Ang kanyang suntok ay kasing gaan ng balahibo. Tumama ang kanyang kamao kay Harvey ng mabagal. Ang lakas… Sige, sige. Wala rin gaanong lakas ito. Malayo sa pagiging isang beteranong fighter si Third Master Yates. Sa katunayan, wala lang siya na hindi kayang magpakitang-gilas!Pero nang maisip ni Harvey ang delikadong sitwasyon ni Mandy, pinilit niya ang kanyang sarili na gumewang ng bahagya at saka umatras ng tatlong hakbang. Nagwala ang lahat ng makita ang eksenang ito. Ang totoo, wala sa kanila ang nakaunawa kung ano kanilang nakikita. “Ayun na! Ayun na!”“Iyon ang unang galaw ni third Master Yates sa Art of Conversion! Tanggapin mo yan!” “Kung hindi kaya ng live-in son-in-law na ito ang unang galaw, paano naman siya magiging katapat ni Third Master Yates?”“Ang hangal na ito ay natikman na ngayon ang galing ni Third Master Yates! Iyan ang magtuturo sa kanya ng leksyon na huwag maging masyadong mayabang!” “Para isipin na siya ang kinatawan ng Country H sa laban
Nagsimulang kutyain ng ilang tao si Harvey, na may balak na palayasin siya sa lugar na iyon. Syempre, ang mga tauhan ng Morgan Financial Group ang nangunguna dito. Ang pagbastos kay Harvey ay katumbas ng pagbastos kay Prince York, kaya, bukal sa loob nila ang kanilang ginagawa. “Ito na ang huli mong pagkakataon, Harvey! Lumuhod ka at magmakaawa. Aminin mo ang mga nagawa mong kasalanan.” Nakatingin ng malamig si Third Master Yates. Ito ang katapusan na gusto niya. Kung iisipin, ilang araw lang ang nakalipas, ang mayabang na manugang na ito ay talagang nangahas na takutin ang mga Yates ng Amerika, na hinihiling na lumuhod sila at humingi ng awa sa kanyang tahanan!Gusto ni Third Master Yates na lumuhod sa kanyang harapan ang basurang ito sa harap ng maraming tao.“Third Master Yates, hindi pa tayo tapos.” At pagkatapos nito, lumingon si Harvey at naglakad palabas ng lugar na iyon. Nagpalitan ng tingin sina Yvonne at Ray bago nila hinabol ito. Pagkaraan ng ilang sandal
At kung bakit pinuntirya nila si Mandy, ang kanilang rason ay simple lang para maunawaan. Ang mga Yates ng Buckwood ay matagal nang suspetya na siya ay ang lihim na kalaguyo ni Prince York. Sa bandang huli, ang taong lumitaw para lumaban sa ring ay si Harvey. Ang paggamit ni Butler Yates kay Mandy upang takutin si Harvey ay makatwiran. Kapag ang mga Yates ng Amerika ay talagang ginawa iyon para lang manalo, dapat ay pinakawalan na nila si Mandy ngayon. Ang katunayan na hindi pa lumilitaw si Mandy ay patunay na hindi lang ganun ka-simple ang lahat. “CEO, anong nangyayari? Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?” Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Tyson. Ang lahat ng kanto ng South Light ay nasa ilalim ng kanyang kontrol, ngunit ang may kagagawan nito ay nagawa pa ring dukutin si Mandy. As madaling salita, ang taong nasa likod nito ay lubhang makapangyarihan. “Malamang ang mag Yates ng Amerika. Madalas silang hindi nag-iiwan ng bakas. Ang mga taong gumawa nito ay nagkuku
“Mandy, sa tingin mo ba talaga ay magbibigay ng ganung kalaking halaga ang iyong asawa para lang sa isang haliparot na babae tulad mo?” Singhal ni Zack, habang tinitignan si Mandy. Sumimangot si Mandy at pinanlisikan ito. Halos nababalot ng bendahe ang buo niyang katawan, na tumatakip sa kanyang mukha at nagtatago ng kanyang ekspresyon. Pero nang nakausap niya si Harvey kanina, kaagad siyang naunawaan ni Mandy. Singhal niya, “Hindi mo makukuha ang pera, Zack.” Ang dating mapagmataas na Zack ay gumewang sa sandaling tinawag siya ni Mandy. Kaagad siyang tumayo sa sobrang galit. “Hindi mo kailangan na mataranta, alam ko na kung sino ka talaga. Kahit na ayaw mong aminin, ano naman ngayon?” “Sa tingin mo ba ay hindi mahuhulaan ni Harvey kung sino ka talaga?” “Zack Zimmer, huwag kang magpapakampante!” Ang ekspresyon ni Zack ay nagpabago-bago sa iba’t ibang estado. Hanggang sa huli, na may malalim na paghinga, tinanggal niya ang mga bendahe sa kanyang mukha. Tadtad ng peklat
