Ako si Samantha Perez malaki ang ang pangarap ko para sa aking mga magulang gusto kung yumaman kaya namasukan ako at nagtrabaho ako sa isang Casino sa Makati. Dito ko nakilala ang lalaking bibihag ng pusp ko, at wawasak din ng puso ko si Gabriel Bustamante anak ng isang mayamang bilyonaryo isang gwapo, matipuno pero badboy mahilig sa Casino. Mapili ako sa lalaki at hinding hindi ako nagpapaloko pero sa kanya lamg nahulog ang loob ko. Dito nagsimula ang aking kwento. “Samantha, s'ya nga pala hinahanap ka ni bossing," tawag ng isa kung kasama. “Erika, sabihin mo mamaya na ha may tinatapos pa ako," sabi ko sa kasama ko. “Uy, alam mo ba may kasama si bossing gwapo," sabi ni Erika pero hindi naman ako intresado. “Hay nako ano kaba sanay na akong makakita ng ganyang pagmumukha," sagot ko sa kasama ko. Nang biglang dumating ang amo ko at kasama nito ang isang mataas, gwapo at matiounong lalaki hindi ako makakilos at hindi maalis ang mata ko sa kanya habang nililinisan ko ang basong
Maaga akong gumising para magpadala ng pera sa Magulang ko at pagkatapos maglalaba, at papasok sa trabaho hopefully hindi ko makita ang asungot na yun. “Hello Nay,nagpdala na po ako ng pera nay," sabi ko sa Nanay habang kausap sa kabilang linya. “Anak, maraming salamat ha nag-abala ka pa talaga sana itago mo nalang yang pera mo okay naman kami ng tatay mo at mga kapatid mo dito," sagot ng Nanay. “Sige Nay, maglalaba pa ako ng mga damit ko at papasok pa ako sa trabaho. Hayaan mo nay magsisikap ako at mag aasawa ako ng mayaman para naman maibigay ko pa ang gusto niyo ayaw kung nakikitang nahihirapan kayo," sabi ko sa maganda kung Nanay. “Hindi mo na kailangan gawin yan anak kontento naman kami ng tatay mo dito, Ah, basta anak ha mag-iingat ka dyan alam mo naman malayo kami. ng tatay mo," habilin ni Nanay sa akin. “Opo Inay..." Tsaka sabay naming binaba ang tawag. “Kakapagod talaga maglaba. Anong oras na ba. Naku, malapit na pala mag alas tres." Tsaka ito naligo para pu
Nagmamadaling nagpatakbo ng sasakyan si Gabriel para maabutan pa nito si Samantha. “Excuse me miss nandito paba si Samantha?" tanong nito sa isang kasamahan ni Samantha. “Kakaalis lang po ni Samantha sir Garbriel. Bakit po?" “Wala lang mga anong oras sya umalis?" “Mga bandang alas onse po, dapat po kanina pa po sya nag out pero hindi po mapakali parang may hinahanap sa paligid," sabi ng kasama nito na si Erika. “Talaga, ah ganun ba sige baka maabutan ko pa sya." “Sige po." Tsaka kumaripas ito papuntang ng takbo ang sasakyan ni Gabriel. Pero hindi nya na talaga na abutan si Samantha. Habang si Samantha naman ay inis na inis dahil sa nakita nyang kasweetan ng dalawa. “Wala akong pake kahit magharutan pa kayong dalawa akala n'ya siguro ang gwapo nya na talaga. Nakakainis yung babae na yon akala mo kung sino nakakapikon." Tsaka tinanggal ang medyas at napasandal sa higaan. Matagal din s'ya bago nakatulog sa kakaisip kay Gabriel. “Samantha anong nangyayari sayo, bakit mo ba
