happy sunday po sa inyong lahat.. update po ako ng isa pero mamayang gabi na po..thank you po sa inyong lahat and God bless you po!
MARIANNESuot ang damit na bigay mismo sa akin ng boyfriend ko ay nakatingin ako ngayon sa salamin. Nag-ayos lang ako ng kaunti dahil pupunta kami sa bahay nila. Gusto ko naman na maging presentable ang mukha ko bago ako humarap sa parents ni ninong.“You’re so beautiful, baby.” malambing na bulong sa akin ni ninong dahil bigla na lang pala siyang pumasok dito sa room ko.“Okay lang ba ang ayos ko?” tanong ko sa kanya.“Ang ganda mo, sobrang ganda mo.” malambing na sabi niya at hinalik-halikan ang balikat ko.“Sinasabi mo lang ‘yan dahil ikaw ang nagbigay ng damit ko,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Of course, pero kahit naman ano ang isuot mo ay maganda ka.”“Kailangan na nating umalis diba?” tanong ko sa kanya.“Opo, pero bago ‘yun ay gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na bawal kang makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. Huwag ka ring aalis sa tabi ko,” sabi niya sa akin.“Okay po,” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman at nakikinig ka,” malambing na sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.“
MARIANNE “Ikaw na ba si Yanne?” tanong niya sa kain. “Good evening po, grand–” “Huwag mo akong tawagin ng—” “Po?” “Masyado naman yata akong matanda kapag grandma din ang tawag mo sa akin. Call me, mommy or mama.” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong nagulat. “Po?” “Iha, may problema ba ang pandinig mo?” nakangiti na tanong niya sa akin kaya bigla akong nahiya. Narinig ko naman ang pagtawa ng boyfriend ko na siraulo. “Mom, nahihiya lang po si Yanne. Wala pong problema ang pandinig niya,” natatawa na sabi niya. “Dapat lang, hindi bagay sa kanya na maging bingi eh ang ganda niyang babae.” Ngayon ay alam ko na yata kung saan nagmana ang lalaking ito. Hindi ko lang alam kung joke ba ito o hindi. Ang alam ko ay same ang humor nilang dalawa ng anak niya. “Sorry po,” nahihiya na sabi ko sa kanya. “Huwag kang mahiya sa akin. Kami na ang pamilya mo ngayon,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Salamat po,” sagot ko sa kanya. “Pasok na tayo sa loob,” nakangiti na sabi niya sa amin.
MARIANNE “Gaano mo kakilala ang kaibigan mo?” Tanong ko kay ninong na naging dahilan para kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Sinong kaibigan, baby?” “Si—wala po, sorry. Don't mind me,” sabi ko sa kanya. “Okay ka lang ba, baby? Gusto mo na bang magpahinga?” malambing na tanong niya sa akin. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Kapag gusto mo ng magpahinga ay sabihin mo lang sa akin,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Kinain ko ang mga pagkain na kinuha niya para sa akin. Tumabi sa akin si Alden kaya naman sinubuan ko na rin siya. Sabay kaming dalawa na kumain habang si Anica naman ay busy sa mga pinsan niya. Mga dalaga na rin ang iba kaya talagang mga kasundo niya. “Gusto mo pa, baby?” tanong ko kay Alden. “Opo, mommy.” nakangiti na sagot niya sa akin. “Stay ka lang dito ha, kukuha lang ako ng food.” “Okay po,” sagot niya sa akin kaya naman tumayo na ako. Habang kumukuha ako ng pagkain ay may lumapit sa akin na babae. Sexy ito at ang kapal ng makeup
