bukas na lang po ako magdouble update.. thank you po ❤️
MARIANNE“Bakit ka nandito?” pabulong na tanong ko sa kanya.“May problema tayo,” pabulong na sagot niya sa akin.“Anong nangyari?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.“Yung lalaki kasi tumangkang tumakas mabuti na lang at nakauwi ako agad,” sabi niya sa akin.“Kailangan natin siyang ilipat sa ibang lugar,” sabi ko sa kanya.“Iyan rin ang naisip ko,” sagot niya sa akin.“Tawagan mo na lang muna si Elias at magpatulong ka muna sa kanya. Hindi kasi ako makalabas dito,” sabi ko sa kanya.“Okay, pretty.” sagot niya sa akin.Mabuti na lang at busy ang magkapatid kaya hindi nila kami napapansin na nag-uusap kami ni Libby. Pabulong lang rin naman kaya talagang kami lang ang nagkakarinigan na dalawa.“Kailangan ko ng umalis,” sabi sa akin ng kaibigan ko.“Okay, ingat ka. Sorry k–”“It’s okay, pretty. Kaya ko na ito,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Tawagan mo na lang ako,” sabi ko sa kanya.“Ninong, aalis na daw si Libby.”“Ingat ka,” sabi ni ninong sa kaibigan ko.“Okay, ninon–I mean Ma
MARIANNEAng ganda ng buong paligid. Bagay na bagay sa ito sa mga taong may pagka-romantic. Ibig sabihin ay romantic pa lang tao ang ninong ko. Binalingan ko siya at nakatingin lang siya sa akin. Wala akong emosyon habang nakatingin sa kanya dahil nais ko na magsalita siya. Ang tahimik niya kasi. Para siyang kinakabahan, pero wait, kinakabahan ba siya?“H–Hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin.“Hindi–”“Sabi ko na nga ba, sana iba na lang ang ginawa k–”“Hindi mo na naman ako pinapatapos sa sasabihin ko.” sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.“Sabi mo kasi hindi mo gusto,” sabi pa niya sa akin.“May sinabi ba ako na hindi ko gusto?”“Hi–“Hindi ko lang gusto dahil gustong-gusto ko, ang ganda kaya. Sobrang ganda, na para bang nasa isa akong panaginip,” nakangiti na sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero nagkunwari na lang ako na wala akong ginawa. Nauna na akong naglakad sa kanya at alam ko na nakasunod lang siya sa akin.“Sweet
MARIANNE“Baby, isa pang banggit mo ng matanda. Paparusahan kita dito, aangkinin kita dito at wala akong pakialam kahit pa may makakita sa ating dalawa,” sabi niya sa akin.“Hindi ka na mabiro,” sabi ko sa kanya.“Baby, gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. Matanda na ako para maglaro pa ng apoy at isa pa baka multuhin ako ng daddy mo. Ayaw ko pang sumunod sa kanya,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako.“Takot ka bang multuhin ni daddy?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Medyo, mas takot ako na umalis ka. Mas takot na mawala ka sa buhay ko. Gusto ko na nasa tabi kita, Yanne. Gusto kitang makasama,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“Ako rin, gusto rin kitang makasama.”Mabilis niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan niya ang labi ko na siya namang tinugon ko. Hanggang sa lumalim at tumigil rin naman kaming dalawa. Bago sa akin ang ganito, sanay na rin kasi ako na mag-isa. Na ang mga kaibigan ko lang ang kasama ko lagi. Pero ngayon na pinapasok ko na sa buhay ko ang