Habang naglalaro ito ng poker. Hindi naman maiwasan ni Gabriel ang magnakaw ng tingin kay Samantha. Biglang dumating si Edward ang kaibigan nito na mahilig din mag Casino. “Edward nandito ka pala, ang tagal mong nawala." Oo kahapon lang lang umuwi kasi ako sa amin," sagot nito. “Ah ganun ba sige laro muna tayo." “Sandali lang kukuha muna ako ng maiinom natin." pumunta nga ito kay Samantha. “Excuse me, dalawang beer tag iisa kami. Pakihatid nalang din." “Cashier po ako dito sir. Ipapahatid ko nalang po ang order niyo," paliwanag nito. “Gabriel tingnan mo maganda ang bagong cashier," sabi nito. “Wag munang pakialaman yan sa'akin na yan." “Naunahan pala ako iba ka talaga Gabriel ang bilis mo." “Gabriel uuwi na ako baka hinahanap na ako sa bahay inaantok narin kasi ako," sabi ni Alexa. “Teka, pano ba'to hatid ko muna ang pinsan ko Edward babalik agad ako ha hintayin mo ako wag kang aalis." “Sige." Tsaka sila lumabas at hindi nagpaalam kay Samantha. Paglingon ni Samant
“Alam mo isa lang naman ang gusto ko ngayon yun ay si Samantha," sabi nito sa pinsan. “Sino, yung babaeng nasa Casino sya ba ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ng pinsan nito. “S'ya nga," sagot nito. “Paano kung malaman ng yong Mama ang tungkol sa babae 'yan?" “Alam mo wala ng pakialam si Mama sa'kin sa dami ng babae na ipinakilala nya sa akin walang nagtagal." “Sige na aalis na ako." Paalam ng pinsan nito. “Pakikumusta mo ako kay Tito Armand." “Hindi ba kayo nagkita sa Casino?" “Matagal narin hindi ko sya napapansin dun." “Si Dad magka parehas talaga kayo lapitin din ng mga babae kahit may edad na," Nakangiting sabi nito habang papalabas na ito ng pinto. “Nasa lahi naming mga lalaki 'yan, anong magagawa namin ganyan talaga." “O, Yaya wag ka ng magpapasok ng kahit na sinong babae dito kahit pa sabihin nilang nobya, asawa, o kahit na anong sabihin nila wag mo silang basta basta papasukin maliban lang kay Alexa dahil pinsan ko s'ya." Utos nito sa kanyang katulong. Dagdag p
Medyo nakainom na si Gabriel sa oras na 'yon at napasandal sa'kin na hindi maiwasan tingnan ang kanyang napakaamong mukha hinintay ko nalang ito hanggang magising. “Samantha, pasensya nakatulog ako sige hatid na kita." “Okay lang naman sa akin 'yon Gabriel naiintindihan ko naman na medyo lasing ka na, sige hatid mo nalang ako." Hinatid n'ya naman ako at wala naman syang ginawa sa'kin. Hindi ko parin lubos maisip bakit ako ang gusto ni Gabriel na madami namang babae ang nagkandarapa sa kanya. Kinaumagahan paggising ko kailangan kung tumawag sa magulang ko dahil narin sa gamot ng aking tatay na may iniinda ng sakit. “Hello nay. Kumusta na po si Tatay?" “Anak ok na sya may kailangan lang akong bilhin na gamot nya na resita ng doktor." “Sinabi ko naman kasi na wag na magtraho ang tatay magpapadala naman ako sainyo nay hindi na kailangan pa ni tatay magtrabaho." “Hindi Anak alam mo naman ang tatay mo ayaw na ayaw nyang umasa sa'yo." “Ang tigas ang ulo ni Tatay. Sige nay magpapad
“Sige kukuha magbubook muna ako ng flight, Mama." “Sige hihintayin ka namin dito ng papa mo, Gabriel." Agad naman nitong sinabi sa pinsan ang nangyari. “Alexa, ang daddy inataki sa puso kailangan ko munang bumalik sa Amerika." “Ano? ,kmusta nadaw si Tito?" “Nasa kritikal si Papa. Alexa kung maaari wag mo sanang ipaalam na aalis ako. Kahit sino kahit si Samantha." “Sige makakaasa ka." Simula ng araw na'yon hindi na nagpakita si Gabriel sa Casino. “Erika, napansin mo ba si Gabriel?"nagtatakang tanong ko sa kasama ko at halos one weel ko narin hindi nakikita si Gabriel sa Casino nagsimula na akong magduda. “Oo nga noh, hindi ko pa sya nakikita ano kayang nangyari dun. Itanong mo daw kay bossing baka alam niya kung saan na si Gabriel." “Tama pala close pala sila bi bossing." “Ayun si boss puntahan mo." “Boss." Tawag ko sa amo ko habang may kausap. “O, Samantha may problema ba? sandali lang ha maiwan ko muna kayo. Anong sa atin hija?" “Boss alam niyo po ba kung nasa na si
“Nasaan kana kaya Gabriel." tanong ko sa sarili habang gulong gulo parin ako. “Samantha wag kang masyadong mag-isip kay Gabriel nandyan naman si Edward oh pogi din naman walang hiya ang Gabriel na yun akala ko mabait." “Erika ikaw muna dito ha hihiha lang ako nahihilo ako." “Namumutla ka nga Samantha kumain ka na ba, may dala akong pakbet dito." “Wag na nasusuka ako siguro dahil acidic ako." “Baka iba na'yan ha, pacheck up ka kaya. Sasamahan kita." “Hindi na, ako nalang magpapacheck up dito ka nalang." “Sige ako nalang magsasabi kay boss. Text mo ako ha kung anong resulta ha." “Sige Erika, salamat talaga at palagi kang nandyan para sa akin." Kahit nahihilo na ako ay pinilit ko parin pumunta ng doktor para magpacheck up. “Good morning po doc." “Good morning po ano pong ang nararamdaman natin Ma'am?" “Doc halos dalawang linggo na po ako nahihilo at nasusuka doc." “Tingnan natin pasok ka po Ma'am check po natin." “Wala naman pong problema Ma'am pero kaya po kayo nahihilo, a
Kaya pagkagising nito ay tinanong na naman ulit ni Jennifer ang katulong nito. “Wala ka ba talagang napansin sa sir Gabriel mo magsabi ka nalang totoo Manang,” pilit na tanong nito sa katulong. “Wala po talaga Ma’am,” sagot nito. “At saan naman kaya niya iniligay ang binili niya kahapon, alam mo ba Manang?’’ tanong nito ulit sa katulong. “Hindi ko rin alam Ma’am kung saan inilagay ni Sir, Gabriel.” Halatang kinakabahan a ng katulong nito dahil pilipilit niya itong magsabi ng totoo. “Ayaw mo bang madagdagan ang sahod mo Manang?” Sabay taas kilay. Gustuhin man ng katulong na sabihin sa kanya ang totoo niyang nakita ay natakot siya na baka siya pa ang dahilan ng pag-aaway nila at baka mawalan siya ng tuluyan. Nang magising si Gabriel ay nagmamadali ito na tila may importanteng lakad. “Mahal papasok kaba ngayon?” tanong nito sa nobyong nagmamadali. “Oo Jennifer papasok ako ngayon
“O san ka nanggaling Gabriel?” nagtatakangb tanong nito. “May pinuntahan lang,’ sagot ni Gabriel. Talaga bang nagbago kana? hindi ka naman dating ganyan nagpapaalam ka naman a akin sa tuwing aalis ka, ngayon wala ka ng pakiaalam sa relasyon natin.” “Kailangan bang bawat kilos ko ay alam mo, kahit saan ako magpunta dapat ba alam mo? Hindi pa naman tayo kasal diba?” galit na sagot ni Gabriel kay Jennifer. “Kahit na fiancee mo ako at nagsasama tayo isang bahay ba’t ang dami ng nagbago sayo Gabriel may iba kana ba!?” galit na tanong ni Jennifer. “Ayaw ko muna sanang makipagtalo ngayon Jennifer.” “Teka, hindi ko na nakita si Samantha ngayon bakit hindi parin s’ya lumalabas?’ pagtataka nito. “ Umalis na siya umuwi siya sa kanila para bantayan ang kanyang anak dahil yun ang gusto ng kanyang magulang,’ paliwanag nito. “Ganun lang hindi manlang nagpaalam sa akin, sa lahat ng ipinakita ko sa kanya ganito lang isusukli ni
“Ano kaya kung tawagan natin sila Nanay, at Tintin alam kung matutuwa sila pag nalaman nila na hindi na ako mgtatrabaho," sabi ni Samantha. “Ano kaya kung supresahin nalang natin sila," munkahi ni Gabriel. “Tama ka nga nga Gabriel kailangan ko ng bilisan ang pag iimpake habang hindi pa dumarating si Jennifer, may papalit naman sa akin sabihin mo nalang kailangan ko ng umiwi sa probisya namin para maalagaan ko ng maayos si Tintin." “Oo ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya, at sasabihin ko rin naman ang totoo sa kanya hahanap lang ako ng pagkakataon. Samantha marami akong plano para sainyo ni Tintin unang una gustong gusto ko na kayong ipakilala kay Mama, at kay Papa." “Matatanggap kaya nila kami Gabriel alam mong mahirap lang kami." "Si Tintin ang magiging tulay natin mahal ko, alam kung sabik na sabik na sila magkaapo, sa simula lang naman tayo mahihirapan pero pag nakita na nila ang anak natin sigurado akong matatanggap nila tayo." Habang si Jennifer naman ay kausap nito
"Wala may nakalimutan lang ako s'ya nga pala babe ikaw saan ka nga nagpunta? tanong nito sa kanya. "Ako? ahhh may inasikaso lang." sagot nito. "Mukhang napaka importante ng lakad mo babe." "Hindi isa lang sa mga business ko ang nakipagkita sa akin may ipinakita lang s'ya na proposal sa akin," paliwanag nito. "Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?" "Bakit hindi ba pwedeng makipagkta sa labas sa kanila. besides ako naman ang boss sa kompanya kaya pwede akong lumabas kahit kailan ko gusto." "Wala naman babe biglaan lang kasi, si Samantha nasaan nga pala siya? may lakad din?" sarkastikong tanong nito. “Hindi ko alam, siguro naggrocery lang." Halatang halata ni Gabriel na nag-iisip na ito kakaiba sa kanila. “Wala naman akong inutos sa kanya, at hindi din sya nagpaalam sa akin na lalabas s'ya." Biglang nagtaas ang kilay ni Jennifer. “Ah ganun ba o sige aalis na ako mag ingat ka lang dito babe ha baka may ahas sa bahay na'to," paalala nito. Nagtaka si Gabriel sa mga sina
Habang wala si Jennifer ay nagkasundo sila na dalawin ang kanilang anak. “Good morning mahal ko," sabay ngiti at yakap kay Samantha. “Mabuti naman at gising kana, bakit hindi ka pumasok ngayong araw na'to?" tanong ni Samantha kay Gabriel. “Mahal ko sinadya ko to para madalaw natin ang ating anak kailangan natin bumalik ngayon sa doktor," paliwanag ni Gabriel. “Tama nga no kailangan pala nating dalhin ngayon si Tintin sa kanyang doktor." “Sige na maligo na tayo ,at para maaga tayong makabalik tapos pupunta ako sa agency para makahanap na ng kapalit mo dito para maalagaan mo ng maayos ang anak natin." “Maganda nga ang plano Gabriel." Pagkatapos nilang mag-ayos dalawa ay nagtungo agad si Gabriel sa agency para maghanap ng katulong. “Good morning sir!" sabi ng agent. “Goodmorning naman," sagot nito. Habang si Samantha ay nasa labas at naghihintay sa kanya. “Ano po ang sa atin Sir?" tanong ng agent. “Ahh ako yung pumunta dito last time kasama ko ang aking fiancee
Hindi halos iniwan ni Jennifer si Samantha sunod ito ng sunod,at utos ng utos sa kanya laya pagbalik ni Gabriel galing sa trabaho ay napansin agad nito na mukhang pagod na pagod na si Samantha. “Babe, nandito kana pala." Lumapit su Jennufer at hinalikan nito si Gabriel sa labi pero umiwas ito. “Teka lang bakit pagod na pagod si Samantha?" nagtatakang tanong nito. “Bakit ba mas concern ka sa kanya katulong naman natin s'ya dito diba, ofcourse mapapagod s'ya bawal ba s'yang utusan?" “Ano ba ang nangyari sayo ba't palagi ka nalang galit, hindi ka naman dating ganyan?" “Ikaw ano ang nangyari sayo ba't panay iwas ka nalang palagi sa'kin pagod kana na naman ba?" sarkastikong tanong nito. “Jennifer please... mamaya nalang tayo mag-usap." Pumasok muna si Gabriel sa kwarto nila para makaiwas sa kanilang pagtatalo ni Jennifer. Habang si Samantha ay napayuko nalang dahil iba makatingin sa kanya si Jennifer. “Sige Samantha magpahinga kana." Sumunod naman si Jennifer sa itaas pa
“Saan ka ngayon kumukuha ng panggamot kay Tintin? tanong nito. “Baka kailangan mo ang tulong namin," dagdag pa nito. . Hindi maiwasan na magtinginan silang dalawa ni Gabriel at nahalata naman ni Jennifer ito, pero patuloy parin ang pakukunwari nito. “May tumutulong na po sa kanya Ma'am," sagot nito. “Ah ganun ba ang bait naman ng tao na 'yan." “Oo nga Ma'am napakabait n'ya po." “Pero kung kailangan mo pa ang tulong ko Samantha magsabi kalang ha?" sabi nito. “Sige po Ma'am maraming salamat po." “Ah Samantha, pwede bang bukas may ipabibili sana ako saiyo maraming kulang dito." “Sige po Ma'am wala pong problema saakin, sige maiwan ko na po kayo Ma'am." “Babe babalik kana bukas sa trabaho?" tanong ni Gabriel. “Hindi pa magpapahing muna ako, ikaw kumusta na ba ang negosyo niyo?" tanong naman sa kanya ni Jennifer. “Okay lang naman babe, naayos ko na ang problema." “I'm sure na namimiss muna ako babe, ang tagal ko sa Amerika," paglalambing ni Jennifer sa kanya.
Malapit ng sumapit ang gabi, at nagluluto na ng hapunan si Samantha habang si Gabriel naman ay nasa sofa nagbabasa ng magazine, hindi nila alam ay malapit na palang dumating si Jennifer ilang minuto simula ng dumating na ito sa airport ay hindi s'ya nagsabi kay Gabriel na bumalik na pala s'ya dahil ayaw nitong malaman ni Gabriel ang kanyang mga plano. “Gabriel pupunta muna ako sa kwarto ko,at magbibihis." Mabuti nalang at saktong pagkatapos magluto ni Samantha ay bumalik muna ito sa kanyang kwarto bago paman dumating si Jennifer. Narinig ni Gabriel ang tunog ng sasakyan sa labas kaya akala n'ya ay dumating ang kanyang pinsan kung kaya ay pinuntahan n'ya ito para buksan dahil umuwi din ang kanilang driver kaya wala syang ibang mautusan,pagkabukas n'ya ng gate ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang si Jennifer pagbukas nito ng salamin ng sasakyan. “Babe? ba't parang nakakita ka yata ng multo?"nagtatakang tanong nito. “Wala babe bakit hindi ka manlang nagsabi na darating ka
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nati