Share

CHAPTER 10.1

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2021-09-28 14:45:09

"Wow pagkain ulit!" masayang sambit ni Reyna sa niluluto ni Zyrex. 

Dumungaw ito sa likuran ng lalaki habang nagluluto si Zyrex para sa kanilang tanghalian. 

Ganito ang senaryo nilang dalawa sa nakalipas na dalawang araw. Walang naririnig si Zyrex na reklamo mula dito maliban na lang kapag nagutom ito. 

"Wash your hands. We're going out after the meal," aniya. 

"Ayoko lumabas," anito. 

Hindi na siya nagtaka. Sa nakalipas na araw akala niya magrereklamo ito dahil hindi sila lumalabas pero wala siyang narinig dahil... "Mas marami ang pagkain dito kesa sa labas," 

Pagkain yata ang pinakamahalagang bagay sa buhay nito.

"We need to buy your clothes," sambit niya habang nagsasalin ng niluto sa mangkok. 

Akala ni Zyrex protector lang ang ganap niya pero naging financier na rin. Mauubos yata ang allowance niya dahil dito. 

"May damit naman ako ah," turo nito sa suot.

"Correction… damit ko 'yan," Nilapag niya sa mesa ang mangkok habang naghuhugas ng kamay ang babae.

"Kasya naman sa 'kin." umupo ito sa harap ng mesa, "at saka ang bango ng damit mo," nakangisi nitong sabi.

Nailing na lang siya. Kung ibang babae ang magsasabi sa kanya ng ganoon, baka isipin niya may ibang ibig sabihin pero dahil innocent birdbrain ang nagsabi, binalewala na lang niya. 

Nilagay niya ang plato sa harapan nito at sinalinan ng pagkain. Multi-tasking na talaga siya, isa na rin siyang babysitter. 

"Kailangan mo pa rin ng sariling gamit. Hindi mo pwedeng isuot ang mga damit ko habang narito ka,"

"Bakit naman?"

"Dahil lalaki ako at babae ka," nagsalin naman siya ng sariling pagkain.

"Hindi naman tayo magkatabi matulog. Kaya walang dapat katakutang sumpa," 

Ito na naman sila.

Dalawang araw nakapagpahinga si Zyrex sa kabaliwan nito. Magkikita lang sila sa loob ng bahay kapag kakain. Nagtutungo siya sa sariling silid pagkatapos kumain. Ito naman nagpapagulong-gulong sa sahig na parang bata. Ayos lang sana, pero damit niya ang suot nito. Maliban sa ginawang basahan ang mga damit niya, wala itong pangloob maliban sa boxer niya. Kahit makapal ang Tshirt, hindi pa rin proper tingnan. Lalaki siya at napapatingin din sa mga bagay na dapat iwasan tingnan. Nakakagulat nga lang dahil may maputi at makinis itong balat. Ibang-iba sa inaasahan niyang nakatira sa lansangan.

"Pangit tingnan habang suot mo ang damit ko," mahinahon niyang sabi. 

"Ahh… pwede ka naman hindi tumingin," 

Napatigil si Zyrex sa pagsubo at tumingin dito. Tuloy-tuloy lang ito sa pagkain.

Oo nga naman pwede siyang hindi tumingin pero, hindi niya maiwasan. Aaminin niyang may maganda itong pisikal na itsura na hindi niya inaasahan. Maihahanay na ito sa mga first class family daughters. 

"Paano ka napunta sa Black District?" tanong na lang niya.

Tumigil ito sa pagsubo at tumingin sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko hindi pa ako umaalis dito. Malamang simula pagkabata narito na ako,"

Baka naman nagmula ito sa mayamang pamilya pero pinatapon sa Black District. Maaaring ganoon nga pero maaari rin hindi.

"Nasaan ang pamilya mo?"

"Wala akong pamilya. Kung meron, wala sana ako rito kasama mo," aba… may sense na itong kausap.

"Bakit sa 30th street ka naglalagi kung pwede naman sa ibang street?"

Delikado ang huling street sa Black District. Kaya hindi 'yon pinupuntahan ng mga tao.

"Naroon ang bahay ko," pinagpatuloy na nito ang pagkain.

"Pwede ka naman lumipat,"

"Mahirap maglipat bahay. Mahirap maghakot ng gamit. Nakakatamad,"

"Wala ka namang mga gamit," 

"Kaya nga mahirap maghakot dahil wala akong hahakutin,"

Tumahimik na lang siya. Nararamdaman niyang nagsisimula na naman ang kabaliwan nito.

"Siopao," 

Nalukot ang mukha ni Zyrex ng marinig ang tawag nito sa kanya.

"Stop calling me Siopao!" reklamo niya.

"Pao,"

"Better,"

"Pao,"

"What?"