MARIANNE“Yanne, ano ba talaga ang relasyon mo kay Andrew? Diba ninong mo siya?” Tanong niya sa akin at hindi ko ito inaasahan.“Bakit mo tinatanong kung alam mo naman ang sagot?”“Gusto ko lang malaman dahil nakikipagbalikan siya sa akin. Gusto niyang mabuo ang pamilya namin at 'yun rin ang gusto ko,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata sa kanya.“Gusto niya? Oo naman gusto niya, mas mabuti ‘yon basta i-trato mo lang ng tama si Alden at Anica,” sabi ko sa kanya kahit pa ang totoo ay naiinis lang ako sa kanya dahil alam ko naman na nagsisinungaling lang siya sa akin.“Ano ba ang ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na hindi ko sila tinatrato ng tama?” galit na tanong niya sa akin. Mabuti naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin.“Wala akong ibang ibig sabihin ang nais ko lang ay alagaan mo sila ng maayos. Kung hindi maganda ang dating sa ‘yo ay hindi ko na problema ang bagay na ‘yon. Wala naman akong pakialam sa sa ‘yo o sa inyo ni ninong. Mas may pakialam ako k
MARIANNEKinabukasan ay tanghali na ako nagising. Nasa tabi ko pa rin si Alden at mahimbing pa rin siyang natutulog. Nang bumangon ako ay nakahiga naman sa may couch si ninong. Ibig sabihin ay ayaw niyang tumabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Dahil nakikita ko pa lang ang mukha niya ay naiinis na naman ako sa kanya. Gusto ko sanang bumaba pero wala naman akong pambaba na damit hindi ko naman kasi puwedeng gamitin ang shorts niya dahil maluwag sa akin. Ang laki kasi niyang tao tapos ang mga gamit niya malaki rin. Kahit nga itong t-shirt niya ay nagmukha ko ng dress sa laki. Itong malaking t-shirt lang niya ang suot ko ngayon at okay naman ako. Ilang sandali pa ay gising na siya. Ni hindi man lang niya ako binati o tinapunan ng tingin. Diretso pasok na lang siya sa banyo na para bang hindi niya ako nakita. Ako naman ay tinawagan na lang si Libby para humingi ng tulong sa kanya na dalhan niya ako ng damit. Pinagtawanan pa niya ako nang sabihin ko sa kanya ang dahilan kung b
MARIANNE“Boyfriend nga kita hindi mo naman ako mah–”Nagulat ako sa ginawa niya dahil siniil niya ng halik ang labi ko.“Ang ingay mo talaga, baby. Mahal kita sa maniwala ka man o hindi,” sabi niya sa akin at ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. “M–Mahal mo ako?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya dahil baka mali lang ang narinig ko.“Yanne, mahal kita.”“M–Mahal mo ako?” nauutal na tanong ko sa kanya.“Oo, mahal kita. Mahirap bang paniwalaan na mahal kita?” tanong niya sa akin.Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak dahil hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Masaya lang siguro ako pero ewan ko ba.“Baka nagsisinungaling ka lang,” sabi ko sa kanya dahil nahihirapan talaga akong maniwala sa narinig ko mula sa kanya.“Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin?” nakangisi na tanong niya sa akin at naglalakad na siya ngayon palapit sa akin.Ako naman itong umaatras dahil kakaiba ang tingin niya sa akin. “Bakit ka lumalapit sa akin?” tanong
MARIANNE “Mommy, may sasabihin po ako sa inyo.” sabi ni Ayra.“What is it, Ayra?” tanong naman ni mommy.“Ako po at si Andrew ay gusto ko na magkabalikan,” sabi niya kay mama.Nagulat ako sa lakas ng loob niya. Nang tumingin ako kay mommy ay kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa narinig niya mula sa dati niyang manugang. “Magkabalikan?” kunot noo na tanong ni mama kay Ayra.“Opo, gusto ko pong buuin ang pamilya ko, Mommy.” sagot naman niya na para bang ang dali lang ng sinasabi niya. Siguro nga para sa kanya ay madali lang lalo na may mga anak sila. At ang anak niya ang panlaban niya.“Pero bakit mo sinira noon? Tapos ngayon ay babalik ka na para bang okay lang, na para bang madali lang ang lahat. Iniwan mo ang anak ko tapos–”“Mom, mag-uusap kami.” sabi ni ninong at hinila na niya si Ayra palayo sa amin.“Dapat lang,” sabi naman ni mommy.Nang makaakyat na ang dalawa ay naiwan kami dito sa living room. “Pasensya ka na, iha.” sabi sa akin
