thank you po sa inyong lahat ❤️ bukas po ako magdouble update.. bali po every other day po ang double update dahil dpo kaya ng time ko kapag everyday po. God bless you po!
MARIANNE “Gaano mo kakilala ang kaibigan mo?” Tanong ko kay ninong na naging dahilan para kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Sinong kaibigan, baby?” “Si—wala po, sorry. Don't mind me,” sabi ko sa kanya. “Okay ka lang ba, baby? Gusto mo na bang magpahinga?” malambing na tanong niya sa akin. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Kapag gusto mo ng magpahinga ay sabihin mo lang sa akin,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Kinain ko ang mga pagkain na kinuha niya para sa akin. Tumabi sa akin si Alden kaya naman sinubuan ko na rin siya. Sabay kaming dalawa na kumain habang si Anica naman ay busy sa mga pinsan niya. Mga dalaga na rin ang iba kaya talagang mga kasundo niya. “Gusto mo pa, baby?” tanong ko kay Alden. “Opo, mommy.” nakangiti na sagot niya sa akin. “Stay ka lang dito ha, kukuha lang ako ng food.” “Okay po,” sagot niya sa akin kaya naman tumayo na ako. Habang kumukuha ako ng pagkain ay may lumapit sa akin na babae. Sexy ito at ang kapal ng makeup
MARIANNE“Yanne, ano ba talaga ang relasyon mo kay Andrew? Diba ninong mo siya?” Tanong niya sa akin at hindi ko ito inaasahan.“Bakit mo tinatanong kung alam mo naman ang sagot?”“Gusto ko lang malaman dahil nakikipagbalikan siya sa akin. Gusto niyang mabuo ang pamilya namin at 'yun rin ang gusto ko,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata sa kanya.“Gusto niya? Oo naman gusto niya, mas mabuti ‘yon basta i-trato mo lang ng tama si Alden at Anica,” sabi ko sa kanya kahit pa ang totoo ay naiinis lang ako sa kanya dahil alam ko naman na nagsisinungaling lang siya sa akin.“Ano ba ang ibig mong sabihin? Sinasabi mo ba na hindi ko sila tinatrato ng tama?” galit na tanong niya sa akin. Mabuti naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin.“Wala akong ibang ibig sabihin ang nais ko lang ay alagaan mo sila ng maayos. Kung hindi maganda ang dating sa ‘yo ay hindi ko na problema ang bagay na ‘yon. Wala naman akong pakialam sa sa ‘yo o sa inyo ni ninong. Mas may pakialam ako k
MARIANNEKinabukasan ay tanghali na ako nagising. Nasa tabi ko pa rin si Alden at mahimbing pa rin siyang natutulog. Nang bumangon ako ay nakahiga naman sa may couch si ninong. Ibig sabihin ay ayaw niyang tumabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Dahil nakikita ko pa lang ang mukha niya ay naiinis na naman ako sa kanya. Gusto ko sanang bumaba pero wala naman akong pambaba na damit hindi ko naman kasi puwedeng gamitin ang shorts niya dahil maluwag sa akin. Ang laki kasi niyang tao tapos ang mga gamit niya malaki rin. Kahit nga itong t-shirt niya ay nagmukha ko ng dress sa laki. Itong malaking t-shirt lang niya ang suot ko ngayon at okay naman ako. Ilang sandali pa ay gising na siya. Ni hindi man lang niya ako binati o tinapunan ng tingin. Diretso pasok na lang siya sa banyo na para bang hindi niya ako nakita. Ako naman ay tinawagan na lang si Libby para humingi ng tulong sa kanya na dalhan niya ako ng damit. Pinagtawanan pa niya ako nang sabihin ko sa kanya ang dahilan kung b
MARIANNE“Boyfriend nga kita hindi mo naman ako mah–”Nagulat ako sa ginawa niya dahil siniil niya ng halik ang labi ko.“Ang ingay mo talaga, baby. Mahal kita sa maniwala ka man o hindi,” sabi niya sa akin at ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. “M–Mahal mo ako?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya dahil baka mali lang ang narinig ko.“Yanne, mahal kita.”“M–Mahal mo ako?” nauutal na tanong ko sa kanya.“Oo, mahal kita. Mahirap bang paniwalaan na mahal kita?” tanong niya sa akin.Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak dahil hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak. Masaya lang siguro ako pero ewan ko ba.“Baka nagsisinungaling ka lang,” sabi ko sa kanya dahil nahihirapan talaga akong maniwala sa narinig ko mula sa kanya.“Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin?” nakangisi na tanong niya sa akin at naglalakad na siya ngayon palapit sa akin.Ako naman itong umaatras dahil kakaiba ang tingin niya sa akin. “Bakit ka lumalapit sa akin?” tanong
