Dinala pabalik si Rosalie Naiswell pabalik sa tabi ni Shane Naiswell. Ang grandmaster sa pagsusuri sa mga antigo ay lubos na nasiyahan. Pagkatapos ay sinabi ni Harvey York, “Ang mga miyembro ng Naiswell family ay dapat na manatili muna sa isang five-star pansamantala. “Hindi pa to tapos.” Alam ni Harvey na ang pinakamalaking problema ngayon ang ang Fourth Master Yates na mismo. Ang lahat ng ito ay simula pa lang dahil sa buhay pa ito. Ang mga tao ng Naiswell family ay nanginginig sa takot nang marinig nila ang sinabi ni Harvey. Sa kalagitnaan ng mga tao, kakaiba ang tingin ni Rosalie kay Harvey sa mga sandaling iyon. Hindi lang maabilidad ang lalake na ito, niligtas pa nito ang kanyang buhay!Kung hindi dumating ang lalaking ito sa kritikal na sandali na iyon, hindi niya lubos maisip kung ano ang maaaring mangyari sa kanya sa mga sandaling iyon! Ngunit ang kanyang ugali ay katulad pa din ng dati, kasing lamig ng yelo. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin
“Fourth Master, ihanda niyo ang inyong sarili!” Si Russel Jean ng Jean family na mula Mordu ay nakatayo sa tabi ng mga kabaong. Ang tungkod na palagi niyang hawak ay nanginginig. Ang kanyang ekspresyon ay talagang seryoso. Nagkita na noon sila Fourth Master Yates at Russel Jean. Ang pagtutulungan ng Yates family na mula Amerika at ng Jean family ay aprubado nilang dalawa. Ngunit ng makita niya si Russel na may masamang ekspresyon, mukhang may napagtanto si Fourth Master Yates na isang bagay. Ang madalas na kalmado niyang mukha ay napangiwi ng konti habang nakatingin siya sa mga kabaong, ngunit hindi man lang niya ito binuksan pagkalipas ng mga ilang sandali. Sa wakas, ang lahat ng mga kabong ay binuksan ni Evander, na malapit na sumusunod sa likuran ni Fourth Master Yates. Bradley, Phil Yates, Todd Jean, Bahn, Floyd, Lennox…Lahat silang anim ay malinis at malinaw na namatay. Boom!Nang makita ni Fourth Master Yates ang mga bangkay ng ampon niyang anak na lalake a
Bawat isa sa kanila ang nanginig ng husto nang marinig nila ang utos ni Fourth Master Yates. Ang mga Chinese na taga ibang bansa ng Yates family na mula Amerika ay ilang taon na rin na nakapalibot sa Country H, pati na rin sa Mordu, Wolsing, at sa Golden Sands. Ang Yates family na mula Buckwood ay isa lang din collateral na kamag-anak. Ngayon na nabaliw na si Fourth Master Yates, gusto niya na magtipon-tipon ang bawat isa sa mga kamag-anak ng Yates family dala ang lahat ng kanilang yaman at alas! Gaano nakakatakot ang lakas na tulad nito? At sa loob lamang ng isang araw, bawat kamag-anak ng Yates family ay nagtipon sa Country H. Ang mga awtoridad at ang mga gangster, ang militar at ang gobyerno, ang mundo ng negosyo…Ang mga kamag-anak ng Yates family na mula Amerika ay kumalat na sa lahat ng klase ng negosyo. Kapag nagtipon ang lahat ng mga iyon, magiging mahirap isipin ang pangitain na iyon! Malakas ang Sky Corporation. Magaling si Consultant York. Ngunit imp
Bahagyang nanginig si Ethan Hunt pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Mukhang handa ang Chief Instructor na burahin ang kasamaan sa bansang ito sa pagkakataong ito. Hindi lang niya sinusubukang takutin ang Yates family mula Amerika, ang pinakaimportanteng bagay ay dudurugin niya rin ang lahat ng mga insektong mula sa Amerika na nilagay sa Country H. Kahit na wala na sa militar ang Chief Instructor, gumagawa pa rin siya ng mga bagay na ikabubuti ng bansa. Sa sandaling iyon, nagpakita ng isang makahulugang ekspresyon si Ethan. Kaya pala palaging iniimbitahan ng head ng Country H si Harvey na magsilbi bilang Chief Instructor ng siyam na top military departments, at pagkatapos ay maging isang Elder ng militar sa hinaharap. Tinignan ni Harvey si Tyson Woods at kalmadong nagsabi, "Dahil marami nang tao mula sa kalye ang nagpunta na sa Buckwood, ikaw, ang hari ng kalye, ang dapat na sumalubong sa mga taong ito. Alamin mo nang eksakto kung ilan sa kanila ang nandito na." "D
Pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, mas lalong nanginig ang buong katawan ni Leyton Luv. Para bang simple lang ang ekspresyon ng dalawa. Walang kahit na anong galit dito. Pero malinaw niyang nararamdaman na lumalamig ang ere sa kanyang paligid. ***Sa Sky Corporation. Sumugod si Shane Naiswell papunta kay Harvey York sa sandaling nakarating sa kanya ang balita. "CEO York! May malaking problema! "Nabaliw na si Fourth Master Yates! Hindi mo ko kailangan na sabihin sa'yo kung gaano siya nakakatakot! "Ikaw rin ay magaling at may walang kapantay na pagkatao! "Pero Amerikano si Fourth Master Yates. Wala siyang pakialam sa mga mamamayan ng Country H. Kung magwala siya at magsimulang atakihin ang mga inosente, ano nang mangyayari?" Natural lang na sobra pa ring ginagambala ng takot si Shane nang dahil kay Fourth Master Yates. Pero kung iisipin ang napakaraming mga namatay na Naiswell, normal lang para sa kanya na kumilos nang ganito. Tapos nang maghanda si Harvey s
Ngumiti si Harvey York. "Elder, hindi ko tinawagan ang head ng militar para lang pakiusapan niya ako. Naghahanda ako para magbura ng mga espiya mula sa Amerika na nilagay nila sa Country H. Kailangan ko ng kooperasyon mula sa militar." "Mga espiya mula sa Amerika?!" Seryoso ang tono ng Elder ng militar. "Pagkatapos ng giyera noon, ang limang pinakamalalakas na bansa, kabilang na rito ang Amerika, ay para bang tumigil na sa pakikipaglaban, pero palihim silang gumagawa ng mga maliliit na hakbang. "Kung talagang mahuhuli mo ang mga espiya mula sa Amerika, tunay na makakatulong ito para sa bansa at sa mga mamamayan nito. Anong maitutulong ng militar sa'yo?" Sumagot si Harvey, "Kung kikilos nang masyadong mabilis ang militar, malalaman ito ng panig ng mga Amerikano. "Kaya umaasa ako na magpapanggap ang militar na walang nangyari sa panlabas pero maging alerto kayo nang palihim. Wag niyong pipigilan ang kahit na sino na makapasok sa Buckwood sa panahong ito kahit na anong mangy
Nagtipon-tipon ang lahat ng mga sundalo ng Sea Dragon Corps. Kumukulo ang dugo nila at napakasigla nila. Nanahimik ang malalaking karakter mula sa pwersang militar ng South Light sa eksenang ito. Alam ng lahat sa kanila na dinala ni Bellamy Blake ang Sea Dragon Corps para kunin ang kanyang posisyon sa pagkakataong ito. Pero hindi nila inakala na ganito sila kalakas. At base sa kanilang itsura, mukhang magkakaroon ng malaking giyera sa South Light. ***Sa gobyerno ng South Light. Nakakunot ang noo ng first-in-command na si Sheldon Xavier. Nakakatakot ang kanyang ekspresyon. Naroon rin ang lahat ng mga higher-up ng South Light. Medyo nanlulumo ang kanilang mga ekspresyon. "Biglang nilabas ni Commander Blake ang kanyang Sea Dragon Corps. Mayroon bang malaking mangyayari?" "Oo nga, payapang namumuhay ang South Light sa loob ng napakaraming taon. May mangyayari na sa border?" "Mr. Xavier, kailangang mo tong linawin sa'ming lahat!" Para bang mga langgam sa mainit na ka
Bahagyang nanigas si Fourth Master Yates pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, pagkatapos ay nagtanong, "Anong ibig sabihin ng Elder? Bakit bigla siyang mabibigyan ng ganitong utos?" Ngumiti si Theo. “Congratulations, Fourth Master!”"Nakarating ang ilan sa'min sa gobyerno sa iisang konklusyon pagkatapos naming suriin ang balitang nakuha namin!""Medyo kakaiba ang pagkakataon sa buong mundo ngayon. Hindi gugustuhing lumaban ng mga higher up sa Amerika dahil dito!" "Iyon ang dahilan kung bakit sila handang magbulag-bulagan sa kahit na anong gagawin natin. Hinahayaan nila tayong gawin ang kahit na anong gusto natin!" Lumitaw sa kanyang mukha ang isang maliit na ngiti na may bakas ng kabaliwan. Iniunat niya ang kanyang kamay at kinatok ang likod nito. "Mukhang hindi man lang gustong protektahan ng pamahalaan ng Buckwood at ng South Light si Harvey York at ang Sky Corporation sa pagkakataong ito!" "Kung ganun, magpapatuloy tayo ayon sa plano!" "Naiintindihan namin!" M