MARIANNE“Makikipag-balikan ka ba kay Mommy Ayra? Gusto mo pa rin ba siya? Mahal mo pa ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Alden na hindi ko rin talaga inaasahan.“Gusto mo ba?” tanong niya sa anak niya kaya tumingin ako sa kanya.“May balak ba siyang makipagbalikan sa ex-wife niya?” tanong ko sa sarili ko.“Alden–”“Gusto niyo po ba? Kasi po ako ayaw ko na po, mas gusto ko po na ibang babae kaysa siya,” putol ni Alden sa sasabihin niya.Narinig ko ang pag-buntong hininga ni ninong kaya bigla na lang akong nainis sa kanya.“Ang lalim naman, may balak ka ngang balikan.” sabi ko sa kanya pero hindi man lang siyang umimik.Lagot siya sa akin mamaya kapag dumating na kami sa bahay niya. Kung gusto niya pala ang ex-wife niya may pasabi-sabi pa siya kanina na mahal niya ako. Tapos ngayon nag-iba na agad ang ihip ng hangin.Nakarating na kami sa bahay at ako ang unang bumaba sa kotse para malaman niya na naiinis ako sa kanya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan. Binati ko lan
MARIANNEHinayaan naming magpahinga ang kaibigan namin. Kaming dalawa na lang muna ni Libby ang nagreview ng mga kailangan naming gawin. Inayos na namin sa chart ang mga pagmumukha nilang lahat. Isa-isa naming dinikit sa white board,“Bakit kasama ang picture ni mayor dito?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Baka kasi–”“Hindi siya sangkot dito kaya alisin mo na siya, Lib.” sabi ko sa kaibigan ko.“Hindi ko naman kasi siyang sinama dito dahil sangkot siya. Baka lang kasi nami-miss mo kaya nilagay ko,” nakangisi na sabi ni Libby sa akin na nagbibiro na naman.“Lib,” may pagbabanta na sabi ko sa kanya.“Ayaw mo talaga? Kahit for inspiration and motivation mo lang? Ako nga nilagay ko si gov kasi pampagoodvibes ko siya. Para naman ma-inspired akong magwork. Kaya ‘wag mo ng ipatanggal ang pic ni mayor. Ang cute niya kaya dito sa pic,” sabi niya sa akin pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya.“Sabi ko nga aalisin ko na. Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nakakatakot ka eh,” nakasima
MARIANNE“Lumayo ka sa akin!”“Ayaw ko nga,” sabi ko at lumalapit ako sa kanya.“Makisama ka na lang, hindi talaga siya nagbibiro iisa-isahin niya talaga ang ngipin mo,” sabi ni Libby sa lalaki na halatang tinatakot na niya.Mabilis ko siyang sinabunutan ang buhok niya at itinutok ko sa kanya ang hawak ko. Palapit ng palapit hanggang sa bigla na lang siyang sumigaw.“Oo na! Sasabihin ko na!” sigaw niya sa akin.“Talaga, sasabihin mo na?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot. “Tinatanong ka. Sasabihin mo na ba?” tanong ni Libby sa kanya.Hindi siya nagsasalita kaya biglang umiinit ang ulo ko. Ayaw ko ng ganito dahil baka mawala ako sa sarili at masaktan siya ng totoo sa akin.“Wala ka bang balak na magsalita? Gusto mo na bang isa-isahin ko ng tanggalin ang mga ngipin mo? Kung ‘yan ang nais mo ay simulan na natin ngayon,” sabi ko sa kanya habang nilalapit ko ang pliers.“Ibuka mo ang bibig niya,” utos ko kay Libby.“Okay, pretty.” sagot niya sa akin habang may malawak na ngi