MARIANNE “Mommy, may sasabihin po ako sa inyo.” sabi ni Ayra.“What is it, Ayra?” tanong naman ni mommy.“Ako po at si Andrew ay gusto ko na magkabalikan,” sabi niya kay mama.Nagulat ako sa lakas ng loob niya. Nang tumingin ako kay mommy ay kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa narinig niya mula sa dati niyang manugang. “Magkabalikan?” kunot noo na tanong ni mama kay Ayra.“Opo, gusto ko pong buuin ang pamilya ko, Mommy.” sagot naman niya na para bang ang dali lang ng sinasabi niya. Siguro nga para sa kanya ay madali lang lalo na may mga anak sila. At ang anak niya ang panlaban niya.“Pero bakit mo sinira noon? Tapos ngayon ay babalik ka na para bang okay lang, na para bang madali lang ang lahat. Iniwan mo ang anak ko tapos–”“Mom, mag-uusap kami.” sabi ni ninong at hinila na niya si Ayra palayo sa amin.“Dapat lang,” sabi naman ni mommy.Nang makaakyat na ang dalawa ay naiwan kami dito sa living room. “Pasensya ka na, iha.” sabi sa akin
MARIANNE“Makikipag-balikan ka ba kay Mommy Ayra? Gusto mo pa rin ba siya? Mahal mo pa ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Alden na hindi ko rin talaga inaasahan.“Gusto mo ba?” tanong niya sa anak niya kaya tumingin ako sa kanya.“May balak ba siyang makipagbalikan sa ex-wife niya?” tanong ko sa sarili ko.“Alden–”“Gusto niyo po ba? Kasi po ako ayaw ko na po, mas gusto ko po na ibang babae kaysa siya,” putol ni Alden sa sasabihin niya.Narinig ko ang pag-buntong hininga ni ninong kaya bigla na lang akong nainis sa kanya.“Ang lalim naman, may balak ka ngang balikan.” sabi ko sa kanya pero hindi man lang siyang umimik.Lagot siya sa akin mamaya kapag dumating na kami sa bahay niya. Kung gusto niya pala ang ex-wife niya may pasabi-sabi pa siya kanina na mahal niya ako. Tapos ngayon nag-iba na agad ang ihip ng hangin.Nakarating na kami sa bahay at ako ang unang bumaba sa kotse para malaman niya na naiinis ako sa kanya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan. Binati ko lan
MARIANNETumambay muna ako dito kasama ko siya. Nagpaalam ako sa kanya dahil balak kung tumulong kila manang na magluto ng hapunan namin. Paglabas ko sa may pintuan ni Alden ay nagulat ako dahil nasa tapat ng pintuan ko si Anica at bigla na lang niyang binuksan ang pinto ng room ko.“Anica!”Grabeng kaba ang naramdaman ko dahil baka makita niya ang daddy niya sa kama ko lalo na wala pa naman ‘yon suot na damit at tulog pa ito kanina. Tumakbo ako papasok sa room ko at nagkagulatan pa kaming dalawa ni Anica. Halatang nagulat rin siya sa akin.“A–Anica,” sambit ko sa pangalan niya.“Ate, nandito ka lang pala. Sorry kung pumasok na lang ako bigla sa room mo,” sabi niya sa akin.“Okay lang, galing ako sa room ni Alden,” sagot ko sa kanya at pasimple akong tumingin sa may kama ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na ang daddy niya sa kama ko. Akala ko talaga ay nandito pa rin siya. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang tungkol sa amin ng baby gurang ko. Akala ko talaga
MARIANNE“Can you open the door?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot kaya naman binuksan ko na ang pintuan niya.“Anica!” napasigaw ako ng wala sa oras dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.“Sh*t!” napamura ako ng wala sa oras dahil sa nakikita ko ngayon.Nagmamadali kong kinuha ang phone ko sa room ko at tumawag ako sa hospital. Mabuti na lang talaga at naka-save ang number ng kaibigan ni ninong sa phone ko. Tinatawagan ko rin si ninong pero hindi siya sumasagot sa akin.“Anica, bakit mo naman ito ginawa?” tanong ko sa kanya habang naiiyak na ako. Wala siyang malay. Sa totoo lang ayaw ko naman talaga na malaman ng lahat ang nangyaring ito pero wala akong choice. Kailangan siyang kunin ng ambulansya dito sa bahay. Mabuti na lang at nakarating sila agad. Kaya mabilis rin nilang pinasok sa loob ng ambulansya si Anica.“Manang, ikaw na po muna ang bahala kay Alden.”“Ako na ang bahala sa kanya, iha. Diyos ko, huwag mong hayaan na may mangyaring ma
