Nagtipon-tipon ang lahat ng mga sundalo ng Sea Dragon Corps. Kumukulo ang dugo nila at napakasigla nila. Nanahimik ang malalaking karakter mula sa pwersang militar ng South Light sa eksenang ito. Alam ng lahat sa kanila na dinala ni Bellamy Blake ang Sea Dragon Corps para kunin ang kanyang posisyon sa pagkakataong ito. Pero hindi nila inakala na ganito sila kalakas. At base sa kanilang itsura, mukhang magkakaroon ng malaking giyera sa South Light. ***Sa gobyerno ng South Light. Nakakunot ang noo ng first-in-command na si Sheldon Xavier. Nakakatakot ang kanyang ekspresyon. Naroon rin ang lahat ng mga higher-up ng South Light. Medyo nanlulumo ang kanilang mga ekspresyon. "Biglang nilabas ni Commander Blake ang kanyang Sea Dragon Corps. Mayroon bang malaking mangyayari?" "Oo nga, payapang namumuhay ang South Light sa loob ng napakaraming taon. May mangyayari na sa border?" "Mr. Xavier, kailangang mo tong linawin sa'ming lahat!" Para bang mga langgam sa mainit na ka
Bahagyang nanigas si Fourth Master Yates pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, pagkatapos ay nagtanong, "Anong ibig sabihin ng Elder? Bakit bigla siyang mabibigyan ng ganitong utos?" Ngumiti si Theo. “Congratulations, Fourth Master!”"Nakarating ang ilan sa'min sa gobyerno sa iisang konklusyon pagkatapos naming suriin ang balitang nakuha namin!""Medyo kakaiba ang pagkakataon sa buong mundo ngayon. Hindi gugustuhing lumaban ng mga higher up sa Amerika dahil dito!" "Iyon ang dahilan kung bakit sila handang magbulag-bulagan sa kahit na anong gagawin natin. Hinahayaan nila tayong gawin ang kahit na anong gusto natin!" Lumitaw sa kanyang mukha ang isang maliit na ngiti na may bakas ng kabaliwan. Iniunat niya ang kanyang kamay at kinatok ang likod nito. "Mukhang hindi man lang gustong protektahan ng pamahalaan ng Buckwood at ng South Light si Harvey York at ang Sky Corporation sa pagkakataong ito!" "Kung ganun, magpapatuloy tayo ayon sa plano!" "Naiintindihan namin!" M
Si Fourth Master Yates at nakatayo sa gitna ng bulwagan. Isang nakakatakot na aura ang bumabalot sa kanyang katawan. Para bang isang tigreng matagal nang natutulog ang muling lalaban. Siguradong sa paggising ng tigre ay magtatambakan ang mga buto at tutulo ang dugo na parang isang ilog. Hindi malayo mula kay Fourth Master Yates, si Evander ay nakasuot ng puting damit. Mukha siyang malungkot, ngunit nanginginig pa rin ang mga taong nakakakilala sa kanya. Handa siyang pumatay dahil nakasuot siya ng puti! Sabi pa ng mga tao na pati diyos papatayin ni Evander tuwing magsusuot siya ng puti! Hindi lamang ito isang haka-haka. Maraming labanan ang magpapatunay nito. Bukod pa riyan, maraming mga kilalang tao mula sa upper social circle ng Buckwood ang nakatayo sa isang pwesto sa tapat ng bulwagan. Marami sa kanila ang hindi nagmula sa Buckwood. Mula sila sa malalaking pamilya at kinatawan ng mga awtoridad sa Buckwood. Nandito sila upang dumalo sa investment and business engageme