MARIANNEKaysa magmukmok ako dito sa silid ko ay mas pinili ko na puntahan ang lalaking hanggang ngayon ay walang balak na magsalita. Pagpasok ko sa silid kung nasaan siya ay kaagad siyang ngumisi ng makita niya ako.“Nandito na pala ang magandang anak ni cong,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Nagkita na tayong ulit. Kaya baka naman puwede mong sabihin sa akin kung sino ang boss mo. Para naman ibalik na kita sa kanya,” seryoso na sabi ko sa kanya.“Kahit na crush kita ay hindi ko pa rin sasabihin sa ‘yo,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Alam mo ba na hangga’t maaari ay ayaw ko sa violence, pero bakit mo ako pinipilit?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman kit–”Hindi ko siya hinayaan na sumagot dahil sinuntok ko ang mukha niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Mabilis kong sinabunutan ang buhok niya. Seryoso akong nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay pinipigilan ko lang ang sarili ko na baliin ang leeg niya.“Kung ayaw mong magsalita ay siguro mas maganda na putulin ko na lang itong dila mo
MARIANNE“Pretty, kain na tayo.” “Pretty, kanina ka pa tulala dito. Okay ka lang ba?” narinig ko na tanong sa akin ng kaibigan ko.“I’m not okay, Lib.” sagot ko sa kanya dahil gusto kong magpakatotoo sa kaibigan ko. Totoong hindi ako okay.“Bakit kasi nakipagbreak ka? Puwede k–”“Hindi naman dahil sa kanya.”“Kung hindi siya, bakit ka tulala dito? Hindi mo naman kailangan na–”“Naalala ko lang kasi ang araw na nawala ang daddy ko. Wala akong nagawa, walang silbi ang pagiging agent ko,” naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Don’t blame yourself diba sabi mo biglaan lang ‘yon tapos niyakap ka ni tito at nawalan ka ng malay? Kaya paano ka makikipaglaban sa kanila? Ginawa ‘yon ni tito para mabuhay ka,” sabi niya sa akin.“At isa pa, kaya ka nga umalis diba dahil sabi mo gusto mong mabuhay ng normal kasama ang daddy mo. Alam ko na ginawa mo ang lahat para magbago ka, para sa daddy mo. Dahil hindi niya alam kung ano ba ang anak niya. Kaya ‘wag mo ng sisihin ang sarili mo,” sabi sa akin ng kai
MARIANNE“Hindi ko talaga puwe–”“Sasabihin mo o papasabugin ko ang ulo mo?” tanong ko sa kanya na halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil inilabas ko na ang dala kong baril at itinutok ko ito sa ulo niya.May binigay kasi sa akin si Libby na baril kanina. Wala kasi akong dala lalo na nagmamadali ako.“Saan mo nakuha ang baril na ‘yan?” tanong niya sa akin.“Hindi mo kailangan na malaman. Ang tinatanong ko sa ‘yo ang dapat mong sagutin. Ano ang resulta ng laboratory ni Anica? Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Kaya sagutin mo na ang tanong ko.”“Hindi ko nga puwedeng–”Kinasa ko ang baril na hawak ko para malaman niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ay wala akong ibang choice kundi gawin sa kanya ang ayaw kong gawin sana.“Sasabihin mo na ba o itutuloy it–”“Yanne, calm down. Ang resulta ng lab ni Anica ay—”“Tell me, bago ko pa pasabugin ang ulo mo,” sabi ko sa kanya.“Ibaba mo na ‘yan baka kasi pumutok ‘yan,” sabi niya sa akin.“Hindi ko ito ib
