Matapos sabihin ang presyo, si George ay nanghahamong tinignan si Harvey.Ang 546 na milyon ay ang pinakamataas na presyo na kaya ng Morgan Financial Group.Kailangan nilang magtabi ng funds para gamitin sa Buckwood.Gusto ni George na makita kung maglalakas loob ang lalaking ito na sumunod.Kung hindi, ang Regency Enterprise ay mapapasakamay ng Morgan Financial Group.Subalit, kung magpapatuloy na taasan ni Harvey ang presyo, hindi makakasunod si George at magdagdag pa ng presyo.Gayunpaman, gusto ni George na makita kung paano ang low-class na unggoy na ito ay makakapaglabas ng 546 na milyon.Sa sandaling ito, ang mata ng lahat ay napunta kay Harvey.Si Mandy, na nasa tabi, ay mukhang kinakabahan.Base sa ekspresyon ni George, alam ng lahat na hindi niya kayang magbayad ng mas mataas na presyo.Gustong makita ng lahat kung ano ang gagawin ni Harvey.Ngumiti si Harvey kay George at tinaas ang kanyang placard. Kakaiba niyang sinabi, “625 na milyon.”Ang ilang salitang ito,
Ang mukha ni George ay puno ng yabang.Ang kanyang babala ay pinabalik sa katinuan ang lahat.Iyon ay 625 na milyon!Hindi ito 6.25 na dolyar lang!Ang mukhang ordinaryong si Harvey ba talaga ay merong pera?Sa sandaling ito, ang mga kulay ng mga opisyal ng gobyerno ng Buckwood na nandoon ay nandilim.Kung ang Morgan Financial Group ay ginamit ang event na ito bilang palusot para gumawa ng gulo, ang ilan sa kanila ay maaaring mawalan ng trabaho.Kung sabagay, sila ay namamahala sa auction na ito. Natural lang sila ay kukunin ang credit pag ito ay nagtagumpay, ngunit sila din ay responsable kung ito ay pumalpak.Isang opisyal ng gobyerno ay tumayo at humarap kay Harvey. “Sir, kailangan mong patunayan na ikaw ay may sapat na mga asset para dumalo sa auction na ito!”“Kung hindi mo magawa, ikaw ay pansamantalang ikukulong sa panggugulo sa internation business activities.”“Kailangan mo din na humingi ng tawad sa kagalang galang na si Sir George.”Sa mga salitang ito, walang pak
Alam ni George kung ano ang ibig sabihin ng isang live-in son-in-law. Nagpakawala siya ng isang malamig na halakhak. “Ang baba ng tingin mo sa akin kung ikaw naman ay sampid lamang?” “Sinabi ko na sayo. Kung hindi mo kayang patunayan ang sarili mong halaga, maituturing na itong isang isyu ng diplomasya. Ikinalulungkot ko ngunit ikaw at ang asawa mo ay kailangan sumama sa amin sa embahasya!” Tumawa ng malamig si Harvey. “Paano kung tumanggi ako?” “Kung ganun ay isusumbong ko ang insidenteng ito sa Empire Parliament. Sa tingin ko ay hihingan nila ng sanaysay ang inyong gobyerno!” Malamig na sagot ni George, na may nakakatakot na ekspresyon sa mukha nito. Noon, hindi pabor sa kanya gumawa ng ganitong bagay. “Tinatakot mo ako? Sa bansa ko?” Sumimangot si Harvey. “Ano naman ngayon kung tinatakot ko ang H Country? Isa lang naman itong bansa ng mga unggoy!” Malamig na humalakhak si George. Ang mga taong nandoon ay kaagad na nagbago ang kanilang mga ekspresyon pagkata
