Habang naglalaro ito ng poker. Hindi naman maiwasan ni Gabriel ang magnakaw ng tingin kay Samantha. Biglang dumating si Edward ang kaibigan nito na mahilig din mag Casino.
“Edward nandito ka pala, ang tagal mong nawala."Oo kahapon lang lang umuwi kasi ako sa amin," sagot nito. “Ah ganun ba sige laro muna tayo." “Sandali lang kukuha muna ako ng maiinom natin." pumunta nga ito kay Samantha. “Excuse me, dalawang beer tag iisa kami. Pakihatid nalang din." “Cashier po ako dito sir. Ipapahatid ko nalang po ang order niyo," paliwanag nito. “Gabriel tingnan mo maganda ang bagong cashier," sabi nito. “Wag munang pakialaman yan sa'akin na yan." “Naunahan pala ako iba ka talaga Gabriel ang bilis mo." “Gabriel uuwi na ako baka hinahanap na ako sa bahay inaantok narin kasi ako," sabi ni Alexa. “Teka, pano ba'to hatid ko muna ang pinsan ko Edward babalik agad ako ha hintayin mo ako wag kang aalis." “Sige." Tsaka sila lumabas at hindi nagpaalam kay Samantha. Paglingon ni Samantha wala na naman si Gabriel. “Nasaan na naman kaya ang Gabriel na yun. Gabi-gabi iba't ibang babae nalang ang dinadala," sabi nito sa kasama. “Sinabi mo pa, lapitin ng babae ang gwapo kasi." Habang hinihintay ni Edward si Gabriel ay lumapit ito kay Samantha. “Hi, I'm Edward," pakilala nito sa akin. “Samantha, mamaya na tayo mag usap sir busy pa kasi ako," sagot ko kay Edward. “Don't worry naiintindihan ko." “Sige pwede na hindi na ako busy." “Kailan ka nagsimulang mavgrabaho dito hindi kasi kita napansin," tanong nito. “Bago lang din wala pang isang taon." “Madami bang nagsabi sayo na maganda ka?" tanong nito sa akin. “ Ha, meron narin." Maya maya dumating na si Gabriel at nakita nyang nakikipagkwentuhan si Edward kay Samantha. “Nakakadisturbo ba ako sa pag-uusap niyong dalawa," sabi nito. “Gabriel, wala lang nagtatanong lang naman a ko kay Samantha kung kailan sya nagsimula dito hindi ko kasi sya nakita dalawang taon narin kasi akong hindi nagpupunta dito." “Sige na maglaro na tayo baka nadidisturbo na natin si Samantha sa trabaho niya."Tsaka sila umalis at naglaro uit. “Ang ganda dalawang lalaking ubod ng gwapo ang lumalapit sa kaibigan ko," pang aasar ng kasama ko. “Ano ka ba Erika nakikipag-usap lang yung tao noh, syempre kakausapin ko kasi costumer dito. Yun lang naman," paliwanag nito. “Okay... iba talaga ng kaibigan ko." “Diba sinabihan na kota na akin lang si Samantha," paalala nito sa kaibigan. “Nakikipag-usap lang naman ako sa kanya may mali ba dun sige na hindi na ako lalapit pa kay Samantha." “Good, nagkakaintintihan tayo." Pagkatapos nilang maglaro umuwi na si Edward at yung iba umuwi narin perl si Gabriel hinihintay parin si Samantha. “Matagal ka pa ba?" tanong nito. “Sino ba kasi ang nagsabing hintayin mo ako," sarkastikong sagot ko. “Salamat ka pa nga hinihintay kita." “Edi sana sumama ka narin sa kaibigan mo o dun sa nobya mo o pinsan mo." “Ah ganun ikaw na nga ang ihahatid ikaw pa tong ayaw at galit. Sige uuwi na ako. Bye!" Umalis na nga si Gabriel at parang nanghihinayang ako dahil mahirap makasakay. “Ayan tuloy nagalit kung ako sayo wag mo ng sungitan kaibiganin mo nalang para makalibre ka naman ng sakay," sabi ng