Share

CHAPTER 8

Author: Maybel Abutar
last update Huling Na-update: 2021-09-27 17:16:52

"Anong pag-uusapan natin?" agad na tanong ni Reyna pagkatumba ng huling kalaban ni Zyrex. 

"Nasaan ang utak mo?" naiinis na tanong ni Zyrex. 

"Andito sa ulo ko. Bakit mo hinahanap ang utak ko?" 

Labis na pagtitimpi ang ginagawa ni Zyrex sa mga oras na 'to. Mahaba ang kanyang pasensya pero mabilis maubos dahil sa pag-iisip na meron ang kaharap niya. 

"Kung nasa ulo mo, bakit hindi mo gamitin ng maayos?" sagot niya. 

Konti na lang talaga, mapipigtas na ang pagpipigil niya.

"Kahit gustuhin ko, hindi siya gumagana ng maayos." simple nitong sagot pero nakakasagad ng pasensya. "Uy! natatae ka ba? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Right.

"Argh!!" impit niyang sigaw habang nagtatagis ang mga bagang. 

"U-uy sabihin mo, masakit ba ang tiyan mo? Ayos ka lang ba?" hinawakan pa nito ang tiyan niya at bahagyang hinaplos.

"Damn it! Lumayo ka sakin!" bahagya niya itong tinulak.

Lalaki siya at hindi magandang ideya ang ginawa nito sa tiyan niya. 

"Ayos ka na ba?" sinilip nito ang mukha niya. 

Napatingin si Zyrex sa mata nitong nag-aalala. Parang nawala ang negative aura sa pagkatao niya. 

"U-uy magsalita ka! Tinatakot mo 'ko. Masakit ba ang tiyan mo?" 

Pagak siyang natawa. 

Birdbrain talaga. 

"Natatakot kang sumakit ang tiyan ko pero hindi ka takot na mamatay ako habang nakikipaglaban kanina?" hindi makapaniwala niyang tanong. 

Normal lang na matakot ito sa mga kaguluhan pero dahil kakaiba ang isip nito, mas natatakot ito sa mga simpleng bagay. 

She's simple after all. 

"Syempre takot din noh!" bahagya siyang nagulat pero hindi niya pinahalata. "Natatakot ako baka mapatay ka nila." mukhang totoo naman ang sinasabi nito. Lihim siyang napangiti. "Paano ko mababayaran ang utang ko? Baka singilin mo ako habang multo ka na. Paano mo pa maiinom iyong tubig kung multo ka na? Eh, di parang hindi rin kita nabayaran noon!"

Nawala ang ngiti ni Zyrex. Ayos na sana eh. Bakit kailangan pa nitong magpaliwanag? Puro walang kwenta naman ang lumalabas sa bibig nito. 

"Tsk!" naiinis niyang sabi. 

Tinalikuran niya ito at naglakad patungo sa ilalim ng tulay.

"Uy, saan ka pupunta? Makikitulog ka ba sa bahay ko?" Sumunod ito sa kanya.

Hinayaan na nila ang mga katawang nakakalat sa daan. Nakatulog lang naman ang mga iyon.

"Hindi ka pwede sa bahay ko!" napatigil siya sa paghakbang kaya nabangga ito sa likuran niya. "Aray! Pader ba ang likod mo?" hinihimas nito ang noo ng harapin niya.

"Why?" aniya. 

"Anong why?" 

"Bakit hindi ako pwedeng makitulog?" muli niyang tanong. 

Kasama sa trabaho niya ang magpahinga sa kalagitnaan ng misyon, at walang kaso sa kanya kung saan matutulog.

"Kasi babae ako at lalaki ka," katwiran nito. 

"Iniisip mo bang may gagawin ako sayo?" inilapit ni Zyrex ang mukha sa mukha nito pero hindi ito umatras.

Lihim siyang napangisi.

"Hindi ah!" sambit nito diretsong nakatingin sa mata niya.

She's not lying.

Umayos siya ng tayo.

"Kung ganoon, bakit?"

"May nagsabi kasi sa 'kin na bawal magtabi sa higaan ang babae at lalaki. May makukuha daw sumpa ang babae. Ayoko magkasumpa kaya hindi ka pwede sa bahay ko. Maliit lang iyon kaya siguradong magkakatabi tayo." paliwanag nito habang umiiling.

