Hindi ko alam kung anong kinakatawan ng pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan, pero alam ko lang na walang makakapigil sa'kin kung may gusto akong patayin," sabi ni Harvey. Nagbigay pa siya ng pwersa sa kanyang paa na nakaapak sa mukha ni Zack. Lulubog na sa lupo ang ulo ni Zack. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya at hindi niya mapigilan na sumigaw sa sakit. Hindi niya inasahan na hindi magdadalawang-isip si Harvey na patayin siya, at hindi niya rin inasahan na aapakan siya ni Harvey hanggang sa mamatay siya! Sa sandaling iyon, sumimangot si Harvey. Mabilis siyang humakbang palikod at umilag sa tabi. Kasunod nito ay sumuntok siya sa tabi niya. Boom!Napalipad ng suntok niya ang isang tungkod, na bumaon sa pader at umalog sa pwersa nito. "Master! Master, ikaw ba yan? Tulungan mo ko!" Binuka ni Zack ang bibig niya at nagsimula siyang pumiglas na para bang nakahanap siya ng kaligtasan. Naningkit ang mata ni Harvey at tinignan ang pinto ng warehouse. Is
“Kaunti lang. Isang dosena na lang ang natitira sa mga dinala namin mula America.” Tumatagaktak ang pawis ni Butler Yates.Nang walang malakas na panlaban, mawawala ang pinagkukunan ng lakas ng mga Yates ng America sa Buckwood. Natural, naunawaan ito ni Third Master Yates. Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Alam ba natin kung ano ang layunin nila?” Nanginginig na sagot ni Butler Yates, “Tingin ko hinahamon ka nila, Third Master.” Nagbago ang mukha ni Third Master Yates. Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, pero hindi siya tanga.Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, wala itong kwenta kung mag-isa lang siya. Atsaka, ang Buckwood ay teritoryo ng ibang tao. Suminghal si Third Master Yates.“Hindi tayo nagdala ng sapat na tao, at ang dalawang boxing champion ay napatay rin. Kung hindi, bakit matatakot sa kahit kanino ang Yates family ng America?” Pagkatapos mag-isip, nag-utos na si Third Master Yates, “Mag-impake na kayo, aalis muna tayo ng Buckwood. Babalik tayo ng
“Anong nangyayari? ‘Di ka ba marunong magmaneho?! Papatayin kita!” Nanggigigil sa galit si Butler Yates.Ang sama ng mukha ni Third Master Yates. Para huminto nang biglaan ang driver, maaaring isipin ng mga walang alam na baka may nangyari nang masama. Hindi ba alam ng driver na ito na maaari siyang makapatay sa takot? Sumagot ang driver nang masama ang mukha sa sandaling ito, “Third Master, Butler, may nakaharang sa daan.” “Ano? Sinong naglalakas-loob na humarang sa daan ko?” Binuksan ni Third Master Yates ang bintana ng kotse at tumingin. Ilang tao ang lumabas mula sa likod ng harang, at ang nangunguna sa grupo ay walang iba kundi si Harvey. “Ikaw pala ‘yan, talunan. Anong gusto mo?” Huminga nang maginhawa si Third Master Yates nang makita niyang ito ay si Harvey. Sa ngayon, ang pinakakinatatakutan niya ay si Prince York, hindi si Harvey. “Dapat manatili ka dito habang buhay dahil nagpunta ka na sa Buckwood. Bakit ka aalis?” Kalmadong sinabi ni Harvey, habang nak
Pumatak ang malalamig na pawis sa mukha ni Third Master Yates. Sa sandaling ito, hindi siya sigurado kung anong magiging ekspresyon niya. Ang iniisip niyang alas ay kalokohan lang sa harap ng lalaking ito. Ang anumang sinabi niya ay naging kahihiyan lang sa kanyang sarili. Nang marinig ng butler sa likuran niya na si Harvey talaga ang Head Coach at si Prince York, napasigaw ang butler niya at lumuhod sa sahig nang malakas, at kaagad na nagmakaawa. Talagang nagbalak siya laban sa asawa mismo ng Head Coach! Isa itong kasalanang hindi niya matatakasan. “Head… Head Coach! Bulag ako sa katotohanang ito noon! Pakiusap bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, sisiguraduhin kong gagawin ko ang kahit anong iuutos mo sa akin, at magiging mabuti ako sa’yo!” Napakasama ng mukha ni Third Master Yates, ngunit alam niya ang hangganan niya. Sumuko siya sa sandaling nalaman niya ang pagkatao ni Harvey. Tumawa si Harvey. “Third Master, isa kang propesyonal na nakatalo sa lahat ng malalakas
“Ito ang Five Strikes of Lightning?” Walang masabi si Harvey. Muli niyang nakumpirma na si Third Master Yates… Ay isa talagang tanga. Nagulantang si Third Master Yates nang makita niya ang naguguluhang mukha ni Harvey. Sumigaw siya, “Imposible! Dapat kahit paano mapupuruhan ka nang husto kapag tinamaan ka ng buong Five Strikes of Lightning!” “Bibigyan pa kita ng isa!” “Hetong sa’yo!” Suminghal si Harvey, at itinaas ang kanyang kanang kamay pagkatapos at hinawi ito. Pak! Tumalsik si Third Master Yates sa sampal niya at bumagsak sa sahig habang umiikot. Gumulong si Third Master Yates at bumangon, at sumugod paharap at muling ihinawi ang kanyang kamay. “Convert!” Pak! Ihinawi ni Harvey ang likuran ng kanyang kamay at pinaikot si Third Master Yates. Nangisay nang walang-tigil ang kanyang katawan. “Hindi ako makapaniwala!’ “Killer move! Hetong sa’yo!”Pak! Muling sinampal ni Harvey si Third Master Yate at ihinampas nang mas malakas ang ulo nito sa sahig. Nan
Sa Gardens Residence, maririnig ang usapan mula sa loob. Nakabalik na si Xynthia at ang kanyang mga magulang mula sa paghahanap ng mga unibersidad. Kaagad na inilabas ni Xynthia ang isang amerikana sa sandaling itulak ni Harvey ang pinto. “Brother-In-Law, dalian mo at magbihis ka na! Isang teacher na in charge sa enrollment sa Mordu University ang mag-iinterview sa akin mamaya!” “Magdamit ka nang maayos at maging mabait ka sa kanya!” Binati ni Harvey si Lilian at Simon, at nagtanong nang nagtataka, “Pinili niyo ang Mordu university pagkatapos niyong maghanap nang ganito katagal?” “Naghanap kami, pero masyadong mataas ang requirement para sa university. Nang magpunta ako doon para mag-apply, sinabi nila na magpapadala sila ng isang teacher para iinterview ako.” “Brother-In-Law, masyadong busy si ate nitong nakaraan. Hindi niya ako pinapansin! Ikaw na ang bahala dito!” Tumawa si Harvey. Wala siyang balak na tumanggi kay Xynthia. Isa itong malaking kaganapan para sa kanya ka
Pagkarinig sa pagduda ni Sasha Larson, si Xynthia Zimmer ay nabalisang nagsabi, “Ms. Sasha, siya ang aking brother-in-law at siya ay tao na pinaka importante sa akin. Sa tingin ko siya ay may kakayahang magrepresenta sa aking pamilya.”“Kung pakiramdam mo ito ay problema, maaari kong tanungin ang aking magulang na kausapin ka sa halip, Ms. Sasha.”Narinig ang tugon ni Xynthia, ngumiti si Sasha at sinabi, “HIndi na kailangan iyan. Kung gayon, maari niyang asikasuhin ang bagay na ito kung siya ay iyong brother-in-law.”“Oh at hindi ka pwede dito dahil ang inspection ay tungkol sa iyong personal na sitwasyon.”Tumango si Xynthia bilang tugon at umalis matapos magiwan ng mga dokumento tungkol sa background ng pamilya niya kay Sasha.Meron siyang buong kumpyansa sa kanyang brother-in-law. Pakiramdam niya hindi niya kailangan magalala o walang hindi maayos hanggat ang kanyang brother-in-law ay nandoon.Matapos umalis si Xynthia, tiningnan ni Sasha ang mga dokumento na may nangungutyang
Lahat ng mga empleyado na sumunod sa likod ni Sasha Larson ay lahat kanyang matapat na tagasunod.Ngayon na nakita nila ang paguugali ni Sasha kay Harvey York, sila ay kaagad pumili ng panig at inasar din si Harvey.Kumumpas si Sasha at ngumisi. “Hindi, hindi, hindi, syempre, kailangan pa din nating magpatuloy sa background check!”“Tayo ay representative ng Mordu University, kaya dapat nating kumpletuhin ang buong proseso ano pa man, kung hindi paano nating maibabalita sa eskwelahan ang tungkol dito?”Narinig ang mga sinabi ni Sasha, ang mga tapat na tagasunod ay walang tigil na tumango.Inisip nila kung gaano katalino si Sasha. Kung hindi sila kumilos ng ganito, sila ay maaaring mabalita o mapagalitan matapos bumalik.Ngunit matapos nilang makumpleto ang buong proseso, walang sino ang makakapagsabi ng kahit ano sa kanila.“Sige maghanda ka, Harvey. Ang inspection ay magsisimula na.” Gumawa ng kilos si Sasha sa pagimbita kay Harvey.Kahit na nakita ni Harvey si Sasha na naniin