Humugot ng malalim na hininga si Zeus bago inihakbang ang nanghihinang mga paa.
Hindi niya alam kung saang parte na sila ng Urvularia. Ngunit sa nakalipas na tatlong araw wala pa rin siyang nasisilayan na kabahayan.
Marahan niyang ibinaba si Anastacia sa bungad ng kweba. Ito ang magiging kanlungan nila sa gabing ito.
Nilabas niya ang mga prutas na pinitas niya sa daan.
Inalalayan ni Zeus na sumandal ang babae sa kanyang dibdib. Sa nakalipas na araw, mas lalo itong nanghihina. Bihira na niya itong marinig magsalita. Tanging palatandaan na lang niya ay ang marahang pagtibok ng puso nito.
"Here. Kumain ka muna,"
"Don't sleep Anastacia. Wake up, please." Bahagya na niyang nilakasan ang boses.Kahit nanghihina, pinilit pa rin niyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ng usok. Alam niyang may naninirahan doon."H-help!" Nahihirapan niyang sigaw. "P-please help us!" Muli niyang sigaw.Pakiramdam niya bibigay na rin ang kanyang mga tuhod, isabay pa ang nahihilo niyang pakiramdam."H-help..." unti-unti niyang naramdaman ang pagbagsak ng katawan sa lupa."Ay sus ginoo!" narinig niya bago mawalan ng malay.......
Location: Green District Urvularia CityHuminga ng malalim si Zeus. Hindi pa rin nagbabago ang kalagayan ni Anastacia. Isang linggo na itong hindi man lang kumikilos."Aling Yuma, paano po ako makakarating sa Yellow District?" Tanong niya sa matandang kasalukuyang nagpapatuyo ng mga halamang gamot."Hindi masyadong pinahihintulutan ang paglabas dito, pero maaari kang sumama sa nagdedeliver ng gulay. Sa makalawa ang alis no'n.""Salamat po, Aling Yuma. Paano ko po mahahanap kung sino ang nagdedeliver ng mga gulay?"Natawa ang matanda na pinagtaka niya."Nakita mo na siya," Wala naman siyang ibang na
"Kung gayon, nakapag-asawa ka na pala." Kung malungkot ito kanina dahil sa pag-alis niya, mas bakas ang lungkot at sakit dito ngayon."Ahm...ano..." Napakamot na lang siya sa batok bago huminga ng malalim. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo sa'kin Sarci, pero alam kong hindi ako ang nababagay sa'yo. Makakahanap ka rin ng taong higit mong mamahalin kesa sa pagmamahal mo sa akin."Bahagya itong ngumiti."So, this is a goodbye then.""Bye." paalam niya dito......."Kuya Zeus, sino 'yon? Dapat pinakilala mo ako. Type ko pa naman," Muling
Sumalubong si Aling Yuma kay Zeus at sa mga apo pagpasok nila sa bahay."Bakit ginabi kayo?" Tanong ng matanda."May sumusunod sa amin La," Sagot ni Raya.Napatingin si Zeus kay Raya. Hindi man lang nito itinago ang nangyari. Baka mag-alala ang matanda."Natakasan niyo ba?" Balewalang tanong ng matanda.Nagulat naman si Zeus sa sagot nito. Hindi man lang ito nagpapakita ng pagkabigla."Opo," Simpleng sagot ni Raya."O sya, kumain muna kayo at magpahinga," Balewalang sabi ng matanda, "Oo nga pala Iho, 'yu
"Bakit narito ang tatlong 'yon?" Sambit niya sa sarili tukoy kina Mist, Tauro at Asul.Nilibot niya ang paningin. Halatang hindi lang 'yung tatlo ang narito."Dammit!" Gigil niyang sambit bago nilapag ang mga biniling pagkain.Kailangan nilang umalis agad ng ship.Hindi pa siya nakarating sa kinauupuan ni Anastacia ng maramdaman ang pag-alis ng barko."Argh!" Naiinis niyang sabi.Nagtaka si Zeus ng makita ang kumpulan ng mga tao sa kinauupuan ni Anastacia."Sigurado ka?" Narinig niyang tanong ng isa.
"Zeus!" "Xero!" "Tana!""Bullshit! Make them stop the ship now!" Malakas na sigaw ni Asul.Sumunod naman ang tauhan na kasama nila.Ang plano ay hulihin lang si Zeus at dalhin sa Mend headquarter. Pinangako ni Chief Makoto na walang mangyayari kay Zeus kung mahuhuli nila ng buhay. Hindi lang sila pwedeng mag-usap ng tungkol sa planong pagliligtas kay Zeus kapag na sa tabi ng kanilang sasakyan. Alam nilang may hearing device doon na konektado sa kanilang pinuno. Marami itong paraan para malaman kung sino ang sumuway sa ipinag-uutos nito.Napapayag din nila ang matanda sa Green District para gawan ng paraan ang pag-alis ni Zeus sa lugar nila. Sila rin ang nagbigay ng pass sa matanda para ibigay
Location: White District Urvularia CityWhite PalaceGalit na pumasok sa kanyang Hall si Elder Jani kasunod si Zyrex at Torn."Anong kalokohan na naman ba ang pinaggagawa mo Aurus?" Galit na tanong nito sa anak.Napalunok naman si Torn at umiwas ng tingin sa matanda ng humarap ito sa kanila."Alam mong napaka-hirap kumbinsihin ng mga Elders, lalo na ngayon nagkakagulo sa palasyo. Hindi kaagad sila papayag na pakawalan kayo. Mabuti nagawan ng paraan dahil napatunayang wala kayong ginawang krimen sa Dungeon,""I just want to help Reyna. She was wronged. Wala siyang kasalanan," Katwiran ni Zyrex. 
"What brings you here?" seryosong tanong ni Zeus sa babae.Tumingin muna si Killrose sa dalawang lalaki."Pwede nyo ba kaming iwan?" Tanong ni Zeus sa dalawa ng makuha ang kahulugan ng tingin ni Killrose."Walang problema," Nakangiting sang-ayon ni Kardo."P-pero...""Huwag ka ng tumutol Karding. Halika na." Hinila nito ang isa at lumayo sa kanila."Continue," hudyat niya sa babae."Yes, My King." Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Nilusob ng mga dayuhan ang kaharian habang wala ka. Tagumpay nilang nakuha ang pamumuno sa lo