Maraming taon nang nasa Country H si Steve Lee. Narinig niya ang lahat mula sa fourth master ng Wolsing hanggang sa sixth prince ng Mordu. Mayroong prestihiyosong titulo na dapat si Harvey York sa lakas niya, pero walang masyadong impormasyon tungkol sa kanya pagkatapos niyang tignan ang pinagmulan ni Steve. At sa gitna ng mga aninong iyon, nakita niya ang isa pang lalaki. 'Si Tyson Woods?!'Ang bagong hari ng kalye sa South Light, si Tyson Woods?!' Kahit na hindi nakikisalamuha ang Star Chaebol sa South Light noon, tinignan nila nang maayos ang lahat ng malalaking karakter sa loob ng South Light bago pumunta rito. At sa lahat ng mga taong tinignan niya, si Tyson ang pinakatinitingala niya. Ayon sa plano ng Star Chaebol, kailangan nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para mapalapit kay Tyson kahit na anong mangyari. Sa suporta mula sa kalye ng South Light, magagawa ng Star Chaebol ang lahat ng gugustuhin nila. Pero hindi nila inisip na ang bagong maalamat na hari n
Masama ang ekspresyon ni Steve Lee. Malamig siyang sumigaw sa sandaling ito, "Harvey… "Sumusuko kami! "Wag niyo sana kaming patayin!" Bago pa makapagbigay ng utos si Steve, binagsak na ng mga Taekwondo blackbelt mula Country J ang mga tuhod nila sa lapag. Marami sa kanila ang nakataas ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng kanilang ulo, sinesenyas nila na wala silang malisyosong intention. Laban sa isanlibong nakapagsanay na tao, ang nag-iisang desisyon lang nila ay ang aminin ang kanilang pagkatalo. Kumpara sa pananatiling buhay, ano naman kung susuko sila? Bahagyang tinaas ni Harvey York ang ulo niya. Kaagad na lumapit si Tyson Woods kasama ng iba pa para itali ang mga tinatawag na Taekwondo blackbelt. Tanging sina Steve at ang kanyang mga magagandang sekretarya lamang ang nanatiling nakatayo sa lahat mula sa malakas at mabangis na Star Chaebol. “Harvey York!"Sumosobra ka na! "Sa huli, ako pa rin ang anak ni Representative Lee mula sa Star Chaebol. Isa akong malaking
Namaga na parang baboy ang mukha ni Steve Lee. Galit siyang sumigaw habang dumudugo ang kanyang bibig at ilong. Isa siyang sikat na henyo sa Country J, magaling sa literatura at sa pakikipaglaban! Siya rin ang huling disipulo ng Taekwondo master noon! Ang anak ng representative ng Star Chaebol! Kahit saan tignan, isa pa rin siyang malaking karakter na may mataas na katayuan. Pero sa sandaling ito, isa lang siyang nalulunod na aso sa harapan ni Harvey. Nawalan na siya ng lakas para lumaban. Ang pinakamahalagang bagay ay kung gagamit ng kahit na anong malakas na atake si Harvey kay Steve, tiyak na aamin siya ng pagkatalo. Pero palad lang ang ginagamit ni Harvey. 'Wala akong pakialam kung gaano pa kaganda at nakakatakot ang mga atake ni Steve. 'Lalapit ako sa kanya at pagsasampalin ko ang mukha niya. 'Ang mahalaga ay hindi niya to masasalag kahit na gustuhin niya. Hindi niya rin ito maiiwasan!' Slap!Sa isa pang sampal, lumipad na naman si Steve. "Dali, isa kang m
Sa babang palapag ng the Gardens Residence, isang pink na Rolls Royce Phantom ang pumarada sa nakalaang parking space. Maraming tao ang nagpapakita ng lahat ng klase ng emosyon, mula sa paghanga hanggang sa inggit, nang maglakad sila. Mayroong isang matangkad na lalaking nakasandal sa tabi ng kotse. Natulala ang mga taong napadaan sa nakita nila. Maraming babae ang itinuring siya bilang isang prinsipe. Hindi nagtagal, isang napakagandang babae ang lumabas mula sa the Gardens Residence. Medyo natulala si Mandy Zimmer nang makita niya si Harvey York. 'Siya pa rin ba ang live-in husband na yun?' Nang makita ni Harvey si Mandy na papalapit, kaagad niyang kinawayan si Mandy at nagsabing, "Pumasok ka, ganda!" Hindi nagtagal pagkatapos nilang makasakay sa kotse, kaagad na gumana ang makina nito. Nagulat ang lahat ng tao sa paligid. Sa loob ng kotse, nagbato si Harvey ng ilang mga papel kay Mandy at nagsabi, "Nandito ang lahat ng mga dokumento." Kinuha ni Mandy ang mga papele