MARIANNEHabang pababa ako sa may hagdanan ay kumunot agad ang noo ko sa taong nakaupo sa may couch. Halos takbuhin ko pababa.“Why are you here?” tanong ko agad sa kanya.“Umuwi ka lang sa Pilipinas wala ka ng galang sa akin?” nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.“Boss, ano ba ginagawa mo di–”“Baby,” narinig ko ang boses ni ninong.“M–May bisita po pala tayo, ninong.” sabi ko sa kanya.“Yes, baby. Dinalaw ako ng kaibigan ko.”“Val, si Yanne inaanak ko.” pakilala sa akin ni ninong sa lalaking kilalang-kilala ko.“Hi, Yanne. I’m Valentine, bestfriend ako ng ninong mo,” pakilala niya sa akin sabay kindat pa.“Off limits siya,” sabi agad ni ninong at hinapit ako palapit sa kanya. Seloso talaga itong boyfriend ko.“Relax, hindi ko aagawin. May baby na rin ako,” nakangisi na sabi niya kaya kumunot ang noo ko.“Sino?” mataray na tanong ko sa kanya na hindi ko man lang pinag-isipan. Feeling ko kasi ay alam ko na at kilala ko na ang tinutukoy niya.“Magkakilala ba kayo?” tanong sa
MARIANNESuot ang damit na bigay mismo sa akin ng boyfriend ko ay nakatingin ako ngayon sa salamin. Nag-ayos lang ako ng kaunti dahil pupunta kami sa bahay nila. Gusto ko naman na maging presentable ang mukha ko bago ako humarap sa parents ni ninong.“You’re so beautiful, baby.” malambing na bulong sa akin ni ninong dahil bigla na lang pala siyang pumasok dito sa room ko.“Okay lang ba ang ayos ko?” tanong ko sa kanya.“Ang ganda mo, sobrang ganda mo.” malambing na sabi niya at hinalik-halikan ang balikat ko.“Sinasabi mo lang ‘yan dahil ikaw ang nagbigay ng damit ko,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Of course, pero kahit naman ano ang isuot mo ay maganda ka.”“Kailangan na nating umalis diba?” tanong ko sa kanya.“Opo, pero bago ‘yun ay gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na bawal kang makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. Huwag ka ring aalis sa tabi ko,” sabi niya sa akin.“Okay po,” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman at nakikinig ka,” malambing na sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.“
MARIANNE “Ikaw na ba si Yanne?” tanong niya sa kain. “Good evening po, grand–” “Huwag mo akong tawagin ng—” “Po?” “Masyado naman yata akong matanda kapag grandma din ang tawag mo sa akin. Call me, mommy or mama.” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong nagulat. “Po?” “Iha, may problema ba ang pandinig mo?” nakangiti na tanong niya sa akin kaya bigla akong nahiya. Narinig ko naman ang pagtawa ng boyfriend ko na siraulo. “Mom, nahihiya lang po si Yanne. Wala pong problema ang pandinig niya,” natatawa na sabi niya. “Dapat lang, hindi bagay sa kanya na maging bingi eh ang ganda niyang babae.” Ngayon ay alam ko na yata kung saan nagmana ang lalaking ito. Hindi ko lang alam kung joke ba ito o hindi. Ang alam ko ay same ang humor nilang dalawa ng anak niya. “Sorry po,” nahihiya na sabi ko sa kanya. “Huwag kang mahiya sa akin. Kami na ang pamilya mo ngayon,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Salamat po,” sagot ko sa kanya. “Pasok na tayo sa loob,” nakangiti na sabi niya sa amin.
