GOOD MORNING! HAVE A NICE DAY PO.. thank you so much po sa mga nag-add sa library sa story na ito.. God bless you all!
MARIANNE “Anong ginagawa mo, ninong?” tanong ko sa kanya. “Wala pa naman akong ginagawa. Bakit may gusto ka bang gawin?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Inaakit ba niya ako? Tanong ko sa sarili ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Tumikhim ako at bahagya ko siyang tinulak pero mas humigpit ang hawak niya sa baywang ko. “Wala akong gustong gawin, ninong ko. Kung ako sa ‘yo ay matulog ka na para hindi ka mukhang matanda,” nakangisi na sabi ko sa kanya. “Matanda?” he asked me and he looked pissed off. “Opo, matanda.” nakangisi na sagot ko sa kanya. “Ikaw lang ang bukod tangi na nagsabi sa akin na matanda na ak–” “Oh, really? I feel so special,” pang-aasar ko pa sa kanya. “Yeah, you’re special. Dahil mas lalo kang hindi makakaalis dito sa bahay ko,” sabi niya sa akin sabay bitaw sa baywang ko. “Malalaman natin,” sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita at mabilis na lumabas sa room ko. Napangiti naman ako bigla. Hindi ko kasi maintindihan ang ninong k
MARIANNENakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. Nang makarating na kami sa bahay ay nakangiti pa akong bumaba sa sasakyan. Pero biglang naglaho ang maganda kong ngiti. Sana talaga ay hindi muna ako lumabas sa kotse.“Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili ko.Nakakunot ang noo at nakasimangot. Iyan ang bumungad sa akin kaya nawala ang maganda kong ngiti. Nandito ang ninong ko kahit pa ang sabi nila ay maaga itong pumasok sa city hall. Nakatayo siya sa may pintuan at mukhang inaabangan niya talaga akong umuwi. Ako naman itong parang gusto na lang tumakbo palabas ng gate nila o ‘di kaya ay umakyat sa bakod para lang makatakas sa kanya. Alam ko kasi na mag-aaway na naman kaming dalawa.“Bakit mo ako sinuway? Bakit ka lumabas?” malamig na tanong niya sa akin.“Gusto ko lang naman ihatid si Alden. Safe naman eh, nakabalik naman ako at wala naman–”“Safe? Naririnig mo ba ang sarili mo?” putol niya sa sinabi ko.“Opo, wala naman pong dapat ipag-alala. Masyado ka la
MARIANNEMahihiya, mahihiya ang hangin na dumaan sa aming dalawa dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kaunti na lang at lalapat na hindi dapat lumapat. Kaya naman buong lakas ko siyang tinulak.“Alam mo po, ninong. Pangit po ang nagsisinungaling. Eh pangit ka sa mga mata ko, anong magagawa ko. Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” sabi ko sa kanya pero lalong umigting ang panga niya.“Hindi ko talaga alam na malilinlang ako ng maamo mong mukha,” sabi niya sa akin kaya natawa ako.“Maamo? Parang hindi naman,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Fvck! Feeling ko tatanda ako agad sa ‘yo. Magbihis ka na nga lang,” naiinis na sabi niya sa akin.“Bakit naman ako magbibihis?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.“Sasama ka sa akin sa city hall,” sagot niya kaya parang bigla na lang ako nakakita ng mga hearts. “Talaga?”“Ayaw mo–”“Gusto ko syempre. Pero safe ba doon–”“Of course,” mabilis na sagot niya sa akin.“Labas ka na, magbibihis lang ako.” sabi ko sa kanya at tinulak ko siya