MARIANNEGrabe ang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makilala kanina. Dahil kapag nagkataon ay baka bigla na lang magbago ang lahat at masira ang trabaho ko. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa misyon na ito.“Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala dito,” sabi ni ninong.“Hayaan niyo na sa kanya,” sabi ni Sir Val.Binigay ko sa kanya si Romell. Pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Gene paalis sa lugar. Sa may sasakyan na kami nagkitang apat. “Okay ka lang?” tanong nilang dalawa sa akin.“Akala ko talaga mahuhuli na ako,” sabi ko sa kanila dahil ‘yon talaga ang totoo.“Mabuti na lang talaga at nagsuot ka ng mask. Dahil kung hindi ay baka nakilala na niya ang baby niya,” natatawa na sabi ni Libby.“Ang baby niyang astig,” pang-aasar na rin ni Gene na naging dahilan para gawin na lang na joke ang nangyari.Tumawa na lang rin ako dahil balik na naman silang dalawa sa pagiging makulit nila. Kahit ako ay natutuwa
THIRD PERSON POV“Hulihin natin sila sa akto,” sabi ni Yanne.“Let’s do this para maisunod na natin si Ayra. Bwisit na ako sa kanya,” natatawa na sabi ni Libby.“Bakit pagod na kayo ng kakambal mo?” natatawa na tanong ni Gene.“Pagod na si Gallong, need niya ng day off. Nagpaalam kami pero hindi kami pinayagan,” natatawa na sagot ni Libby kaya napangiti na rin si Yanne.“Girls, later na lang ang chikahan. Work na muna tayo,” sabi ni Yanne at mabilis na lumabas sa pinagtataguan niya.Nakasuot siya ng sumbrero at mask kaya naman hindi siya nakikilala ni Romell. Habang ang dalawa ay proud na ipakita ang mga beauty nila. “Hi, boys.” nakangiti si Libby habang nagsasalita.“Sino naman ang mga pisteng ito?!” galit na tanong ni Romell sa mga tauhan niya. At napatigil sila sa ginagawa nila.“Sila po ang dahilan kaya sunod-sunod na nasira ang trabaho, boss.”“So, kayo pala?” tanong nito.“Yes, we are.” natatawa na sagot ni Gene.“S–Sino ka? Bakit parang may ka boses ka? You look familiar,” sabi
THIRD PERSON POV“Ako na ang magbababa ng maleta mo,” sabi ni Gene kay Yanne.“Ako na, kaya ko na ito.” sabi naman ni Yanne dahil ayaw niyang mahirapan ang kaibigan niya.“Don’t worry, may magbubuhat niyan at hindi ako,” nakangiti na sabi ni Gene.“Sino?”“Ako,” mabilis na sumagot ang lalaki na pumasok sa silid nila.“Anong ginagawa mo dito?” nagtataka na tanong ni Yanne sa kapatid ni mayor.“Kailangan niyo raw ng tulong kaya ako nandito?” nakangiti na sagot nito na para bang walang kaba na nararamdaman.“Pero–”“Secret natin ito, hindi ko sasabihin kay kuya.” nakangiti na sabi nito kaya naguguluhan si Yanne.“Huwag ka ng magtanong, basta tropa ko siya.” sabi ni Gene sa kaibigan niya habang nakangiti.Gusto sanang magtanong ni Yanne pero mas pinili na lang niya na manahimik. Hinayaan niya na kunin ni Arthur ang maleta niya at ito mismo ang nagbaba. Sobrang naguguluhan siya pero dahil may mas mahalagang bagay silang gagawin ay pinili na lang niya na maghanda para sa pagtakas niya, sa pa
MARIANNENakatutok na ngayon sa aming dalawa ang baril ni Romell. “Hindi ako aalis dito ng hindi ko siya kasama,” matatag sabi ni ninong sa lalaki.“Ayaw kong gawin ito pero pinipilit mo ako—”Nagulat kami dahil may biglang pumana sa baril na hawak ni Romell kaya hindi na natuloy ang pagbaril niya kay ninong. Nabitiwan niya ito at nagkakagulo sila kung saan galing ang palaso.“Aalis na ako, ingat ka dito.” pabulong na sabi ni ninong sa tainga ko.Mas diniin ko ang kuko sa kamay niya para malaman niya ang sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang binalibag. Na dahilan para mapadaing siya. Halatang nagulat na ang lahat sa ginawa ko kaya naman lumipat sa amin ang atensyon nila. Sa totoo lang ay kinakabahan na rin ako baka kasi nasaktan talaga siya sa ginawa ko.“Umalis ka na at ‘wag ka ng bumalik dito,” sabi ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Romell.Nagkatinginan kaming dalawa ni Gene. Alam ko na siya ang may gawa ng pana na ‘yon. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya s
