Share

CHAPTER 9

Author: Maybel Abutar
last update Huling Na-update: 2021-09-28 11:16:22

Location: Purple District Urvularia City

"Maxinne focus!" galit na sigaw ng stage manager sa isa nilang talent, si Maxinne DeLie. 

"Shut up old hag! I can't focus with your annoying voice." mataray nitong sagot.

Maxinne DeLie is well known Superstar in her generation. Kung hindi lang kailangan, hindi ito pakikisamahan ng mga na sa paligid ngayon.

"Break!" sigaw ng stage manager.

Malakas na ibinagsak ng stage manager ang hawak na script sa table at lumabas ng theater.

"Thanks goodness naisipan mo rin kaming bigyan ng break." sambit ni Maxinne. 

They're practising stage play for the upcoming Urvularia's Annual Celebration of Peacefulness. Nakuhang maglelead si Maxinne dahil ito ang best candidate para sa play.

Sopistikada naglakad si Maxinne patungo sa rest chair nito. Agad sumalubong ang P.A. ni Maxinne dala ang tumbler. Nilabas nito ang zip straw. Uminom ang babae ng hindi hinahawakan ang tumbler.

"Tsupi! Ayokong nakikita kang pakalat-kalat!" taboy nito sa P.A

Naka-cross leg si Maxinne habang nagbabasa ng script.

"Sino bang sumulat ng script na to? Masyadong common!" hinagis na lang nito kung saan ang papel at pumikit.

Kinuha naman ng PA ang nahulog na script at inilagay sa ibabaw ng mesa. Nabasa pa niya ang title ng play.

'INCOMPLETE' 

"Huwag mong hawakan 'yan, baka madumihan!" sigaw ni Maxinne sa PA.

Mabilis naman itong binitiwan ng PA.

Habang nagpapahinga si Maxinne lumabas naman ang PA para gumamit ng banyo.

"Hi!" bati sa P.A ng nakasalamin na babae. Nakangiti ito kaya ngumiti rin siya, "Ako nga pala si Dheli, anong pangalan mo?"

"Ahzia." nahihiyang tugon ng P.A.

"Ikaw ang P.A ni Miss Maxinne 'di ba?" tumango si Azhia.

"Ang swerte mo naman," nahimigan niya ang inggit sa boses ng kausap. "Palagi mo siyang nakakasama."

Ngumiti na lang si Azhia. Hindi siya pwedeng magbigay ng komento tungkol sa amo. Baka makasira iyon sa career nito.

...

Tinapos na lang ni Azhia ang dapat gawin sa banyo bago bumalik sa tabi ng amo niya. Hindi siya pwedeng umalis ng matagal sa tabi nito, kundi...

"Saan ka ba nanggaling? 'Di ba sinabi ko sayong huwag kang aalis sa tabi ko!" hinila nito ang buhok niya.

"N-nasasaktan po ako Madam." naiiyak na sabi ni Azhia.

Walang ibang tao sa silid kundi silang dalawa lang. Ayaw ni Maxinne ng may ibang tao bukod sa kanila, dahil ganito siya kung ituring ng amo.

"Masasaktan ka talaga sakin! Ang ayoko sa lahat ay tamad! Kung saan-saan ka nag lakwatsa, hindi mo inaatupag ang trabaho mo! Nakikipaglandian ka ba sa labas? Huh? Sagot!"

"Nag-cr lang po ako," umiiyak na sagot ni Azhia.

Marahas na binitawan ni Maxinne ang tainga ng PA. Impit na dumaing si Azhia dahil sa ginawa ng amo.

Kung may pagpipilian lang si Azhia matagal na siyang umalis sa puder nito, pero pinagbintangan siya nitong nagnakaw ng mamahaling alahas at kapag hindi niya binayaran ipapatapon siya sa Black District. Mas pinili niyang maging alipin nito para mabayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.

Wala silang laban dito. Sapat lang ang kabuhayan ng kanyang pamilya, nakapagtapos naman siya sa La Mier University pero sa kagagawan ni Maxinne hindi siya makahanap ng trabaho.

"Max!!!" narinig nila ang tili ng kapapasok lang na babae.

"Pwede ba Pley hinaan mo yang boses mo!" naiirita nitong sabi. 

"Sorry naman bes. May good news ako sayo,"

"Ano naman 'yon?" taas kilay na tanong ni Maxinne.