Bahagyang itinaas ni Fourth Master Yates ang kanyang kamay upong senyasan ang lahat na tumahimik, at dahan-dahang nagsalita pagkatapos, “Apat na taon na akong nagtatago. Ang paborito kong libangan ay ang magbigkas ng kasulatan sa kabundukan! “Ngunit hindi ko kailanman inakalang isang hangal ang papatay sa mga tao ko nang paulit-ulit! “Gusto lamang ng Yates family ng America na makipag-negosyo sa Buckwood. Ayaw naming gumawa ng kahit anong gulo! “Ngunit hindi rin kami natatakot sa iba! “Dahil may gustong bumangga sa amin, nandito ako upang kumatawan sa Yates family ng America! “Hindi kami titigil hangga’t hindi nasisira ang Sky Corporation! “Hindi kami titigil hangga’t hindi pa patay si Prince York! “Hindi kami titigil hangga’t hindi pa patay si Harvey York!”Umalingawngaw ang talumpati ni Fourth Master Yates sa buong lugar. “Mata sa mata!” “Dugo sa dugo!”Ang labinlimang sanggano ay sabay-sabay na sumisigaw. Lumilipad sa himpapawid ang kagustuhang pumatay. Nangini
“Kung ganoon, dalawang kilalang panauhin. Lubos kong hinihiling na mapasaiyo ang dangal ng araw na ito sa bawat araw ng buhay mo, Fourth Master Yates!” “Ito…” Napahikbi ang madla pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi sil makapagsalita. Masyadong nakakabigla ang mga salitang iyon! Sinumpa ba ng lalaking itong mamatayan ng anak si Fourth Master Yates bawat taon sa pamamagitan ng pagsabi nito sa isang lamay?! “Fourth Master! Mayabang ang dalawang ito! Hindi na natin sila kailangang hintayin. Pupunitin na namin ang Sky Corporation ngayon na!” Ang sama ng titig ni Gus Yates. Gusto nilang mamatay kung hahamunin nila ang Yates family ng America nang ganoon! Ang lahat ng mga kamag-anak nila ay nakatitig rin nang masama. Ang mga taong iyon ay ipinagmamalaking kamag-anak sila ng Yates family ng America. Gayunpaman, talagang may taong malakas ang loob na insultuhin ang pinakamakapangyarihang tao sa pamilya, si Fourth Master Yates! Sinong hindi mapupuno ng galit?! “
Seryosong tinignan ni Fourth Master Yates ang pangyayari, at kalmadong sinabi, “Ipagpatuloy niyo ang lamay, ihatid niyo na ang anak ko!” “First bow!”“Second bow!”“Third bow!”“Greet the family!”***Maraming tao ang nag-aabot ng bouquet nang maayos sa sandaling ito. Nakakabigla ang ganitong eksena. Ang libing ng mga hari noon ay maaaring hindi man lang magawa ang ganito. “Fourth Master, isagawa na ba natin ang paglilibing?” Tahimik na tanong ni Leyton Luv. “Hindi natin kailangang magmadali. Gusto kong buhatin ng bawat isang higher-up ng Sky Corporation ang mga kabaong! “Gusto ko ring ilibing si Prince York at Harvey York sa ilalim ng kabaong! “Umalis na kayo. Dahil may gustong makipaglaro, makikipaglaro tayo sa kanila! “Pumunta kayo ng Sky Corporation! “Hulihin niyo nang buhay si Prince York!” Galit na sumisigaw ang labinlimang libong taong nandoon, habang lahat sila ay nanggigigil sa galit. Ang lahat ng mga kilalang tao ng Buckwood ay tumawag pagkatapos maki
