”Siya?”Tumawa si Harvey.“Ang Morgan Financial Group ay isa lang third-class na financial group sa Empire of the Sun that Never Sets. Bakit sila umaarte na sila ay malaki dito sa Great Country H?”Si Harvey ay hindi lang nagsasalita ng walang alam.Noon ng siya ay nasa battlefield pa, ang Empire of the Sun that Never Sets ay sinuko ang marami sa mga share ng kanilang mga financial group bilang regalo bilang ransom sa mga maharlika na nahuli ni Harvey.Ang Morgan Financial Group ay hindi kabilang sa kanila.Masasabi na ang financial group na ito ay okay lang. Sila ay tinuturing bilang low-class sa Empire of the Sun that Never Sets.Kung kaya, akala ni Harvey na hindi kailangan ng mga malalaking taong ito na matakot sa Morgan Financial Group.Hindi importante kung ang Morgan Financial Group ay mula sa Empire of the Sun that Never Sets.Sa nakaraang laban, lima sa pinakamalaakas na nation ang nagtulungan ngunit hindi pa din nila matalo si Harvey.Ang Great Country H ay umangat
”Siya ay talagang maharlika mula sa Empire of the Sun that Never Sets. Ang kanyang kilos ay walang awa!”“Ang aristocratic heritage ng Empire of the Sun that Never Sets ay masyadong malalim. Hindi tayo maikukumpara dito!”“Meron siyang diplomatic privileges kaya hindi niya kailangan magbayad ng maraming tax kapag makuha niya ang Regency Enterprise. Base sa puntong ito lang, talo na tayo!”Ang malalaking pamilya ay nagingay, ang kanilang kulay ay nandilim.Kahit na kung magpatuloy nilang taasan ang presyo, mataas ang pagkakataon na sila lang ay mawawalan ng pera sa ilalim ng ganitong sitwasyon.Sa sandaling iyon, ang senior executives ng Regency Enterprise ay natuwa.Hindi ito tungkol sa presyo. Kung sila ay pinagmamay ari ng buo ng Morgan Financial Group, kung gayon sila ay magiging foreign-funded enterprise.Ang mga foreign-funded enterprises ay nakaktanggap ng mas magandang pagtrato kaysa sa mga lokal na mga enterprise.Ang mga senior executive ay maraming taon ng nasa Regenc
Importanteng malaman na ang mga tao ng Morgan Financial Group ay nagmula sa Empire of the Sun that Never Sets.Kahit na kung may ilang mga mamamayan mula sa Great Country H ay nagtatrabaho sa kumpanya, sila ay simpleng mga green card holder na nabubuhay sa Empire of the Sun that Never Sets.Kung kaya, sila ay masyadong ginagamit ang mga diplomatic privileges kapag nasa Great Country H.Ang ganitong mga tao ay inaabuso ang privilege na ito. Kung kaya, alam nila na ang gobyerno ay laging susubukan na pumanig sa kanila kapag sila ay nakaharap ng problema sa mga mamamayan ng Great Country H.Normal lang, walang gusto lumaban sa mga dayuhan may diplomatic privileges.Pero, sa ngayon, meron talagang naglakas loob na asarin ang mga mamamayan mula sa Empire of the Sun that Never Sets.Lalo na si George, na isang baron!Kahit na sa loob ng Empire of the Sun that Never Sets, siya ay kinukunsidera bilang parte ng namumunong class.Nakatitig siya kay Mandy at Harey mula sa malayo, malupit
Matapos sabihin ang presyo, si George ay nanghahamong tinignan si Harvey.Ang 546 na milyon ay ang pinakamataas na presyo na kaya ng Morgan Financial Group.Kailangan nilang magtabi ng funds para gamitin sa Buckwood.Gusto ni George na makita kung maglalakas loob ang lalaking ito na sumunod.Kung hindi, ang Regency Enterprise ay mapapasakamay ng Morgan Financial Group.Subalit, kung magpapatuloy na taasan ni Harvey ang presyo, hindi makakasunod si George at magdagdag pa ng presyo.Gayunpaman, gusto ni George na makita kung paano ang low-class na unggoy na ito ay makakapaglabas ng 546 na milyon.Sa sandaling ito, ang mata ng lahat ay napunta kay Harvey.Si Mandy, na nasa tabi, ay mukhang kinakabahan.Base sa ekspresyon ni George, alam ng lahat na hindi niya kayang magbayad ng mas mataas na presyo.Gustong makita ng lahat kung ano ang gagawin ni Harvey.Ngumiti si Harvey kay George at tinaas ang kanyang placard. Kakaiba niyang sinabi, “625 na milyon.”Ang ilang salitang ito,