Lumapit si Mandy Zimmer at kinamayan ang mga dalaga at ngumiti at ipinakilala si Harvey York sa lahat. “Ito ang asawa ko, si Harvey.“Darling, hayaan mong ipakilala ko sa’yo.“Ito si Stacy Leo ng Leo family mula sa Hong Kong. Kahgit na si Miss Leo ay malayong kamag-anak lang niya, medyo malaki ang impluwensya niya. Nagpunta siya rito upang palawaking ang merkado ng Buckwood…“Ito naman ay si Rae Flynn mula sa Flynn family ng Hong Kong…“Ito naman ay si…” Ipinakilala ni Mandy ang bawat isa sa mga ito nang mabilis. Subalit, napagtanto ni Harvey na ang mga babaeng ito ay puro mula sa four top-rated families ng Hong Kong. Sa madaling salita, marami silang koneksyon sa four top-rated families. Tinignan nang maigi ni Harvey si Stacy at nakumpirmang walang planong inihanda si Quinton York. Malaking pagkakataon lang sigurong nakilala ito ni Mandy. Nang walang-alinlangan, ngumiti si Harvey nang magalang at sinabi, “Hello, ako si Harvey. Ikinalulugod kong makilala kayo.” Minata n
Hindi ibinunyag ni Harvey ang mahinang pagkatao ni Brock Park para sa kapakanan ni Mandy Zimmer. Pagkatapos ay magalang niyang binati ang madla, “Ikinalulugod kong makilala kayo.” “Ikaw ang live-in husband ni Mandy Zimmer? Balita ko pareho kayong higit tatlong taon nang kasal, pero wala pang nangyayari sa inyo?” Pagkatapos ng pag-uusap, minamata ni Brock si Harvey nang may masamang titig. “Gamitin mo ang pangalan ko kapag nasangkot ka sa gulo sa Buckwood sa susunod. Tutulungan kita.” 0‘Tutulungan kita kapag nasangkot ka sa gulo sa Buckwood.’ Si Brock Park, na nagmula sa Country J, ay nagyayabang na para bang bansa niya ito. Para bang siya ang may kontrol sa lahat ng nandito.Si Stacy Leo at Rae Flynn ay nahihiyang tumatawa kasama ng iba at sinabi, “Tulad ng inaasahan, ang dominante talaga ni Sir Park.” Kalmadong sumagot si Harvey pagkatapos, “Salamat, pero ‘wag na lang.” Tinignan ni Harvey si Mandy pagkatapos niyang magsalita. Pakiramdam niya hindi na niya kailangan pang
Sa sandaling ito, ibinaling ni Brock Park ang titig niya kay Stacy Leo. Kaagad na hinawakan ni Stacy ang kamay ni Mandy Zimmer pagkatapos, at ayaw itong bitawan. “Oh, Mandy. Nagbibiro lang naman kami. Hindi ka dapat magalit nang ganito! Gusto mo bang humingi ako ng tawad para kay Sir Park?”Tinignan ni Harvey York si Stacy at may sasabihin sana, ngunit kalmado siyang pinigilan ni Mandy bago pa siya makapagsalita.“Kahit gaano kasama ang pamumuhay niya, siya pa rin ang consultant ng government ng Buckwood.”Walang pakialam ang lahat nang marinig ang mga salitang ito.Ang mga taong ito ay mula sa Country J Hong Kong. Natural na hindi nila alam ang kapangyarihan na mayroon ang isang consultant ng Country H. Ngunit pagkatapos makita ang galit na mukha ni Mandy, kaagad na sinubukan ni Rae Flynn na paigihin ang sitwasyon.“Sige, sige, nandito tayo lahat para magsaya. Uminom tayo para sa okasyong ito. Tara, dalhin niyo angh Ace of Spades na itinabi ko para dito!”Kinindatan ni Rae
“May sasabihin ako sa’yo. Si Master Steve ang anak ng representative ng Star Chaebol. Magaling rin siya sa literature at martial arts. Medyo magaling siya! “Ngayong nandito na siya, hindi na siguro magtatagal bago ang Buckwood, o maging ang buong South Light ay mapasailalim ng Star Chaebol!“Siguradong aangat ang Regency Enterprise kapag handa kang makipagtulungan sa Star Chaebol. Hindi rin malaking problemang mapasama sa mga listed groups!”Mukhang mapagmataas si Brock Park, lalo na nang mabanggit niya si Steve Lee. Ayon kay Brock, si Steve ang dangal ng Country J. Kaunting tao lamang mula sa Country H ang makakatapat sa ganito kalaking tao. Habang nagyayabang si Brock, naihatid na ni Curtis Park ang Ace of Spades habang mukhang hindi pa tapos sa kanyang gawain. Tinitigan nang masama ni Rae Flynn si Curtis at nagtanong, “Bakit ang tagal mo?! Kanina pa naghihintay ang lahat!”Kaagad na binuksan ni Rae ang inumin at nagsalin ng malalaking baso para sa lahat. Ngumiti si Broc