Tinignan ni Harvey York ang makalumang kabaong at ngumiti. “Ngayong alam mo na ang tunay kong pagkataon, bakit hindi ka na pumasok mismo sa kabaong mo, Fourth Master?“Sa ganitong paraan matitipid natin ang lakas natin pareho!” “Heh heh heh…”Walang-bahalang tumawa si Fourth Master Yates. “Naghanda ako ng isa pang kabaong para sa’yo. Pero ngayon alam ko nang si Consultant York ay si Prince York din mismo. Sapat na siguro ang isang ‘to!” “Pero magkaiba tayong dalawa. Hindi ko hahayaang gumapang ka dito mismo. Ako mismo ang magtatapon sa’yo papasok!” Tumawa si Harvey. “Sorry, bata pa ako, hindi tulad mo. Nakalubog na ang tuhod mo sa lupa! “Atsaka, tingin ko mas mabuting mabuhay ako kaysa makipaglaban hanggang kamatayan. “Kailangan ako ng mundo upang panatilihin ang kapayapaan!” Kampanteng nakangisi si Harvey, kahit na totoo ang sinasabi niya. “Ikaw…”Kumukulo ang dugo ni Fourth Master Yates sa galit. Wala siyang laban kay Harvey kahit anong mangyari. Huminga siya
Nakakagulat!Si Fourth Master Yates at iba pa ay napabuntong hininga sa sandaling ito. Sila ay talagang nagulat!Ang taong ito ay malakas!Alam ng lahat na ang mob boss ng northeast, ang tao ay dapat sobrang malakas.Ang mga tao sa ilalim niya, ang Safflower Fighters, ay maikukunsidera na halos invincible.Pero walang nagakala na sila ay matatapos sa loob ng tatlong buong segundo.Naintindihan ni Fourth Master Yates ng sandaling iyon na si Harvey York ay may malakas na tao sa kanyang tabi. Na iyon ang dahilan bakit ang tatlong Kings of Arms ay namatay.Ang tao sa harapan ni Fourth Master Yates ay malakas!Inakala pa ni Fourth Master Yates na ang taong ito ay maaaring nararapat sa titulo na God of War.Pero ang akala na iyon ay dumaan lang sa isip ni Fourth Master Yates ng sandaling panahon.Wala ng balikan sa pagitan ng dalawang panig, hayaan na ang halaga ni Ethan Hunt sa mata ni Fourth Master Yates.Kahit na kung alam niya na si Ethan ay talagang God of War, hindi siya tit
"Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito
Pak!Sa isang iglap lamang, isang nakakatakot na alon ang kumalat. Mga bitak na kahawig ng mga sapot ng gagamba ang nabuo sa pagitan nina Alani at Harvey.Tumuloy si Harvey nang walang kahit isang tunog.Si Alani, sa kabilang banda, ay nagpagulong-gulong sa hangin ng ilang beses bago natumba sa lupa. Masaya siya nang tumayo muli, tila walang sugat.Nagtinginan ang mga Islanders bago sila sumigaw nang malakas. Sa kanilang mga mata, nagawa ni Alani na manatiling buo matapos magturok ng gamot. Ibig sabihin nito ay nagtagumpay ang kanilang eksperimento!Sa tulong ng gamot, makakalikha ang Island Nations ng isang di-mapipigilang hukbo!Magagawa nilang bumuo ng isang napakalaking alyansa ng Far East!Maaari nilang sakupin ang mundo! Hindi na ito magiging pangarap para sa kanila!“Magpanggap ka pa, Harvey!” sabi ni Alani."Iyon ang Ashura’s Palm ng Abito Way! Sinumang tamaan nito ay magkakaroon ng pagkasira ng kanilang mga internal na organ bago mamatay!"Okay ka lang ngayon dahil sa
Hindi man lang pinansin ni Harvey si Wanda, na nanatiling nakapako sa kanyang pwesto."Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod nito. Ikaw talaga ang gumagawa ng gulo ngayon, Alani."Pinapapunta mo ang mga makapangyarihang Indiano laban sa akin pagkatapos marinig ang aking pangalan... Pero bukod sa pagpapadala sa kanila sa kamatayan nila, ano sa tingin mo ang nakamit mo dito?“Atakihin mo ako kung talagang kaya mo."Hinahayaan mo si Wanda at ang iba pa na makipaglaban sa’kin para lang mapabagsak ko sila, di ba?"Kasapi ka din ng Evermore! Sa Evermore, bawat isa sa inyo ay magkakumpitensya."Basta't mapabagsak mo ang mga nangungunang talento ng mas batang henerasyon sa Far East... Magiging pinuno ka ng teritoryo ng Evermore sa Far East!"Hinala ko na binigyan ka rin ng permiso ng pamilyang maharlika para gawin ito! Marahil ang Island Nations ay sinusubukang makuha ang kabuuan ng Evermore mismo..."Kung ganoon, malamang na sobrang lungkot ng Evermore. Kailangan nitong magtrabaho