kaibigan kung si Erika. “Siguro napasubra lang ako. Aaminin ko na hindi nga maganda yung inasal ko sa kanya. Baka kasi tuluyan na akong mahulog sa kanya tapos iiwanan din naman ako sa ere..." “Advance ka masyado mag isip no, hindi mo pa nga talaga kilala si Gabriel." “Tama napakajudgemental ko ba tao. Natatakot lang ako nakita mo naman ang mga babae naghahabol sa kanya." “Eh lahat ba, malay mo ayaw nya sa babaeng yun kasi ikaw pakipot tapos pa hard to get. Ba ka yan ang nagustuhan nya sayo." “Siguro, tara uwi na tayo." “Ako may susundo sa aking nobyo. Eh ikaw paano ka ngayon. Sabay ka nalang sa amin." “Wag na kaya ko naman maglakad o baka may sasakyan dadaan dito." “O sige, aalis na kami. Mag iingat ka." Tsaka umalis na si Erika kasama ang boyfriend niya. Ako naiwan sa daan. Perk sa hindi pala kalayuan nakita ko ang sasakyan ni Gabriel. Nagpaandar ito. “Halika na wag ka ng matigas dyan. Sumakay ka nalang mahirap na ba ka mapano ka." “Sige na nga." Pumayag narin ako dahil delikado din naman ang daan at mahirap na baka may loko loko. “Kanina anong pinag-usapan niyo ni Edward?" “Wala, tinanong lang naman niya kung kailan ako nagtrabaho sa Casino dahil hindi niya daw ako nakita." “Mukhang intresado din pala si Edward sayo." “Kayo ng nobya mo bakit nag away kayo kanina?" tanong ko sa kanya. “Bakit selos ka noh, hindi ko sya nobya." “Ano yung kagabi kung maglandi nga sayo daig pa ninyo ang mag asawa." “Nagseselos ka nga." “Bakit naman ako magseselos bakit nobya mo ba ako." “Hindi pero malapit na, magpag asa ba kung manliligaw ako." “Asa ka pa." Nang biglang huminto ang sasakyan at hinalikan ako. “Wala din naman ako pag-asa." “Gabriel...!" tinugon ko naman ang halik ni Gabriel matagal din kaming naghalikan bago kami bumitaw sa isa't isa. “Bakit mo naman ginawa 'yon" “Sabi mo walang pag-asa kaya daanin nalang natin sa madali-an, pero halata namang gusto mo." His a good kisser, at napakabango pa habang pinagmamasdan ko ang kanyang mata nakikita kung seryuso sya. “Samantha, nandito na tayo," tawag sa'kin ni Gabriel habang natutulala parin dahil sa ginawa nya. “Nandito na pala ako. Salamat." “Sana hindi ka makatulog sa halik ko." “Ewan ko sayo." Pagdating ko sa loob ng kwarto ko hindi parang hindi parin naalis ang mga labi ni Gabriel pilit ko naman kinalalimutan ang ginawa nya at inisip ko nalang na ginawa nya yun dahil gusto lamg nya siguro akong maniwala na may gusto sya sa'kin. Kinabukasan maaga nga itong tumawag sa 'kin. “Hello, ano na naman?" “Kumusta ka na Samantha?" “Okay naman ako." “Nakatulog ka ba kagabi. Kumusta naman ang halik ko masarap ba." “Kung akala mo gusto ko yung halik mo nagkakamali ka!" Tsaka ko binaba ang cellphone ko. “Ano kaya nangyari dun bigla nalang akong binabaan ng tawag, kukulitin at kukulitin kita Samantha hangga't maging akin ka na. Si Papa tumatawag. Hello Papa!" “Kumusta kana dyan Hijo wala ka bang balak na sumunod dito sa Amerika?" “Dad, I'm okay at gusto ko dito. Napakaborong ng life dyan." “Pero anak, kailangan kita humihina na ang Papa mo ikaw na ang magpatuloy ng business natin." “Dad pag-iisipan ko po ha. Kumusta na pala ang Mama?" “Alam mo naman ang Mama mo simula dumating