MARIANNE“Ang weird ng mga empleyado mo. Parang ikaw rin,” sabi ko sa kanya.“Mas weird ka, malabo pa mga mata mo,” sabi niya sa akin.“Mas malabo ang mata nila. Hindi sila marunong tumingin ng gwapo, dito sila nagtatrabaho kaya talagang maganda ang maririnig mo sa kanila. Hindi ka naman nila lalaitin dahil mayor ka. Pero ang totoo talaga ay binobola ka lang nila, naniwala ka naman agad.” natatawa na sabi ko sa kanya. Kahit pa ang totoo ay gwapo naman talaga ang gurang na ito.“Sirang-sira na talaga ang araw ko,” sabi niya sa akin.“Gusto mo, mas sirain ko pa.” sabi ko sa kanya at umupo na ako dito sa may couch.Hindi naman siya nagsalita at umupo na lang sa swivel chair niya. Ako naman ay iniisip ko kung ano naman ang gagawin ko dito. Uupo na lang ba ako dito? Parang ang boring naman ng office na ito. Ayusin ko kaya? “Ninong,” tawag ko sa kanya.“Hmmm,” sagot niya lang sa akin.“Naiinip ako,” sabi ko sa kanya.“Kakaupo mo pa lang, naiinip ka na agad,” sabi naman niya habang nakatutok
MARIANNE“Masarap,” sagot ko sa kanya.“Talaga?” tanong niya sa akin.“Opo, masarap siya,” sagot ko sa kanya.“Patikim nga,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang sinubo ang kutsara na dapat ay isusubo ko sa bibig ko. Ako naman itong hindi makapaniwala sa ginawa niya. “Masarap nga,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Eww!” sabi ko at mabilis na nilayo sa akin ang kutsara na ginamit na niya.“Ang arte mo naman, wala akong sakit.” sabi niya sa akin.“It’s not being maarte, ninong. Hindi tayo close para ipagamit ko ang kutsara ko sa ‘yo. Pero dahil ginamit mo na ay bahala ka na nga. Kukuha na lang ako ng bago,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya sa akin.Pumasok ulit ako sa pantry para kumuha ng bago kong kutsara. Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya sa puwesto niya kanina. Umupo ako sa tabi niya at kumain na ulit ako ng pares na binili ko. Okay na, na pinatikim ko siya. Hindi niya kailangan na kumain pa.Pero nagulat na lang ako dahil kumain rin siya. Panay ang sandok niya sa mangko
MARIANNEAng buong akala ko ay tuluyan na akong babagsak sa sahig pero mali ako dahil may bisig na sumalo sa akin. Ang may-ari ng bisig na ito ay ang ninong ko. Hindi niya ako hinayaan na tuluyang madulas. Hindi ko alam kung paano nangyari dahil ang bilis naman ng galaw niya. Nakatingin ako sa mga mata niya. Hanggang sa nahimasmasan ako dahil ang isa niyang palad ay nasa boobs ko. Nanlaki ang mga mata ko sabay tulak sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil pareho kaming nawalan ng balanse hanggang sa bumagsak kaming dalawa sa sahig.Nasa ibabaw niya ako at ang hindi ko mapaniwalaan ay nakalapat ang labi ko sa labi niya. Nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko kaya hindi agad ako makaalis. Sinubukan ko pero bigla ko na lang naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Kaya mabilis akong nataranta. Lalo kasing humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.“N–Ninong,” ang tanging salita na lumabas sa bibig ko dahil gusto ko ng tumayo.“Kiss me back, baby.” utos niya sa akin na iki
MARIANNE“Slayyy!” nakangiti na sabi ng kaibigan ko sa akin.“Mukha pa rin ba akong si Yanne?” tanong ko kay Libby.“Sino si Yanne?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Ayan ka na naman, nagtatanong ako ng maayos.” nakanguso na sabi ko sa kanya kasi nang-aasar na naman siya sa akin.“Hindi ko kilala si Yanne kasi Dyosa ang nasa harap ko. Kung siguro nandito ang ninong mo ay mauulit ang kiss niyo,” natatawa na sabi niya sa akin.Siguro nga hindi na ako mukhang si Yanne kaya ganito ang sagot sa akin ng kaibigan ko. Mabuti na lang talaga at wala dito si Gene. Dahil kung nandito rin ang isang ‘yon ay talaga naman. Kawawa na naman ako sa kanilang dalawa. Ang lakas pa naman nilang mang-asar. Kailangan ko kasing baguhin ang appearance ko dahil baka makilala pa ako. Baka makilala pa ako ng ninong ko. Lagot talaga ako sa kanya dahil tumakas lang ako kanina. Muli akong tumingin sa salamin. Masyadong sexy itong suot ko pero mas okay na ito. Nagsuot rin ako ng contact lens para naman maging iba a
