Nagmamadaling nagpatakbo ng sasakyan si Gabriel para maabutan pa nito si Samantha.
“Excuse me miss nandito paba si Samantha?" tanong nito sa isang kasamahan ni Samantha. “Kakaalis lang po ni Samantha sir Garbriel. Bakit po?" “Wala lang mga anong oras sya umalis?" “Mga bandang alas onse po, dapat po kanina pa po sya nag out pero hindi po mapakali parang may hinahanap sa paligid," sabi ng kasama nito na si Erika. “Talaga, ah ganun ba sige baka maabutan ko pa sya." “Sige po." Tsaka kumaripas ito papuntang ng takbo ang sasakyan ni Gabriel. Pero hindi nya na talaga na abutan si Samantha. Habang si Samantha naman ay inis na inis dahil sa nakita nyang kasweetan ng dalawa. “Wala akong pake kahit magharutan pa kayong dalawa akala n'ya siguro ang gwapo nya na talaga. Nakakainis yung babae na yon akala mo kung sino nakakapikon." Tsaka tinanggal ang medyas at napasandal sa higaan. Matagal din s'ya bago nakatulog sa kakaisip kay Gabriel. “Samantha anong nangyayari sayo, bakit mo ba iniisip ang lalaking yun!" tanong ko sa sarili habang pinipilit na mawala sa isip si Gabriel. Nang biglang may tumawag. “Ano ba 'to dis oras ng gabi disturbo naman. Hello, sino 'to? tanong ko sa tumatawag sa akin habang hindi mapigilan mapapikit ang mata. “Ako to si Gabriel." pakilala nito na bigla nalang napadilat ang mga mata ko ng malamam kung sino ang tumatawag. “Ikaw!? bakit anong kailangan mo at bakit alam mo anf number ko?' “Sus!ikaw talaga halata namang ako ang hinahanap mo kanina." Pang-aasar nito sa akin. “Anong hinahanap, wala naman akong pake kung anong gawin mo sa babaeng 'yun!" sagot ko sa kan'ya. “Sabi kasi ni Erika kanina habang nasa Casino ka daw may hinahanap ka at hindi ka daw mapakali, ako siguro yung hinahanap mo." “Anong pake mo kung may hinahanap ako, at hindi lang ikaw yung gwapo sa Casino madami kaya wag kang feeling," sagot ko sa kanya. “Talaga lang ha, pero halata ko naman aa mata mo iba ka makatitig, aminin mo na kasi na gusto mo rin ako," sabi nito. “Grabe namang hangin 'yan. Sige na at matutulog na ako. Wala ka na bang itatanong kasi nakakadiaturbo ka na kasi," sabi ko sa kanya. “Sige Miss sungit matulog ka na at bukas magkikita pa tayo." “Sana wag na. Goodnight!" Tsaka ko binaba ang cellphone. Nagtext talaga ano na naman ang pakulo nitong lalaking 'to “Good morning! gising na miss sungit!" “Hahaha kanina pa!" “Sungit mo taaga see you later..." “Anong see you later?"nagtatakang sabi ko sa kanya. “Sabay ka na sa akin papuntang Casino." “Hindi na magkucommute nalang ako." sagot ko sa kanya. “Hindi magandang tumanggi sa grasya," sabi nito. Sabi ko naman din, “Baka disgrasya!" “See you later sungit!" Pagkatapos kung maligo napatingin nalang ako sa labas kung totoo ba talaga ang sinabi ni Gabriel, at nakita ko nga ang kanyang sasakyan kaya nagmadali akong magbihis at bumaba. “Hi sungit halika na, alis na tayo." “Talagang ang kulit mo." “Sige na sakay ka na," sabi nito sa akin habang inaayos ang buhok sa salamin. Hindi naman ako makatanggi lalo na ng tingnan ko ang relo. “Malapit na pala akong ma late. Sige sasakay ako total nandito ka naman din at nakukulitan narin ako sayo." Habang nasa loob ako ng sasakyan mas nakita ko pa ng malapitan