”Hayy…”Isang nakakakilabot na boses ang narinig.Isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na damit ng India ang biglang lumabas mula sa karamihan. Naka-suot siya ng scarf sa mukha na bahagyang nagpapakita ng kanyang balat. May malinaw na tanaw sa kanyang baywang, at may nakadikit na Cat’s Eye Stone sa kanyang pusod.Naglalabas siya ng nakakapreskong amoy habang siya'y lumalabas. Amoy siya ng malamig na simoy ng hangin sa dalampasigan, na nahuhumaling ang lahat sa kanya.Hawak niya ang isang scimitar na puno ng alahas. Sa kabila ng kanyang mahinahong asal, ang kanyang ekspresyon ay matindi. Sa madaling salita, ang babae ay isang rosas na natatakpan ng mga tinik.“At sino ka naman?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa babaeng Indiyano.Ngumiti ang babae; ang kanyang mga mata ay kayang bumihag ng puso.Ako si Wanda Garcia mula sa India.Nandito ako para matutunan ang inyong paraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, handa akong ipagkaloob sa iyo ang anumang kahilingan kung susuko ka at p
Walang ginawang espesyal si Harvey.Ito ay isang malinis at simpleng atake. Nakikita ng lahat na pinupuntirya niya mismo ang ulo ni Shinsuke.Maraming mga Islander ang nagpakita ng paghamak, iniisip na nagmamayabang si Harvey at talagang hindi kahanga-hanga.Gayunpaman, tanging si Shinsuke lamang ang nakakita sa tunay na kapangyarihan ni Harvey.Ang kanyang atake ay simple, ngunit ang bilis lamang nito ay sapat na upang takutin ang sinuman. Ang ulo ni Shinsuke ay mabibiyak sa gitna kapag tinamaan siya nito!Nang maisip niya ito, biglang siyang nanginig. Agad niyang inipon ang kanyang lakas at winasiwas ang kanyang espada, sinubukan niyang harangin ang atake ni Harvey.Clang!Agad na nabali ang custom-made na espada ni Shinsuke. Malinaw na ang lakas ng atake ni Harvey ay higit pa sa inaasahan ni Shinsuke.Swoosh!Huminto si Harvey sa kanyang pag-atake nang malapit na ang espada sa ulo ni Shinsuke."Kulang pa ang lakas mo. Ni hindi mo kayang saluhin ang isang atake.”Nanigas si
Bumuntong-hininga si Harvey."Nasa kalagitnaan ka na ng pagiging isang God of War, pero heto ka pa rin at umiinom ng droga. Hindi mo ba kayang bitawan 'yan?”Akala ni Harvey na alam na niya ang lakas ni Shinsuke, pero mas malakas pa siya kaysa sa inaasahan niya. Base sa mga namumulang mga mata at gutom na gutom na ekspresyon ni Shinsuke, wala nang ibang paliwanag.Alam ni Harvey na ang mga Islander ay may kinalaman sa mga ninja, onmyoji, conjurer, at martial artist. Nakapag-imbento sila ng iba't ibang kakaibang bagay dahil sa kanilang pinagsamang mga talento.Gayunpaman, hindi niya akalain na kahit na ang isang tao na may pambihirang lakas ay gagamit ng droga.Gayunpaman, sapat na ito upang ipakita kung gaano talaga kagusto ng Island Nations ang pagbagsak ng Country H. Hindi sila titigil para lang makamit ang layuning iyon.“Halika!”Lumamig ang tingin ni Shinsuke matapos niyang makita si Harvey na umatras. Suminghal siya, pagkatapos ay muli siyang humakbang at muling inihanda a