kami dito halos araw araw nalang pumupunta sa mga kaibigan nya, kaya kailangan kita dito." “Kawawa ka naman pala Dad. Sige lang po may aayusin lamg muna po ako dito tsaka pupunta na po ako ng US." “Aasahan kita anak." Tsaka binaba ang tawag nang may biglang kumatok at binuksan ang pinto nito ng kwarto. “Kumusta?" “Gwen anong ginagawa mo dito?" “Ikaw na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sayo hindi kita gusto. May iba na akong gusto." “Sinong nagpapasok sa kanya." “Sir mapilit po nobya niyo po daw." “Hindi ka pa talaga nagbago babaero ka parin." sabi ni Gwen ang Ex-girlfriend nito. “Ex girlfriend, matagal na tayong wala bakit ka bumalik." “Sa tingin mo papayag ako basta basta mo nalang akong babaliwalain." “Sir may naghahanap daw sainyo girlfriend din daw ninyo." sabi ng isa nitong Yaya. “Ano, wala na akong girlfriend ano bang nangyayari sa mga babaeng 'to." “So anong tawag mo sa amin one night stand. Please get out! Manang wag po kayong magpapasok dito ng kahit na sino lahit pa sabihin nilang lahat na nobya ko sila." “Opo Sir." “Gwen I'm sorry tanggapin mo na kasi na wala na tayo." “Hindi ko basta-basta matatanggap Gabriel. Magkikita pa tayo." “Alexa bakit ka nangdito." “Alam mo Gabriel magbago ka na," sabi ng pinsan nitong si Alexa. “Kaya nga nagbabago na ako. Ewan ko para silang ewan basta basta nalang nagpapakita."“Alam mo isa lang naman ang gusto ko ngayon yun ay si Samantha," sabi nito sa pinsan. “Sino, yung babaeng nasa Casino sya ba ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ng pinsan nito. “S'ya nga," sagot nito. “Paano kung malaman ng yong Mama ang tungkol sa babae 'yan?" “Alam mo wala ng pakialam si Mama sa'kin sa dami ng babae na ipinakilala nya sa akin walang nagtagal." “Sige na aalis na ako." Paalam ng pinsan nito. “Pakikumusta mo ako kay Tito Armand." “Hindi ba kayo nagkita sa Casino?" “Matagal narin hindi ko sya napapansin dun." “Si Dad magka parehas talaga kayo lapitin din ng mga babae kahit may edad na," Nakangiting sabi nito habang papalabas na ito ng pinto. “Nasa lahi naming mga lalaki 'yan, anong magagawa namin ganyan talaga." “O, Yaya wag ka ng magpapasok ng kahit na sinong babae dito kahit pa sabihin nilang nobya, asawa, o kahit na anong sabihin nila wag mo silang basta basta papasukin maliban lang kay Alexa dahil pinsan ko s'ya." Utos nito sa kanyang katulong. Dagdag p
Medyo nakainom na si Gabriel sa oras na 'yon at napasandal sa'kin na hindi maiwasan tingnan ang kanyang napakaamong mukha hinintay ko nalang ito hanggang magising. “Samantha, pasensya nakatulog ako sige hatid na kita." “Okay lang naman sa akin 'yon Gabriel naiintindihan ko naman na medyo lasing ka na, sige hatid mo nalang ako." Hinatid n'ya naman ako at wala naman syang ginawa sa'kin. Hindi ko parin lubos maisip bakit ako ang gusto ni Gabriel na madami namang babae ang nagkandarapa sa kanya. Kinaumagahan paggising ko kailangan kung tumawag sa magulang ko dahil narin sa gamot ng aking tatay na may iniinda ng sakit. “Hello nay. Kumusta na po si Tatay?" “Anak ok na sya may kailangan lang akong bilhin na gamot nya na resita ng doktor." “Sinabi ko naman kasi na wag na magtraho ang tatay magpapadala naman ako sainyo nay hindi na kailangan pa ni tatay magtrabaho." “Hindi Anak alam mo naman ang tatay mo ayaw na ayaw nyang umasa sa'yo." “Ang tigas ang ulo ni Tatay. Sige nay magpapad