ang mukha ni Gabriel napaka perpekto kaya hindi na ako magdadalawang isip na isipin na kaya madami ang nagkakagusto sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Habang nagmamaneho si Gabriel may kinuha sya sa likuran ng kanyang inu-upuan. “Binili ko para sayo." “Bakit maypabulaklak ka pa, anong ibig sabihin nito?" “Wala, binili ko lang 'yan kasi kawawa naman yung babae nagbibenta kasi mga bulaklak wala namang bumibili kaya binili ko. Wala din naman akong girlfriend para bigyan nyan," sabi nito sa'kin. “Sus! kunyari ka pa dyan. E sino yung babae kagabi?" tanong ko sa kanya. “Ah, sya ba. Si Diane kaibigan ko," sagot nito sa'kin. “May kaibigan bang ganyan halos mawala na ang mga labi niyo sa kakakiss ninyong dalawa," sabi ko sa kan'ya. “Pinagbigyan ko lang naman sya, mahirap tumanggi sa grasya alam mo na," sagot nito sa akin. “Talagang ganyan kayo mga lalake. Nandito na tayo." “Siguro mamaya na ako papasok sa loob hinatid lang naman kita para hindi ka malate. May pupuntahan pa ako," paliwanag nito sa'kin. “Salamat nga pala." Tsaka ako bumaba. “Walang anuman." At mabilis nagpatakbo ng kanyang sasakyan. :“Uy ano yan, nakita ko kayo. Nanliligaw ba si Gabriel sayo Samantha?" tanong ng aking kasama. “Hindi ah, sinundo lang naman nya ako ,at itong bulaklak na'to binili lang nya sa labas naawa daw kasi sya sa isang Ginang na nagtitinda nito wala padaw benta," paliwabag ko sa kasama ko. “Hindi ako naniniwala palusot lang siguro. Pero parang nanliligaw talaga eh." “Ewan ko sayo Erika ano ba kasi mga sinabi mo. Sabi niya kasi na hindi daw ako mapakali kagabi ,at sino naman nagbigay ng number ko sa kanya?" “Abah, ewan ko basta hindi ako nagbigay ng number mo sa kanya, pero aaminin ko ako ang nagsabi sa kanya kagabi na hindi ka mapakali. Totoo naman ah." “Kahit na tingnan mo tuloy feeling nya tuloy sya yung hinahanap ko. May hinanap akong dating guest yung nagbibigay ng malaking tip napadaan kasi," depensa ko sa sarili. “Napakadefensive mo naman halatang halata ka nga kagabi inis na inis ka sa babae nya kagabi." “Alangan naman sino bang hindi maiinis sa babaeng yun, utos ng utos sa'kin hindi ko naman sinasadyang matapon yung wine nagalit." “Ang lagkit kasi ng tingin ni Gabriel sayo kaya nainis sya." “Hindi naman type si Gabriel nakita mo naman kagabi diba, at tsaka badboy ang dating nya sa akin. Kaya hindi ko sya magusgustuhan kubg mayaman naman ang dami dito. At ayaw ko sa lalaking lapitin ng mga babae masakit sa ulo yan. Sige na magtrabaho na nga tayo." “Kumusta na kayo ni Gabriel. Samantha?" tanong ni bossing na nakangiti. “Boss wala naman po boss. Ewan ko ba sa lalaking 'yon parang nang iinis lang naman sa aki n," sagot ko sa amo ko. “Ah, baka magtaka ka ako pala ang nagbigau ng number mo kanya. Makulit kasi kaya binigyan ko nalang." “Kaya pala boss bigla nalang nya akong tinext kagabi." “Wag kang mag-aalala talagang pilyo yang bata na 'yan pero mabait naman. Napakayaman ng pamilya nyan nasa labas ang magulang nya kaya dito walang nagpipigil sa kanya kaya nagagawa nya lahat ng gusto niya," kwento ni boss sa akin. “Eh..yung babaeng kasama niya kagabi boss sino yun?" “Sa pagkakaalam ko classmate niya, mahilig din kasi yun sa