MARIANNEGusto ko na lang siyang hayaan sa ginagawa niya para malaman niya na wala akong alam. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa room ko. Lumabas rin si Gene sa pinagtataguan niya. Tinapon niya ang tubig na nasa baso. “Simula ngayon kapag kailangan mo ng tubig ay magsabi ka lang sa akin. Ako na mismo ang kukuha para sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Kaya ko na it–”“Hindi, demonyo siya at pagbabayaran niya ang ginagawa niyang ito sa ‘yo. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya, gago siya! Baka kapag nagalit ako at putulin ko ang mga kamay niya.”Alam ko na galit na talaga si Gene at alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.“Kumalma ka lang. Kaya ko ito, at kaya nating dalawa. Kaunting oras na lang at magagawa rin natin ito,” sabi ko sa kanya.“Alam ko, kailangan na nating bilisan bago pa siya gumawa ng ibang hakbang na ikakasama mo. sure ako na may binabalak siyang masama kaya niya nilagyan ng dr*gs ang baso.”“Akala niya kasi mapapasunod niya
MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, masyado ka namang bata noon. Saka inaanak ko rin ang daddy mo kaya magkapatid ang turingan nila ni Romell.” nakangiti na sabi niya na para bang totoo. Ayaw ko man sa narinig ko
MARIANNEMabilis ko itong nararamdaman kaya naman bigla akong tumayo para sugurin siya pero..“It’s me, mahal.” sabi ni ninong kaya naman nakahinga ako ng maayos.“Bakit kasi hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako sa kanya.“Gusto ko kasing sumabay sa ‘yo maligo,” sagot niya sa akin habang nakangisi kaya naman tumawa ako.“Sure ka bang walang nakakita sa ‘yo pagpasok mo dito?” tanong ko sa kanya.“Wala po, maingat ako.” sagot niya sa akin.“Mabuti naman,” sabi ko sa kanya.“Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at pumasok kaming dalawa sa loob ng bathtub.“I miss you, mahal ko.” malambing na bulong niya sa tainga ko.“I miss you,” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.Mabilis naman siyang tumugon sa akin hanggang sa naging mapusok na kaming dalawa sa isa’t isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa balikat ko. “M–Mahal, ‘wag mo akong lagyan ng kiss mark.” sabi ko sa kanya.“Why?”“Sasabihin ko sa ‘yo mamaya,
MARIANNE“Naniniwala ka ba sa kanya?” tanong sa akin ni Romell.“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya.“Maniwala ka sa akin, ginagamit ka lang niya. Gagawin niya ang lahat para pagtakpan ang ginawa niya sa daddy mo,” sabi niya sa akin.“Kung alam mo pala na siya ay bakit hindi mo siya pina-aresto? Bakit hinayaan mo siya–”“Malakas ang kapit niya. Kilala mo si Governor Adam Dela Vega? Silang dalawa ang magkakampi, masyado silang malakas at hawak nilang dalawa ang mga kapulisan dito,” sagot niya sa akin.“Gaano ba siya kalakas para kaya niyang baliin ang batas?” kunwari ay tanong ko sa kanya.“Hindi mo alam ang kaya niyang gawi–”“Aalamin ko ang lahat,” sabi ko sa kanya.“Tutulungan kita,” sabi niya sa akin.“Ikaw ang bahala,” sabi ko at tumalikod na ako.“Gusto mo bang sumama sa bahay ko? Puwede kang tumira doon para hindi ka guluhin ni Andrew,” tanong niya sa akin.“Safe ba para sa akin ang bahay mo?” tanong ko sa kanya.“Oo naman, safe ka sa bahay ko.” sagot niya sa akin.“Okay,” sabi ko
MARIANNEAyaw kong sabihin kay manang ang totoo hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya. Mas pinili namin na hindi sabihin sa kanya dahil mas okay na kami na lang apat ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. Naiinis lang ako dahil ang lakas talaga ng loob ni Ayra na pumunta sa bahay namin.“Pretty, ‘wag kang mag-alala dahil ang alaga kong ahas ang bahala kay Ayra.” natatawa na sabi ni Libby na mukhang may binabalak na naman.“Baka naman saktan niya ‘yon. Alalahanin mo nirentahan mo lang ‘yon,” paalala ko sa kanya.“Don’t worry dahil binili ko na siya. Akin na siya,” natatawa na sagot niya sa akin.“Really?”“Opo, dahil tuwang-tuwa ako sa kanya kaya akin na siya. Ang mahal nga ng bili ko sa kanya kaya hindi siya puwedeng mamatay,” sabi pa sa akin ng kaibigan ko.“Magkano naman ang bili mo sa ahas na ‘yon?”“Dahil sa magaling si Gallong ay binili ko siya ng 500k sa may-ari,” sagot niya sa akin.“Hindi naman halata na tuwang-tuwa ka sa ahas na ‘yon.”“Hindi lang ako natuwa kundi love ko