Bahagyang nanginig si Ethan Hunt pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Mukhang handa ang Chief Instructor na burahin ang kasamaan sa bansang ito sa pagkakataong ito. Hindi lang niya sinusubukang takutin ang Yates family mula Amerika, ang pinakaimportanteng bagay ay dudurugin niya rin ang lahat ng mga insektong mula sa Amerika na nilagay sa Country H. Kahit na wala na sa militar ang Chief Instructor, gumagawa pa rin siya ng mga bagay na ikabubuti ng bansa. Sa sandaling iyon, nagpakita ng isang makahulugang ekspresyon si Ethan. Kaya pala palaging iniimbitahan ng head ng Country H si Harvey na magsilbi bilang Chief Instructor ng siyam na top military departments, at pagkatapos ay maging isang Elder ng militar sa hinaharap. Tinignan ni Harvey si Tyson Woods at kalmadong nagsabi, "Dahil marami nang tao mula sa kalye ang nagpunta na sa Buckwood, ikaw, ang hari ng kalye, ang dapat na sumalubong sa mga taong ito. Alamin mo nang eksakto kung ilan sa kanila ang nandito na." "D
Pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, mas lalong nanginig ang buong katawan ni Leyton Luv. Para bang simple lang ang ekspresyon ng dalawa. Walang kahit na anong galit dito. Pero malinaw niyang nararamdaman na lumalamig ang ere sa kanyang paligid. ***Sa Sky Corporation. Sumugod si Shane Naiswell papunta kay Harvey York sa sandaling nakarating sa kanya ang balita. "CEO York! May malaking problema! "Nabaliw na si Fourth Master Yates! Hindi mo ko kailangan na sabihin sa'yo kung gaano siya nakakatakot! "Ikaw rin ay magaling at may walang kapantay na pagkatao! "Pero Amerikano si Fourth Master Yates. Wala siyang pakialam sa mga mamamayan ng Country H. Kung magwala siya at magsimulang atakihin ang mga inosente, ano nang mangyayari?" Natural lang na sobra pa ring ginagambala ng takot si Shane nang dahil kay Fourth Master Yates. Pero kung iisipin ang napakaraming mga namatay na Naiswell, normal lang para sa kanya na kumilos nang ganito. Tapos nang maghanda si Harvey s
Ngumiti si Harvey York. "Elder, hindi ko tinawagan ang head ng militar para lang pakiusapan niya ako. Naghahanda ako para magbura ng mga espiya mula sa Amerika na nilagay nila sa Country H. Kailangan ko ng kooperasyon mula sa militar." "Mga espiya mula sa Amerika?!" Seryoso ang tono ng Elder ng militar. "Pagkatapos ng giyera noon, ang limang pinakamalalakas na bansa, kabilang na rito ang Amerika, ay para bang tumigil na sa pakikipaglaban, pero palihim silang gumagawa ng mga maliliit na hakbang. "Kung talagang mahuhuli mo ang mga espiya mula sa Amerika, tunay na makakatulong ito para sa bansa at sa mga mamamayan nito. Anong maitutulong ng militar sa'yo?" Sumagot si Harvey, "Kung kikilos nang masyadong mabilis ang militar, malalaman ito ng panig ng mga Amerikano. "Kaya umaasa ako na magpapanggap ang militar na walang nangyari sa panlabas pero maging alerto kayo nang palihim. Wag niyong pipigilan ang kahit na sino na makapasok sa Buckwood sa panahong ito kahit na anong mangy
Nagtipon-tipon ang lahat ng mga sundalo ng Sea Dragon Corps. Kumukulo ang dugo nila at napakasigla nila. Nanahimik ang malalaking karakter mula sa pwersang militar ng South Light sa eksenang ito. Alam ng lahat sa kanila na dinala ni Bellamy Blake ang Sea Dragon Corps para kunin ang kanyang posisyon sa pagkakataong ito. Pero hindi nila inakala na ganito sila kalakas. At base sa kanilang itsura, mukhang magkakaroon ng malaking giyera sa South Light. ***Sa gobyerno ng South Light. Nakakunot ang noo ng first-in-command na si Sheldon Xavier. Nakakatakot ang kanyang ekspresyon. Naroon rin ang lahat ng mga higher-up ng South Light. Medyo nanlulumo ang kanilang mga ekspresyon. "Biglang nilabas ni Commander Blake ang kanyang Sea Dragon Corps. Mayroon bang malaking mangyayari?" "Oo nga, payapang namumuhay ang South Light sa loob ng napakaraming taon. May mangyayari na sa border?" "Mr. Xavier, kailangang mo tong linawin sa'ming lahat!" Para bang mga langgam sa mainit na ka