Casino. Matagal na yun may gusto kay Gabriel pero hindi naman niya pinapatulan dahil halos gabi gabi lasing yun kubg umuwi." “Hindi ako naniniwalang wala silang ginawa sinabi pa nga niya mahirap daw tumanggi sa grasya." “Hahaha pilyong bata. Ah sige Samantha ikaw ng bahala dito at may lalakarin pa ako ha." “Opo sir wala pong problema." Nang Biglang dumating ang asungot at may dalang babae. “Tito, saan kayo pupunta?" tanong nito sa kanyang Tito. “Aalis muna ako may mahalagang lakad. Kasama mo pala si Alexa." “Ah oo tito sinundo ko nga 'to sa airport kanina." “O sige maiwan ko na kayo, mag enjoy lang kayo dyan ha." “ Alexa, sya nga pala si Samantha." “Hi Samantha. She's pretty." sabi ng babae. “And Samantha She's my cousin. Alexa." Hello po Ma'am Alexa." “Give me some water please.." “Sandali lang kukuha muna ako Ma'am." “Bakit tubig lang inorder mo mdami namang inumin." “Alam mo naman kakararing ko lang." Habang nag uusap si Alex, at si Gabriel kami naman ni Erika panay chika sa loob. “Alam mo hindi ako naniniwalang pinsan niya." “Bakit naman?" “Tingnan mo nga nakahawak sa baywang ng babae." “Ikaw talaga kahit ano nalang iniisip mo dyan. Baka sweet lang siguro si Gabriel sa pinsan nya." “Parang iba talaga ang nararamdaman ko sa lalaking 'to aminin ko man o hindi sa aking sarili iba si Gabriel sa ibang lalaki sya yung tipong badboy pero may pagkasweet," sabi ko kay Erica. “Maypagka sweet nga kahit sa pinsan ang sweet nila noh, naiinggit yata yung isa dyan." Kantyaw sa'kin no Erica. “May pinsan din naman akong ganyan napakacaring kung minsan, at hindi ako inggit noh,"sagot ko sa mapang-asar kung kasama. “Hala ka bumalik yung kasama nya kagabi," sabi ng kasama ko. “ Excuse me nakita mo ba si Gabriel?" tanong nito sa kasama ko. “Ayun po sya Ma'am." Tinuro ng aking kasama si Gabriel,at galit itong nilapitan ng babae. “Ano ka ba Gabriel basta basta mo nalang akong iniwan kagabi." Galit na sabi ng babae. “At sino naman tong babaeng kasama mo iba na naman?" tanong nito habang nakataas ang kilay. “Sandali lang pinsan ko 'yan nakakahiya du'n tayo mag usap sa labas. Alexa dito ka lang ha, at iuuwi na kita maya maya hinihitay ko lang so Tito at aalis narin tayo." pakiusap nito sa kasama niya. “Sige Gabriel." “Halika nga labas tayo. Ano ba ang problema mo?" “Kagabi basta mo nalang akong iniwan." “Hindi ko obligasyon ang magpaliwanag sayo hindi naman kita nobya," paliwanag nito. “At pinsan mo ba talaga sya?" “Sabi ko wala akong panahon magpaliwanag!" Tsaka ito umalis at pumasok sa loob. “Gabriel!!!" Sigaw ng babae sa pangalan nito.Habang naglalaro ito ng poker. Hindi naman maiwasan ni Gabriel ang magnakaw ng tingin kay Samantha. Biglang dumating si Edward ang kaibigan nito na mahilig din mag Casino. “Edward nandito ka pala, ang tagal mong nawala." Oo kahapon lang lang umuwi kasi ako sa amin," sagot nito. “Ah ganun ba sige laro muna tayo." “Sandali lang kukuha muna ako ng maiinom natin." pumunta nga ito kay Samantha. “Excuse me, dalawang beer tag iisa kami. Pakihatid nalang din." “Cashier po ako dito sir. Ipapahatid ko nalang po ang order niyo," paliwanag nito. “Gabriel tingnan mo maganda ang bagong cashier," sabi nito. “Wag munang pakialaman yan sa'akin na yan." “Naunahan pala ako iba ka talaga Gabriel ang bilis mo." “Gabriel uuwi na ako baka hinahanap na ako sa bahay inaantok narin kasi ako," sabi ni Alexa. “Teka, pano ba'to hatid ko muna ang pinsan ko Edward babalik agad ako ha hintayin mo ako wag kang aalis." “Sige." Tsaka sila lumabas at hindi nagpaalam kay Samantha. Paglingon ni Samant