“Sige kukuha magbubook muna ako ng flight, Mama." “Sige hihintayin ka namin dito ng papa mo, Gabriel." Agad naman nitong sinabi sa pinsan ang nangyari. “Alexa, ang daddy inataki sa puso kailangan ko munang bumalik sa Amerika." “Ano? ,kmusta nadaw si Tito?" “Nasa kritikal si Papa. Alexa kung maaari wag mo sanang ipaalam na aalis ako. Kahit sino kahit si Samantha." “Sige makakaasa ka." Simula ng araw na'yon hindi na nagpakita si Gabriel sa Casino. “Erika, napansin mo ba si Gabriel?"nagtatakang tanong ko sa kasama ko at halos one weel ko narin hindi nakikita si Gabriel sa Casino nagsimula na akong magduda. “Oo nga noh, hindi ko pa sya nakikita ano kayang nangyari dun. Itanong mo daw kay bossing baka alam niya kung saan na si Gabriel." “Tama pala close pala sila bi bossing." “Ayun si boss puntahan mo." “Boss." Tawag ko sa amo ko habang may kausap. “O, Samantha may problema ba? sandali lang ha maiwan ko muna kayo. Anong sa atin hija?" “Boss alam niyo po ba kung nasa na si
“Nasaan kana kaya Gabriel." tanong ko sa sarili habang gulong gulo parin ako. “Samantha wag kang masyadong mag-isip kay Gabriel nandyan naman si Edward oh pogi din naman walang hiya ang Gabriel na yun akala ko mabait." “Erika ikaw muna dito ha hihiha lang ako nahihilo ako." “Namumutla ka nga Samantha kumain ka na ba, may dala akong pakbet dito." “Wag na nasusuka ako siguro dahil acidic ako." “Baka iba na'yan ha, pacheck up ka kaya. Sasamahan kita." “Hindi na, ako nalang magpapacheck up dito ka nalang." “Sige ako nalang magsasabi kay boss. Text mo ako ha kung anong resulta ha." “Sige Erika, salamat talaga at palagi kang nandyan para sa akin." Kahit nahihilo na ako ay pinilit ko parin pumunta ng doktor para magpacheck up. “Good morning po doc." “Good morning po ano pong ang nararamdaman natin Ma'am?" “Doc halos dalawang linggo na po ako nahihilo at nasusuka doc." “Tingnan natin pasok ka po Ma'am check po natin." “Wala naman pong problema Ma'am pero kaya po kayo nahihilo, a
“Nay, ang sakit po," sigaw ko habang hawak ko ang kamay ng Nanay. “Anak hindi na ako pwedeng sumama sa loob, kaya mo 'yan ganyan din yung naranasan ko nung pinanganak kita kaya kayanin mo anak." “Sige Nay." Tsaka ako nila ako pinasok sa delivery room. Makaraan ang tatlong oras pinanganak ko na ang anak namin ni Gabriel nawalan ako ng malay pagkatapos kung isilang ang aming anak na babae. “Doc, kumusta na po ang anak ko?"tanong ng nanay sa doctor. “Ah, kayo po ba ang ina ng pasyente? maayos naman po sya ngayon nasan ba ang ama ng bata?" “Wala na po doc iniwan na po silang mag-ina." “Ganun po ba sige kayo nalang po ang pumasok sa loob Ma'am para may mag assist po sa pasyente ." “Anak, kumusta ka na?"tanong ng nanay sa'kin dahil sa subrang pag-aalala nito. “Nay okay lang naman po ako pero ang sakit pala manganak." “Ito na po ang baby niyo Ma'am," sabi ng nurse habang karga ang aking anak. “Ang ganda ng bata anak nagmana sayo." “Talaga Nay?" Tsaka kinarga ni Nanay ang bata.
