Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang makarating si Tassa sa Buckwood, ngunit sa maikling panahon na iyon ng pamamalagi niya, alam na niya ang halos lahat tungkol sa kamalasan ni Harvey. Lalo na, naging laman siya ng balita ng Buckood. Inabutan niya si Harvey ng isang name card at sinabi, “Mr. York, bagong tayo pa lamang ng aming kumpanya. Nangangailangan pa kami ng maraming tauhan sa ngayon.” “Kung hindi mo mamasamain, pwede mong ikunsidera na magtrabaho dito.” “Kami ay isang bagong tayong real estate company. Sa ngayon ay hindi pa ganun kalaki ang sahod, pero malaki naman ang espasyo doon.” Dahil sa wala siyang naramdaman na anumang masamang hangarin mula sa misteryong binibini, ngumiti si Harvey at kinuha ang name card na inabot sa kanya nito. “Sige, salamat. Tatawag na lang ako kapag kinakailangan.” Ang eksenang ito ang nagparamdam kay Mandy, na nakaupo sa kabilang bnahagi, na bumula sa selos. Ganito na nga ang kanyang asawa, ngunit meron pa ding mga hangal na baba
Malinaw pa sa alaala ni Mandy kung ano ang nangyari sa resort noon. Naningkit ang mga mata ni Harvey, dahil sa pakiramdam nya na parang may masamang mangyayari sa gabing ito. Nagging lubhang maingat kamakailan ang Morgan Financial Group, at walang ginawang anumang hindi nararapat. Dahil dito, hindi nag-abala si Harvey na bigyang-pansin ang mga ito. Ngunit ngayong gabi, si Eddy ang naging panauhing pandangal!Kawili-wili. “CEO Zimmer, ito ang hindi mo alam. Itinayo ang Morgan Financial Group sa The Empire of the Sun that Never Sets sa pamamagitan ng industriya ng real estate. Meron silang ari-arian sa Hong Kong at Las Vegas, at ang lahat ng iyon ay malakas ang benta!” “Nagpakita ng interes ang Morgan Financial Group sa lupa ng Buckwood. Handa na silang simulan ang pagpapaunlad nito.” “Kapag tinuloy nila ang kanilang plano, tayong lahat na nandito ay baka mapilitan na kumapit sa Morgan Financial Group para mabuhay!” “Sino pa ba ang karapatdapat sa titulo bilang panauhing
“Ano?! Siya si Tracy Flores?!” Nagkagulo ang lahat ng mga lalake nang marinig ang pangalan na yun. Si Tracy ay isang sikat na magandang mananayaw na sumikat sa isang online platform sa loob ng ilang buwan. Pagkatapos niyang sumikat, nakatanggap siya ng maraming advertising offers. Tinuturing siya na pantasya ng lahat ng mga kalalakihan, ngunit hindi mahahawakan. Ngunit ang isang katulad niya ay nagawang sundan si Eddy, at hindi man ito nag-abalang alamin ang pangalan nito? Puno ng paghanga, inggit, at poot ang kanilang mga titig kay Eddy. Nagging kasing lamig ng yelo ang mukha ni Tracy anng makita niya na maraming nakakilala sa kanya. Mukhang mahilig siya sa mga dayuhan. Nilapitan ni Dexter si Eddy upang makipagkamay. “Naaalala mo pa ba ako, Mr. Eddy? Nagkta na tayo noon! Ako ang nag-asikaso ng credentials ng kumpanya niyo…” “Mr. Holt. Syempre naaalala kita. Huwag kang mahiya na dumalaw sa Morgan Financial Group headquarters upang saluhan akong uminom ng tsaa kapag may
Kumunot ang noo ni Mandy. Hindi siya tanga. Paanong hindi malalaman ng isang taong mula sa Morgan Financial Group ang tungkol sa nangyari nitong nakaraan? Anong magandang mangyayari sa pagtawag sa kanya ni Eddy? Ngunit, hindi siya dapat maging mapili...Nang tatayo na si Mandy, iniunat ni Harvey ang kamay niya para pigilan siya. Kalmado siyang nagsabi, "Wala kang ang Morgan Financial Group. Anong karapatan nila na pilitin ang asawa ko na batiin sila? "Nararapat ba sila?" At ganoon-ganoon na lang, lumipat ang atensyon ng lahat kay Harvey. Napahinto sila sa mga salitang sinabi ng live-in na asawa ni Mandy. 'Ang Morgan Financial Group ang tinutukoy niya!''Paano niya nagagawang maging ganito kabastos sa Morgan Financial Group sa harap ng napakaraming tao?! Paano niya nasasabi yun?!''Gusto niya yatang mamatay!' Tumingin nang masama ang lahat kay Harvey na para bang isa siyang malaking tanga. Kumukulo ang galit ni Zack. Tinitigan niya nang masama si Harvey at galit na