"Nasa Black District siya!" tumili pa ito.

Ngumisi naman si Maxinne.

"Kung ganoon doon lang pala siya nagtatago," ngumisi ito.

"Ay alam ko ang ganyan mong ngisi Max. May pinaplano ka 'no?"

Ngumiti ito sa kaibigan.

"Come with me tomorrow. We're going to Black District," bumakas naman ang takot sa mukha ng kaibigan.

"Delikado sa Black District Max,"

"Naroon siya kaya no need to worry,"

"Paano ang rehearsal mo?" 

"Last day na ngayon, so it's fine."

Alam ni Pley na wala siyang magagawa sa desisyon ng kaibigan.

"And you…!" baling ni Maxinne kay Azhia, "maswerte ka pa rin dahil magkakaroon ka ng ilang araw na day off."

Lihim na nagpasalamat si Azhia. Makakapagpahinga siya sa pagmamaltrato ng babae.

...

...

...

Location: White District Urvularia City

"Greetings Your Majesty!" sabay-sabay na bati ng dumating ang Hari. 

Nagtipon-tipon ang mga Elders sa Chamber Hall para sa monthly open forum and discussion ng mga usapin sa buong Urvularia. Nakahanay ang mga Elder sa ibaba ng trono ni King Dondelon. King Dondelon is the current ruler of Urvularia. Ang linya ay base sa taas ng tungkulin ng isang Elder. 

"Proceed." hudyat ng Hari para magsimula ang mga Elders sa pagpapahayag ng mga usapin sa loob at labas ng White Palace.

"Permission Your Majesty," magalang na sambit ni Elder Jener.

Hinihintay ng Hari magsalita ang Elder.

"Humihingi ako ng permiso para sa karagdagang pondo ng Green District. Nangangailangan sila ng mga gamot sa peste. Hindi na po sumasapat ang kanilang supply ng mga gulay at prutas sa buong Urvularia," 

Napaisip ang Hari sa report ng Elder. 

"Your Majesty," napatingin naman ang Hari ng magsalita si Elder Luki.

Hinayaan ng hari na magsalita ang Elder.

"Sapat ang naibahagi nating pondo para sa Green District. Maaari kayang may ginagawa na namang kakaibang lason si Madam Voodoo?"

"Elder Luki, matagal ng nakakulong sa kanyang templo si Madam Voodoo. Hindi na siya makakagawa ng sinasabi mong lason," kontra ni Elder Jener.

"Malawak ang kaalaman ni Madam Voodoo. Maaari niyang gawin ang mga bagay na imposible," hindi nagpapatalong sagot ni Elder Luki.

"Your Majesty, Elders," pumagitna naman si Elder Duko. "Gusto ko lamang ipahayag, mahigpit na binabantayan ng ilang Elite Soldiers ang templo ni Madam Voodoo. Elder Luki, kung iyong mapapatunayan ang mga bagay na iyong sinasabi, maaaring maniwala kami," magalang na saad nito.

Matalim namang tumingin si Elder Luki kay Elder Duko.

"Tama si Elder Duko, mataas ang seguridad ng pagbabantay sa templo ni Madam Voodoo kaya't imposibleng makakuha siya ng mga sangkap para sa isang lason," sang-ayon ni Elder Jener.

Natahimik naman si Elder Luki ng pagkaisahan siya ng dalawang Elder.

"Your Majesty," tumingin ang Hari kay Elder Hostino ng magsalita ito. "Maaari po bang pagtuunan natin ng pansin ang Black District? Sunod-sunod ang krimen sa lugar na iyon. Inaalala ko lang ang mga simpleng mamamayan na nadamay sa gulo."

"Elder Hostino... nauunawaan ko ang malasakit mo sa mga tao, ngunit ang Black District ang mahirap kontrolin sa buong Urvularia. Maaaring mag-aklas ang ibang Distrito kapag naging kapantay nila ang trato sa Black District," pahayag ni Elder Luki.

Hindi kinontra ni Elder Hostino ang sinabi ni Elder Luki, dahil may punto ito sa katwiran.

"Your Majesty," si Elder Gandi naman ang nagsalita. "Tumataas ang level ng pasaway na mga mag-aaral sa La Mier University. Kamakailan lang naging usap-usapan ang pangbubully sa isang estudyante na hinahayaan ng paaralan. Maaari itong magdulot ng galit sa isang indibidwal na mag-uugat sa isang kaguluhan."

