Huminga nang malalim si Mandy. Namutla ang kanyang mukha. Tinignan niya ang kontrata at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Ito na ang pangalawang beses na may nagtangkang kunin ang Regency Enterprise. Ginipit na siya nang matindi ng mga Jean mula sa Mordu noon. Dinagdagan ng Morgan Financial Group nang sampung beses ang panggigipit sa kanila. "Bibigyan kita ng tatlong minuto para pag-isipan to. Ikaw ang bahala kung pipirmahan mo ang kontrata o hindi." "Pero kung hindi ka pipirma, tandaan mo na hindi hahayaan ng Morgan Financial Group na makatakas ang isang taong nang-insulto sa kumpanya!" Malamig na tumawa si Eddy. Humakbang paharap ang mga bodyguard niya na may mga ekspresyong kasing lamig ng yelo. Halata ang kanilang pagkauhaw sa dugo, sapat na ito para pahintuin ang buong madla sa isang kilos lang. Napuno ng katahimikan ang buong lugar. Pinigilan ng lahat ang kanilang paghinga at walang lumabas na kahit na anong hangin. Alam nilang lahat na walang mangyayaring maga
Hindi pinansin ni Harvey ang lahat, sa halip ay tinignan niya ang damit niya. "Binigay sa'kin ng asawa ko ang damit na to. Paborito ko to." "Galit ako ngayon, pero bibigyan kita ng pagkakataon. Sabihin mo sa ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets na pumunta rito para lumuhod at humingi ng tawad. Kung hindi, hindi kita patatakasin hangga't hindi ka pa nagbabayad sa mga ginawa mo!" "Ano?! Ang ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets?!" Sobrang nagulat ang lahat ng taong naroon sa mga salita niya. Natulala ang lahat. Pagkatapos ng sampung segundo, natauhan ang madla. "Harvey, baliw ka ba? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" "Gusto mong lumuhod at humingi ng tawad sa'yo ang ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets? Doon mo lang tatanggapin ang paghingi nila ng tawad?" "Kapag kumalat ang tungkol dito, maituturing itong isang away diplomasya!" "Baliw ka! Baliw ka talaga!" "Nararapat ka ba?! Isa ka lang live-in son-in-law! Wala kang kar
Sumipa si Harvey at kaagad na nabali ang tuhod ni Eddy. Sumigaw si Eddy na parang kinakatay na baboy at napaluhod siya sa harapan ni Harvey. Pak! Pagkatapos ay nagpunta si Harvey kay Tracy at sinampal siya nang napakalakas na para bang nayupi ang mukha niya. Nang wala pang isang minuto, ang dalawang taong mapagmataas ay napaluhod sa harapan ni Harvey. "Harvey? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?! Nanakit ka ng isang tao mula sa The Empire of the Sun that Never Sets! Nagpapakamatay ka!" "Baliw ka, Harvey!" Nagdilim ang paningin nina Zach at Dexter. Kahit na gusto nilang pigilan si Harvey, wala silang tapang na gawin ito. Lumingon si Harvey para kalmadong tumingin sa kanila. Pagkatapos, kumuha siya ng bote ng wine sa mesa. Shatter!Narinig ang tunog ng nabasag na salamin habang nagkabasag-basag ang bote ng wine. Dumudugo na ang ulo ni Eddy ngayon at gumigiwang ang kanyang katawan. "Hahampasin ko ang ulo niya tuwing may magsasabi ng kalokohan mula sa kahit sino sa inyo
Natawa si Harvey. “Bakit kami tatakbo?” “Hinihintay ko pang humingi ng tawad ang ambassador mula sa Empire of the Sun that Never Sets.” “...”Nang wala pang sampung minuto, isang mamahaling kotse na may isang diplomatic license ang lumitaw sa tapat ng Westin Diner. Ilang mga lalaki ang kaagad na lumabas ng kotse at dumiretso sa ikatlong palapag. Sumigla si Eddy nang marinig niya ang ingay ng mga bota mula sa labas.Si Zach at Dexter, kasama ng iba, ay nagalak. Isang grupo ng matatangkad at malalakas na mga taong mula sa kanluran na may ginintuang buhok at asul na mata ang sumugod sa loob. Makakakapal ang damit nila at ang ilan sa kanila ay may pekeng puting buhok. Ang nangunguna sa grupo ay isang matandang lalaking mula sa kanluran. Sa isang tingin lang ay matutukoy nang nakasabak na siya sa isang giyera. Dala niya ang isang malakas na aura. Siya ay walang iba kundi ang ambassador ng Empire of the Sun that Never Sets, si Viscount Rubert. Mayroon pa siyang isang pa
Nakahinga lang nang maluwag si Rubert pagkatapos lumuhod nang matagal. Tumingala siya at tumingin kay Harvey habang nanginginig. Sa sandaling makumpirma niya ang mukha ni Harvey, yumuko siya muli sa takot. “A… Ayos ka lang ba?” Walang tapang ang mga tauhan niyang tingnan sa mata si Harvey. Tulad ni Rubert, nanginginig silang lahat sa lapag sa sobrang takot. Kalmadong sumagot si Harvey, “Ayos lang ako, pero talagang matatapang ang mga tao mula sa bansa mo.” “May kapal ng mukha silang pilitin ang asawa kong ibenta ang Regency Enterprise.” “At naglakas-loob silang dumihan ang paborito kong damit.” “Tanggapin ko ba ito bilang paghahamon ng bansa niyo?” “Hindi, hindi, hindi, hindi! Kamahalan! Hindi ito ang nais namin! Hindi talaga!” Nagmakaawa si Rubert sa sahig habang puno ng takot. “Hindi papayag dito ang Empire of the Sun that Never Sets! Malamang may hangal dito na gumagawa ng gulo!” “Sinisiguro kong bibigyan kita ng maayos na pahayag!” Tumalikod si Rubert haba
Ano bang pagkatao ang mayroon si Harvey?! Maging ang vice CEO ng Morgan Financial Group ay ganito katakot sa kanya! Diyos Ko! Hindi kapani-paniwala! Wala man lang makahula kung anong pagkatao ni Harvey. Kalmadong sinabi ni Harvey, “Hayaan mo na, huwag mong idamay dito ang pamilya nila. Pagawain mo lang ng pahayag ang taong nagsimula ng lahat ng ito. Hindi na kailangang madamay pa ang ibang tao.” “Masusunod! Syempre! Sisiguraduhin kong bibigyan kita ng maayos na pahayag! Pakiusap maghintay kayo!” Bumangon si Charley at tinitigan nang masama si Eddy na nakahiga sa sahig. “Anong nangyayari dito? Hinayaan kitang maging kinatawan ng Morgan Financial Group para maikuha mo kami ng malaking benepisyo, hindi para gumawa ka ng ganitong gulo!” “Nauunawaan mo ba na sa ginawa mo ngayon malaki ang mawawala sa group? Maaari pa tayong malugi nang tuluyan?!” Nanginig sa takot si Eddy. “Hindi ‘to patas! Sino ba siya?! Bakit basta na lang niya ako inaapakan nang ganito?!” “Hindi pat
Kalaunan, kaagad na umalis si Charley at Rubert kasama ang mga tao nila. Tumahimik nang sobra ang handaan. Nanginginig nang walang-humpay ang lahat at tinitigan si Harvey nang puno ng takot. Hindi sila mga tanga. Madaling napatumba ni Harvey ang isang tao mula sa Empire of the Sun that Never Sets. Dahil ganito ang nangyari, sa salita lang niya ay pwede na niyang alisin ang lahat ng mayroon ang lahat ng nandito. Ngumiti si Harvey at tinignan si Zach. Seryoso ang tono niya. “Balita ko na nagsikap ka pa talaga para gumawa ng gulo sa pinagtatrabahuan ng asawa ko, Mr. Zach.” “Iyon ay ang tatlong old renovation projects na aprubado mismo ni Yoel Graham. Bigla ka na lang bang nagkaroon ng tapang ng mga Diyos? Talagang naglakas-loob kang pigilan ang mga proyekto?” Tumagaktak ang malalamig na pawis sa noo ni Zach. Alam na alam niya na ang lalaki sa harapan niya ay may bukod-tanging katayuan. Nagkaroon pa siya ng kagustuhang lumuhod sa sandaling ito. Ngunit bilang isang opisyal
Hindi nagtagal, isang kotse ang huminto sa tapat ng Westin Hotel. Isang matandang lalaking may malaking tiyan ang matamlay na bumaba ng kotse. Nang makita ni Zach ang lalaki, napuno siya ng galak. Kaagad siyang sumugod paharap. “Father! Sa wakas nandito ka na! Tulungan mo akong kumuha ng hustisya!” Ang tatay niu Zach na si Richard, ay nangangamoy alak. Malinaw na kanina lang ay umiinom ito. Tinignan niya si Zach at tinanong, “Sino ‘yun?! Ang kapal naman ng mukha nilang bastusin ako sa Buckwood?!” Kalmado pa rin si Zach. Sinenyasan niya si Harvey at bumulong, “Siya ‘yan Father. Pero mukhang kakaiba ang pagkatao niya.” “Kakaiba?” Minata ni Richard si Harvey, at suminghal pagkatapos. “Maraming taon na akong nagtatrabaho para sa gobyerno. Hindi pa ako nakakakita ng isang lalaking ganito kabata na may kakaibang pagkatao sa gobyerno!” “Kahit gaano pa kataas ang status ng isang tao, basura silang lahat sa harapan ng mga government official!” Napuno ng tapang si Zach pagk