Naging seryoso ang mukha ng Yates family pagkatapos marinig ang sinabi ni Phoebe Yates.Dapat ganito ang ginagawa nila sa mga taong nagtataksil sa Yates family. “Grandma, ano nang susunod nating gagawin?!” Tanong ng isa habang nakasimangot. May kinakaharap na malaking problema ang Yates family. Kapag hindi nila nagawang panakip-butas si Mandy, hindi magiging madaling ayusin ang problemang ito.Inisip nang maigi ni Grandma Yates ang sitwasyon, tapos dahan-dahang sumagot, “Sa ngayon, kailangan nating tumaya!“Huwag muna tayong mag-abal sa Sliver Nimbus Enterprise. Sa halip gamitin niyo ang koneksyon niyo para ikalat ang balitang dadalawin tayo ng Chief Instructor pagkalipas ng tatlong araw! “Dagdag pa rito, magkalat kayo ng haka-hakang maaaring may gusto kay Phoebe ang Chief Instructor. Pero tandaan niyo, huwag niyo hahayaang may makahuli sa pinanggalingan nito! “Tingin ko hindi tayo bibigyan ng problema ng mga ignoranteng hangal na ‘yun matapos malamang maaaring maging son-in
Inisip ni Harvey York ang sitwasyon at sumagot, “Ayos lang. Ako mismo pupunta sa auction. Matagal na akong hindi nakakapunta sa auction.” Sobrang dami ng nangyayari. Bihira lang niyang nailalabas si Mandy Zimmer para makapagpahinga nitong nakaraan. Isa itong magandang pagkakataon. Kahit na maaaring hindi na guluhin ng Yates family si Harvey pagkatapos mapagbantaan, mas mabuti pa ring mag-ingat. Ang pag-alis ay katumbas ng pag-iwas sa gulo, para kahit paano makapagpahinga naman si Mandy sa susunod na dalawang araw.Kinabukasan ng umaga, ginising ni Harvey si Mandy.“Darling, mag-impake na tayo at umalis kung wala ka nang ibang plano ngayong araw.”Kumurap si Mandy gamit ng kanyang malalaki at makislap na mata habang nagtatanong nang nagtataka, “Bakit? Diba magpapatuloy dapat tayo sa paghahanap ng mga investor para sa Sky Corporation ngayong araw?”Tumawa si Harvey.“Hindi ngayon. Gagala tayo!”Umiling si Mandy.“‘Pag gumala tayo sa ganito kahalagang oras, baka mapalagpas
Pinag-isipan ito ni Harvey York at itinanong, “Anong tingin mo sa Regency Enterprise?”Akala ni Mandy Zimmer sinusubukan siya ni Harvey. Tinawanan niya ito at sinabi, “Tingin ko maganda naman ito! Kahit na may ilan tayong alitan sa kompanya, hindi maitatangging magaling ang kompanya na ito!“Bukod sa real estate market ng Buckwood, kasama sila sa ilang mga industriya katulad ng entertainment at fashion industry, at iba pa…“Narinig ko rin na ilang mga internet celebrity ang hinubog nila. “Bawat isa sa mga celebrity na ‘yun ay puro magagaling din sa live commencing!” Pinag-isipan ito ni Harvey ulit at hinaplos ang noo ni Mandy.“Dahil hinangaan masyado ng asawa ko ang Regency Enterprise, paano kung ipanalo ko ang auction para sa’yo?”Natawa si Mandy pagkatapos marinig ang sinabi niya.“Sige, hihintayin ko ang mabuting balita mo.“Pero tingin ko ang base bidding price para sa Regency Enterprise ay hindi bababa sa one hundred million dollars. May ganito ka ba kalaking pera?”A
Sa opinyon ni Luke, si Harvey ay malinaw na mahirap na tao na walang karapatan na tumayo sa tabi ni Mandy.Samantala, si Mandy, ay hindi napansin ang ekspresyon ni Luke. Nagtataka niyang tinanong, “Mr. Perry, nagtatrabaho ka ba dito ngayon?”Napangiti si Luke. Medyo kumpyansa, tumugon siya, “Oo, ako ay napromote bilang general manager ng resort na ito. Ito ang aking card.”Matapos niyang magsalita, inabot niya bawat isa ang gilded card kay Harvey at Mandy.Kinuha ni Mandy ang card at tinitigan ito ng ilang bese. Tapos magalang niyang sinabi, “Mr. Perry, maganda na ang kalagayan mo ngayon. Noon, ikaw ang pinaka magaling sa lahat ng mga lecturer.”Si Luke ay nadala sa papuri ni Mandy. Subalit, sa puntong ito, magalang pa din siyang nagsalita. “Para sabihin ko ng diretso, ang mga taong tulad namin ay mga upper-class na empleyado. Ang aming taunang sweldo ay hindi pa umaabot ng 1.5 na milyon at ito ay hindi maikukumpara sa mga major na mga pamilya.”“Ah, tama. Pasensya na, Mandy.”“
Si Luke ay wala ng pakialam tungkol kay Harvey. Si Mandy lang ang nakikita niya.Huminga siya ng malalim at sinabi, “Mandy, ililipat ko lahat ng aking mga apartment sa pangalan mo matapos mo akong pakasalan!”“Alam ko na gusto mo magpatakbo ng mga negosyo. Maghahanap ako ng paraan para bumili ng equity para sa resort na ito at tapos ikaw ang magiging isa sa mga may ari nito!”“Naninirahan sa mansyon, merong kaunting equity at nagsasaya sa buhay araw araw. Nararapat itong lahat sayo!”Si Luke ay determinado.Sa kanyang opinyon, walang babae ang makakatanggi sa ganitong tukso.Kahit na ito ay isang mahusay na babae tulad ni Mandy.Sa parehong sandali, si Luke ay nagpasalamat din sa pamilya Yates.Kung hindi nila kinuha ang equity ni Mandy, hindi siya kailanman magkakaroon ng pagkakataon na makasama siya.Para sa kanya ito ay tadhana!Siya ay nakatakda na makasama ni Mandy!Sa sandaling iyon, si Harvey, n hindi pinansin ng buong panahong ito, ay biglang ngumiti at sinabi, “Mr.