“Alam mo isa lang naman ang gusto ko ngayon yun ay si Samantha," sabi nito sa pinsan. “Sino, yung babaeng nasa Casino sya ba ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ng pinsan nito. “S'ya nga," sagot nito. “Paano kung malaman ng yong Mama ang tungkol sa babae 'yan?" “Alam mo wala ng pakialam si Mama sa'kin sa dami ng babae na ipinakilala nya sa akin walang nagtagal." “Sige na aalis na ako." Paalam ng pinsan nito. “Pakikumusta mo ako kay Tito Armand." “Hindi ba kayo nagkita sa Casino?" “Matagal narin hindi ko sya napapansin dun." “Si Dad magka parehas talaga kayo lapitin din ng mga babae kahit may edad na," Nakangiting sabi nito habang papalabas na ito ng pinto. “Nasa lahi naming mga lalaki 'yan, anong magagawa namin ganyan talaga." “O, Yaya wag ka ng magpapasok ng kahit na sinong babae dito kahit pa sabihin nilang nobya, asawa, o kahit na anong sabihin nila wag mo silang basta basta papasukin maliban lang kay Alexa dahil pinsan ko s'ya." Utos nito sa kanyang katulong. Dagdag p
Medyo nakainom na si Gabriel sa oras na 'yon at napasandal sa'kin na hindi maiwasan tingnan ang kanyang napakaamong mukha hinintay ko nalang ito hanggang magising. “Samantha, pasensya nakatulog ako sige hatid na kita." “Okay lang naman sa akin 'yon Gabriel naiintindihan ko naman na medyo lasing ka na, sige hatid mo nalang ako." Hinatid n'ya naman ako at wala naman syang ginawa sa'kin. Hindi ko parin lubos maisip bakit ako ang gusto ni Gabriel na madami namang babae ang nagkandarapa sa kanya. Kinaumagahan paggising ko kailangan kung tumawag sa magulang ko dahil narin sa gamot ng aking tatay na may iniinda ng sakit. “Hello nay. Kumusta na po si Tatay?" “Anak ok na sya may kailangan lang akong bilhin na gamot nya na resita ng doktor." “Sinabi ko naman kasi na wag na magtraho ang tatay magpapadala naman ako sainyo nay hindi na kailangan pa ni tatay magtrabaho." “Hindi Anak alam mo naman ang tatay mo ayaw na ayaw nyang umasa sa'yo." “Ang tigas ang ulo ni Tatay. Sige nay magpapad
“Sige kukuha magbubook muna ako ng flight, Mama." “Sige hihintayin ka namin dito ng papa mo, Gabriel." Agad naman nitong sinabi sa pinsan ang nangyari. “Alexa, ang daddy inataki sa puso kailangan ko munang bumalik sa Amerika." “Ano? ,kmusta nadaw si Tito?" “Nasa kritikal si Papa. Alexa kung maaari wag mo sanang ipaalam na aalis ako. Kahit sino kahit si Samantha." “Sige makakaasa ka." Simula ng araw na'yon hindi na nagpakita si Gabriel sa Casino. “Erika, napansin mo ba si Gabriel?"nagtatakang tanong ko sa kasama ko at halos one weel ko narin hindi nakikita si Gabriel sa Casino nagsimula na akong magduda. “Oo nga noh, hindi ko pa sya nakikita ano kayang nangyari dun. Itanong mo daw kay bossing baka alam niya kung saan na si Gabriel." “Tama pala close pala sila bi bossing." “Ayun si boss puntahan mo." “Boss." Tawag ko sa amo ko habang may kausap. “O, Samantha may problema ba? sandali lang ha maiwan ko muna kayo. Anong sa atin hija?" “Boss alam niyo po ba kung nasa na si