“Ito!” Umalingawngaw ang pagsingap ng mga tao sa buong paligid sa mga sandaling iyon. “Gumana?” “Paano nangyari yun? Nagkapagbayad siya ng anim na daan at dalawampu’t limang milyong dolyar?” Ang mga tao na mula sa Morgan Financial Group ay natakot ng husto, na halos tumumba na sila at mapaupo sa lapag. ANg ashtray na hawak ni George ay nalaglag sa carpet ng may malakas na tunog. Ito… Paano siya nakakita ng isang mega tycoon sa unang beses niyang pagbisita sa Country H? Sa mga taong nandon, si Mandy ang pinaka-nagulat. Hindi niya lubos na maunawaan kung paano nagawa ni Harvey na ibigay ng mga Naiswells ang resort sa kanya noon. Pero meron pala talaga siyang anim na daan at dalawampu’t limang milyong dolyar para bilhin ang Regency Enterprise? Saan niya nakuha ang perang iyon? Ang pera na binigay sa kanya ni Mandy ay hindi aabot sa ganung halaga!Bago pa man bumalik ang ulirat ni Mandy mula sa gulat, isang trabahador sa gobyerno ng Buckwood ang magalang na sina
HAwak ni George ang bali niyang kamay, habang halos madurog na niya ang naninilaw niyang mga ngipin sa sobrang galit. “Hindi! Tayong mga nagmula sa The EMpire of the Sun that Never Sets ay hindi dapat mapahiya sa isang maliit na bansa tulad nito na mula sa silangan!” “Hindi natin basta na lang hahayaan ang bagay na ito!” “Lulumpuhin ko ang lalakeng iyon!” “Sa akin ang Regency Enterprise!” “Pati ang babaeng iyon ay magiging akin!” “Anong gagawin natin ngayon, Master?” Ang tagapaglingkod ni George, na si King Cook, ay nagtanong sa tabi nito. Mamamayan siya ng Country H, pero nakakuha siya ng green card mula sa The Empire of the Sun that Never Sets. SA sandaling iyon, tuluyan na niyang kinilala ang kanyang sarili bilang tagasunod ng nasabing bansa. Ang mga ganitong xenophile ay karaniwang ang pinaka walang hiya. Kaya niyang maging walang awa sa kanyang mga kababayan para lamang alagaan ang bago niyang amo. Pinagkikiskisan na nga ni King ang kanyang mga kamay, habang n
Kung totoo ito, maipapaliwanag na nito ang maraming bagay. Kasama na dito ang pagpopropose ni Prince York kay Mandy. At kung bakit basta-basta na lang binigay ng mga Naiswell sa kanya ang resort. Kung paano nagkaroon si Harvey ng anim na daan at dalawampu’t limang milyong dolyar para gastusin. At kung paano nagkaroon ng lakas ng loob si Harvey para balian ng braso si George. Kasama ng maraming bagay na nangyari noon, lahat sila ay may tamang paliwanag. Pero ang problema ay kung si Harvey nga talaga si Prince York, bakit hindi nito sinabi kay Mandy? Sumimangot si Mandy. Pinagmasdan niya si Harvey, habang amraming katanungan ang sumusulpot sa kanyang isipan. …Nang matapos ang lahat, wala nang balak sila Harvey at Mandy na magtagal pa doon. Sumakay na sila sa kanilang kotse at kaagad na umalis. Dahil sa hawak na nila ang Regency Enterprise, marami na silang dapat asikasuhin. Ng makaalis ang dalawa, si George, na naka-plaster cast, kasama ang kanyang mga tauhan, ay
Nasa tatlumpung katao ang lumabas sa mga kotse mula sa magkabilang panig at naglakad papunta kay Harvey. Lahat sila ay matangkad at malakas, na may natatanging kanluraning anyo. Ang bawat isa sa kanila ay mukhang kayang tapatan ang sampung lalake ng mag-isa lang nila, at may nakakatakot na itsura. May hawak silang mga electric baton na ginawa para sa mga pulis, at ang kanilang ekspresyon ay kasing lamig ng elo. Pagkatapos iparada at i-lock ang kotse, lumabas si Harvey at mahinahon na sinuri ang mga kalalakihan. Lumabas sa kalagitnaan ng mga tao si King Cook. Tinignan niya si Harvey mula ulo hanggang paa ng may kasamang malamig na tawa. “Bata, ang tapang mo din ano!” “Ang lakas ng loob mo na na bumaba ng kotse pagkatapos mo kaming makita?!” Mahinahon na tumugon si Harvey, “Lumabas ka dito ngayon din habang maganda pa ang pakiramdam ko. Kapag inantala niyo ang tulog ng asawa ko, babalian ko kayong lahat ng binti.” “Hahaha…!”Humagalpak sa tawa sina King at ang kanyang