"Sumpa?" tumango-tango ito. "Anong sumpa?" ngayon lang niya narinig ang tungkol sa ganoong sumpa.

"Lumalaki raw ang tiyan ng babae at nararamdaman ang sintomas isa hanggang dalawang linggo tapos biglang lumiliit sa loob ng siyam na buwan. Iyon daw ang ikamamatay ng babae." seryoso nitong paliwanag. 

Mukhang paniwalang-paniwala ito sa sumpang sinasabi.

"Naniniwala ka sa sumpang yan?"

"Oo naman!"

"May napatunayan ka na?" napaisip naman ito. "Kung wala pa, huwag kang maniwala."

"Eh, bakit naman?" nagtataka nitong tanong. 

"Dahil hindi lahat ng lumalabas sa bibig ng tao ay totoo."

"Talaga? Paano kapag nagsusuka ako, peke ba iyon?" inosente nitong tanong. 

Umigting ang panga niya sa tanong nito. Kung hindi lang ito mukhang inosenteng bata habang nagtatanong baka nabatukan na niya ito.

He respects women, pero kapag ganito ang kausap, gugustuhin na lang niyang batukan ito at alugin ang utak. Baka sakaling maging normal.

"Let's go!" hinila niya ito sa kwelyo ng damit sa likuran.

"T-teka nasasakal ako, saan ba tayo pupunta? Matutulog na ako!" hindi pinansin ni Zyrex ang pagrereklamo nito.

Saka lang niya ito binitiwan ng makarating sa tagong lugar.

"Ikaw naman... Nahiya ka pang magsabi na magpapasama ka pala." sinundot-sundot pa nito ang tagiliran niya. Hindi naman umiwas si Zyrex dahil wala siyang kiliti doon. 

Tumalikod ito sa kanya at nagtakip ng mga mata.

Ano na namang kabaliwan ang ginagawa nito?

"Tumae ka na, dito lang ako."

Natigilan siya sa narinig. 

"What the fuck?" hindi makapaniwala niyang reaksyon ng maproseso ang sinabi nito. 

Lumingon ito sa kanya habang nakaawang ang pagitan ng daliring nakatakip sa mata.

"Natatakot kang dumumi mag-isa hindi ba? Kaya nagpasama ka sa 'kin."

"Argh!" napatingala siya habang hinihilot ang batok.

Bago pa mawala ang manipis niyang pasensya, inalis na niya ang takip ng kanyang sasakyan.

"Hop on!" sabi niya ng hindi nakatingin sa babae. 

Kinuha niya ang helmet na nakasabit sa motorsiklo.

"Gabi na kaya."

Bumuntong hininga siya at hinarap ang babae.

"Obviously, gabi na kaya sumakay ka na!" nagtitimpi niyang sambit.

"Alam mo naman palang gabi na, bakit sinasabi mong hapon?"

"Shut your fucking useless tongue up and get your ass back here!" sigaw niya dahil sa frustration. 

Kahit nagtaas na siya ng boses mukhang hindi man lang ito natinag.

"Relax. Hingang malalim-buga. Hah! Tatlong beses mong ulitin." napapikit siya ng turuan pa siya nitong mag inhale-exhale.

Umalis si Zyrex sa pagkakasakay sa motorsiklo at lumapit sa babae.

Marahas niyang isinuot ang helmet dito at walang paalam na binuhat pasakay sa motor. Nagreklamo pa ito pero wala siyang oras pakinggan ang kabaliwan nito.

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan ng makasakay sila. 

"Humawak kang mabuti kung ayaw mong mahulog at mamatay!" nataranta naman itong humawak sa kwelyo ng damit sa likuran niya, "Ack!" tinanggal niya ang kamay nito ng masakal siya, "Ano ba hindi diyan!"

"Diyan mo rin ako hinila kanina ah." katwiran nito.

"Tsk." aniya. 

Kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinulupot sa kanyang beywang.

"Gusto mo lang pala ng yakap, nahiya ka pa."

Hindi na nga siya nagsalita para hindi rin ito magsalita, pero wala yatang makakapigil sa kabaliwan nito.

"Tahimik! Kumapit ka ng mahigpit." humawak siya sa manibela.

"Oo. Yayakapin kita ng mahigpit." naramdaman niyang humigpit ang yakap nito sa kanya.

Natigilan si Zyrex.

Hindi sa isiping wala ng distansya ang mga katawan nila, kundi ng maramdaman ang higpit ng yakap nito.

Literal na mahigpit dahil bahagya siyang nasaktan.

"H-huwag masyadong mahigpit." tinapik-tapik niya ang braso nito. 

Nakahinga siya ng maluwag ng bahagya itong lumuwag.

"Who are you?" wala sa sarili niyang tanong. 

Nasa isip pa rin niya ang lakas na meron ang babae.

Matagal siyang nagsanay para sa sariling kaligtasan. Halos mabugbog ang katawan niya sa mga training. Na-maintain niya ang tigas ng kanyang mga Abs. Alam niyang higit na mas malakas ang kanyang sikmura, pero sa higpit ng yakap nito ay nasaktan siya. 

Imposible. 

Imposible para sa isang normal na tao ang may ganoong lakas, maliban na lang kung... 

"Sabihin mo, sino ka?" 

Hindi ito umalis sa pagkakayakap sa kanya bago nagsalita sa tapat ng kanyang tainga.

"Ako ang kahanga-hanga, katangi-tangi at kagila-gilalas na reyna. Ako si Reyna Anastacia Goldenhand."

Kinilabutan siya.

Hindi dahil sa pangalan nito kundi sa hininga nitong dumadampi sa batok niya.

"Tawagin mo na lang akong Reyna."

"Crazy." sambit niya bago tuluyang paandarin ang motorsiklo.

"Reyna sabi." sigaw nito sa hulihan niya.

Binilisan niya ang pagpapatakbo para agad makarating sa pupuntahan nila.

"Birdbrain," sagot niya.

"Reyna nga!" sigaw nito.

Mahigpit ang hawak nito sa beywang niya pero hindi naman masakit tulad kanina. 

Marahil hindi ito aware sa natural na lakas na meron ito.

...

...

"Magpahinga ka na."

"Dito ka rin nakatira?" kunot-noo nitong tanong.

Sa tinutuluyang hotel suite sila nagtungo para makapagpahinga. Kaparehong hotel na pinanggalingan nito kanina. 

Hindi niya ito pwedeng iwanan sa 30th street dahil sa mga gustong kumuha dito. Naatasan siyang protektahan ang babae kaya dapat manatili ito sa tabi niya.

"Magpahinga ka na lang. Kung gusto mo maligo may mga gamit sa kwartong gagamitin mo." bilin niya bago nagtungo sa kabilang room sa loob ng unit.

Nagshower muna siya bago dumeretsong dapa sa kama. Naubos yata ang energy niya dahil sa kabaliwan ng babaeng 'yon.

Salamat naman at makaka...

"Siopao!" napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang kalampag sa pintuan.

Hinilot niya ang sentido ng kumirot iyon. Akala niya makakapagpahinga na siya dahil wala sa paligid ang babae pero eto kinakalampag ang pintuan niya.

"Siopao, tulong! May halimaw sa kwarto!" mabilis siyang nagtungo sa pintuan ng marinig ang sinabi nito.

"What did you say?" agad niyang tanong pagkabukas.

"Pao, may halimaw sa kwarto." nakayuko nitong sabi.

Mabilis siyang nagtungo sa kwarto nito. Hinanda muna niya ang sarili bago binuksan ang pintuan.

Pumasok siyang nakafighting position pero malamig na hangin mula sa bukas na bintana ang sumalubong sa kanya.

Malinis ang kwarto. Walang bakas ng pag-atake.

Naramdaman ni Zyrex sa likuran ang babae.

"Nasaan ang halimaw?" kunot-noo niyang tanong.

"Yun oh!" itinuturo nito ang kama.

"Hindi 'yan halimaw, kama yan. Higaan," pasensyoso niyang paliwanag.

"Halimaw 'yan! Kakainin niya ako ng buo kung hindi ako nakaalis!" nagtago pa ito sa likuran niya habang tinuturo ang kama.

Sa halip magpaliwanag, nagtungo siya sa kama.

Pinigilan pa siya nito sa braso.