MARIANNE “Sa tingin mo ba talaga maloloko mo ako?” Feeling ko ay lalabas na ang puso ko sa katawan ko dahil ang seryoso nang boses ng ninong ko. Wala na sana akong balak na pansinin siya dahil nagpapanggap ng ako na ibang tao. Sasakay na sana ako sa kotse ni Libby pero bigla na lang niya akong hinila. Ang lakas ng pagkakahila niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib niya. Naamoy ko rin ang pinaghalong amoy ng alak at pabango sa kanya. Nakatingin ako sa mga mata niya. Seryoso ang mukha niya. “Sa tingin mo ba hindi kita makikilala? Magpalit ka man ng kulay ng mata mo o baguhin mo man ang boses mo ay makikilala pa rin kita, Yanne. Kahit pa magsuot ka ng ganitong damit ay alam ko na ikaw ‘to. Hindi mo ako matatakasan o maloloko,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Hindi ko inaasahan na hahalikan na naman niya ako ngayon. Nahihilo na ako kaya anumang oras ay feeling ko matutumba ako. Hindi ako tumugon sa halik niya. Ang ginawa ko ay pinapatigil ko na siya per
MARIANNEAyaw kong sabihin kay manang ang totoo hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya. Mas pinili namin na hindi sabihin sa kanya dahil mas okay na kami na lang apat ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. Naiinis lang ako dahil ang lakas talaga ng loob ni Ayra na pumunta sa bahay namin.“Pretty, ‘wag kang mag-alala dahil ang alaga kong ahas ang bahala kay Ayra.” natatawa na sabi ni Libby na mukhang may binabalak na naman.“Baka naman saktan niya ‘yon. Alalahanin mo nirentahan mo lang ‘yon,” paalala ko sa kanya.“Don’t worry dahil binili ko na siya. Akin na siya,” natatawa na sagot niya sa akin.“Really?”“Opo, dahil tuwang-tuwa ako sa kanya kaya akin na siya. Ang mahal nga ng bili ko sa kanya kaya hindi siya puwedeng mamatay,” sabi pa sa akin ng kaibigan ko.“Magkano naman ang bili mo sa ahas na ‘yon?”“Dahil sa magaling si Gallong ay binili ko siya ng 500k sa may-ari,” sagot niya sa akin.“Hindi naman halata na tuwang-tuwa ka sa ahas na ‘yon.”“Hindi lang ako natuwa kundi love ko
THIRD PERSON POV“Si Andrew nasaan?” tanong ni Ayra nang dumating siya sa bahay ni mayor.“Nasa room niya pero ayaw niyang may isturbo sa kanya.” sagot naman ni manang.“Ako na po ang bahala sa kan–”“Hayaan mo sana siya ngayon, Ma’am,” sabi ni manang.“He needs me, manang,” sabi pa ni Ayra.“Pero mahigpit niyang bilin na ‘wag siyang isturbuhin,” sabi naman ni manang.“Don’t worry, manang ako po ang bahala. Magpahinga ka na po dahil alam ko na pagod ka,” sabi pa niya.“Ikaw ang bahala,” sabi na lang matanda.Mabilis naman na umakyat si Ayra papunta sa silid ni mayor. At si manang naman ay mabilis na tumawag kay Yanne para sabihin ang nangyari. Gusto niyang ibalita kung gaano kabilis sa balita ang babae.“Hayaan niyo na lang po sila, manang.”“Sure ka na ba talaga sa desisyon mo na umalis? Naniniwala ka ba talaga na si Andrew ang pumatay sa daddy mo? Wala ka bang tiwala sa kanya?” sunod-sunod na tanong niya sa babae.“Siya ang suspek, manang. Ang lahat ng ebidensya ay siya ang itinuturo