"Bakit narito ka sa Black District? Parang hindi ka naman tagarito," natigilan siya sa tanong nito.

Binitawan niya ang kubyertos at uminom muna ng tubig.

"May importante akong dapat gawin sa lugar na ito," sagot niya habang nakatingin dito.

Binitawan din nito ang kubyertos at uminom. Walang kabaliwan sa itsura nito ngayon. Mukhang seryoso ang magiging usapan nila. 

"Papatayin mo rin ba ako?" natigilan si Zyrex sa tanong nito, "Ikaw iyon 'di ba?" kumunot noo siya sa sinabi nito, "Yung taong nakaitim na pumatay ng marami sa 7th street ilang araw na ang nakakaraan. Ikaw si Blacky 'di ba?" hindi niya inaasahan na makikilala siya nito. 

Hindi siya sumagot.

"Hindi na pala kita dapat tanungin, nakilala ko naman ang boses mo noong una pa lang," bahagya itong tumawa pero muling sumeryoso.

May kakaiba rito ngayon.

"Narito ka ba para patayin ako?" nahihimigan ni Zyrex ang lungkot sa boses nito.

"No," maikli niyang tugon. 

"Talaga?" biglang sumigla ang boses nito. 

Tumango siya.

"Mabuti na lang," pumalakpak pa ito habang malaki ang ngisi, "ayokong malungkot ka kapag namatay ako," ano na namang kabaliwan ang pumasok sa utak nito? "Hindi makakaya ng konsensya mo kapag pinatay mo ang isang Reyna na katulad ko!"

Bumuntong hininga si Zyrex. Akala pa naman niya kahit papano may nagbago rito, in the end kabaliwan na naman ang iniisip nito.

"Maligo ka na, ako ng bahala rito." sambit na lang niya bago tumayo.

"Okay!" nag-okay sign pa ito bago umalis.

...

...

"Doblehin mo yang T-shirt. Palitan mo 'yang boxer," utos ni Zyrex ng lumabas ng silid si Reyna. 

Hindi ito pwedeng lumabas ng ganoon ang suot.

"Wala na akong damit na isusuot. Kinuha mo lahat ng mga damit sa banyo hindi mo pa naman binabalik," 

Dinala niya sa laundry shop ng hotel ang mga damit nila kasama ang damit na suot nito noong unang dating dito.

Tumayo siya at nagtungo sa sariling silid.

"Here," ibinigay niya ang isa pang T-Shirt at medyo mahabang garter short.

Pinaibabaw nito ang binigay niya sa suot nitong damit.

"Tara na," nakangiti nitong sabi.

"Wait!" pigil niya dito, "Nagsuklay ka ba?" pinagmasdan niya ang buhaghag nitong buhok.

"Wala akong suklay,"

"Tsk! Talikod," sumunod naman ito. 

Sinuklay niya ng kamay ang buhok nito pero nagbuhol-buhol sa daliri niya.

"Aray! Wag mo akong sabunutan!" reklamo nito. 

"Ang tigas ng buhok mo. Kailan ka pa huling nagsuklay?"

"Hindi ko na matandaan,"

"What?"

"Ang bingi mo naman Paopao. Ang lapit-lapit mo naman ah. Maglinis ka nga ng tainga,"

"Aist. You're impossible. Itali mo na lang ang buhok mo," binigay niya rito ang rubber band na nakuha niya sa mga gulay kanina.

Sumunod naman ito.

"Let's go!" aniya. 

Binuksan niya ang pintuan.

"Turuan mo rin ako kung paano buksan ang pintuan ah. Hindi ako makalabas eh. Tapos turuan mo rin ako makipaglaban para masaya,"

Hindi magandang ideya para sa kanya kung tuturuan niya itong makipaglaban. Baka siya ang mabugbog nito dahil sa natural na lakas. 

"Yeah," walang gana niyang sagot.

"Zy!" napahinto si Zyrex sa tangkang paglabas ng may taong biglang yumakap sa kanya pagkabukas ng pintuan. 

"Max?"

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
tnx s mgaling n author,ang ganda ng obra mo
goodnovel comment avatar
Evelyn Moredas Pasaforte
author hehhehe
goodnovel comment avatar
Rya Rya
Wala bang full story for free
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • NOTORIOUS   CHAPTER 10.2

    "Max?""I miss you Zy," Mahigpit itong nakayakap sa kay Zyrex.Maxinne DeLie, the superstar and his childhood friend na tila buntot niya kung makasunod. Nasanay na rin siya sa pagiging clingy nito. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman ang pagkagusto nito sa kanya, but he doesn't feel the same way. She's like a sister to him.Aalisin na sana ni Zyrex ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya ng bumukas ang kabilang pintuan sa tapat ng kanyang unit.Seryoso itong tumingin sa kanila."Miss na miss na kita Zy."Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang

    Last Updated : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.1

    "Reyna gising! Reyna!""Tahimik!"May naririnig na ingay si Reyna. Nararamdaman din niyang may gumagapang sa kanyang tiyan.May bulate ba siya? Pero… parang sa labas naman nagmumula iyong gumagapang."Reyna gumising ka!"Hindi lang iisa ang tumatawag sa kanyang pangalan.Bakit ba ang ingay nila? Kita namang natutulog ang tao eh.Naramdaman niya ang gumagapang sa baywang niya.Naglalakbay ang bulate sa labas?