"Huwag kang lumapit. Mapanganib yan!" pilit siya nitong hinihila pabalik pero inalis niya ang kamay nito.

Deretso siyang dumapa sa kama.

Napasinghap ito dahil sa ginawa niya.

"Pao?" kailan pa naging Pao ang pangalan niya? "Pao-pao?" bahagya nitong ginalaw ang paa niya. 

He's sleepy. Wala siyang lakas makipag-usap dito. Mas lalong nauubos ang lakas niya sa mga kabaliwang sinasabi nito.

"Wahh! Pao-pao, huhuhu! Sinabi ko na sayong huwag lumapit eh! Namatay ka tuloy! Pao-pao! Huhuhu! Saan kita ililibing? Huhuhu! Itatapon na lang kita sa ilog! Huhuhu!"

Mahigpit na hinawakan ni Zyrex ang bed sheet dahil sa pagtitimpi ng marinig ang malakas nitong pag-iyak. Nahagip ng isang kamay niya ang unan at binato sa maingay na babae ng makabangon siya. 

"Aray!" anito. 

"Shut up woman and let me rest! What the hell is wrong with you? I'm really tired with your fucking craziness!" bulyaw niya rito.

"Buhay ka?" at ano bang aasahan niya? Hindi umuubra rito ang outburst niya. "Wahhh... Pao-pao buhay ka! Hindi na kita itatapon sa ilog." masaya nitong sabi.

Nagulat pa siya ng itapon nito ang sarili sa kanya. Napahiga siyang muli sa kama habang nakayakap ito sa kanya.

"Pao-pao, buhay ka nga." suminghot pa ito.

Natigilan naman si Zyrex.

"You're crying?" akala niya nag-iinarte lang ito kanina. 

"Hindi na. Kanina lang noong akala ko namatay ka na." nakasubsob ito sa may leeg niya habang nagsasalita.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Maybe she got some craziness in mind but it can't change the fact that she's genuine and caring person. 

"Okay. Get up now. Baka nakakalimutan mo, babae ka at lalaki ako. Alalahanin mo 'yong sumpa." paalala niya.

"Akala ko peke iyon?" inangat nito ang ulo habang kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Just get up!"

"Wow, hindi tayo kinain ng buo," pansin nito sa hinihigaan nilang kama.

"Just get up, please!" pakiusap niya.

Tumingin muli ito sa kanya ng nakakunot-noo.

"May masakit ba sayo?" halata ang concern sa mga mata nito pero hindi 'yon ang concern niya.

"Damn it woman! You're on top of me and I'm only wearing a fucking boxer!" hindi ba nito halata ang awkward nilang posisyon? "move or kakapitan ka ng sumpa!" mabilis itong umalis sa ibabaw niya. 

Napaupo pa ito sa sahig dahil sa biglang pagkilos.

Tumayo naman siya pero mali rin yata ang kilos niya.

Nakaupo ito at nakatayo siya, at... fucking shit. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa... Shit.

"Hala may bukol ka, gamutin natin." nataranta nitong sabi habang nakatingin sa... Damn.

Tinabig ni Zyrex ang kamay nito.

"Damn that crazy and innocent mind of yours."

Mabilis siyang lumabas ng silid at malakas na sinaraduhan ang pintuan.

That woman is surely his living punishment.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aera
deserve sumikat nitong story......️
goodnovel comment avatar
Aera
wahhhhhhhh kinikilig na natatawa ako
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • NOTORIOUS   CHAPTER 9

    Location: Purple District Urvularia City"Maxinne focus!" galit na sigaw ng stage manager sa isa nilang talent, si Maxinne DeLie."Shut up old hag! I can't focus with your annoying voice." mataray nitong sagot.Maxinne DeLie is well known Superstar in her generation. Kung hindi lang kailangan, hindi ito pakikisamahan ng mga na sa paligid ngayon."Break!" sigaw ng stage manager.Malakas na ibinagsak ng stage manager ang hawak na script sa table at lumabas ng theater."Thanks goodness naisipan mo rin kaming bigyan ng break." sambit ni Maxinne.

