WALA nang nagawa si Kendrick kung hindi hayaan si Tali at Gael na mag-usap kasama si Callum at ang kaniyang ina. Kita niya ang sakit sa mga mata nito dahil kahit gusto nitong kasama siya roon, alam nitong hindi maaari.Hindi niya magawang tumingin kay Gael dahil kahit anumang sandali ay mapapako ang kaniyang titig dito. Ayaw niyang maging marupok at muli na namang magkamali. Kita naman niya ang saya, ligaya at pananabik sa mga mata ni Gael habang pinagmamasdan nito ang anak. Nararamdaman niyang gustong-gusto na nito yakapin ang bata habang hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Callum sa paraang maiintindihan nito ang lahat kahit alam niyang sa edad nito ay nauunawaan na nito ang ilang mga bagay."Callum, apo gusto mo bang tumabi sa kaniya?" tanong ng kaniyang ina sa bata.Nanatili itong nakatingin kay Gael na tila ba kinikilala ito. Umiling ang bata at mas lumapit sa kaniya. "Ayaw ko po," anito."Bakit apo?""Hindi ko naman po siya kilala, eh, saka narinig ko po
HINDI mapigilan ni Tallulah ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano'ng dapat gawin. Nahihirapan siya sa sitwasyong hinayaan niyang mangyari. Paano niya tatapusin ang komplikadong kinaroroonan niya, gayong masasaktan lang silang lahat? Tumingala siya at pinigilan ang sariling humagulhol. Nasasaktan siya dahil lahat ng ginawa niyang desisyon, hindi niya gustong gawin. Mahal niya si Gael pero hindi na magiging masaya kung pipiliin niya ito dahil mas masasaktan ang mga taong nandiyan no'ng mga panahong kailangan niya ng presensiya ng mga ito. Kailangan pa ba niyang mag-stay sa relasyong wala nang pag-ibig at hindi na siya masaya? Maraming bagay ang kailangan niyang i-consider para piliin ang tamang desisyon. "Mommy, umiiyak po ba kayo?" Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata at ngumiti. Pilit niyang itinago ang emosyon sa pagharap kay Callum dahil ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Umiling siya. "H-hindi, anak. Napuwin
HINDI mapigilan ni Tallulah ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Masakit para sa kaniya ang saktan si Kendrick dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal pero alam din niya na ito ang mas tamang gawin, palayain ang isa't isa. Naramdaman na lang niya ang pagyakap ni Caroline habang nakatayo siya sa tapat ng bintana. "Kung sa tingin mo ito ang tamang desisyon, nandito lang ako para suportahan ka. You can cry, pwede kang magsalita hanggang nandiyan ang sakit sa puso mo." "Ang sakit-sakit! H-hindi ko alam kung ano'ng tama sa desisyong ginawa ko dahil nasasaktan ako. Ang sakit na ako mismo ang dahilan kung bakit sila nasasaktan. Hindi ko gusto iyon. Ayaw ko silang saktan," patuloy niya sa pag-iyak. "I know, Tali. Alam kong hindi mo sila gustong saktan pero kahit ano'ng desisyon ang gawin mo, may masasaktan, hindi dahil ginusto mo pero 'yon ang resulta ng lahat at wala tayong magagawa roon." Napahagulhol na lang siya habang nakayakap sa kaniyang ina. Wala siyang magawa kung 'di
"WHAT'S your plan now?"Bumuntonghininga si Gael sa naging tanong ni Hiro sa kaniya. Umupo siya sa swivel chair at hinawakan ang baba habang ginagalaw-galaw ang upuan."I don't know yet, Hiro pero hindi ako susuko. I'll do everything to get her again pero bago 'yon, kailangan muna nating mapatunayan ang lahat ng anomalyang ginagawa ni Serum sa kompanya at ng ebedensiya sa tangka niyang pagpatay sa akin noon." Nagtaas siya ng tingin sa binata. "May balita na ba tungkol sa pinapahanap ko?""As of now, Sir wala pang balita mula sa investigator. Nahihirapan silang hanapin ang inutusan ni Serum dahil matagal na panahon na ang lumipas. Kilala natin siya, malinis trumabaho sa lahat ng anomalyan niya pero ginagawa nila lahat para makakuha ng ebedensiya laban kay Serum.""Damn him! Kahit ano'ng gawin niya, I'll expose him to the board. Pagbabayaran niya lahat ng kasalanan niya," galit niyang sambit.Mayamaya pa'y napapitlag si Hiro nang mag-ring ang cellphone nito. Agad nito iyong kinuha at sin
KAHIT gusto niyang pakitunguhan ng maayos si Gael, mas pinili niyang hindi iyon gawin. "Kung nandito ka para kausapin ako, I don't have time to talk to you, Gael pero kung nandito ka for Callum, you can have your time."Hindi na niya hinintay na magsalita ang binata, nilampasan niya ito at dumeretso sa silid niya. Naiinis pa rin siya rito lalo't mas pinalalala nito ang sitwasyon. Ayaw niyang makita ni Callum na nag-aaway sila nito at si Kendric sa harap nito.Nasapo niya ang noo nang makaupo sa gilid ng kama. Kahit anong pilit niya, nararamdaman pa rin niya ang pananabik sa binata, ang kakaibang tibok ng puso niya na alam niyang dahil iyon kay Gael. Naiinis siya dahil mahal pa rin niya ito."Where have you been, Callum?" narinig niyang tanong ni Gael mula sa sala ng bahay. Kagagaling lang kasi ng bata sa paglalaro sa labas."My friends and I played basketball," sagot ng bata.Natulala siya. Iniisip niya na sana palaging ok ang lahat, buo silang pamilya at masaya. Pero sa ngayon, malabo
NAPABUNTONGHININGA na lang si Tali at napailing. Hindi na rin niya namalayan ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi nang maalala si Gael. Makulit pa rin ang binata at pilit inilalapit ang sarili nito sa kaniya kahit pinagtatabuyan niya ito. Ngunit sa kabila nang ginagawa nito, alam niyang masaya siya at gusto niya iyon pero hanggang ngayon, takot pa rin siyang tanggapin ulit ang binata sa buhay niya.Napabuga ulit siya ng hangin kasunod ng lungkot sa kaniyang mukha. Kailan ba siya magiging matapang para ipaglaban ang totoo niyang nararamdaman?"Mom."Bahagya siyang napaigtad at agad napalingon kay Callum na kakapasok lang ng silid niya. Agad siyang ngumiti sa anak kahit nandoon pa rin ang bakas ng lungkot."Why, anak? Bakit gising ka pa?" Ibinuka niya ang bisig para ayain itong lumapit sa kaniya.Lumapit ito at umupo sa tabi niya, saka niyakap siya. "I can't sleep, mom," anito.Natawa siya at hinalikan ito sa ulo. "Why? May iniisip ka ba? School? Anything? Sabihin mo sa akin baka mak
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan