”Hindi ba’t ito si CEO Zimmer mula sa Regency Enterprise? Narinig ko na si CEO Zimmer ay kamakailan nasa ilang mga renovation project para sa mga lumang gusali. Ito ay talagang mahusay!”“Ang isang normal na real estate company ay walang ganitong kakayahan at swerte!”Ang mga upstart na ito ay nagsama sama, merong namumuring ekspresyon.Ngumiti si Mandy.Nakita niya ang mga taong ito ng ilang beses sa okasyon sa negosyo, pero hindi siya pamilyar sa kanila at hindi kailanman nakipagugnayan sa kanila.Ng sila ay magpapatuloy na magsalita, ang pintuan ng passenger ng Bentley ay tinulak pabukas at naglakad palabas si Harvey.Halos lahat ay sandaling napatunganga.Dahil sa insidente tungkol kay Sasha Larson, ang mga upstart na ito sa real estate industry ay kilala si Harvey, ang live-in son-in-law.Subalit, hindi nila inakala na si Mandy ay dadalhin ang kanyang live-in na asawa sa pagtitipon na ito.Pero ito ay normal din. Nalaman ni Mandy ang kanyang leksyon matapos maranasan ito
“Mahal!” Sigaw ni Mandy, habang walang malay na lumingon. Ngumiti si Harvey at naabutan niya ito. Ang malaking dahilan kung bakit siya pumunta sa araw na ito ay upang samahan si Mandy. Wala siyang pakialam sa mga baguhan ng real estate market na nagtitipon ngayon dito. Sa mga mata ni Harvey, sila ay mga bata na nagpapanggap lamang. Wala silang kahit na anong halaga. Hindi nagtagal, isang grupo ang dumating sa may pangatlong palapag ng hotel. Isa itong standalone box, at tanging ang mga tao lamang na nag-order ng box na ito ilang buwan na ang nakalipas ang may pagkakataon na magpareserba nito para sa kanilang mga sarili. Marami ang mga dumalo ng araw na iyon. At kasama doon ang mga matataas ng malalaking real estate companies, may-ari ng maliliit na real estate companies, at mga batikan na mga salesperson. Sa madaling salita, kalahati ng real estate market ng Buckwood ay nandito. Kung lahat sila ay nagsagawa ng pagpupulong dito, baka magawa nilang maapektuhan ang
Maya-maya lamang, may tumawa. “Paano kung ganito? Naghahanap kami ng magkakabit ng mga tiles. Kikita ka ng daan-daang dolyar sa loob ng isang buwan!” “Pwede ko pang doblehin ang sweldo mo para sa kapakanan na rin ni CEO Zimmer!” “Sa isang kondisyon, kailangan mong iwanan si CEO Zimmer! Tigilan mo na ang pag-aaksaya sa magandang niyang buhay!” Natural lang na ang lalake na binubuka ang kanyang bibig ay hinahangaan si Mandy ng matagal na panahon na. Pero kasal na si Mandy, kaya wala siyang pagkakataon. Wala silang ibang dahilan para i-pressure si Harvey. Sa kanyang mga salita, ag iba pang mga baguhan ng real estate market ay may mga malalim na ekspresyon. “Ang property namin sa may residence ay nangangailangan ng janitor. Pag-isipan mo ng mabuti…” “Kailangan din namin ng maglilipat…” Hindi na kayang tiisin na Mandy na marinig pa ang mga sinasabi nila. Kaagad niyang binuka ang kanyang bibig at sinabi, “Lahat kayo. Ako mismo ang nagdala sa asawa ko dito sa salo-salong
Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang makarating si Tassa sa Buckwood, ngunit sa maikling panahon na iyon ng pamamalagi niya, alam na niya ang halos lahat tungkol sa kamalasan ni Harvey. Lalo na, naging laman siya ng balita ng Buckood. Inabutan niya si Harvey ng isang name card at sinabi, “Mr. York, bagong tayo pa lamang ng aming kumpanya. Nangangailangan pa kami ng maraming tauhan sa ngayon.” “Kung hindi mo mamasamain, pwede mong ikunsidera na magtrabaho dito.” “Kami ay isang bagong tayong real estate company. Sa ngayon ay hindi pa ganun kalaki ang sahod, pero malaki naman ang espasyo doon.” Dahil sa wala siyang naramdaman na anumang masamang hangarin mula sa misteryong binibini, ngumiti si Harvey at kinuha ang name card na inabot sa kanya nito. “Sige, salamat. Tatawag na lang ako kapag kinakailangan.” Ang eksenang ito ang nagparamdam kay Mandy, na nakaupo sa kabilang bnahagi, na bumula sa selos. Ganito na nga ang kanyang asawa, ngunit meron pa ding mga hangal na baba