“Nay, tatawagan ko muna ang kaibigan ko para naman malibre naman ako ng matitirhan habang naghahanap pa ako ng trabaho. “Sige Anak, mabait ba 'yang kaibigan mo?" Paninigurado ni Nanay. “Opo Nay, subrang bait po ni Erika sa'kin," sagot ko sa Nanay habang naglalaba ako ng damit namin ni Christine. Tumayo akp para tawagan so Erika. Dialing... “Hello, sino to?" tanong sa'kin ng kaibigan ko. “Erika, si Samantha 'to." “Ikaw ba talaga 'to bakit ngayon kalang tumawag?" “Kasi, kailangan ko ng trabaho." “Tama bumalik ka dito sa Casino, marami ng mayayaman dito ngayon baka makabingwit ka ng foreigner." “Kailan man wala na akong balak bumalik dyan Erika baka makita ko yung lalaking kinasusuklaman ko." “Five years na pala ang tagal na pero hindi ko parin nakikita si Gabriel dito, lang hiya yung lalaking 'yun pagkatapos ng lahat di ka manlang hinanap." Galit na sabi ng kaibigan ko. “Hayaan mo na ang lalaking yun wala narin naman akong kahit katiting na pagmamahal sa lalaking 'yun. Ano
“Ano alis tayo ngayon?" tanong ni Erika. “Sige para maaga tayong makauwi para makapagtraho kapa" “Daan muna tayo sa computer shop magpagawa tayo ng resume mo." Pagkatapos naming magpagawa ng resume ay dumeretso na kami sa pagpasa ng aking resume. “Goodmorning po Ma'am mag aaply po yung aking kasama bilang katulong may bakante po ba?" tanong ni Erika sa isang staff ng agency. “May resume na po ba kayo dyan, may contact number narin po ba pakisiguro lang po na nalagyan po ng contact number niyo para para matawagan po namin kayo pag may naghahanap na po?" “Siya lang po yung mag-aapply Ma'am,"sabi ni Erika. “Sige hintayin niyo nalang po ang tawag namin Ma'am ha," sabi ng babae habang binabasa ang resume. “Sige po Ma'am." Saktong pag alis namib sa agency ay dumating naman si Gabriel at ang fiancee nito. “Good morning sir, and Ma'am." “Good morning! May bakante ba kayong tao na pwede mag apply ng katulong sa amin, kailangan kasi namin ng fiancee ko." “Sir tamang tama meron po
“Maaga pala aalis ngayon si Gabriel, gusto ko sana ipagluto mo sya ng masarap marunonh ka ba magluto?" utos ni Jennifer sa'kin. “Marunong po Ma'am," sagot ko sa tanong nito. “Sige ikaw na bahala dito ha at maliligo akp kakatapos lang ni Gabriel maligo paunahin mo nalang syang kumain at matatagalan pa ako," paliwanag ni Jennifer bago ito nagshower. Pababa naman sa oras na yun si Gabriel na nakatapis lang ng towel, habang ako naman nagluluto sa kusina. Hindi alam na tinitingnan nya pala ako habang nagluluto. “Good morning Samantha anong niluluto mo?" Ang tagal pa bago ako nakasagot. Biglang hinawakan niya ang baywang ko niyakap patalikod galit ako sa kanya kaya nilayo ko ang sarili ko. “Pwede ba Gabriel, mahiya ka naman kay Jennifer!" Galit na sabi ko sa kanya. “I'm sorry hindi ko mapigilan." “May binubuhay ako at kailangan ko ang trabaho nato para may maipadala ako sa kanila kaya wag mo sirain sa asawa mo." “Hindi ko pa sya asawa. Tutulungan kita magkano ang kailanagan
Kaya pagkagising nito ay tinanong na naman ulit ni Jennifer ang katulong nito. “Wala ka ba talagang napansin sa sir Gabriel mo magsabi ka nalang totoo Manang,” pilit na tanong nito sa katulong. “Wala po talaga Ma’am,” sagot nito. “At saan naman kaya niya iniligay ang binili niya kahapon, alam mo ba Manang?’’ tanong nito ulit sa katulong. “Hindi ko rin alam Ma’am kung saan inilagay ni Sir, Gabriel.” Halatang kinakabahan a ng katulong nito dahil pilipilit niya itong magsabi ng totoo. “Ayaw mo bang madagdagan ang sahod mo Manang?” Sabay taas kilay. Gustuhin man ng katulong na sabihin sa kanya ang totoo niyang nakita ay natakot siya na baka siya pa ang dahilan ng pag-aaway nila at baka mawalan siya ng tuluyan. Nang magising si Gabriel ay nagmamadali ito na tila may importanteng lakad. “Mahal papasok kaba ngayon?” tanong nito sa nobyong nagmamadali. “Oo Jennifer papasok ako ngayon