Pagkatapos ng limang minuto, dumating si George sa eksena. Lumitaw ang isang ngiti sa kanyang mukha nang makita niya ang mga kotse sa malapit. "May lakas ka ng loob na labanan ako, Harvey York? Pwede ka nang mamatay!" Mabilis na bumaba ng kotse si George, pero nagulat siya sa nakita niya sa susunod na segundo. Nakahiga sa lapag si King kasama ng lahat ng mga kasamahan niya, ang bawat isa sa kanila ay walang malay. Mga retiradong sundalo silang lahat. Paanong nangyari ito?" 'Paanong naging posible ito?!' Napuno ng gulat ang mukha ni George. Ang mga taong ito ay parte ng grupo niya noong dumating siya sa Country H. Ngayong pinilay ang mga tauhang ito, hindi niya maipapaliwanag ang sitwasyon sa board of directors ng Morgan Financial Group. Tumingin sa paligid si George, ngunit hindi niya nakita ang kotse ni Harvey kahit saan. Sa sandaling ito, may isang anino na lumapit sa kanya. Si Harvey mismo ang lumapit sa kanya. "Anong ginawa mo? Anong nangyari rito?" Tanong ni Ge
"Ang mga Diyos ng Digmaan ay tao lamang! Ang mga baril at armas ay pareho lang ang pinsala sa kanya! Barilin siya!”Inilabas ng mga eksperto ang kanilang mga baril na naka-off ang safety bago subukang hilahin ang gatilyo.Swoosh!Si Elias ay isang Diyos ng Digmaan—bakit pa niya bibigyan ng pagkakataon ang mga taong ito? Ipinagpag niya ang kanyang mahabang espada, agad na pinapatumba ang mga tinatawag na eksperto.Mabilis niyang inikot ang likod ng kanyang palad, pinatumba si Titania sa lupa. Sumigaw siya sa sakit, ang buong katawan niya ay nanginginig nang labis.Pumalakpak si Harvey, senyales kay Elias na panatilihing buhay ang lahat. Ngumiti siya kay Titania."Sa tingin mo ba talaga may pagkakataon kang patayin kaming dalawa?"“Dapat alam ni Dalton na wala ka talagang lakas.”"Hindi naman niya hinihingi ang aking ulo para ipakita ang katapatan sa simula pa lang.""Sinusubukan lang niyang subukan si Elias.""Sa limang prinsipe, wala siyang respeto at takot kay Alfred. Ang ka
Lumabas ang dalawa mula sa restawran. Habang papasok sila sa kotse, may isang Land Cruiser na mabilis na dumaan.Agad na nag-parking ang kotse, at lumabas ang isang babae na may hawak na pangsibat kasama ang maraming eksperto sa martial arts. Sinalakay nila ang buong lugar na may mga kalmadong ekspresyon.Umiling si Harvey ng nakangiti. "Sabihin mo, sa tingin mo ba ang mga eksperto na ito ay para sa iyo, o para sa akin?"Nagpakita si Elias ng kakaibang ekspresyon."Kahit gaano ako kasimple, prinsipe pa rin ako ng sangay ng Mordu. Ako ang Diyos ng Digmaang na kilala ng lahat. Hindi sila baliw para labanan ako.”Hinampas ni Harvey ang kanyang tuhod."Magandang punto! Malamang nandito sila para sa akin, kung gayon. Nag-iisa lang ako nang walang tulong sa teritoryo ng pamilya Patel!Sandaling tumingin si Harvey sa kanyang telepono."Well, well! Wala ring signal dito!"Kailangan mong bantayan nang mabuti ang kaibigan mo dito, Elias. Ito ang Patel Residence. Kailangan mong managot k