    Last Updated : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 11.2

    "S-si Dutch at Mill, n-nasa labas," "At anong kailangan ng magkapatid na 'yon sakin?" Tanong nito bago umalis. Maya-maya ay narinig ni Reyna ang mga papalapit na yabag. Pilit niyang inangat ang ulo. Nagulat pa siya ng binaba ng bagong dating na lalaki ang kwelyo ng damit niya. Akala niya pupunitin nito ang damit, mabuti na lang hindi. "Dalhin siya," Utos ng lalaki sa harapan niya. "Dutch, maganda ang usapan natin na walang makikialam sa teritoryo ng bawat isa. Bakit tila sumusuway kayo sa batas nating tatlo?" "Hindi mo pa teritoryo ang babaeng ito,"

    Last Updated : 2021-09-28
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.1

    "Zeus!" tawag nito sa kanya.Zeus knows that she's trying to escape but he won't let her."Don't try to escape because you won't," He hold her waist tight."Namiss mo ba ako?" she asked."What?" Her craziness again."Kung namiss mo ako, bingi!""And why would I?""Ang higpit ng yakap mo napipirat na nga ang tiyan ko eh,"Lumuwag ang pagkakahawak ni Zeus sa babae, but she got the chance to escape.

    Last Updated : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 12.2

    "Hinahanap ko si Amo, may maganda akong balita sa kanya," dahilan niya sa lalaki."Bagong salta ka ba?" Tumango siya."Kaya pala hindi mo alam na naroon sila sa ritual space. May bagong alay ngayong gabi. Halika panoorin natin,"Kalmado siyang sumunod dito. Iniiwasan makagawa ng bagay na pwede siyang paghinalaan.......Kitang-kita ni Zeus ng kaladkarin ng dalawang lalaki ang babae habang paakyat sa itaas ng malaking drum.Napatiim bagang siya habang mahigpit ang kuyom ng palad.

    Last Updated : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 13.1

    "I'm a failure," sambit nito habang nakapikit.Ngayon lang narinig ni Zeus na nagsalita ito ng ibang lenggwahe. "I'm sorry," muli nitong sabi, "Your Highness."Your highness?Nagulat si Zeus ng may tumulong luha habang nakapikit ito. Nakaramdam siya ng awa para sa babae. Pinunasan niya iyon."Shhh... I'm sure Your Highness won't blame you. Stop crying," masuyo niyang sabi.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.Shit! Kailangan niyang magmadali.Kinuha niya ang connecting device na nagkokonekta sa kanya sa headquarter.

    Last Updated : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 13.2

    "Nakatakas," Ulit na sambit ng Master, "Natakasan kayo ng isang babae?" nakangiti nitong sabi.Nanlamig ang dalawa. Hindi magandang senyales ang pagngiti nito."P-patawad Master," nakayukong sambit ng dalawa."You're forgiven," natutuwang nag-angat ng paningin ang dalawa.Ganoon na lang ang gulat nila ng sumalubong ang dulo ng baril sa kanilang ulo.Dalawang magkasunod na putok ang narinig sa buong silid na nagpabagsak sa katawan ng dalawa."Itapon ang dalawang 'yan at italaga bilang pinuno ng sampung street si Tang. Hanapin niyo rin ang babae at patayin!" matigas nitong utos na m

    Last Updated : 2021-09-29
  • NOTORIOUS   CHAPTER 14.1

    Ilang araw ng hinahanap ni Zyrex ang Birdbrain na 'yon. Hindi rin niya makita si Xero para itanong ang kalagayan nito. Mahigpit ang bilin ng Supreme Havoc na siguraduhing ligtas ang babae, ngunit nakalimutan niya ang misyon dahil sa isang sitwasyon na hindi niya maiwasan."Are you okay?" Malambing nitong tanong.The girl he has loved for a long time."Yeah," sagot niya.Umupo ito sa katapat niya. Na sa loob ito ng kanyang opisina habang hinihintay na maayos ang mga papel nito pag-alis."Mukhang hindi ka naman okay. Ano bang iniisip mo?" Malamyos ang tinig nito na kanyang nagustuhan."Do you know wh

    Last Updated : 2021-09-30

Latest chapter

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.2

    "Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.1

    Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 87

    "Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.

DMCA.com Protection Status