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 10.1

    "Wow pagkain ulit!" masayang sambit ni Reyna sa niluluto ni Zyrex.Dumungaw ito sa likuran ng lalaki habang nagluluto si Zyrex para sa kanilang tanghalian.Ganito ang senaryo nilang dalawa sa nakalipas na dalawang araw. Walang naririnig si Zyrex na reklamo mula dito maliban na lang kapag nagutom ito."Wash your hands. We're going out after the meal," aniya."Ayoko lumabas," anito.Hindi na siya nagtaka. Sa nakalipas na araw akala niya magrereklamo ito dahil hindi sila lumalabas pero wala siyang narinig dahil... "Mas marami ang pagkain dito kesa sa labas,"Pagkain

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 10.2

    "Max?""I miss you Zy," Mahigpit itong nakayakap sa kay Zyrex.Maxinne DeLie, the superstar and his childhood friend na tila buntot niya kung makasunod. Nasanay na rin siya sa pagiging clingy nito. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman ang pagkagusto nito sa kanya, but he doesn't feel the same way. She's like a sister to him.Aalisin na sana ni Zyrex ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya ng bumukas ang kabilang pintuan sa tapat ng kanyang unit.Seryoso itong tumingin sa kanila."Miss na miss na kita Zy."Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.1

    "Reyna gising! Reyna!""Tahimik!"May naririnig na ingay si Reyna. Nararamdaman din niyang may gumagapang sa kanyang tiyan.May bulate ba siya? Pero… parang sa labas naman nagmumula iyong gumagapang."Reyna gumising ka!"Hindi lang iisa ang tumatawag sa kanyang pangalan.Bakit ba ang ingay nila? Kita namang natutulog ang tao eh.Naramdaman niya ang gumagapang sa baywang niya.Naglalakbay ang bulate sa labas?

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.2

    "S-si Dutch at Mill, n-nasa labas," "At anong kailangan ng magkapatid na 'yon sakin?" Tanong nito bago umalis. Maya-maya ay narinig ni Reyna ang mga papalapit na yabag. Pilit niyang inangat ang ulo. Nagulat pa siya ng binaba ng bagong dating na lalaki ang kwelyo ng damit niya. Akala niya pupunitin nito ang damit, mabuti na lang hindi. "Dalhin siya," Utos ng lalaki sa harapan niya. "Dutch, maganda ang usapan natin na walang makikialam sa teritoryo ng bawat isa. Bakit tila sumusuway kayo sa batas nating tatlo?" "Hindi mo pa teritoryo ang babaeng ito,"

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.1

    "Zeus!" tawag nito sa kanya.Zeus knows that she's trying to escape but he won't let her."Don't try to escape because you won't," He hold her waist tight."Namiss mo ba ako?" she asked."What?" Her craziness again."Kung namiss mo ako, bingi!""And why would I?""Ang higpit ng yakap mo napipirat na nga ang tiyan ko eh,"Lumuwag ang pagkakahawak ni Zeus sa babae, but she got the chance to escape.

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.2

    "Hinahanap ko si Amo, may maganda akong balita sa kanya," dahilan niya sa lalaki."Bagong salta ka ba?" Tumango siya."Kaya pala hindi mo alam na naroon sila sa ritual space. May bagong alay ngayong gabi. Halika panoorin natin,"Kalmado siyang sumunod dito. Iniiwasan makagawa ng bagay na pwede siyang paghinalaan.......Kitang-kita ni Zeus ng kaladkarin ng dalawang lalaki ang babae habang paakyat sa itaas ng malaking drum.Napatiim bagang siya habang mahigpit ang kuyom ng palad.

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 13.1

    "I'm a failure," sambit nito habang nakapikit.Ngayon lang narinig ni Zeus na nagsalita ito ng ibang lenggwahe. "I'm sorry," muli nitong sabi, "Your Highness."Your highness?Nagulat si Zeus ng may tumulong luha habang nakapikit ito. Nakaramdam siya ng awa para sa babae. Pinunasan niya iyon."Shhh... I'm sure Your Highness won't blame you. Stop crying," masuyo niyang sabi.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.Shit! Kailangan niyang magmadali.Kinuha niya ang connecting device na nagkokonekta sa kanya sa headquarter.

    Huling Na-update : 2021-09-29

Pinakabagong kabanata

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.2

    "Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.1

    Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 87

    "Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.

DMCA.com Protection Status