Thank you sa suporta at pagmamahal sa kwento ni Tali at Gael. God bless! Sorry po sa mabagal na update dahil palagi pong pagod at hindi maisingit ang pagsusulat. Salamat sa paghihintay at huwag po sana ninyong iwan ito. Enjoy! Keep safe.
HINDI alam ni Tallulah kung bakit ang bigat ng mga paa niya nang lumabas siya sa silid ni Gael para hayaan itong mag-usap at si Lilliana. May kung ano'ng bumubulong sa kaniya na huwag iwan ang binata at makinig na lang sa usapan ng mga ito pero natatakot siyang malaman ang katotohanan at kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Gael. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad siya sa labas ng silid ni Gael. Hindi niya maiwasang hindi ma-tense. May gusto siyang malaman pero natatakot siya. Bakit parang may kirot siyang nararamdaman sa mga oras na iyon? Nang banggitin ni Gael ang pangalan ng Lilliana, damang-dama roon ang pananabik at ang kagustuhan nitong masilayan ang dalaga. Nagtaka man siya kung bakit nalaman agad nito na may kasama siya, hindi na rin siya nagtanong dahil sa sinabi ni Gael. "You're smell the same, Lilliana kaya paanong hindi kita makikilala? Hanggang ngayon, gamit mo pa rin ang parehong perfume na binigay ko sa iyo noon." Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip niya da
NAGULAT na lang si Tallulah nang pagbukas niya ng pinto ng mansyon, bumungad sa kaniya si Kendric na malawak ang ngiti sa mga labi. Bakas ang pagkasabik sa mga mata nito na makita siya ulit. Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya alam kung ano pang tawag sa nararamdaman niya nang makita ang binata. Kailan ba niya huling inisip ang fiance niya? Ngayon nga lang ata niya naalala na may Kendric nga pa lang nagmamahal sa kaniya. Hindi pananabik ang nararamdaman niya ngayon kung 'di guilt dahil alam niyang mali siya. "Tali, I miss you so much!" Hindi siya kumibo nang yakapakin siya nito, 'ni hindi siya gumanti roon dahil sa nalilito niyang puso't isip. "Pakiramdam ko, isang taon na tayong hindi nagkita. I'm sorry, ngayon lang ako nakadalaw dahil sa trabaho. Lately, sobrang na-busy lang ako sa trabaho," sabi nito nang humiwalay sa kaniya. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito dahil alam niyang makikita nito ang emosyon niya. Umiwas din agad siya rito. "No, it's ok, Kendric. Naiintin
HINDI mapakali si Tallulah habang nakahiga siya sa malambot na kama. Gulong-gulo ang pusot at isip niya at hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang sundin. Pilit man niyang itago, itanggi alam niya sa kaniyang sarili na mahal niya si Gael sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila pero alam niyang mali dahil may Kendric na nagmamahal at umaasa sa kaniya at ayaw niyang saktan ang binata. "Haist!" Inis siyang bumangon at umupo sa kama habang nakasimangot. "Ano'ng dapat kong gawin?" tanong niya sa sarili. Dapat bang manatili pa siya sa tabi ni Gael o dapat na niyang tuluyang iwanan ito at ang konsensiyang nararamdaman niya? Pumikit siya ng mariin at nagpasiyang bumaba ng kusina para sana uminom pero nang makarating siya roon, agad siyang napahinto at natutop ang kaniyang bibig dahil sa kaniyang nakita. Nanlaki ang mga mata niya at hindi alam ang gagawin. Patay kasi ang ilaw sa kusina at sala at tanging ang mga ilaw sa labas ang nagsisilbing tanglaw doon. "F*ck! I miss you so much, Carmel
"TALI, kumusta ka na? Can we talk?"Nag-angat siya nang tingin sa nagsalita at nakita niya si Donna sa harap niya na tila may gustong itanong o sabihin sa kaniya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayang pumasok na pala ito sa kaniyang silid.Tumango siya. Umayos siya ng higa at sumandal sa headboard ng kama. Umupo sa tabi niya ang ina ni Gael at tiningnan siya na bakas doon ang simpataya."Siya nga pala, sabi ng doctor na tumingin sa iyo kanina, you'll be fine. Kailangan mo raw ng pahinga. Na-trigger ang fear mo sa sobrang dilim at nahimatay ka. It was good that Zandy was there." Pinagdikit nito ang mga labi.Ngumiti siya na bakas doon ang lungkot at bahagyang yumuko. "Salamat po, Madam Donna sa pag-aalaga sa akin—""No, Tali you don't need to thank me. It's my responsibility since you're my son's caregiver." Bumuntonghininga ito at hinawakan ang kamay niya. "I know everything about you and Gael, Tali Everything that was happened. Alam ko na ang kwentong mayroon kayo a