“O san ka nanggaling Gabriel?” nagtatakangb tanong nito. “May pinuntahan lang,’ sagot ni Gabriel. Talaga bang nagbago kana? hindi ka naman dating ganyan nagpapaalam ka naman a akin sa tuwing aalis ka, ngayon wala ka ng pakiaalam sa relasyon natin.” “Kailangan bang bawat kilos ko ay alam mo, kahit saan ako magpunta dapat ba alam mo? Hindi pa naman tayo kasal diba?” galit na sagot ni Gabriel kay Jennifer. “Kahit na fiancee mo ako at nagsasama tayo isang bahay ba’t ang dami ng nagbago sayo Gabriel may iba kana ba!?” galit na tanong ni Jennifer. “Ayaw ko muna sanang makipagtalo ngayon Jennifer.” “Teka, hindi ko na nakita si Samantha ngayon bakit hindi parin s’ya lumalabas?’ pagtataka nito. “ Umalis na siya umuwi siya sa kanila para bantayan ang kanyang anak dahil yun ang gusto ng kanyang magulang,’ paliwanag nito. “Ganun lang hindi manlang nagpaalam sa akin, sa lahat ng ipinakita ko sa kanya ganito lang isusukli ni
“Ano kaya kung tawagan natin sila Nanay, at Tintin alam kung matutuwa sila pag nalaman nila na hindi na ako mgtatrabaho," sabi ni Samantha. “Ano kaya kung supresahin nalang natin sila," munkahi ni Gabriel. “Tama ka nga nga Gabriel kailangan ko ng bilisan ang pag iimpake habang hindi pa dumarating si Jennifer, may papalit naman sa akin sabihin mo nalang kailangan ko ng umiwi sa probisya namin para maalagaan ko ng maayos si Tintin." “Oo ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya, at sasabihin ko rin naman ang totoo sa kanya hahanap lang ako ng pagkakataon. Samantha marami akong plano para sainyo ni Tintin unang una gustong gusto ko na kayong ipakilala kay Mama, at kay Papa." “Matatanggap kaya nila kami Gabriel alam mong mahirap lang kami." "Si Tintin ang magiging tulay natin mahal ko, alam kung sabik na sabik na sila magkaapo, sa simula lang naman tayo mahihirapan pero pag nakita na nila ang anak natin sigurado akong matatanggap nila tayo." Habang si Jennifer naman ay kausap nito
"Wala may nakalimutan lang ako s'ya nga pala babe ikaw saan ka nga nagpunta? tanong nito sa kanya. "Ako? ahhh may inasikaso lang." sagot nito. "Mukhang napaka importante ng lakad mo babe." "Hindi isa lang sa mga business ko ang nakipagkita sa akin may ipinakita lang s'ya na proposal sa akin," paliwanag nito. "Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?" "Bakit hindi ba pwedeng makipagkta sa labas sa kanila. besides ako naman ang boss sa kompanya kaya pwede akong lumabas kahit kailan ko gusto." "Wala naman babe biglaan lang kasi, si Samantha nasaan nga pala siya? may lakad din?" sarkastikong tanong nito. “Hindi ko alam, siguro naggrocery lang." Halatang halata ni Gabriel na nag-iisip na ito kakaiba sa kanila. “Wala naman akong inutos sa kanya, at hindi din sya nagpaalam sa akin na lalabas s'ya." Biglang nagtaas ang kilay ni Jennifer. “Ah ganun ba o sige aalis na ako mag ingat ka lang dito babe ha baka may ahas sa bahay na'to," paalala nito. Nagtaka si Gabriel sa mga sina