“Nasaan kana kaya Gabriel." tanong ko sa sarili habang gulong gulo parin ako. “Samantha wag kang masyadong mag-isip kay Gabriel nandyan naman si Edward oh pogi din naman walang hiya ang Gabriel na yun akala ko mabait." “Erika ikaw muna dito ha hihiha lang ako nahihilo ako." “Namumutla ka nga Samantha kumain ka na ba, may dala akong pakbet dito." “Wag na nasusuka ako siguro dahil acidic ako." “Baka iba na'yan ha, pacheck up ka kaya. Sasamahan kita." “Hindi na, ako nalang magpapacheck up dito ka nalang." “Sige ako nalang magsasabi kay boss. Text mo ako ha kung anong resulta ha." “Sige Erika, salamat talaga at palagi kang nandyan para sa akin." Kahit nahihilo na ako ay pinilit ko parin pumunta ng doktor para magpacheck up. “Good morning po doc." “Good morning po ano pong ang nararamdaman natin Ma'am?" “Doc halos dalawang linggo na po ako nahihilo at nasusuka doc." “Tingnan natin pasok ka po Ma'am check po natin." “Wala naman pong problema Ma'am pero kaya po kayo nahihilo, a
“Nay, ang sakit po," sigaw ko habang hawak ko ang kamay ng Nanay. “Anak hindi na ako pwedeng sumama sa loob, kaya mo 'yan ganyan din yung naranasan ko nung pinanganak kita kaya kayanin mo anak." “Sige Nay." Tsaka ako nila ako pinasok sa delivery room. Makaraan ang tatlong oras pinanganak ko na ang anak namin ni Gabriel nawalan ako ng malay pagkatapos kung isilang ang aming anak na babae. “Doc, kumusta na po ang anak ko?"tanong ng nanay sa doctor. “Ah, kayo po ba ang ina ng pasyente? maayos naman po sya ngayon nasan ba ang ama ng bata?" “Wala na po doc iniwan na po silang mag-ina." “Ganun po ba sige kayo nalang po ang pumasok sa loob Ma'am para may mag assist po sa pasyente ." “Anak, kumusta ka na?"tanong ng nanay sa'kin dahil sa subrang pag-aalala nito. “Nay okay lang naman po ako pero ang sakit pala manganak." “Ito na po ang baby niyo Ma'am," sabi ng nurse habang karga ang aking anak. “Ang ganda ng bata anak nagmana sayo." “Talaga Nay?" Tsaka kinarga ni Nanay ang bata.
“Nay, tatawagan ko muna ang kaibigan ko para naman malibre naman ako ng matitirhan habang naghahanap pa ako ng trabaho. “Sige Anak, mabait ba 'yang kaibigan mo?" Paninigurado ni Nanay. “Opo Nay, subrang bait po ni Erika sa'kin," sagot ko sa Nanay habang naglalaba ako ng damit namin ni Christine. Tumayo akp para tawagan so Erika. Dialing... “Hello, sino to?" tanong sa'kin ng kaibigan ko. “Erika, si Samantha 'to." “Ikaw ba talaga 'to bakit ngayon kalang tumawag?" “Kasi, kailangan ko ng trabaho." “Tama bumalik ka dito sa Casino, marami ng mayayaman dito ngayon baka makabingwit ka ng foreigner." “Kailan man wala na akong balak bumalik dyan Erika baka makita ko yung lalaking kinasusuklaman ko." “Five years na pala ang tagal na pero hindi ko parin nakikita si Gabriel dito, lang hiya yung lalaking 'yun pagkatapos ng lahat di ka manlang hinanap." Galit na sabi ng kaibigan ko. “Hayaan mo na ang lalaking yun wala narin naman akong kahit katiting na pagmamahal sa lalaking 'yun. Ano
“Ano alis tayo ngayon?" tanong ni Erika. “Sige para maaga tayong makauwi para makapagtraho kapa" “Daan muna tayo sa computer shop magpagawa tayo ng resume mo." Pagkatapos naming magpagawa ng resume ay dumeretso na kami sa pagpasa ng aking resume. “Goodmorning po Ma'am mag aaply po yung aking kasama bilang katulong may bakante po ba?" tanong ni Erika sa isang staff ng agency. “May resume na po ba kayo dyan, may contact number narin po ba pakisiguro lang po na nalagyan po ng contact number niyo para para matawagan po namin kayo pag may naghahanap na po?" “Siya lang po yung mag-aapply Ma'am,"sabi ni Erika. “Sige hintayin niyo nalang po ang tawag namin Ma'am ha," sabi ng babae habang binabasa ang resume. “Sige po Ma'am." Saktong pag alis namib sa agency ay dumating naman si Gabriel at ang fiancee nito. “Good morning sir, and Ma'am." “Good morning! May bakante ba kayong tao na pwede mag apply ng katulong sa amin, kailangan kasi namin ng fiancee ko." “Sir tamang tama meron po
"Mahal ko pauwi na ako," sabi ni Gabriel. "Mabuti naman mahal ko nakapagluto nadin pala ako ng ulam natin." Sagot ni Samantha. "I'm sure masarap 'yan kasi ikaw ang nagluto," paglalambing ni Gabriel. "Nangbola ka pa talaga," sagot ni Samantha. "Sige hintayin niyo ako pauwi na ako mahal ko," sabi ni Gabriel bago binaba ang cellphone. "Anak, uuwi ngayon ang papa mo," sabi ni Samantha sa anak. " Talaga po Mama, yehey! pupunta na po ba tayo sa Doktor mama? gusto ko na po kasing gumaling gusto ko na pong mag-aral," sabi ni Tintin. Naawa naman si Samantha sa sinabi ng anak, parang tinutusok ang kanyang puso. "Ako nalang sana ang nagkasakit anak para hindi mo maranasan itong lahat anak, hayaan mo gagaling karin magpray ka lang palagi anak," sabi ni Samantha sa anak tsaka ito niyakap. "I love you Mama," sabi ni Tintin. "Mahal na mahal ka namin ng papa mo Tintin tandaan mo 'yan." Naghanda naman ag
"Kailangan ko ng umuwi William, sana ay walang makakaalam nito," Habilin nito kay Wiliam. "Areglado Ma'am," sagot nio William. "Tapusin mo ang mga ipinapagwa ko sayo, at ito ang bayad sa susunod kung maaari sa malayong resort tayo magkita yung exclusive para walang makakakilala sa atin," sabi ni Jennifer. "Walang problema Ma'am," sagot ni William. 'Wag mo nalang akong tawaging Ma'am Jennifer nalang," utos nito. "Okay Jennifer." At umalis na nga ito. Habang si William ay naiwan sa hotel ng mag-isa. Pagdating niya sa kanilangh bahay ay naabutan pa niya si Gabriel. "Saan ka galing?"tanong ni Gabriel. "Wala kanang pakialam kung saan ako ng nanggaling, diba ayaw mo naman ng pinapakialaman ka?"sagot nito. "Jennifer nag-aalala pari ako sayo ayaw kung may mangyari sayong masama. Umuwi ka nalang muna sa US dahil dun saffe ka," paalala nito. "Hindi naman magiging delikado ang buhay ko dahil wala naman akong atraso sa iba,baka ikaw," sag
“Talagang nakita mo ang sasakyan ni Gabriel? tanong nito kay William. “Opo Maam parehong pareho po talaga ng plate number na g'binigay mo,sagot ni William.“Sige hintayin mo hanggang lumabas si Gabriel. “ Areglado Ma’am ,” sagot ni William “Tingna ko lang kung makakapagtago pa kayo ng babae mo Garriel,” sabi ni sa kanyang isip, habang nakahawak ng isang baso ng inumin. Habang naghihintay si William sa kanyang sasakyan ay napansin nito agad ang paglabas ni Gabriel sa gate, pero wala siyang ibang nakita na kasama nitong lumabas, kaya naghintay pa siya ng ilang minuto pero wala paring ibang lumabas. Umalis na si Gabriel ,ngunit si Willliam ay nasa loob parin ng kanyang sasakyan at nagababakasakali paring may ibang lalabas. May nakita nga siyang lumabas isang matandang babae ,at nagtapon ng ng basura ,at pumasok agad ito. Tinawagan nalang nito si Jennifer dahil wala talagang lumas maliban lang sa matandang babae. “Hello Ma’am?” “O William ano na lumabas na ba a
Kinabukasan ay nagkita na si William, at Jennifer para sa kanilang plano na pag-iispiya kay Gabriel at para malaman na ni Jennifer kung sino talaga ang babae ni Gabriel. Napahanga naman si WJennifer sa taglay na kagwapuhan ng binata at may kakisigan din ang pangangatawan nito ng katulad ng katawan ni Gabriel napatunayan nga nito na totoo ang mga sinasabi ni Erika ang buong akala niya ay nagbibiro lang ito sa kanya. “Excuse me Ms Jen," sabi ng binata. “William? tama ba,ikaw ba yong mag iispiya? oo nga ikaw nga ang sinasabi ng kaibigan ko,"tanong nito kay William nakilala nga anad ni Jennifer ang binata dahil sa mga sinabi nito tungkol sa binata. “Ako nga ma'am," sagot ni william napahanga naman din si william sa taglay na kagandahan ni Jennifer pero nag-aalangan itong purihin si Jennifer dahil sa tingin nito isa itong strikta. “Ito ang sobre na may lamang pera, at litrato ni Gabriel. Habang panay naman ang titig ni William kay Jennifer. “May mali ba sa suot ko William a
Kinaumagahan napabangon bigla si Samantha para gisingin si Gabriel. “Gising na! gising na Gabriel umaga na baka hinanap kana ni Jennifer," paulit-ulit niya itong gumising para makauwi na sa bahay nila. “Samantha ano kaba wala akong paki okay? kahit hanapin niya pa ako o pagalitan niya pa ako I don't care. Mas gusto ko pang manatili nalang dito Samantha kasama ninyo. Wala na akong pake sa mga iisipin sa akin ng ibang tao ang alam ko mahal ko kayo ng anak ko,ang tangi ko na lang iniisip ngayon ay kung kailan tayo magkakasama nang walang inaalalang iba," sabi ni Gabriel habang niyayakap into si Samantha. “Mabuti na lang at hinatid ka ni sir Wilson dito at ni Erika alam mo bang lasing na lasing ka kagabi, oh nga alam mo dahil nakakausap pa kita ng matino," natatawang sabi ni Samantha. “Ano nga pala ang ginawa ko kagabi. Galahad! biro lang. Syempre naman alam ko naman yan eh hindi naman talaga ako sobrang lasing makakausap ba kita ng maayos kung nasa sobrang kalasingan ako," sa
Lasing na lasing si Gabriel kaya tinawagan na lang ni Erika ang kaibigan nitong si Samantha para ipaalam sa kaibigan nito na nagpunta si Gabriel sa Casino. “O, hello erica napatawag ka? anong kailangan natin?" tanong nito sa kanyang kaibigan na si Erika. “Samantha nandito si Gabriel lasing na lasing siya at pinipilit ni sir Wilson na umuwi sa kanila pero talagang ayaw niya, ikaw na lang kaya siguro ang sumundo sa kanya dito Samantha,"pakiusap ni Erika sa kaibigan. “Ano kaya kung ihatid na lang ninyo si Gabriel dito alam mo naman ang address dito Erika, tulog na kasi ang nanay at tatay at walang magbabantay kay tintin kaya pakiusap kayo nalang ni Sir Wilson ang maghatid sa kanya dito," pakiusap nito kay Erika. “Iuwi nalang natin si sir Gabriel sa bahay ni Samantha," sabi ni Erika kay Wilson. “Mabuti pa nga sige tara na," sabi nito kahit nahihirapan ng tumayo si Gabriel ng marinig niya ang pangalan ni Samantha ay pilit itong nap at a young. “Parang gusto niyang umuwi kay s
“ Gabriel kausapin mo ako!!! bakit ayaw mo akong kausapin!? dahil guilty ka sa mga ginagawa mo sa akin, buksan mo ang pinto," galit na galit na sinipa ni Jennifer ang kwarto nila ni Gabriel habang si Gabriel naman ay nagmamadaling pumunta sa pinto ng kwarto dahil hindi na tumigil si Jennifer sa kakasipa ng pinto nila. “Hindi ko na kayang itago to sayo gusto ko ng tapusin na ang relasyon natin,"sabi ni Gabriel. “Bakit anong kasalanan ko sayo? Gabriel bakit ang bilis mong magbago ganito na lang ba kadali parang isang araw lang tayong nagsama, napaka unfair naman Gabriel,bakit ang daling mo na lang sabihin na ayaw mo na, ano ba ang ginawa ko naguguluhan na ako!!!" napahagulhol sa iyak si Jennifer Habang si Gabriel naman ay iniiwasan siyang tingnan sa mata nito. Kaya nagmadaling kinuha ni Gabriel ang susi ng sasakyan, at bigla nalang itong umalis ng hindi nagpaalam kay Jennifer. Pumunta sa casino si Gabriel kung saan una silang nagkakilala ni samantha para magpalabas ng kanyang sa
“Gabriel baka hinahanap kana ni Jennifer,"paalala nito. “kahit pa malaman niya na nandito ako wala siyang magagawa mas pipiliin ko parin na makasama kayo," sagot nito. “naaawa pa rin ako kay jennifer mas mabuting sabihin mo na lang sa kanya ang totoo alam kong masasaktan siya pero magagalit siya kung malaman niya ang totoo dahil nilhim mo sa kanya ang tungkol sa atin,"tugon ni Samantha. “sasabihin ko naman talaga sa kanya samantha," sagot ni gabriel. “salamat naman kung ganun Gabriel." “Ano kaya kung magbakasyon tayong tatlo sa malayo kasama ang anak natin gusto ko kasing makasama kayo ng matagal ng walang ibang inaalala," sabi nito kay samantha. “Gusto ko rin ang ideya mo gabriel,"sagot ni Samantha. “Mas maganda sana kung malapit sa dagat ano ang sa tingin mo mahal ko?" tanong ni Gabriel. “Maganda nga iyan Mahal ko sariwa ang hangin ,at malayo sa syudad,"sagot ni samantha. “Sana gumaling na talaga ang anak natin mahal gusto ko na talagang dalhin kayo ni tintin sa A
Kaya pagkagising nito ay tinanong na naman ulit ni Jennifer ang katulong nito. “Wala ka ba talagang napansin sa sir Gabriel mo magsabi ka nalang totoo Manang,” pilit na tanong nito sa katulong. “Wala po talaga Ma’am,” sagot nito. “At saan naman kaya niya iniligay ang binili niya kahapon, alam mo ba Manang?’’ tanong nito ulit sa katulong. “Hindi ko rin alam Ma’am kung saan inilagay ni Sir, Gabriel.” Halatang kinakabahan a ng katulong nito dahil pilipilit niya itong magsabi ng totoo. “Ayaw mo bang madagdagan ang sahod mo Manang?” Sabay taas kilay. Gustuhin man ng katulong na sabihin sa kanya ang totoo niyang nakita ay natakot siya na baka siya pa ang dahilan ng pag-aaway nila at baka mawalan siya ng tuluyan. Nang magising si Gabriel ay nagmamadali ito na tila may importanteng lakad. “Mahal papasok kaba ngayon?” tanong nito sa nobyong nagmamadali. “Oo Jennifer papasok ako ngayon