MARIANNEIlang minuto rin akong naghintay kay Libby dito sa may banyo. Alam ko na parating na siya. Hindi ko alam kung ano ba ang nalaman niya na hindi na niya kayang maghintay pa hanggang bukas. May kakaiba akong nararamdaman sa ngayon. Pagkarating niya ay kaagad kaming pumasok na dalawa dito sa loob ng banyo.“Oh my gosh, pretty! Hindi ka maniniwala sa nalaman ko,” sabi niya sa akin habang nilalabas ang tablet niya sa bag niya.“Ano ba ang nalaman mo?” kalmado na tanong ko sa kanya.“Nakakainis naman, ang hina naman ng signal dito.” sabi niya na halatang naiinis habang nagbubukas ng files niya.“Kalma ka lang,” sabi ko sa kanya dahil baka bigla niyang ibato ang gamit niya. May times talaga na may ugali siya na kakaiba lalo na kapag naiinip siya.“Naku, kapag nakita mo ito ay baka mamaya ay mas galit ka pa kaysa sa akin. Oh my gosh! Hindi ko talaga inaasahan na malalaman ko ito,” sabi niya sa akin.“Ang bilis mo naman yata makakuha ng data tungkol sa kanya?” sabi ko sa kanya.“May tum
MARIANNE“Sinabi ko na sa ‘yo na wala akong alam at papatunayan ko sa ‘yo. Malaman ko lang na isa ka rin sa sangkot doon ay humanda ka sa akin.”“Ako pa talaga ang tinatakot mo. Dapat nga ikaw ang matakot sa akin dahil sa mga alam ko tungkol sa ‘yo.”“You know what, Yanne. Your ninong is the–”“I’m not interested, wala akong pakialam.” putol ko sa sasabihin niya.“Okay, sabi mo eh.” nakangisi na sabi niya sa akin.“Alam mo hindi naman talaga kayo bagay na dalawa. At ano kaya ang magiging reaksyon ng mga anak ko kapag nalaman nila na ikaw lang pala ang gusto ng daddy nila? Sa tingin niyo ba ay tatanggapin nila? Lalo na si Anica?”“Tanggapin man niya o hindi ay wala siyang magagawa pa. Alam mo ikaw ang magmove-on na. Kasi kahit kailan ay hindi na kita babalikan pa. Hindi ko na babalikan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ng mga anak ko. Pasalamat ka pa nga dahil hinahayaan kita na makita mo sila,” sabi ni ninong sa ex-wife niya.Hindi na nagsalita si Ayra at umali
MARIANNE“Can you open the door?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot kaya naman binuksan ko na ang pintuan niya.“Anica!” napasigaw ako ng wala sa oras dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.“Sh*t!” napamura ako ng wala sa oras dahil sa nakikita ko ngayon.Nagmamadali kong kinuha ang phone ko sa room ko at tumawag ako sa hospital. Mabuti na lang talaga at naka-save ang number ng kaibigan ni ninong sa phone ko. Tinatawagan ko rin si ninong pero hindi siya sumasagot sa akin.“Anica, bakit mo naman ito ginawa?” tanong ko sa kanya habang naiiyak na ako. Wala siyang malay. Sa totoo lang ayaw ko naman talaga na malaman ng lahat ang nangyaring ito pero wala akong choice. Kailangan siyang kunin ng ambulansya dito sa bahay. Mabuti na lang at nakarating sila agad. Kaya mabilis rin nilang pinasok sa loob ng ambulansya si Anica.“Manang, ikaw na po muna ang bahala kay Alden.”“Ako na ang bahala sa kanya, iha. Diyos ko, huwag mong hayaan na may mangyaring ma
MARIANNETumambay muna ako dito kasama ko siya. Nagpaalam ako sa kanya dahil balak kung tumulong kila manang na magluto ng hapunan namin. Paglabas ko sa may pintuan ni Alden ay nagulat ako dahil nasa tapat ng pintuan ko si Anica at bigla na lang niyang binuksan ang pinto ng room ko.“Anica!”Grabeng kaba ang naramdaman ko dahil baka makita niya ang daddy niya sa kama ko lalo na wala pa naman ‘yon suot na damit at tulog pa ito kanina. Tumakbo ako papasok sa room ko at nagkagulatan pa kaming dalawa ni Anica. Halatang nagulat rin siya sa akin.“A–Anica,” sambit ko sa pangalan niya.“Ate, nandito ka lang pala. Sorry kung pumasok na lang ako bigla sa room mo,” sabi niya sa akin.“Okay lang, galing ako sa room ni Alden,” sagot ko sa kanya at pasimple akong tumingin sa may kama ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na ang daddy niya sa kama ko. Akala ko talaga ay nandito pa rin siya. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang tungkol sa amin ng baby gurang ko. Akala ko talaga