THIRD PERSON POV“Mommy, please! Huwag ka po umalis!” umiiyak na sambit ni Alden.Pero si Yanne ay nagmamadali ng bumaba sa may hagdan at nakasunod naman sa kanya ang mga bata.“Ayaw ko na sa bahay na ito,” umiiyak rin na sabi niya sa bata.“Mommy, kakauwi mo lang dito tapos aalis ka na naman. Bakit po? Bakit mo kami iiwan?” si Anica naman ngayon ang nagtatanong.“Tapos na kami ng daddy mo. Sinabi ko na sa inyo kanina diba? Sinabi ko na sa inyo kanina na maghihiwalay na kami? Sinabi ko na sa inyo na tapos na kami, mas mabuti pa na ang mommy Ayra niyo na lang ang–”“Hayaan niyo siya, hayaan niyo siyang umalis. Kahit naman anong sabihin ko sa kanya na paliwanag ay hindi pa rin naman siya maniniwala sa akin. Mas mabuti na umalis na lang siya kung sarado rin naman ang puso at isipan niya,” sabi ni Andrew na ngayon ay nasa gitna ng hagdanan.“Pero, daddy–”“Masaya naman tayo na tayong tatlo lang noon diba? Kaya alam ko na magiging okay rin tayo.” sabi niya sa mga anak niya.“Pero gusto po n
MARIANNE“Sabihin mo sa akin ang totoo. Ikaw ba? Ikaw ba ang tunay na suspek sa pagkamatay ng daddy ko?” tanong ko sa kanya habang nagsisimula ng pumatak ang mga luha ko.“Baby–”“Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba? Ikaw ba talaga?” tanong ko ulit sa kanya.“Yanne–”“Tell me, tell the truth.” sabi ko sa kanya dahil gusto ko ng marinig ang sagot niya sa akin.“Ano ba ang dapat kong sabihin sa ‘yo? Ano ba ang gusto mong malaman kung nasa isip mo ay naniniwala ka na sa kanila? Bakit sino ba ang nagsabi sa ‘yo?” tanong niya sa akin.“Sagot mo, sagot mo ang mas mahalaga sa akin. Ang sagot mo lang ang gusto kong marinig!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya.“Gusto mong malaman ang totoo? Gusto mo?” tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya naman lalo akong nasasaktan.“Kaya ako nagtatanong dahil gusto ko, dahil gusto kong malaman ang lahat.” “Ako ang, ako ang pinagbibintangan nila. Ang lahat ng ebidensya ay ako ang itinuturo–”“Kaya ba ginamit m
MARIANNE “Pretty, ako na lang ang pupunta doon.” Sabi sa akin ni Libby.“No, ako na.”“Pero—”“Lib, ako na. Ako ang kailangan niya,” sabi ko sa kanya.“Sasamahan kita,” sabi niya sa akin.“Lib, kaya ko na ito.”“Pretty, hindi kita puwedeng pabayaan.” “Gawin mo kung ano ang dapat mong ginagawa. Ako na ang bahala sa bagay na ito,” sabi ko sa kanya.“Pero, kaibigan natin ang—”“Alam ko, pero ayaw ko na pati ikaw ay masama doon. Pangako, ligtas na babalik si Gene.” Sabi ko sa kanya.“Okay, balitaan mo ako.” Sabi niya sa akin.“Opo,” sagot ko sa kanya.Kotse ni ninong ang dala ko kaya naman iniwan ko ito sa ating bahay kung saan si Libby nakatira noon. Dinala sa akin ni Elias ang isang motor ko. Nagtext siya ng address sa akin. Bago ako umalis ay sinigurado ko na maayos ang lahat. Dala ko ang mga gamit ko. Wala akong balak na magpakita sa kanya. Ang tanging gusto ko lang ay bawiin si Gene ng maayos. Nang makarating ako sa lugar ay kaagad akong naghanap ng maayos na puwesto sinet-up ko a
MARIANNE “Oo naman, huhulihin ko siya at sisirain ko ang buhay niya. Makaganti man lang ako sa pagpatay niya sa daddy ko.” seryoso na sabi ko sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin at hindi siya kumukurap. “Tell me, may alam ka ba sa pagkamatay ng daddy ko?” tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya. “What are you talking about?” tanong niya sa akin na talagang nagpapanggap pa siya. “Puwede ba, ‘wag na tayong maglokohan pa dito. Alam ko na may alam ka at alam ko rin na alam mong nasa akin ang isa sa mga tauhan mo na inutusan mo na patayin ako. Sa tingin mo ba talaga ay loyal siya sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “So, alam mo na?” “Oo naman, alam na alam ko na may kinalaman ka sa pagkamatay ng daddy ko. Gagawa ako ng paraan para mahuli ka, at sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang ginawa mo sa daddy k–” “Tinatakot mo ba ako?” tanong niya sa akin. “Hindi, alam ko naman na hindi ka takot sa akin. Malakas ka diba? Saka sino ba ako p