Ang mukha ni George ay puno ng yabang.Ang kanyang babala ay pinabalik sa katinuan ang lahat.Iyon ay 625 na milyon!Hindi ito 6.25 na dolyar lang!Ang mukhang ordinaryong si Harvey ba talaga ay merong pera?Sa sandaling ito, ang mga kulay ng mga opisyal ng gobyerno ng Buckwood na nandoon ay nandilim.Kung ang Morgan Financial Group ay ginamit ang event na ito bilang palusot para gumawa ng gulo, ang ilan sa kanila ay maaaring mawalan ng trabaho.Kung sabagay, sila ay namamahala sa auction na ito. Natural lang sila ay kukunin ang credit pag ito ay nagtagumpay, ngunit sila din ay responsable kung ito ay pumalpak.Isang opisyal ng gobyerno ay tumayo at humarap kay Harvey. “Sir, kailangan mong patunayan na ikaw ay may sapat na mga asset para dumalo sa auction na ito!”“Kung hindi mo magawa, ikaw ay pansamantalang ikukulong sa panggugulo sa internation business activities.”“Kailangan mo din na humingi ng tawad sa kagalang galang na si Sir George.”Sa mga salitang ito, walang pak
Alam ni George kung ano ang ibig sabihin ng isang live-in son-in-law. Nagpakawala siya ng isang malamig na halakhak. “Ang baba ng tingin mo sa akin kung ikaw naman ay sampid lamang?” “Sinabi ko na sayo. Kung hindi mo kayang patunayan ang sarili mong halaga, maituturing na itong isang isyu ng diplomasya. Ikinalulungkot ko ngunit ikaw at ang asawa mo ay kailangan sumama sa amin sa embahasya!” Tumawa ng malamig si Harvey. “Paano kung tumanggi ako?” “Kung ganun ay isusumbong ko ang insidenteng ito sa Empire Parliament. Sa tingin ko ay hihingan nila ng sanaysay ang inyong gobyerno!” Malamig na sagot ni George, na may nakakatakot na ekspresyon sa mukha nito. Noon, hindi pabor sa kanya gumawa ng ganitong bagay. “Tinatakot mo ako? Sa bansa ko?” Sumimangot si Harvey. “Ano naman ngayon kung tinatakot ko ang H Country? Isa lang naman itong bansa ng mga unggoy!” Malamig na humalakhak si George. Ang mga taong nandoon ay kaagad na nagbago ang kanilang mga ekspresyon pagkata
“Ito!” Umalingawngaw ang pagsingap ng mga tao sa buong paligid sa mga sandaling iyon. “Gumana?” “Paano nangyari yun? Nagkapagbayad siya ng anim na daan at dalawampu’t limang milyong dolyar?” Ang mga tao na mula sa Morgan Financial Group ay natakot ng husto, na halos tumumba na sila at mapaupo sa lapag. ANg ashtray na hawak ni George ay nalaglag sa carpet ng may malakas na tunog. Ito… Paano siya nakakita ng isang mega tycoon sa unang beses niyang pagbisita sa Country H? Sa mga taong nandon, si Mandy ang pinaka-nagulat. Hindi niya lubos na maunawaan kung paano nagawa ni Harvey na ibigay ng mga Naiswells ang resort sa kanya noon. Pero meron pala talaga siyang anim na daan at dalawampu’t limang milyong dolyar para bilhin ang Regency Enterprise? Saan niya nakuha ang perang iyon? Ang pera na binigay sa kanya ni Mandy ay hindi aabot sa ganung halaga!Bago pa man bumalik ang ulirat ni Mandy mula sa gulat, isang trabahador sa gobyerno ng Buckwood ang magalang na sina
HAwak ni George ang bali niyang kamay, habang halos madurog na niya ang naninilaw niyang mga ngipin sa sobrang galit. “Hindi! Tayong mga nagmula sa The EMpire of the Sun that Never Sets ay hindi dapat mapahiya sa isang maliit na bansa tulad nito na mula sa silangan!” “Hindi natin basta na lang hahayaan ang bagay na ito!” “Lulumpuhin ko ang lalakeng iyon!” “Sa akin ang Regency Enterprise!” “Pati ang babaeng iyon ay magiging akin!” “Anong gagawin natin ngayon, Master?” Ang tagapaglingkod ni George, na si King Cook, ay nagtanong sa tabi nito. Mamamayan siya ng Country H, pero nakakuha siya ng green card mula sa The Empire of the Sun that Never Sets. SA sandaling iyon, tuluyan na niyang kinilala ang kanyang sarili bilang tagasunod ng nasabing bansa. Ang mga ganitong xenophile ay karaniwang ang pinaka walang hiya. Kaya niyang maging walang awa sa kanyang mga kababayan para lamang alagaan ang bago niyang amo. Pinagkikiskisan na nga ni King ang kanyang mga kamay, habang n