Nagliyab sa galit ang mga mata ni Eddy habang tinignan niya nang masama si Harvey na nanatiling nakaupo. Isa siyang duke sa The Empire of the Sun that Never Sets, at tinatamasa niya ang kanyang prestihiyosong katayuan. Ngunit hindi siya pinansin ng unggoy na ito mula sa Country H!Nadagdagan nang sampung beses ang kanyang galit nang nakita niya sina Mandy at Tassa sa tabi ni Harvey. Pareho silang mas nakakaakit kumpara kay Tracy na nakatayo sa kanyang tabi. Hindi lang sila elegante, wala ring kapantay ang kanilang katawan at mahinhin silang tignan. Maganda rin si Tracy, pero masyado siyang mukhang isang malanding babae. Kuntento pa rin si Eddy kapag tumingin siya sa kanya, pero sa sandaling nakita niya sina Mandy at Tassa, kaagad niyang pinagkumpara sina Tassa sa kanila. Alam ng mga panauhing nandito na hindi ito matatapos nang payapa nang nakita nila ang apoy sa mga mata ni Eddy. Malamig na tinignan ni Zack si Harvey. Talagang gustong mamatay ng live-in son-in-law n
Huminga nang malalim si Mandy. Namutla ang kanyang mukha. Tinignan niya ang kontrata at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Ito na ang pangalawang beses na may nagtangkang kunin ang Regency Enterprise. Ginipit na siya nang matindi ng mga Jean mula sa Mordu noon. Dinagdagan ng Morgan Financial Group nang sampung beses ang panggigipit sa kanila. "Bibigyan kita ng tatlong minuto para pag-isipan to. Ikaw ang bahala kung pipirmahan mo ang kontrata o hindi." "Pero kung hindi ka pipirma, tandaan mo na hindi hahayaan ng Morgan Financial Group na makatakas ang isang taong nang-insulto sa kumpanya!" Malamig na tumawa si Eddy. Humakbang paharap ang mga bodyguard niya na may mga ekspresyong kasing lamig ng yelo. Halata ang kanilang pagkauhaw sa dugo, sapat na ito para pahintuin ang buong madla sa isang kilos lang. Napuno ng katahimikan ang buong lugar. Pinigilan ng lahat ang kanilang paghinga at walang lumabas na kahit na anong hangin. Alam nilang lahat na walang mangyayaring maga
Hindi pinansin ni Harvey ang lahat, sa halip ay tinignan niya ang damit niya. "Binigay sa'kin ng asawa ko ang damit na to. Paborito ko to." "Galit ako ngayon, pero bibigyan kita ng pagkakataon. Sabihin mo sa ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets na pumunta rito para lumuhod at humingi ng tawad. Kung hindi, hindi kita patatakasin hangga't hindi ka pa nagbabayad sa mga ginawa mo!" "Ano?! Ang ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets?!" Sobrang nagulat ang lahat ng taong naroon sa mga salita niya. Natulala ang lahat. Pagkatapos ng sampung segundo, natauhan ang madla. "Harvey, baliw ka ba? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" "Gusto mong lumuhod at humingi ng tawad sa'yo ang ambassador ng The Empire of the Sun that Never Sets? Doon mo lang tatanggapin ang paghingi nila ng tawad?" "Kapag kumalat ang tungkol dito, maituturing itong isang away diplomasya!" "Baliw ka! Baliw ka talaga!" "Nararapat ka ba?! Isa ka lang live-in son-in-law! Wala kang kar
Sumipa si Harvey at kaagad na nabali ang tuhod ni Eddy. Sumigaw si Eddy na parang kinakatay na baboy at napaluhod siya sa harapan ni Harvey. Pak! Pagkatapos ay nagpunta si Harvey kay Tracy at sinampal siya nang napakalakas na para bang nayupi ang mukha niya. Nang wala pang isang minuto, ang dalawang taong mapagmataas ay napaluhod sa harapan ni Harvey. "Harvey? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?! Nanakit ka ng isang tao mula sa The Empire of the Sun that Never Sets! Nagpapakamatay ka!" "Baliw ka, Harvey!" Nagdilim ang paningin nina Zach at Dexter. Kahit na gusto nilang pigilan si Harvey, wala silang tapang na gawin ito. Lumingon si Harvey para kalmadong tumingin sa kanila. Pagkatapos, kumuha siya ng bote ng wine sa mesa. Shatter!Narinig ang tunog ng nabasag na salamin habang nagkabasag-basag ang bote ng wine. Dumudugo na ang ulo ni Eddy ngayon at gumigiwang ang kanyang katawan. "Hahampasin ko ang ulo niya tuwing may magsasabi ng kalokohan mula sa kahit sino sa inyo