"Ipapaintindi ko sa'yo na ginawa mo ang pinakamasamang desisyon sa buong buhay mo!" Sigaw ni Seb, ang kanyang boses ay magaspang.Ang kanyang mukha ay puno ng galit. Sa parehong oras, nagsisimula na siyang magsisi sa kanyang desisyon.Nagtataka siya kung bakit siya tumayo upang labanan si Harvey sa simula pa lang. Kung sana ay pinilit na lang niya si Harvey sa likod ng mga eksena, siya sana ay gagantimpalaan kapag natapos na ang lahat.Ngayon na siya'y naparalisa, ano pa ang halaga ng gantimpala kahit na mahuli si Harvey?"Ang mga sorcerer, laban sa akin?"Nagpakita si Harvey ng isang mapaghambog na ekspresyon.“Tanungin mo si Kylen kung mangangahas siya.”Pagkatapos ay hindi pinansin ni Harvey si Seb, at pinunasan ang kanyang kamay gamit ang ilang tisyu."Sino pa ang nandiyan? Kung ito lang ang meron ka, hindi mo makakamit ang hustisyang nararapat sayo. Kailangan mo rin akong bigyan ng paliwanag tungkol sa sitwasyon."Huwag kang masyadong magyabang, Harvey."Si Shinsuke, na
“Venom Strike!”Tapos na si Seb sa paggamit ng mga trick; pumalakpak siya, pagkatapos ay tumakbo diretso kay Harvey.Isang masangsang na amoy ang sumingaw sa sandaling magdikit ang kanyang mga kamay. Ang kanyang mga kamay ay natatakpan ng lason. Sinumang mahawakan nito ay makakaranas ng impiyernong sakit.Sa harap ng mabilis na atake ni Seb, kalmadong tinapakan ni Harvey ang lupa.Crack!Isang piraso ng mga guho ang tumama diretso sa lalamunan ni Seb. Mabilis ang pag-atake.Nakita ito, walang magawa si Seb kundi umatras na may galit na ekspresyon.Naniniwala siya na si Harvey ay talagang napakababa. Hindi siya hinarap ni Harvey nang harapan, at gumamit pa ng mga palihim na taktika para sirain ang kanyang killer move!Kailangang ipagtanggol ni Seb ang kanyang sarili laban kay Harvey. Humakbang siya paatras, saka inilagay ang kanyang mga kamay sa harap niya.Clack!Isang piraso ng mga guho ang tumama mismo sa kamay ni Seb. Narinig ang tunog ng mga buto na bumabagsak. Ang napaka
”Mag-iingat ka, Sir York!"Ang mga sorcerer ng South Sea ay gumagamit ng lason at miasma!"Mahawakan ka lang niya, at patay ka na!"Agad na nagsalita si Rachel; dahil siya ay isang mataas na opisyal ng Longmen, mayroon siyang kaalaman tungkol sa mga sorcerer.Ang kanilang katayuan sa South Sea ay hindi bababa sa kasing taas ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts. Higit sa lahat, ang kanilang mga pamamaraan ay karaniwang lampas sa pag-unawa. Mamamatay ang mga tao sa kanila nang hindi man lang alam kung bakit.Pinagmasdan ni Harvey ang paligid bago siya maglakad nang walang pakialam.Hiss!Isang makamandag na ahas ang bumagsak sa lugar kung saan siya nakatayo; naiwasan niya ang atake nang sandaling humakbang siya.Nabigla si Seb, at muli siyang nagpakita."Paano nangyari iyon? Paano mo nagawang iwasan ang Psyche Fog?!”Ang kanyang itim na usok ay isang ilusyon lamang. Nakapagtanim na siya ng isang nakakalason na bagay, at itinago ito sa paligid ni Harvey. At gayun