Bahagyang nanigas si Fourth Master Yates pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, pagkatapos ay nagtanong, "Anong ibig sabihin ng Elder? Bakit bigla siyang mabibigyan ng ganitong utos?" Ngumiti si Theo. “Congratulations, Fourth Master!”"Nakarating ang ilan sa'min sa gobyerno sa iisang konklusyon pagkatapos naming suriin ang balitang nakuha namin!""Medyo kakaiba ang pagkakataon sa buong mundo ngayon. Hindi gugustuhing lumaban ng mga higher up sa Amerika dahil dito!" "Iyon ang dahilan kung bakit sila handang magbulag-bulagan sa kahit na anong gagawin natin. Hinahayaan nila tayong gawin ang kahit na anong gusto natin!" Lumitaw sa kanyang mukha ang isang maliit na ngiti na may bakas ng kabaliwan. Iniunat niya ang kanyang kamay at kinatok ang likod nito. "Mukhang hindi man lang gustong protektahan ng pamahalaan ng Buckwood at ng South Light si Harvey York at ang Sky Corporation sa pagkakataong ito!" "Kung ganun, magpapatuloy tayo ayon sa plano!" "Naiintindihan namin!" M
Si Fourth Master Yates at nakatayo sa gitna ng bulwagan. Isang nakakatakot na aura ang bumabalot sa kanyang katawan. Para bang isang tigreng matagal nang natutulog ang muling lalaban. Siguradong sa paggising ng tigre ay magtatambakan ang mga buto at tutulo ang dugo na parang isang ilog. Hindi malayo mula kay Fourth Master Yates, si Evander ay nakasuot ng puting damit. Mukha siyang malungkot, ngunit nanginginig pa rin ang mga taong nakakakilala sa kanya. Handa siyang pumatay dahil nakasuot siya ng puti! Sabi pa ng mga tao na pati diyos papatayin ni Evander tuwing magsusuot siya ng puti! Hindi lamang ito isang haka-haka. Maraming labanan ang magpapatunay nito. Bukod pa riyan, maraming mga kilalang tao mula sa upper social circle ng Buckwood ang nakatayo sa isang pwesto sa tapat ng bulwagan. Marami sa kanila ang hindi nagmula sa Buckwood. Mula sila sa malalaking pamilya at kinatawan ng mga awtoridad sa Buckwood. Nandito sila upang dumalo sa investment and business engageme
Bahagyang itinaas ni Fourth Master Yates ang kanyang kamay upong senyasan ang lahat na tumahimik, at dahan-dahang nagsalita pagkatapos, “Apat na taon na akong nagtatago. Ang paborito kong libangan ay ang magbigkas ng kasulatan sa kabundukan! “Ngunit hindi ko kailanman inakalang isang hangal ang papatay sa mga tao ko nang paulit-ulit! “Gusto lamang ng Yates family ng America na makipag-negosyo sa Buckwood. Ayaw naming gumawa ng kahit anong gulo! “Ngunit hindi rin kami natatakot sa iba! “Dahil may gustong bumangga sa amin, nandito ako upang kumatawan sa Yates family ng America! “Hindi kami titigil hangga’t hindi nasisira ang Sky Corporation! “Hindi kami titigil hangga’t hindi pa patay si Prince York! “Hindi kami titigil hangga’t hindi pa patay si Harvey York!”Umalingawngaw ang talumpati ni Fourth Master Yates sa buong lugar. “Mata sa mata!” “Dugo sa dugo!”Ang labinlimang sanggano ay sabay-sabay na sumisigaw. Lumilipad sa himpapawid ang kagustuhang pumatay. Nangini
“Kung ganoon, dalawang kilalang panauhin. Lubos kong hinihiling na mapasaiyo ang dangal ng araw na ito sa bawat araw ng buhay mo, Fourth Master Yates!” “Ito…” Napahikbi ang madla pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi sil makapagsalita. Masyadong nakakabigla ang mga salitang iyon! Sinumpa ba ng lalaking itong mamatayan ng anak si Fourth Master Yates bawat taon sa pamamagitan ng pagsabi nito sa isang lamay?! “Fourth Master! Mayabang ang dalawang ito! Hindi na natin sila kailangang hintayin. Pupunitin na namin ang Sky Corporation ngayon na!” Ang sama ng titig ni Gus Yates. Gusto nilang mamatay kung hahamunin nila ang Yates family ng America nang ganoon! Ang lahat ng mga kamag-anak nila ay nakatitig rin nang masama. Ang mga taong iyon ay ipinagmamalaking kamag-anak sila ng Yates family ng America. Gayunpaman, talagang may taong malakas ang loob na insultuhin ang pinakamakapangyarihang tao sa pamilya, si Fourth Master Yates! Sinong hindi mapupuno ng galit?! “