse, nagbato si Harvey ng ilang mga papel kay Mandy at nagsabi, "Nandito ang lahat ng mga dokumento." Kinuha ni Mandy ang mga papele
Lumapit si Mandy Zimmer at kinamayan ang mga dalaga at ngumiti at ipinakilala si Harvey York sa lahat. “Ito ang asawa ko, si Harvey.“Darling, hayaan mong ipakilala ko sa’yo.“Ito si Stacy Leo ng Leo family mula sa Hong Kong. Kahgit na si Miss Leo ay malayong kamag-anak lang niya, medyo malaki ang impluwensya niya. Nagpunta siya rito upang palawaking ang merkado ng Buckwood…“Ito naman ay si Rae Flynn mula sa Flynn family ng Hong Kong…“Ito naman ay si…” Ipinakilala ni Mandy ang bawat isa sa mga ito nang mabilis. Subalit, napagtanto ni Harvey na ang mga babaeng ito ay puro mula sa four top-rated families ng Hong Kong. Sa madaling salita, marami silang koneksyon sa four top-rated families. Tinignan nang maigi ni Harvey si Stacy at nakumpirmang walang planong inihanda si Quinton York. Malaking pagkakataon lang sigurong nakilala ito ni Mandy. Nang walang-alinlangan, ngumiti si Harvey nang magalang at sinabi, “Hello, ako si Harvey. Ikinalulugod kong makilala kayo.” Minata n