MARIANNE“Anong ginagawa niya dito?” sabay na tanong ni Libby at Gene habang nakatingin sa akin. Kahit ako ay hindi ko rin alam. Mula sa pinagtataguan namin ay kitang-kita ko ang lalaking bumaba sa may patrol ng pulis. Hindi kami nagkakamali dahil siya talaga ang nandito ngayon.“Ano ba ang ginagawa niya dito?” wala sa sarili na tanong ko.“Yun rin ang tanong namin sa ‘yo,” sabi ng mga ito.“Sa tingin ko ay kailangan ko ng umalis,” sabi ko sa kanila.“Tara na,” sabi sa akin ni Libby at siya na mismo ang humila sa akin.“Kami na ang bahala dito,” sabi ni Gene.“Thank you,” sabi ko sa kanila.“Ako na ang magmamaneho ng motor,” sabi sa akin ni Libby.“Okay,” tanging nasabi ko.Mabilis akong umangkas sa motor at si Libby na ang hinayaan ko na magmaneho. Habang pauwi kami ay sobrang bilis ng t*bok ng puso ko. Hindi niya alam kung ano ba ang idadahilan niya kay Andrew.“Fake ba ‘yung binigay niyo sa akin?” wala sa sarili na tanong ko sa kaibigan ko.“Original ‘yon, hindi lang yata tumalab s
THIRD PERSON POV“Mukhang marami ‘yan, boss?” nakangisi na tanong ni Libby sa mga ito.“Sino kayo?” tanong nila at nakatutok na sa dalawa ang mga baril nila.“Kami? Kami ang mangku, girls.” natatawa pa na sagot ng dalawa na para bang hindi man lang natatakot. Mangkukulam, ang kalokohan na naisip na naman ng dalawa.“Mangku? Meron ba nun? Ang pangit ng pangalan ng grupo niyo!”“Alam niyo, umalis na lang kayo dito!”“Isturbo,” sabi pa ng isang lalaki.“Umalis na habang may awa pa kami, o baka naman type niyo kami.” nakangisi na sabi nang isa.“Type your face! Gwapo ka ba?” natatawa na tanong sa kanila ni Libby.“Oo naman, ako ang pinakagwapo sa balat ng lupa,” sabi niya.Dahil sa narinig ng dalawa ay tumawa pa sila. Tuwang-tuwa na naman ang mga ito. Hanggang sa lumapit ang isang lalaki sa kanila kaya naman mabilis itong sinipa ni Libby. Naglabas ng mga baril ang mga ito at kaagad na tinamaan ang isa dahil binaril ito ni Yanne.“T*ngina! May sniper!” sigaw ng mga ito.“Babarilin mo ako?”
THIRD PERSON POVKanina pa nakahiga si Yanne sa kama nila pero hindi pa rin pumapasok si mayor sa room nila. Naiinip na siya dahil wala yata itong balak na matulog ng maaga. Alas otso na ng gabi at wala pa rin ito kaya naman mas pinili niya na lumabas na sa room nila. Hinanap niya ito at nakita niya itong nasa office nito. Gabi na pero nagtatrabaho pa rin ito.“Ninong,” tawag niya sa lalaki.“What do you want? Bakit hindi ka pa natutulog?” seryoso na tanong ni Andrew.“Hindi kasi ako makatulog. Ikaw, bakit ka nandito pa?” tanong rin ni Yanne sa kanya.“May tinatapos pa akong trabaho,” sagot ni mayor.“Bukas na lang ‘yan, matulog na tayo.” Dahil sa narinig niya ay nagkakataka namang tumingin si Andrew sa babaeng mahal niya. Hindi lang kasi siya makapaniwala na maririnig na niya ang ganitong mga salita. Ang buong akala niya kasi ay wala pa itong balak na bumalik pa sa kanya.“Mauna ka na,” sabi niya kay Yanne.“Ayaw ko, matulog na tayong dalawa.” “May tinatapos pa ako,” sabi niya.“Gan