Share

Kabanata 1240

Hindi ko alam kung anong kinakatawan ng pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan, pero alam ko lang na walang makakapigil sa'kin kung may gusto akong patayin," sabi ni Harvey.

Nagbigay pa siya ng pwersa sa kanyang paa na nakaapak sa mukha ni Zack.

Lulubog na sa lupo ang ulo ni Zack. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya at hindi niya mapigilan na sumigaw sa sakit.

Hindi niya inasahan na hindi magdadalawang-isip si Harvey na patayin siya, at hindi niya rin inasahan na aapakan siya ni Harvey hanggang sa mamatay siya!

Sa sandaling iyon, sumimangot si Harvey.

Mabilis siyang humakbang palikod at umilag sa tabi.

Kasunod nito ay sumuntok siya sa tabi niya.

Boom!

Napalipad ng suntok niya ang isang tungkod, na bumaon sa pader at umalog sa pwersa nito.

"Master! Master, ikaw ba yan? Tulungan mo ko!"

Binuka ni Zack ang bibig niya at nagsimula siyang pumiglas na para bang nakahanap siya ng kaligtasan.

Naningkit ang mata ni Harvey at tinignan ang pinto ng warehouse.

Is
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status