MARIANNE “Gaano mo kakilala ang kaibigan mo?” Tanong ko kay ninong na naging dahilan para kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Sinong kaibigan, baby?” “Si—wala po, sorry. Don't mind me,” sabi ko sa kanya. “Okay ka lang ba, baby? Gusto mo na bang magpahinga?” malambing na tanong niya sa akin. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Kapag gusto mo ng magpahinga ay sabihin mo lang sa akin,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Kinain ko ang mga pagkain na kinuha niya para sa akin. Tumabi sa akin si Alden kaya naman sinubuan ko na rin siya. Sabay kaming dalawa na kumain habang si Anica naman ay busy sa mga pinsan niya. Mga dalaga na rin ang iba kaya talagang mga kasundo niya. “Gusto mo pa, baby?” tanong ko kay Alden. “Opo, mommy.” nakangiti na sagot niya sa akin. “Stay ka lang dito ha, kukuha lang ako ng food.” “Okay po,” sagot niya sa akin kaya naman tumayo na ako. Habang kumukuha ako ng pagkain ay may lumapit sa akin na babae. Sexy ito at ang kapal ng makeup
MARIANNE“Yanne, ano ba talaga ang relasyon mo kay Andrew? Diba ninong mo siya?” Tanong niya sa akin at hindi ko ito inaasahan.“Bakit mo tinatanong kung alam mo naman ang sagot?”“Gusto ko lang malaman dahil nakikipagbalikan siya sa akin. Gusto niyang mabuo ang pamilya namin at 'yun rin ang gusto ko,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata sa kanya.“Gusto niya? Oo naman gusto niya, mas mabuti ‘yon basta i-trato mo lang ng tama si Alden at Anica,” sabi ko sa kanya kahit pa ang totoo ay naiinis lang ako sa kanya dahil alam ko naman na nagsisinungaling lang siya sa akin.“Ano ba ang ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na hindi ko sila tinatrato ng tama?” galit na tanong niya sa akin. Mabuti naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin.“Wala akong ibang ibig sabihin ang nais ko lang ay alagaan mo sila ng maayos. Kung hindi maganda ang dating sa ‘yo ay hindi ko na problema ang bagay na ‘yon. Wala naman akong pakialam sa sa ‘yo o sa inyo ni ninong. Mas may pakialam ako k
THIRD PERSON POV“Luningning!” tawag ni Nay Tere kay Gene.“Bakit po, nay?” nagmamadali na tanong nito dahil narinig niya ang pagtawag ng matanda.“Pakidala ng alak sa room ni Sir Romell,” sagot nito.“Alin po ba ang room niya, nay?” “Ika-apat na silid mula sa hagdanan,” sagot ng matanda.“Kaliwa po o kanan?”“Kanan,” mabilis na sagot ng matanda.“Okay po, nay.” sagot ni Gene at mabilis siyang umakyat sa may hagdan.Hindi niya sinunod ang sinabi ng matanda. Dahil isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan ng bawat silid para malaman niya ang nasa loob. Walang mga tao at ang iba ay naka-lock. Hanggang sa nagulat siya sa isang room.“Sorry po, hinahanap ko ang room ni Sir Romell,” sabi niya sa kapatid nito na dalaga.“That room,” mataray na sabi nito sabay turo ng silid ng lalaki.“Salamat p–”Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil malakas nitong sinara ang pintuan.“Bastos na bata,” sabi ni Gene at naglakad na papunta sa silid ni Romell.Kung kanina ay hindi siya kumatok. Ngayon ay
MARIANNEHabang pinapanood ko ang ginagawa ng dalawa kong kaibigan ay sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Ngayon talaga nila nilabas ang pagiging makulit nila. Sa tingin ko ay hindi ko kailangan na mag-alala sa kanila dahil mukhang nag-eenjoy naman sila doon. Enjoy na enjoy nila ang mga bago nilang role sa palabas na ito.“Pretty, nakita mo ba? Nakita mo diba? Ang galing ko diba?” nakangisi na tanong sa akin ni Libby nang makapasok na siya sa loob ng silid niya.“Pasaway ka talaga,” natatawa na sabi ko.“Ako ang gaganti para sa ‘yo,” sabi niya sa akin habang may malawak na ngiti kaya para na tuloy talaga siyang mangkukulam.“Kailan ka pa nagkaroon ng kakambal na ahas?” nakangisi na tanong ko sa kanya.“Ngayon lang, ang bait nitong nirentahan ko. Tataasan ko talent fee nito,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Dapat lang, ang laki ng ambag niya sa ‘yo. Galing kaya niya,” natatawa na sabi ko dahil tawang-tawa talaga ako sa pinaggagawa nilang dalawa. Lalo na ng ahas niya, ang galing mak
THIRD PERSON POV“Chicky, sorry ha.” umiiyak na sambit ni Gene. Nilibing na niya ang manok na nagsakripisyo para sa kanya.“Why are you here?” tanong ni Romell sa manang na babae na umiiyak.“Nilibing ko lang po si Chicky, Sir.” sagot nito sa kanya.“That’s just a chicken. Bakit iniiyakan mo pa?” tanong niya sa babae.“Siguro po ay para sa ‘yo, simpleng manok lang siya pero para po sa akin ay alaga ko po siya. At higit po sa lahat, pabaon po siya sa akin ng tatay ko,” umiiyak na sambit nito.“Crazy woman,” sabi nito bago ito umalis dahil ayaw niyang makipag-usap sa weird na babae.“Mas baliw ka,” mahina na sambit ni Gene at inayos na niya ang sarili para bumalik na sa silid niya.*****Samantala sa kabilang banda ay pumasok na rin si Libby sa loob ng bahay ni Ayra. Nakakulot ang kanyang buhok kaya nagmukha siyang bruha. Nagsuot rin siya ng contact lens na hindi nahahalata. Kinapalan rin niya ang kilay niya. Ngayon ang araw ng interview niya dahil nagpasa na siya kahapon ng resume niya.