Malinaw pa sa alaala ni Mandy kung ano ang nangyari sa resort noon. Naningkit ang mga mata ni Harvey, dahil sa pakiramdam nya na parang may masamang mangyayari sa gabing ito. Nagging lubhang maingat kamakailan ang Morgan Financial Group, at walang ginawang anumang hindi nararapat. Dahil dito, hindi nag-abala si Harvey na bigyang-pansin ang mga ito. Ngunit ngayong gabi, si Eddy ang naging panauhing pandangal!Kawili-wili. “CEO Zimmer, ito ang hindi mo alam. Itinayo ang Morgan Financial Group sa The Empire of the Sun that Never Sets sa pamamagitan ng industriya ng real estate. Meron silang ari-arian sa Hong Kong at Las Vegas, at ang lahat ng iyon ay malakas ang benta!” “Nagpakita ng interes ang Morgan Financial Group sa lupa ng Buckwood. Handa na silang simulan ang pagpapaunlad nito.” “Kapag tinuloy nila ang kanilang plano, tayong lahat na nandito ay baka mapilitan na kumapit sa Morgan Financial Group para mabuhay!” “Sino pa ba ang karapatdapat sa titulo bilang panauhing
“Ano?! Siya si Tracy Flores?!” Nagkagulo ang lahat ng mga lalake nang marinig ang pangalan na yun. Si Tracy ay isang sikat na magandang mananayaw na sumikat sa isang online platform sa loob ng ilang buwan. Pagkatapos niyang sumikat, nakatanggap siya ng maraming advertising offers. Tinuturing siya na pantasya ng lahat ng mga kalalakihan, ngunit hindi mahahawakan. Ngunit ang isang katulad niya ay nagawang sundan si Eddy, at hindi man ito nag-abalang alamin ang pangalan nito? Puno ng paghanga, inggit, at poot ang kanilang mga titig kay Eddy. Nagging kasing lamig ng yelo ang mukha ni Tracy anng makita niya na maraming nakakilala sa kanya. Mukhang mahilig siya sa mga dayuhan. Nilapitan ni Dexter si Eddy upang makipagkamay. “Naaalala mo pa ba ako, Mr. Eddy? Nagkta na tayo noon! Ako ang nag-asikaso ng credentials ng kumpanya niyo…” “Mr. Holt. Syempre naaalala kita. Huwag kang mahiya na dumalaw sa Morgan Financial Group headquarters upang saluhan akong uminom ng tsaa kapag may
Kumunot ang noo ni Mandy. Hindi siya tanga. Paanong hindi malalaman ng isang taong mula sa Morgan Financial Group ang tungkol sa nangyari nitong nakaraan? Anong magandang mangyayari sa pagtawag sa kanya ni Eddy? Ngunit, hindi siya dapat maging mapili...Nang tatayo na si Mandy, iniunat ni Harvey ang kamay niya para pigilan siya. Kalmado siyang nagsabi, "Wala kang ang Morgan Financial Group. Anong karapatan nila na pilitin ang asawa ko na batiin sila? "Nararapat ba sila?" At ganoon-ganoon na lang, lumipat ang atensyon ng lahat kay Harvey. Napahinto sila sa mga salitang sinabi ng live-in na asawa ni Mandy. 'Ang Morgan Financial Group ang tinutukoy niya!''Paano niya nagagawang maging ganito kabastos sa Morgan Financial Group sa harap ng napakaraming tao?! Paano niya nasasabi yun?!''Gusto niya yatang mamatay!' Tumingin nang masama ang lahat kay Harvey na para bang isa siyang malaking tanga. Kumukulo ang galit ni Zack. Tinitigan niya nang masama si Harvey at galit na
Nagliyab sa galit ang mga mata ni Eddy habang tinignan niya nang masama si Harvey na nanatiling nakaupo. Isa siyang duke sa The Empire of the Sun that Never Sets, at tinatamasa niya ang kanyang prestihiyosong katayuan. Ngunit hindi siya pinansin ng unggoy na ito mula sa Country H!Nadagdagan nang sampung beses ang kanyang galit nang nakita niya sina Mandy at Tassa sa tabi ni Harvey. Pareho silang mas nakakaakit kumpara kay Tracy na nakatayo sa kanyang tabi. Hindi lang sila elegante, wala ring kapantay ang kanilang katawan at mahinhin silang tignan. Maganda rin si Tracy, pero masyado siyang mukhang isang malanding babae. Kuntento pa rin si Eddy kapag tumingin siya sa kanya, pero sa sandaling nakita niya sina Mandy at Tassa, kaagad niyang pinagkumpara sina Tassa sa kanila. Alam ng mga panauhing nandito na hindi ito matatapos nang payapa nang nakita nila ang apoy sa mga mata ni Eddy. Malamig na tinignan ni Zack si Harvey. Talagang gustong mamatay ng live-in son-in-law n