Si Elias ay kumunot ang noo kay Harvey sandali bago huminga ng malalim."Sa relasyon namin, tiyak na kakampi ako kay Kairi."“Gayunpaman… Wala nang pag-asa si Kairi na manalo."Si Dalton ay gumagamit ng lahat ng kanyang lakas upang agawin ang trono ng pamilya."Hindi lang ang sangay ng Wolsing, pati ang sangay ng Northsea at Mordu ay sumusuporta sa kanya. Maraming matatandang miyembro mula sa pangunahing sangay ang sumusuporta sa kanya."Si Kairi ay hindi makabangon."Humigop si Harvey ng kanyang tsaa, pagkatapos ay tiningnan si Elias nang may pag-usisa."Si Dalton? Ang prinsipe ng sangay ng Wolsing? Kilalang-kilala mo ba siya? Anong klaseng tao siya?”Nag-isip si Elias sandali."Si Dalton ang pinakamataas sa lahat ng limang pangunahing sangay. Hindi lamang siya mahusay sa martial arts, kundi isa rin siyang napakahusay na manlilinlang. Dahil sa kanyang katayuan sa Wolsing, mayroon siyang magandang relasyon sa sampung pinakamataas na pamilya at sa sagradong lugar ng pagsasanay
Nang makita ni Kairi ang mga tao mula sa overseas at Gangnam branch na umalis, nag-atubili siya sandali bago tuluyang huminga ng malalim.Ngumiti si Harvey nang makita ang ekspresyon ni Kairi."Ano? Nagsisi ka ba na dinala mo ako dito?“May pagkakataon ka pang iligtas ang sitwasyon."Papuntahin mo ang mga tao mo sa kanila. Malamang patawarin nila ang pangunahing sangay para dito.”Si Kairi ay matalim na tumingin kay Harvey. "Minamaliit mo ba ako?"Ngumiti si Harvey."Medyo masyadong kumplikado ang sitwasyon ng pamilya mo ngayon. Wala tayong ibang pagpipilian kundi harapin sila agad."Kapag naintindihan nila na ito lang ang paraan para mapanatili ang kanilang mga posisyon, tiyak na susuko sila...""Wala na tayong oras para makipaglaro sa kanila."Sumimangot si Kairi. “At kung hindi nila maisip iyon?”"Kung gayon, kailangan lang nating pahinain sila bago ang lahat," sagot ni Harvey. "Isa pang bagay, makikipagkita ako kay Elias. Tingnan natin kung makukuha natin siya sa panig m
Hindi na magtatangkang ipakita ni Rudy ang kanyang lakas.Sa wakas, naintindihan niya ang sitwasyon.Si Harvey ay isang kept man… ngunit padalos-dalos din siya.Kung patuloy na magmamalabis si Rudy, tiyak na papatayin siya nang walang pag-aalinlangan!Ang makapangyarihang tao ay hindi ilalagay ang sariling buhay sa panganib. Siya ay isang makapangyarihang prinsipe; hindi ito makabuluhan na mamatay dahil lamang sa isang simpleng alagad!Sa mga sandaling ito, nagpasya siyang pigilin ang sarili at magpakatatag."Oh? Tumigil ka na rin pagkatapos mong matutunan ang leksyon mo?”Sinipa ni Harvey si Rudy sa tabi."Tigilan mo na ang pagpapakita sa harap ko. Kung gagawin mo ulit ito, papatayin kita!“Ngayon, umalis ka na!“Kung gusto mong makatrabaho kami, kung ganun isipin mo ang aming kondisyon!“Kung hindi, magkikita tayo bilang magkaaway!”Natisod si Rudy pabalik kay Alfred, mukhang miserable. Puno siya ng pagkabigla at galit, ngunit hindi na siya naglakas-loob na labanan pa si
“Aaagh!”Si Rudy ay nanginginig sa sakit.Wala talagang balak si Harvey na palayain siya; agad niyang tinapakan ang mukha ni Rudy, pinadapa ang mukha nito sa sahig na kahoy.Lahat ay natigilan; hindi man lang sila makapag-isip habang pinapanood nila ito nang may pagkabigla.Siyempre, walang inaasahan na magiging matapang si Harvey na gawin ang ganitong bagay. Hindi lang siya hindi natatakot sa mga banta ni Rudy, naglakas-loob pa siyang tapakan ang mukha ni Rudy.Unang bumalik sa katinuan si Alfred, at nagalit. "Ano ang ibig sabihin nito? Alam mo ba ang mga magiging kahihinatnan ng paggawa ng ganitong bagay?”Sumigaw si Titania at ang iba pa sa matinding galit matapos makabawi sa kanilang mga sarili."Anong karapatan mong saktan ang aming prinsipe, hayop ka?! Papatayin ka namin!"Ipinagpag ni Titania ang kanyang panghampas at sumugod pasulong. Ang mga eksperto ng Gangnam branch ay humugot ng kanilang mga armas; sila ay nag-aalab sa galit, handang putulin si Harvey sa piraso.Ka