"Hindi ba't anak ni Elder Jani ang may-ari ng University?" muling sabi ni Elder Luki. "Ano ang iyong masasabi Elder Jani?"

"Your Majesty," pagbibigay galang muna nito sa Hari bago sumagot sa katanungan ng kapwa Elder. "Ang usapin sa loob ng paaralan ay hindi nasasakupan ng ating kapangyarihan. May sariling batas at alituntunin ang paaralan. Kung mayroong problema, naniniwala akong masosolusyunan iyon ng namumuno sa paaralan."

"Ngunit nabalitaan kong hindi nagtutungo ang iyong anak sa paaralan. Sa anong dahilan?" muling tanong ni Elder Luki.

Sa mga pagpupulong ng Elder, si Elder Luki ang palaging kumukwestiyon sa lahat ng usapin. Walang nagagawa ang ibang Elder dahil patakaran sa loob ng Chamber Hall na sagutin ang katanungan ng bawat isa.

Patuloy lang naman sa pakikinig ang Hari.

"Hindi lamang pamamahala sa paaralan ang trabaho ng aking anak. Ngunit wala rin ako sa posisyon na siya'y pagsabihang manatili sa loob ng paaralan. Maari niyang gawin ang lahat ng bagay na hindi sinusuway ang batas ng Urvularia."

"Your Majesty," napatingin ang lahat ng Elder ng magsalita ang High Elder. 

Bihira itong magsalita sa mga pagpupulong. Kaya nakatuon ang pansin ng lahat sa kanya. 

"Mahalaga ang bawat hinaing at suhestiyon ng bawat isa para sa kaayusan ng buong Urvularia, ngunit marapat nating bigyan pansin ang naantalang koronasyon ng bagong Ruler," pagpapatuloy nito. 

Nagkanya-kanyang komento naman ang bawat Elders.

Napatuwid ng upo ang Hari.

"Ang usapin tungkol sa koronasyon ay ipagpaliban muna," sagot ng Hari. 

"Your Majesty, na sa tamang edad na ang prinsipe para maging Ruler. Maaari po bang malaman ang iyong dahilan?" magalang na tanong nito. 

"High Elder Werino… tulad ng iyong sinabi, mahalaga ang bawat hinaing at suhestiyon ng bawat isa. Ngunit nais kong malaman kung bakit kailangan nating magmadali sa pag-akyat ng bagong Ruler kung malakas pa ako para mamuno?" 

"Patawad Kamahalan ngunit wala akong masamang ibig sabihin," mabilis itong humingi ng paumanhin. 

Hindi nagsalita ang Hari. Tinaas lang niya ang kanang kamay hudyat para tapusin ang pagpupulong. 

... 

"Taroh!" tawag ng Hari sa kanyang personal advisor ng makaalis ang mga Elders. 

"Kamahalan,"

"Ipatawag mo si Prinsipe Ares,"

"Masusunod kamahalan," 

Napapikit ang Hari ng makaalis ang kanyang personal advisor. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang lihim na agenda ng High Elder para magpalit ng Ruler. Ngunit sa mata ng iba, na sa tama ang High Elder. 

One year ago ang pinakamalaking isyu na kinaharap ng White Palace tungkol sa naantalang koronasyon ng Prinsipe. 

"Your Majesty," napamulat ang Hari ng marinig ang malamig na boses ng prinsipe. 

Malayo sa prinsipe na sinubaybayan niya sa paglaki. Ang panibagong katauhan na nagising 3 years ago. 

"Prince Ares..." sambit ng Hari sa pangalan ng anak, "Ano ang iyong pahayag kung itutuloy natin ang naantala mong koronasyon?" 

"Does High Elder suggested that again?" deretso nitong tanong sa Hari.

"What can you say about that, Son?" ang pag-uusap na ito ay sa pagitan ng mag-ama at hindi sa pagitan ng isang Hari at Prinsipe. 

"Kahit umupo ako bilang Ruler, hindi magiging Reyna ang anak niya," walang emosyon nitong sagot. 

