Nakatira si Sean sa isang village ngayon, at ngayong wala ang anak niya sa tabi niya, palagi siyang pinagtitripan ng mga lokal na gangster. Sa sandaling sinipa ang pinto, inakala ni Sean ay lumitaw na naman ang mga gangster. Pero nang mapansin niya na Harvey pala iyon, napuno ng galit ang mukha ni Sean. Sumigaw siya, "Anong ginagawa mo rito?!" Para kay Sean, kung hindi dahil sa patuloy na paggawa ng gulo ni Harvey, hindi sana malulugi ang mga Zimmer. Si Harvey ang dahilan kung bakit bumagsak sa kahirapan ang mga Zimmer. Naglakad si Harvey papunta kay Sean nang may mukhang mas malamig kaysa sa yelo. Nagtanong siya nang may mapulang titig, "Nasaan ang anak mo?" Tumawa lang si Sean. "Harvey, napakaarogante mo na ngayon. Sa tingin mo pwede mong baliwalain ang batas ngayong ang asawa mong si Mandy ay naging chairman?" "Wag mong kalimutan, mas matanda ako sa'yo!" "Anong karapatan mo para maging arogante sa harapan ko?! Napakasuwail mo!" Nagalit si Harvey, "Nagmamadali ak
Sa Buckwood International Airport, isang matandang lalaki ang mabagal na lumabas. Nakasuot siya ng pangkaraniwang kasuotan at may hawak na tungkod, pero mayroon siyang aura na kayang maramdaman ng kahit na sino sa isang tingin. Kung makita ni Zack ang lalaking ito, tiyak na manginginig siya sa takot. Isa siyang Elder mula sa pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan na pagmamay-ari ng mga Jean ng Mordu, at ang master ni Zack at Quinn, si Russel. Pagkatapos inabandona sina Zack at Quinn sa pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan, araw-araw silang pinahihirapan. Nakatakas lang si Zack dahil inutusan siya. Subalit, hindi si Zack ang dahilan na lumitaw si Russel. Si Mandy ang dahilan. Bumagsak na ang mga Zimmer, pero patuloy na lumalaki ang negosyo ni Mandy. Para sa mga Jean ng Mordu, isa itong bagay na dapat imbestigahan. Hindi hahayaan ng isang top rated family na kagaya nila ang isang mas mahinang pamilya na lumitaw at lagpasan sila, kahit na anong mangyari.
Nang wala pang isang minuto, nauwi sa lapag ang mga gangster. Ilan sa kanila ay nabalian ng braso't binti, at ngayon ay nakatingin sila kay Harvey sa matinding takot. Pinapahirapan nila ang mahihina at kinatatakutan ang mga malalakas. Hindi sila nagtangkang magalit sa mga taong kagaya ni Harvey kahit na nakabangga sila nito. "Bantayan niyo ang kotse ko. Kung may makita akong kahit gasgas lang diyan, mamamatay kayong lahat." Babala ni Harvey. Pagkatapos ay nagpunta siya sa lugar sa paligid ng pabrika. …Pumasok si Harvey sa warehouse ng pabrika, malamig pa rin ang kanyang mukha. "Sino ka?! Hindi mo ba alam na pribadong lugar to?! Layas!" Lumabas mula sa madilim na parte ng pabrika ang ilang mga dayuhan na may dilaw na buhok at asul na mata. Isa sa kanila ay may dalang military dagger. Tinitigan niya nang masama si Harvey. "Mga tao kayo ni Third Master Yates?" "Kayo ang dumukot sa asawa ko, tama?" Nagulat sila nang marinig nila si Harvey na sabihin ang pangalan na, "Th
"Yung mga dayuhan ba ang sinasabi mo? Pinaalis ko sila," malamig na sagot ni Harvey. Napansin niya si Mandy na nakatali nang maigi sa isang sulok at doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Basta't walang kahit na anong galos si Mandy, hindi pa huli ang lahat. "Wag kang lalapit! Sa tingin mo hindi ko siya patayin kapag lumapit ka?!" Sigaw ni Zack. Kinuha niya ang kutsilyo sa mesa at naghandang sumugod kay Mandy. “Aaaaaah—!”Umalingawngaw ang mga sigaw na parang kinakatay na baboy. Gumulong sa lapag si Zack nang humihiyaw. "Akala ko langaw ka lang at wala man lang akong interes na patayin ka." "Pero napatunayan nito na minsan, hindi ako pwedeng maging masyadong mabait. Kapag patay ka na, doon lang mawawala ang kumakalaban sa'kin nang paulit-ulit," sabi ni Harvey at inapakan ang kutsilyo. Nanginginig ang buong katawan ni Zack. Akala niya ay mapapatay na niya si Harvey pagkatapos matuto ng ilang mga atake mula sa pinagbabawal na lupain sa likuran ng kabundukan ng Jean famil
Hindi ko alam kung anong kinakatawan ng pinagbabawal na lupain sa likod ng kabundukan, pero alam ko lang na walang makakapigil sa'kin kung may gusto akong patayin," sabi ni Harvey. Nagbigay pa siya ng pwersa sa kanyang paa na nakaapak sa mukha ni Zack. Lulubog na sa lupo ang ulo ni Zack. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya at hindi niya mapigilan na sumigaw sa sakit. Hindi niya inasahan na hindi magdadalawang-isip si Harvey na patayin siya, at hindi niya rin inasahan na aapakan siya ni Harvey hanggang sa mamatay siya! Sa sandaling iyon, sumimangot si Harvey. Mabilis siyang humakbang palikod at umilag sa tabi. Kasunod nito ay sumuntok siya sa tabi niya. Boom!Napalipad ng suntok niya ang isang tungkod, na bumaon sa pader at umalog sa pwersa nito. "Master! Master, ikaw ba yan? Tulungan mo ko!" Binuka ni Zack ang bibig niya at nagsimula siyang pumiglas na para bang nakahanap siya ng kaligtasan. Naningkit ang mata ni Harvey at tinignan ang pinto ng warehouse. Is
“Kaunti lang. Isang dosena na lang ang natitira sa mga dinala namin mula America.” Tumatagaktak ang pawis ni Butler Yates.Nang walang malakas na panlaban, mawawala ang pinagkukunan ng lakas ng mga Yates ng America sa Buckwood. Natural, naunawaan ito ni Third Master Yates. Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Alam ba natin kung ano ang layunin nila?” Nanginginig na sagot ni Butler Yates, “Tingin ko hinahamon ka nila, Third Master.” Nagbago ang mukha ni Third Master Yates. Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, pero hindi siya tanga.Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, wala itong kwenta kung mag-isa lang siya. Atsaka, ang Buckwood ay teritoryo ng ibang tao. Suminghal si Third Master Yates.“Hindi tayo nagdala ng sapat na tao, at ang dalawang boxing champion ay napatay rin. Kung hindi, bakit matatakot sa kahit kanino ang Yates family ng America?” Pagkatapos mag-isip, nag-utos na si Third Master Yates, “Mag-impake na kayo, aalis muna tayo ng Buckwood. Babalik tayo ng
“Anong nangyayari? ‘Di ka ba marunong magmaneho?! Papatayin kita!” Nanggigigil sa galit si Butler Yates.Ang sama ng mukha ni Third Master Yates. Para huminto nang biglaan ang driver, maaaring isipin ng mga walang alam na baka may nangyari nang masama. Hindi ba alam ng driver na ito na maaari siyang makapatay sa takot? Sumagot ang driver nang masama ang mukha sa sandaling ito, “Third Master, Butler, may nakaharang sa daan.” “Ano? Sinong naglalakas-loob na humarang sa daan ko?” Binuksan ni Third Master Yates ang bintana ng kotse at tumingin. Ilang tao ang lumabas mula sa likod ng harang, at ang nangunguna sa grupo ay walang iba kundi si Harvey. “Ikaw pala ‘yan, talunan. Anong gusto mo?” Huminga nang maginhawa si Third Master Yates nang makita niyang ito ay si Harvey. Sa ngayon, ang pinakakinatatakutan niya ay si Prince York, hindi si Harvey. “Dapat manatili ka dito habang buhay dahil nagpunta ka na sa Buckwood. Bakit ka aalis?” Kalmadong sinabi ni Harvey, habang nak
Pumatak ang malalamig na pawis sa mukha ni Third Master Yates. Sa sandaling ito, hindi siya sigurado kung anong magiging ekspresyon niya. Ang iniisip niyang alas ay kalokohan lang sa harap ng lalaking ito. Ang anumang sinabi niya ay naging kahihiyan lang sa kanyang sarili. Nang marinig ng butler sa likuran niya na si Harvey talaga ang Head Coach at si Prince York, napasigaw ang butler niya at lumuhod sa sahig nang malakas, at kaagad na nagmakaawa. Talagang nagbalak siya laban sa asawa mismo ng Head Coach! Isa itong kasalanang hindi niya matatakasan. “Head… Head Coach! Bulag ako sa katotohanang ito noon! Pakiusap bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, sisiguraduhin kong gagawin ko ang kahit anong iuutos mo sa akin, at magiging mabuti ako sa’yo!” Napakasama ng mukha ni Third Master Yates, ngunit alam niya ang hangganan niya. Sumuko siya sa sandaling nalaman niya ang pagkatao ni Harvey. Tumawa si Harvey. “Third Master, isa kang propesyonal na nakatalo sa lahat ng malalakas