Nakatira si Sean sa isang village ngayon, at ngayong wala ang anak niya sa tabi niya, palagi siyang pinagtitripan ng mga lokal na gangster. Sa sandaling sinipa ang pinto, inakala ni Sean ay lumitaw na naman ang mga gangster. Pero nang mapansin niya na Harvey pala iyon, napuno ng galit ang mukha ni Sean. Sumigaw siya, "Anong ginagawa mo rito?!" Para kay Sean, kung hindi dahil sa patuloy na paggawa ng gulo ni Harvey, hindi sana malulugi ang mga Zimmer. Si Harvey ang dahilan kung bakit bumagsak sa kahirapan ang mga Zimmer. Naglakad si Harvey papunta kay Sean nang may mukhang mas malamig kaysa sa yelo. Nagtanong siya nang may mapulang titig, "Nasaan ang anak mo?" Tumawa lang si Sean. "Harvey, napakaarogante mo na ngayon. Sa tingin mo pwede mong baliwalain ang batas ngayong ang asawa mong si Mandy ay naging chairman?" "Wag mong kalimutan, mas matanda ako sa'yo!" "Anong karapatan mo para maging arogante sa harapan ko?! Napakasuwail mo!" Nagalit si Harvey, "Nagmamadali ak
Sa Buckwood International Airport, isang matandang lalaki ang mabagal na lumabas. Nakasuot siya ng pangkaraniwang kasuotan at may hawak na tungkod, pero mayroon siyang aura na kayang maramdaman ng kahit na sino sa isang tingin. Kung makita ni Zack ang lalaking ito, tiyak na manginginig siya sa takot. Isa siyang Elder mula sa pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan na pagmamay-ari ng mga Jean ng Mordu, at ang master ni Zack at Quinn, si Russel. Pagkatapos inabandona sina Zack at Quinn sa pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan, araw-araw silang pinahihirapan. Nakatakas lang si Zack dahil inutusan siya. Subalit, hindi si Zack ang dahilan na lumitaw si Russel. Si Mandy ang dahilan. Bumagsak na ang mga Zimmer, pero patuloy na lumalaki ang negosyo ni Mandy. Para sa mga Jean ng Mordu, isa itong bagay na dapat imbestigahan. Hindi hahayaan ng isang top rated family na kagaya nila ang isang mas mahinang pamilya na lumitaw at lagpasan sila, kahit na anong mangyari.
Nang wala pang isang minuto, nauwi sa lapag ang mga gangster. Ilan sa kanila ay nabalian ng braso't binti, at ngayon ay nakatingin sila kay Harvey sa matinding takot. Pinapahirapan nila ang mahihina at kinatatakutan ang mga malalakas. Hindi sila nagtangkang magalit sa mga taong kagaya ni Harvey kahit na nakabangga sila nito. "Bantayan niyo ang kotse ko. Kung may makita akong kahit gasgas lang diyan, mamamatay kayong lahat." Babala ni Harvey. Pagkatapos ay nagpunta siya sa lugar sa paligid ng pabrika. …Pumasok si Harvey sa warehouse ng pabrika, malamig pa rin ang kanyang mukha. "Sino ka?! Hindi mo ba alam na pribadong lugar to?! Layas!" Lumabas mula sa madilim na parte ng pabrika ang ilang mga dayuhan na may dilaw na buhok at asul na mata. Isa sa kanila ay may dalang military dagger. Tinitigan niya nang masama si Harvey. "Mga tao kayo ni Third Master Yates?" "Kayo ang dumukot sa asawa ko, tama?" Nagulat sila nang marinig nila si Harvey na sabihin ang pangalan na, "Th
"Yung mga dayuhan ba ang sinasabi mo? Pinaalis ko sila," malamig na sagot ni Harvey. Napansin niya si Mandy na nakatali nang maigi sa isang sulok at doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Basta't walang kahit na anong galos si Mandy, hindi pa huli ang lahat. "Wag kang lalapit! Sa tingin mo hindi ko siya patayin kapag lumapit ka?!" Sigaw ni Zack. Kinuha niya ang kutsilyo sa mesa at naghandang sumugod kay Mandy. “Aaaaaah—!”Umalingawngaw ang mga sigaw na parang kinakatay na baboy. Gumulong sa lapag si Zack nang humihiyaw. "Akala ko langaw ka lang at wala man lang akong interes na patayin ka." "Pero napatunayan nito na minsan, hindi ako pwedeng maging masyadong mabait. Kapag patay ka na, doon lang mawawala ang kumakalaban sa'kin nang paulit-ulit," sabi ni Harvey at inapakan ang kutsilyo. Nanginginig ang buong katawan ni Zack. Akala niya ay mapapatay na niya si Harvey pagkatapos matuto ng ilang mga atake mula sa pinagbabawal na lupain sa likuran ng kabundukan ng Jean famil