THIRD PERSON POVDala-dala ang sako bag na may lamang mga damit at naglalakad si Gene sa labas ng subdivision ng mga Alonzo. Tirik na tirik ang araw at nauuhaw na siya kaya naman umupo muna siya sa tabi para uminom ng tubig.Sa ayos niya ngayon ay para siyang isang babaeng ngayon pa lang naluwas sa city. Mahaba ang suot niyang palda at nakasuot pa siya ng longsleeve na para bang damit pa ng lolo niya. May suot rin siyang salamin sa mata na parang isang strict na teacher at itsura niya. Makaluma rin ang style ng pagtali ng buhok niya. Morena ang natural na kulay ng balat niya kaya naman hindi na niya kailangan pa na baguhin ito. Ang tanging binago lang niya ay nagsuot siya ng salamin sa mata at naglagay ng dalawang nunal sa mukha niya.“Inday, naliligaw ka ba?” tanong ng isang matanda sa kanya.“Ayy, anak ng tipaklong.” nagkunwari siyang nagulat sa matanda.“Walang tipaklong dito, inday. Pero sagutin mo muna ang tanong ko. Naliligaw ka ba?” tanong niya sa akin.“Hindi po, manang. Nagp
MARIANNE“Yanne, is that you?” tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko.“Hi, ikaw pala doc,” nakangiti na sabi ko sa kanya dahil nakangiti rin siya sa akin.“Sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko. Kumusta ka na?” tanong niya sa akin.“Okay lang naman ako.”“Mabuti naman kung ganun,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Sige mauna na ako sa–”Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil nasa harapan ko na rin si ninong at kasama niya si Romell. Nagtama ang mga mata naming dalawa pero ako ang unang umiwas. “Hi, Yanne.” nakangiti na bati sa akin ni Romell.“Hi po, sige po mauna na ako sa inyo.” paalam ko agad sa kanila.Akmang lalampasan ko sila ay nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ni ninong.“Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.“Mag-uusap tayo,” sagot niya sa akin.“Wala na tayong pag-uusapan,” sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin.“Ano ba bitiwan mo nga ako!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi tayo tapos mag-
MARIANNEHinayaan naming magpahinga ang kaibigan namin. Kaming dalawa na lang muna ni Libby ang nagreview ng mga kailangan naming gawin. Inayos na namin sa chart ang mga pagmumukha nilang lahat. Isa-isa naming dinikit sa white board,“Bakit kasama ang picture ni mayor dito?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Baka kasi–”“Hindi siya sangkot dito kaya alisin mo na siya, Lib.” sabi ko sa kaibigan ko.“Hindi ko naman kasi siyang sinama dito dahil sangkot siya. Baka lang kasi nami-miss mo kaya nilagay ko,” nakangisi na sabi ni Libby sa akin na nagbibiro na naman.“Lib,” may pagbabanta na sabi ko sa kanya.“Ayaw mo talaga? Kahit for inspiration and motivation mo lang? Ako nga nilagay ko si gov kasi pampagoodvibes ko siya. Para naman ma-inspired akong magwork. Kaya ‘wag mo ng ipatanggal ang pic ni mayor. Ang cute niya kaya dito sa pic,” sabi niya sa akin pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya.“Sabi ko nga aalisin ko na. Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nakakatakot ka eh,” nakasiman