Nagpakita si Rudy ng tusong ngiti, na parang nakontrol na niya ang sitwasyon. Pati si Alfred, na kalmado sa buong panahong ito, ay tumingin nang may pag-usisa kay Harvey.Ang mga nakatayo sa likuran ay nagmamasid kay Harvey nang may pagdududa. Sila ay kumbinsido na pinapahiya niya ang kanyang dangal bilang isang lalaki.Hawak ni Harvey ang tseke, at ilang beses niya itong sinilip."Ang daming zero; maraming tao ang hindi makikita ang numerong ito sa buong buhay nila..."Talagang nakakaakit, syempre. Pero hindi ito sapat.”Tumawa si Rudy nang malamig."Ano? Sa tingin mo ba ay masyadong maliit ang labinlimang milyon?"Binigay ko sa iyo ito para sa ikabubuti ng pangunahing sangay!“Kung patuloy kang magmalaki at magmataas, huwag mo akong sisihin kung hindi ako magpigil!"Makakamit ko ang aking layunin sa pagpatay sa iyo!""Ang layunin namin ay simple: nandito kami para pigilan si Kairi na magkaroon ng live-in na manugang!""Patayin namin kung sino man ang interesado siya!"Sin
Nagtigilan si Rudy; natural siyang naapektuhan ng mga salita ni Harvey.Gayunpaman, hindi nagtagal at nagising siya sa katotohanan. Kung wala ang tulong ni Alfred, siya ang unang mamamatay kung talagang lalaban siya para sa trono. Pagkatapos ng lahat, ang sangay ng Gangnam ang pinakamasama sa buong pamilya."Huwag mo kaming pag-awayin, Harvey!" Sumigaw si Rudy nang galit, ang kanyang ekspresyon ay madilim. "Tapat ako kay Prinsipe Alfred. Ang parehong overseas at Gangnam branches ay nagkakaisa! Akala mo ba madali lang kaming mapaghihiwalay? Minamaliit mo kami!”"Ganoon ba?” Umiling si Harvey, na may mapaglarong ngiti. "Kung gusto mo talagang maging katulong ni Prince Alfred... Paano kung gawin mo akong pabor at maging katulong ni Kairi na lang? Sisiguraduhin kong aalagaan kita nang mabuti kung gagawin mo ito.”“Ikaw…”Si Rudy ay nag-aapoy sa galit na walang kapantay. Si Harvey ay isang live-in na manugang lamang, at gayunpaman, napakahusay niyang sumira ng mga espiritu ng tao.Bak
Si Kairi ay pinipigilan ang kanyang pagnanais na pumalakpak matapos marinig ang mga salita ni Harvey.Alam na alam niya kung gaano kahirap pakisamahan ang dalawang prinsipe. Dahil dito niya dinala si Harvey upang subukan ang sitwasyon.Hindi niya akalain na madali lang mapapahiwalay ang mga prinsipe!Ang galing!Agad na pinagsaluhan ni Rudy ang mesa, handang tumayo."Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo, Rudy?""Bawat dakilang tao ay kailangang maging mapagpasensya.""Si Lady Patel dito ay dinala ang kanyang live-in na asawa upang subukan kami.""Hindi natin maaaring mawala ang ating asal.""Bukod dito, hindi pa natin alam kung sino ang namamahala sa salu-salo.""Bakit mo pa gagastusin ang iyong lakas eh ang dami pa nating oras?”Ipinatong ni Alfred ang kanyang tasa. Malinaw na mas kahanga-hanga siya kaysa kay Rudy.Sa puntong iyon, huminga nang malalim si Rudy upang mapakalma ang kanyang sarili.Tumawa si Kairi, pagkatapos ay sinubukan niyang ayusin ang sitwasyon."Hindi