Isang bahid ng kaibahan ang lumitaw sa mga mata ni Luke matapos mawala ang anino nila Harvey at Mandy. “Dalian mo at tignan aling kwarto ang tinutuluyan nila, tapos kunin mo ang access card!”“Manager Perry, hindi ba’t labag iyan sa mga patakaran?” Bulong ng waiter.Slap!Sinampal ni Luke ang waiter at sinabi sa mababang boses, “Patakaran? Anong patakaran? Sa lugar na ito, ako ang patakaran!”Tinakpan ng waiter na iyon ang kanyang mukha at hindi naglakas loob na magsalita pa. Mabilis niyang kinuha ang access card at binigay ito.Hinawakan ni Luke ang access card na may mayabang na mukha.Mula sa sandali na makita niya si Mandy noon, gusto na niya ito.Nagnanasa siyang matikman ang bawat piraso niya, na parang tunay na lalaki!Sa kasamaang palad,may nagreport sa kanya ng sexual harassment ng ibang estudyanteng babae.Sa huli, ginamit niya ang maraming pera para ayusin ang problema at napilitan na magresign.Kung hindi, matagal na sana niyang nakasama si Mandy sa kama.Ngayon,
Kakaibang tinignan ni Harvey ang eksenang ito.Malinaw, ang lalaking ito ay masama ang intensyon.Matapos na kumagat si Harvey sa gulay at nilunok ito, kaagad niyang naiintindihan.Ang mga pagkain ay naglalaman ng mga sedative.Sa kabutihang palad, ang mga sedative ay ang madaling hanapin sa market. Ito ay hindi nagdudulot ng pinsala sa katawan at tanging pampatulog lamang.Alam na si Mandy ay hindi nakapagpahinga ng maigi kamakailan, walang plano si Harvey na ilantad ang katotohanang ito. Kung kaya, silang dalawa ay kumain tulad ng nakasanayan.Para sa mga sedative na iyo, sila ay walang epekto kay Harvey.Anong lason ang hindi niya nakaharap sa battlefield?Kahit na ang kanyang kasalukuyang katawan ay hindi immune sa lahat ng mga lason, ito ay hindi malayo doon.Nanonood si Luke sa malayo, nanginginig sa tuwa.Ngayong gabi, magagawa na niya sa wakas na magsaya kay Mandy.Narinig niya na ang live-in son-in-law ay hindi pa kailanman nakatulog si Mandy sa kabila ng pagiging a
Merong rason bakit si Luke ay hindi pa nagpapakasal ng maraming taon.Meron siyang fundamental na kapansanan.Ito ay dahil lagi siyang gumagamit ng sedative na paraan para makakuha ng magandang babae. Subalit, sa sandaling ito…Ang kanyang pinakamalaking sikreto ay nalantad sa lahat.Sa sandaling ito, pakiramdam ni Luke na nasa binggit siya na mahimatay.“Sino ito?!”“Sino ang nagpatulog sa akin?!”“Sino ang nagsabit sakin dito?!”“Papatayin kita!”Nagawang maging general manager ng Enchantment Resort, si Luke ay siguradong hindi hanggal.Matapos niyang mahimasmasan, kaagad niyang naintindihan kung ano ang nangyari.Tinawagan ni Luke ang mga security guard malapit na ibaba siya. Tapos humingi siya ng coat para takpan ang ibabang parte ng katawan niya at tapos umalis na para siyang lumilipad.Ng tumakbo siya sa entrance ng restaurant, isang boses ang narinig malapit.“Hello, Mr. Perry. Bakit mo binalot ang iyong ibabang parte ng katawan gamit ang security coat? Iyan ba an