MARIANNE“Lumayo ka sa akin!”“Ayaw ko nga,” sabi ko at lumalapit ako sa kanya.“Makisama ka na lang, hindi talaga siya nagbibiro iisa-isahin niya talaga ang ngipin mo,” sabi ni Libby sa lalaki na halatang tinatakot na niya.Mabilis ko siyang sinabunutan ang buhok niya at itinutok ko sa kanya ang hawak ko. Palapit ng palapit hanggang sa bigla na lang siyang sumigaw.“Oo na! Sasabihin ko na!” sigaw niya sa akin.“Talaga, sasabihin mo na?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot. “Tinatanong ka. Sasabihin mo na ba?” tanong ni Libby sa kanya.Hindi siya nagsasalita kaya biglang umiinit ang ulo ko. Ayaw ko ng ganito dahil baka mawala ako sa sarili at masaktan siya ng totoo sa akin.“Wala ka bang balak na magsalita? Gusto mo na bang isa-isahin ko ng tanggalin ang mga ngipin mo? Kung ‘yan ang nais mo ay simulan na natin ngayon,” sabi ko sa kanya habang nilalapit ko ang pliers.“Ibuka mo ang bibig niya,” utos ko kay Libby.“Okay, pretty.” sagot niya sa akin habang may malawak na ngi
MARIANNEKaysa magmukmok ako dito sa silid ko ay mas pinili ko na puntahan ang lalaking hanggang ngayon ay walang balak na magsalita. Pagpasok ko sa silid kung nasaan siya ay kaagad siyang ngumisi ng makita niya ako.“Nandito na pala ang magandang anak ni cong,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Nagkita na tayong ulit. Kaya baka naman puwede mong sabihin sa akin kung sino ang boss mo. Para naman ibalik na kita sa kanya,” seryoso na sabi ko sa kanya.“Kahit na crush kita ay hindi ko pa rin sasabihin sa ‘yo,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Alam mo ba na hangga’t maaari ay ayaw ko sa violence, pero bakit mo ako pinipilit?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman kit–”Hindi ko siya hinayaan na sumagot dahil sinuntok ko ang mukha niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Mabilis kong sinabunutan ang buhok niya. Seryoso akong nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay pinipigilan ko lang ang sarili ko na baliin ang leeg niya.“Kung ayaw mong magsalita ay siguro mas maganda na putulin ko na lang itong dila mo
MARIANNE“Pretty, kain na tayo.” “Pretty, kanina ka pa tulala dito. Okay ka lang ba?” narinig ko na tanong sa akin ng kaibigan ko.“I’m not okay, Lib.” sagot ko sa kanya dahil gusto kong magpakatotoo sa kaibigan ko. Totoong hindi ako okay.“Bakit kasi nakipagbreak ka? Puwede k–”“Hindi naman dahil sa kanya.”“Kung hindi siya, bakit ka tulala dito? Hindi mo naman kailangan na–”“Naalala ko lang kasi ang araw na nawala ang daddy ko. Wala akong nagawa, walang silbi ang pagiging agent ko,” naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Don’t blame yourself diba sabi mo biglaan lang ‘yon tapos niyakap ka ni tito at nawalan ka ng malay? Kaya paano ka makikipaglaban sa kanila? Ginawa ‘yon ni tito para mabuhay ka,” sabi niya sa akin.“At isa pa, kaya ka nga umalis diba dahil sabi mo gusto mong mabuhay ng normal kasama ang daddy mo. Alam ko na ginawa mo ang lahat para magbago ka, para sa daddy mo. Dahil hindi niya alam kung ano ba ang anak niya. Kaya ‘wag mo ng sisihin ang sarili mo,” sabi sa akin ng kai