Habang wala si Jennifer ay nagkasundo sila na dalawin ang kanilang anak. “Good morning mahal ko," sabay ngiti at yakap kay Samantha. “Mabuti naman at gising kana, bakit hindi ka pumasok ngayong araw na'to?" tanong ni Samantha kay Gabriel. “Mahal ko sinadya ko to para madalaw natin ang ating anak kailangan natin bumalik ngayon sa doktor," paliwanag ni Gabriel. “Tama nga no kailangan pala nating dalhin ngayon si Tintin sa kanyang doktor." “Sige na maligo na tayo ,at para maaga tayong makabalik tapos pupunta ako sa agency para makahanap na ng kapalit mo dito para maalagaan mo ng maayos ang anak natin." “Maganda nga ang plano Gabriel." Pagkatapos nilang mag-ayos dalawa ay nagtungo agad si Gabriel sa agency para maghanap ng katulong. “Good morning sir!" sabi ng agent. “Goodmorning naman," sagot nito. Habang si Samantha ay nasa labas at naghihintay sa kanya. “Ano po ang sa atin Sir?" tanong ng agent. “Ahh ako yung pumunta dito last time kasama ko ang aking fiancee
Hindi halos iniwan ni Jennifer si Samantha sunod ito ng sunod,at utos ng utos sa kanya laya pagbalik ni Gabriel galing sa trabaho ay napansin agad nito na mukhang pagod na pagod na si Samantha. “Babe, nandito kana pala." Lumapit su Jennufer at hinalikan nito si Gabriel sa labi pero umiwas ito. “Teka lang bakit pagod na pagod si Samantha?" nagtatakang tanong nito. “Bakit ba mas concern ka sa kanya katulong naman natin s'ya dito diba, ofcourse mapapagod s'ya bawal ba s'yang utusan?" “Ano ba ang nangyari sayo ba't palagi ka nalang galit, hindi ka naman dating ganyan?" “Ikaw ano ang nangyari sayo ba't panay iwas ka nalang palagi sa'kin pagod kana na naman ba?" sarkastikong tanong nito. “Jennifer please... mamaya nalang tayo mag-usap." Pumasok muna si Gabriel sa kwarto nila para makaiwas sa kanilang pagtatalo ni Jennifer. Habang si Samantha ay napayuko nalang dahil iba makatingin sa kanya si Jennifer. “Sige Samantha magpahinga kana." Sumunod naman si Jennifer sa itaas pa
“Saan ka ngayon kumukuha ng panggamot kay Tintin? tanong nito. “Baka kailangan mo ang tulong namin," dagdag pa nito. . Hindi maiwasan na magtinginan silang dalawa ni Gabriel at nahalata naman ni Jennifer ito, pero patuloy parin ang pakukunwari nito. “May tumutulong na po sa kanya Ma'am," sagot nito. “Ah ganun ba ang bait naman ng tao na 'yan." “Oo nga Ma'am napakabait n'ya po." “Pero kung kailangan mo pa ang tulong ko Samantha magsabi kalang ha?" sabi nito. “Sige po Ma'am maraming salamat po." “Ah Samantha, pwede bang bukas may ipabibili sana ako saiyo maraming kulang dito." “Sige po Ma'am wala pong problema saakin, sige maiwan ko na po kayo Ma'am." “Babe babalik kana bukas sa trabaho?" tanong ni Gabriel. “Hindi pa magpapahing muna ako, ikaw kumusta na ba ang negosyo niyo?" tanong naman sa kanya ni Jennifer. “Okay lang naman babe, naayos ko na ang problema." “I'm sure na namimiss muna ako babe, ang tagal ko sa Amerika," paglalambing ni Jennifer sa kanya.
Malapit ng sumapit ang gabi, at nagluluto na ng hapunan si Samantha habang si Gabriel naman ay nasa sofa nagbabasa ng magazine, hindi nila alam ay malapit na palang dumating si Jennifer ilang minuto simula ng dumating na ito sa airport ay hindi s'ya nagsabi kay Gabriel na bumalik na pala s'ya dahil ayaw nitong malaman ni Gabriel ang kanyang mga plano. “Gabriel pupunta muna ako sa kwarto ko,at magbibihis." Mabuti nalang at saktong pagkatapos magluto ni Samantha ay bumalik muna ito sa kanyang kwarto bago paman dumating si Jennifer. Narinig ni Gabriel ang tunog ng sasakyan sa labas kaya akala n'ya ay dumating ang kanyang pinsan kung kaya ay pinuntahan n'ya ito para buksan dahil umuwi din ang kanilang driver kaya wala syang ibang mautusan,pagkabukas n'ya ng gate ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang si Jennifer pagbukas nito ng salamin ng sasakyan. “Babe? ba't parang nakakita ka yata ng multo?"nagtatakang tanong nito. “Wala babe bakit hindi ka manlang nagsabi na darating ka
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nati