"Lady Adelein is a fine Lady, beautiful and wise. She's the best candidate for a Queen,"

"I can rule without a Queen,"

"You know, you can't. You need an heir,"

"Then, I won't accept being a ruler,"

"Your my only Son,"

"Make some heir with Mom, it's not too late,"

"What are you two talking about?" sabay lumingon ang dalawa sa pagpasok ni Reyna Megandice. 

"Our son wants siblings," nakangising sabi ng Hari sa Reyna. 

"Why?" nag-aalalang lumapit ang Reyna sa anak, "may problema ba?"

"Nothing Mom. It's just Dad want to give up his throne on me," hindi pa rin nagbabago ang emosyon nito.

"Because your Dad needs to rest. He's not getting any younger,"

"And he's not too old to retire either," katwiran ng prinsipe. 

"He doesn't want to marry," sambit naman ng Hari.

Nag-aalalang tumingin naman ang Reyna sa anak.

"Son, please forget..."

"Long live King and Queen." hudyat na ayaw nitong pag-usapan ang bubuksang topic ng Reyna. 

Umatras ito ng tatlong hakbang bago nilisan ang Chamber Hall.

Lumapit ang Hari sa Reyna at niyakap ito.

"Give him more time to forget," sambit ng Hari na sinang-ayunan ng Reyna.

"Until when?" 

"Until he opens his heart again."

...

...

...

Location: Green District Urvularia City

Voodoo Temple

Abala ang isang babae sa paghahalo at paglalagay ng mga sangkap sa isang malaking kawa.

"Nalalapit na! Nalalapit na ang kanyang pagdating!" paulit-ulit nitong sambit.

"Madam Voodoo, sino po ang dadating?" tanong ng kanyang apprentice, si Lalamon. 

"Ang taong may malaking parte sa kasaysayan ng Urvularia." balewala nitong sagot habang patuloy sa paghahalo.

"Ano pong mangyayari kapag dumating siya?" curious na tanong ni Lalamon. 

"Gagawa siya ng panibagong kasaysayan. Magagapi ang kasamaan ng sariling kasamaan," sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa hinahalo. 

"Ibig po bang sabihin, masama rin iyong dadating?" 

"Walang mabuti sa Urvularia. May tinatagong baho ang bawat isa,"

"Kahit po ba ikaw?" 

"Nasa banyo ang baho ko," 

Napangiwi si Lalamon sa sagot ng kanyang Master. 

Napansin ni Lalamon na binitawan ng kanyang master ang panghalo. 

"Sa wakas natapos na! Hahaha!" matagumpay na tumawa si Madam Voodoo. 

Nakataas ang dalawang kamay sa itaas ng kawa habang nakatingala na animo'y may tinatawag na kampon. 

"Ano po bang niluto mo Madam Voodoo?" binaba nito ang kamay at tumingin sa apprentice.

"Nilugaw. Halika tulungan mo akong maghain. Huling bigas na natin 'to kaya't init-init na lang para tumagal. Kasalanan ito ni Dondelon, kinulong niya ako ng walang sapat na pagkain. Kapag ako nakalaya, papakuluan ko siya sa aking kawa. Maging ulo niyang puno ng balakubak, hindi ko mapapatawad!" napanganga si Lalamon sa sinabi nito.

...

Sa kabilang dako, nasamid naman si Haring Dondelon.

"Sino kaya ang pumupuri sa akin ngayon?" nasambit ng Hari.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jane Miña Obciana
Sumasakit ulo ko sa twist pero napapahagalpak ako sa name ng characters ...
goodnovel comment avatar
PhAi Adruc
may bayad ?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • NOTORIOUS   CHAPTER 10.1

    "Wow pagkain ulit!" masayang sambit ni Reyna sa niluluto ni Zyrex.Dumungaw ito sa likuran ng lalaki habang nagluluto si Zyrex para sa kanilang tanghalian.Ganito ang senaryo nilang dalawa sa nakalipas na dalawang araw. Walang naririnig si Zyrex na reklamo mula dito maliban na lang kapag nagutom ito."Wash your hands. We're going out after the meal," aniya."Ayoko lumabas," anito.Hindi na siya nagtaka. Sa nakalipas na araw akala niya magrereklamo ito dahil hindi sila lumalabas pero wala siyang narinig dahil... "Mas marami ang pagkain dito kesa sa labas,"Pagkain