NAPAPITLAG na lang si Tallulah nang marinig niya ang pamilyar na boses. "Tali! Tali, nasaan ka?" Napakunot ang noo niya at agad nabahala. Hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Kendrick. Ano'ng ginagawa nito rito? "Sir, pasensiya na po—" Nagmadali siyang bumaba ng kama. Bahagya pa siyang nahihilo pero hindi niya iyon ininda. Mabilis siyang lumabas ng silid at mas lalo siyang nabahala ng makitang kalalabas lang din ni Gael sa silid nito at nilapitan si Kendrick. "Pasensiya na po kayo, Sir pinigilan—" "Hayaan mo na siya, 'Ya, you may go back to your work," ani Gael sa katulong, saka hinarap si Kendrick na bakas ang galit at inis sa mukha nito. "What are you doing here, huh?" Ngumisi si Kendrick na bakas ang inis sa kaharap. "What I'm doing here?" Matalim nitong tinitigan si Gael. "Kukunin ko lang ang sa akin na pilit mong inaagaw, Gael. She's not yours dahil pinili mo siyang iwan at pagkatapos, babalik ka para agawin siya sa akin? No, I won't let you ruin our relationship."
PINAHID ni Tallulah ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog niyang anak na si Callum. Lumapit siya rito at marahan niyang hinaplos ang noo nito."I'm sorry, Anak kung pinagdamot ko sa iyo ang karapatan mong makilala ang iyong ama," bulong niya. Alam niya ang pangangailangan nito, ang kalinga at pagmamahal mula sa isang ama na alam niyang hindi nito naranasan.Hinalikan niya sa noo si Callum bago siya tumayo at humarap sa bintana. Niyakap niya ang sarili. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang gagawin niya. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya o mas tama sigurong sabihin na hindi niya alam kung sino ang pipiliin niya.Ayaw niyang iwan si Gael kahit tanda pa niya lahat ng nakaraan nila. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin pala niya lubusang nakalimutan ang nararamdaman para sa binata. Hindi niya alam pero mas minahal niya ito gayong nasaktan pa rin siya nito. Pero paano so Kendrick? Ikakasal na sila. Tinanggap niya ang alok nito at umasa i
WALA nang nagawa si Kendrick kung hindi hayaan si Tali at Gael na mag-usap kasama si Callum at ang kaniyang ina. Kita niya ang sakit sa mga mata nito dahil kahit gusto nitong kasama siya roon, alam nitong hindi maaari.Hindi niya magawang tumingin kay Gael dahil kahit anumang sandali ay mapapako ang kaniyang titig dito. Ayaw niyang maging marupok at muli na namang magkamali. Kita naman niya ang saya, ligaya at pananabik sa mga mata ni Gael habang pinagmamasdan nito ang anak. Nararamdaman niyang gustong-gusto na nito yakapin ang bata habang hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Callum sa paraang maiintindihan nito ang lahat kahit alam niyang sa edad nito ay nauunawaan na nito ang ilang mga bagay."Callum, apo gusto mo bang tumabi sa kaniya?" tanong ng kaniyang ina sa bata.Nanatili itong nakatingin kay Gael na tila ba kinikilala ito. Umiling ang bata at mas lumapit sa kaniya. "Ayaw ko po," anito."Bakit apo?""Hindi ko naman po siya kilala, eh, saka narinig ko po
HINDI mapigilan ni Tallulah ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano'ng dapat gawin. Nahihirapan siya sa sitwasyong hinayaan niyang mangyari. Paano niya tatapusin ang komplikadong kinaroroonan niya, gayong masasaktan lang silang lahat? Tumingala siya at pinigilan ang sariling humagulhol. Nasasaktan siya dahil lahat ng ginawa niyang desisyon, hindi niya gustong gawin. Mahal niya si Gael pero hindi na magiging masaya kung pipiliin niya ito dahil mas masasaktan ang mga taong nandiyan no'ng mga panahong kailangan niya ng presensiya ng mga ito. Kailangan pa ba niyang mag-stay sa relasyong wala nang pag-ibig at hindi na siya masaya? Maraming bagay ang kailangan niyang i-consider para piliin ang tamang desisyon. "Mommy, umiiyak po ba kayo?" Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata at ngumiti. Pilit niyang itinago ang emosyon sa pagharap kay Callum dahil ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Umiling siya. "H-hindi, anak. Napuwin
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu