Share

CLAY'S GARDEN

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-04-03 18:50:53

HALOS alas-nuebe na ng gabi nang makarating sa Clay's Garden si Tori at habang minamaneho niya ang sasakyang nirentahan ay hindi niya napigilan ang mga luhang muling pumatak mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Halos isang buwan na ring mahigit ang nakalipas simula nang araw na umuwi siya ng San Lorenzo para sana kausapin si Taj pero hindi niya nagawa. At ngayong gabi ang engagement party ng lalaki at ni Kara.

Late na si Tori dahil ayon kay Lorie ay alas otso daw ang proposal pero dahil na-delay ng kalahating oras ang flight niya galing sa Manila ay hindi na siya aabot pero gusto pa rin niyang tumuloy. Hindi niya alam kung bakit siya naroon pero hindi rin siya matatahimik hangga't hindi niya pinagbigyan ang kanyang hibang na sarili.

Oo, galit siya sa dati niyang asawa pero hindi niya pa rin maiwasang hindi masaktan nang marinig niya ang balitang magpo-propose na ito sa socialite na si Kara Alvarez. Ni hindi man lang nito pinalipas ang isang buwan pagkatapos nilang pormal a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mirasol Andales
pa unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    JUST WHY

    TORI found herself in an outskirt town, kilometers away from San Lorenzo and another feeling of deja vu enveloped her. Para siyang hinugot at muling ibinalik sa nakaraan, limang taon ang nakakalipas. The same place. Different dilemma.Mapaklang napangiti si Tori."Another glass of brandy, please," tawag niya sa waitress na nakatayo sa isang bahagi ng Drifting Mist. Isa iyong pub house na itinayo bago ang Drifting Mist Club Bar sa bayan ng San Lorenzo.Five years ago, she was also here, sitting on the same chair. Ang kaibahan lang ay kasama niya si Taj noon. "Ito po," mahina ang boses na sabi ng babae bago ibinaba sa harap niya ang basong may lamang brandy. Tatalikod na sana ito nang muli itong tawagin ni Tori."And give me two buckets of beer, please," aniya ritong nakayuko bago ikinumpas ang kamay na tandang p'wede na itong umalis. Dinampot ni Tori ang baso at inisang lagok ang laman niyon. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang pait na dulot ng alak ngunit wala iyon kumpara sa pait na

    Last Updated : 2023-04-03
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    PAIN

    IPINILIG ni Tori ang kanyang ulo para alisin ang masakit na alaalang nagsimula na sanang manariwa sa kanyang isipan. Hindi niya namalayang naubos na pala niya ang dalawang bucket ng beer na inorder niya kanina. Muli niyang tinatawag ang waitress at muling nagpahatid ng tatlo pang bucket ng beer. Ah, gusto niyang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Baka sakaling mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Lumipas ang ilan pang oras at marami nang nainom si Tori. Nang tingnan niya ang labas ng pub house ay kaunti na lang mga sasakyang nakaparada sa parking lot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sinulyapan niya ang suot na relong-pambisig para tingnan ang oras. Pasado ala-una na ng madaling-araw. Ganoon na pala siya katagal na nasa loob ng pub. Inabot niya ang sumbrerong hinubad niya kanina at muling isinuot nang pabaliktad sa ulo. Tinawag niya ang waitress at inabot dito ang ilang perang papel. Sobra pa iyong pambayad sa mga nainom niya pero bale-wala iyon kay Tori. K

    Last Updated : 2023-04-04
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    WOUNDED

    MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas na sinundan pa ng malalakas na kulog at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para hindi mahagip ng paningin ni Oxygen ang pigurang nasa labas ng bahay nila. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng bintana ng kanyang silid na nakaharap naman sa kalsada. Nasa loob ng banyo ang asawa niyang si Lorie habang siya naman ay nanonood ng panggabing balita nang makarinig siya ng sunod-sunod na tunog ng doorbell.Sinulyapan niya ang relong nakasabit sa dingding at nang makita niyang halos mag-alas dos na ng madaling-araw ay napuno ng pagtataka ang isip niya. Hinawi ni Oxygen nang mabuti ang makapal na kurtina para matingnan kung tama ba ang nakikita niya. Sumilip siya sa labas ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi na halos niya makilala ang tao sa labas kahit pa nakasindi ang ilaw sa tabi ng gate na bakal.Naniningkit ang mga matang mas lalo pang sinipat ni Oxygen ang pigurang nakatayo sa labas ng bakod nila. Bahagya pa si

    Last Updated : 2023-04-04
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    BLEED

    DINAMPOT ni Taj ang remote ng TV at binuksan. Nasa loob pa ng banyo si Kara at naglilinis ng katawan. Bahagya siyang napangiti nang muling sumagi sa kanyang isipan ang nangyaring engagement. Huh! Ilang hakbang na lang ang kailangan niyang gawin.Natigilan si Taj nang tuluyang bumukas ang malaking flat screen television na nakadikit sa pader ay bumungad sa kanya ang mukha ni Tori. Kumpara noong nakita niya ang babae nang umuwi ito sa San Lorenzo para sa binyag ng anak ng kaibigan niyang si Oxygen at ni Lorie ay ibang-iba ang itsura nito. Kahit iyong napanood niya na video noong nagkaroon ng concert ang babae ay malayo rin ang anyo nito sa nakikita niya ngayon. May hawak din itong microphone habang kumakanta. Ang buhok nitong kulot ay mahigpit na nakatali paitaas. Isa lang siguro ang hindi naiba sa anyo ni Tori—at iyon ay ang makeup nitong kagaya sa ilang video nito na napanood na niya ay makapal din. Medyo magaan lang ang anyo nito ngayon dahil na rin sa kinakanta nito. Napatitig na

    Last Updated : 2023-04-04
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    SHE'S DOING FINE

    ILANG oras na ring nakaupo sa labas ng emergency room si Taj kasama si Kara at Oxygen pati ang asawa nitong si Lorie. Naghihintay sila sa paglabas ng kaibigang si Kalil na siyang nag-asikaso kay Tori. Nakaupo sa tabi niya si Kara na kanina pa tahimik habang panay ang sulyap sa kanya pero wala rito ang atensiyon niya. Nakatuon ang isip niya sa babaeng nasa loob ng emergency room at kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan.Kanina lang ay may mga pulis na ring dumating sa hospital para imbestigahan ang nangyaring aksidente. Doon din dinala ang mag-asawang sakay ng kotseng nakabanggaan ni Tori. "Gaano pa ba katagal ang operation?" naiinip na untag ni Lorie na kanina pa palakad-lakad sa harapan nila. "It's been four hours," turan naman Oxygen sabay sulyap sa suot na relong-pambisig. Bumuga ng hangin si Taj bago tahimik na tumayo at kagaya ni Lorie ay nagsimula na ring maglakad nang pabalik. Isang tanawin na hindi na kayang tagalan ni Kara kaya tumayo na rin siya. "Uh, love," tawag-pa

    Last Updated : 2023-04-05
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    FAR FROM BEING OKAY

    "TORI..." Walang buhay na tinapunan ni Tori ng tingin si Sid na puno naman ng pag-aalala ang anyo na nakatitig sa kanya. Nakatayo ito malapit sa main door habang hawak sa kamay ang isang pumpon ng bulaklak. "I wanna be alone, Sid," mahina ang tinig na usal niya. "please..." dugtong na pakiusap niya pa rito. Kararating lang nila mula sa hospital kung saan siya inilipat ni Sid mula sa San Lorenzo. Mahigit isang linggo rin siyang nasa St. Agustin Hospital at sa loob ng mga panahong iyon ay nabigo siyang makita ang kaisa-isang taong inaasam niyang dadalaw sa kanya. At nakausap rin niya si Oxygen nang tumawag sa kanya ang dating kaibigan para mangamusta. Tinanong niya ito kung nasaan si Taj at nalaman niyang nasa Singapore ang lalaki kasama ang fiancée nitong si Kara. Sandaling dumilim ang anyo ni Sid nang marinig ang sinabi ni Tori pero wala siyang magagawa. Tumango na lamang siya lalo na nang makitang tumalikod na ang babae at umakyat na sa naka-arkong hagdanan."Yeah, I think, I got

    Last Updated : 2023-04-05
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    UNCLE ANSEN

    PALABAS ng restaurant si Tori kasama si Ember at ang PA niyang si Jessa nang biglang silang sinalubong ng mga reporter na kanina pa naghihintay sa paglabas ng popstar. "Tori, gaano katotoo ang bulong-bulungan na magpo-propose ka na daw kay nagkikita daw ulit kayo ni Everett Lozares?""Totoo rin bang isa siya sa magiging guest sa darating mong comeback concert sa susunod na buwan?" "Ngayong legal na kayong hiwalay ni Taj Sebastian, ibig bang sabihin nito ay magkakabalikan na kayo ni Evie?" Napahawak si Tori sa kanyang noo dahil sa sunod-sunod na mga katanungang ibinato sa kanya ng mga reporter at karamihan pa personal na bagay. Sumakit ang ulo niya at bigla siyang nakaramdan ng pagkahilo. "I—I..." hindi alam ang sasabihin na usal na lamang ni Tori habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo. Kaagad namang napansin ni Jessa ang namumutlang anyo ni Tori kaya kaagad niyang inabot sa isang security ang hawak na mga gamit bago mabilis na hinawakan ang isang braso ng popstar. "Ar

    Last Updated : 2023-04-06
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    YOU BETRAYED ME AGAIN

    DAPIT-HAPON na nang makarating si Tori sa Iloilo kaya mabilis siyang umupa ng masasakyang pump boat patungo sa Guimaras. Pagkarating naman niya sa Isla ay naghihintay na sa kanya ang isang empleyado ng Toyota. Kaagad nitong inabot sa kanya ang susi ng bagong kotse na binili ni Darlene para sa kanya. Si Darlene ay ang kanyang financial advisor at tinawagan ito ni Jessa nang sabihin niyang kailangan niya ng sasakyan sa pagpunta niya sa San Lorenzo. Malayo-layo pa si Tori sa ancestral house nila ngunit tanaw na niya ang maliwanag na paligid sa labas. May ilang sasakyan ding nakaparada sa tabi ng kalsada. Bumuga siya ng hangin at bahagya ring humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela habang papalapit siya nang palapit sa bahay nila. Dahan-dahan niyang ipinarada ang dalang kotse sa isang tabi bago muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Halo-halo rin ang emosyong pumupuno sa kanya. Kinakabahan siya dahil pagkalipas ng limang taon simula nang umalis siya sa San Lorenzo ay ngay

    Last Updated : 2023-04-06

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    COURT YOU

    KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    SORRY

    “HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MASTER PLAN

    NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa

DMCA.com Protection Status