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 10.2

    "Max?""I miss you Zy," Mahigpit itong nakayakap sa kay Zyrex.Maxinne DeLie, the superstar and his childhood friend na tila buntot niya kung makasunod. Nasanay na rin siya sa pagiging clingy nito. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman ang pagkagusto nito sa kanya, but he doesn't feel the same way. She's like a sister to him.Aalisin na sana ni Zyrex ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya ng bumukas ang kabilang pintuan sa tapat ng kanyang unit.Seryoso itong tumingin sa kanila."Miss na miss na kita Zy."Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.1

    "Reyna gising! Reyna!""Tahimik!"May naririnig na ingay si Reyna. Nararamdaman din niyang may gumagapang sa kanyang tiyan.May bulate ba siya? Pero… parang sa labas naman nagmumula iyong gumagapang."Reyna gumising ka!"Hindi lang iisa ang tumatawag sa kanyang pangalan.Bakit ba ang ingay nila? Kita namang natutulog ang tao eh.Naramdaman niya ang gumagapang sa baywang niya.Naglalakbay ang bulate sa labas?

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.2

    "S-si Dutch at Mill, n-nasa labas," "At anong kailangan ng magkapatid na 'yon sakin?" Tanong nito bago umalis. Maya-maya ay narinig ni Reyna ang mga papalapit na yabag. Pilit niyang inangat ang ulo. Nagulat pa siya ng binaba ng bagong dating na lalaki ang kwelyo ng damit niya. Akala niya pupunitin nito ang damit, mabuti na lang hindi. "Dalhin siya," Utos ng lalaki sa harapan niya. "Dutch, maganda ang usapan natin na walang makikialam sa teritoryo ng bawat isa. Bakit tila sumusuway kayo sa batas nating tatlo?" "Hindi mo pa teritoryo ang babaeng ito,"

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.1

    "Zeus!" tawag nito sa kanya.Zeus knows that she's trying to escape but he won't let her."Don't try to escape because you won't," He hold her waist tight."Namiss mo ba ako?" she asked."What?" Her craziness again."Kung namiss mo ako, bingi!""And why would I?""Ang higpit ng yakap mo napipirat na nga ang tiyan ko eh,"Lumuwag ang pagkakahawak ni Zeus sa babae, but she got the chance to escape.

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.2

    "Hinahanap ko si Amo, may maganda akong balita sa kanya," dahilan niya sa lalaki."Bagong salta ka ba?" Tumango siya."Kaya pala hindi mo alam na naroon sila sa ritual space. May bagong alay ngayong gabi. Halika panoorin natin,"Kalmado siyang sumunod dito. Iniiwasan makagawa ng bagay na pwede siyang paghinalaan.......Kitang-kita ni Zeus ng kaladkarin ng dalawang lalaki ang babae habang paakyat sa itaas ng malaking drum.Napatiim bagang siya habang mahigpit ang kuyom ng palad.

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 13.1

    "I'm a failure," sambit nito habang nakapikit.Ngayon lang narinig ni Zeus na nagsalita ito ng ibang lenggwahe. "I'm sorry," muli nitong sabi, "Your Highness."Your highness?Nagulat si Zeus ng may tumulong luha habang nakapikit ito. Nakaramdam siya ng awa para sa babae. Pinunasan niya iyon."Shhh... I'm sure Your Highness won't blame you. Stop crying," masuyo niyang sabi.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.Shit! Kailangan niyang magmadali.Kinuha niya ang connecting device na nagkokonekta sa kanya sa headquarter.

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 13.2

    "Nakatakas," Ulit na sambit ng Master, "Natakasan kayo ng isang babae?" nakangiti nitong sabi.Nanlamig ang dalawa. Hindi magandang senyales ang pagngiti nito."P-patawad Master," nakayukong sambit ng dalawa."You're forgiven," natutuwang nag-angat ng paningin ang dalawa.Ganoon na lang ang gulat nila ng sumalubong ang dulo ng baril sa kanilang ulo.Dalawang magkasunod na putok ang narinig sa buong silid na nagpabagsak sa katawan ng dalawa."Itapon ang dalawang 'yan at italaga bilang pinuno ng sampung street si Tang. Hanapin niyo rin ang babae at patayin!" matigas nitong utos na m

    Huling Na-update : 2021-09-29

Pinakabagong kabanata

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.2

    "Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.1

    Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 87

    "Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.

DMCA.com Protection Status