AYAW sanang humarap ni Amanda kay Genis nang dumating ito para sunduin ang kanilang anak ngunit marami itong dalang mga pagkain at mapilit si Gertrude na mag-lunch silang sabay-sabay sa kanilang bahay kung kaya’t napilitan siyang saluhan ang mga ito. Ayaw naman niyang lumabas na siya ang kontrabida sa paningin ng kanyang anak. “Thank you nga pala for saving me, hindi na kita napasalamatan ng maayos nuong isang araw dahil nagmamadali ka ng umalis.” Sabi ng lalaki sa kanya pagkatapos nilang magtanghalian at hiniintay nito si Gertrude na makabihis. Nagkibit balikat siya, “Nagkataon lang na nag-alala ako dahil nagwawala na si Gertrude sa kahiintay saiyo. Ayaw na ayaw pa naman niya ng pinangangakauan ng isang bagay na di naman pala kayang tuparin. Kaya next time, huwag mong lalanguin ang sarili mo sa alak kung di mo naman pala kaya!” “I was in pain kaya. . .” tumigil ito sa pagsasalita saka huminga ng malalim, “Yeah you’re right. . .mahilig akong mang
PAGPASOK NI GENIS sa kanyang resto bar ay namataan kaagad niya si Tom na mag-isang nilulunod ang sarili sa alak. Nilapitan niya ito, naapangisi ito nang makita siya, halatang lango na sa alak ang mukha nito, “Genis, buti nandito ka,” sabi nitong itinaas ang isang kamay para tawagin ang waiter at nagpakuha ng isang baso. Sinalinan nito ng alak ang basong iniabot sa kanya, “Cheers!” anitong itinaas ang hawak na baso, “Alam mo bang hiniwalayan na ko ni Amanda?” May pait sa tonong balita nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabing iyon ni Tom. Walang nababanggit si Amanda tungkol sa pakikipaghiwalay nito kay Tom. Alam niyang hindi maganda pero parang ang saya-saya niyang malaman na wala na ang dalawa ngayon. Napatungga tuloy siya ng alak. Waring gustong magbunyi ng puso niya. “Ayoko mang aminin, pero nararadaman kong ikaw pa rin ang mahal niya!” Malungkot na sabi nito sa kanya, “Ginawa ko ng lahat para makalimutan ka nya but I guess, mahira
DAMN, wala ng pakialam si Amanda nang buhatin siya ni Genis patungo sa kanyang kuwarto at ilapag sa kama. Nag-iinit na ang kanyang katawan at ang tanging hangad niya ng mga sandalling iyon ay makulong sa mga bisig ng lalaking ito na matagal rin niyang pinanabikan. Ni isang sa mga lalaking nagtangkang umagaw sa pwestong inuukupahan nito sa puso niya ay hindi nagtagumpay. Mula nuon hanggang ngayon ay ito lamang ang laman ng puso at isipan niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang mga dahilan. Basta ang tanging alam lang niya, sa piling lamang ng lalaking ito niya nasumpungan ang pag-ibig na kailangan niya. Dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Genis patungo sa kanyang leeg, napaungol siya sa kilting hatid ng ginawang iyon ng lalaki, “Genis,” daing niya habang mas napapahigpit ang pagkakayakap dito. Napaliyad pa siya nang pumasok ang isang kamay nito sa loob ng kanyang blusa at dinadama ang kaumbukan ng kanan niyang dibdib. Maya-maya ay kinalas na nito an
“WHO GAVE YOU THAT IDEA?” Inis na tanong ni Amanda sa anak ngunit bago pa ito makasagot ay dumating na si Genis. “Daddy!!!” tumatakbong sabi ni Gertrude sa ama, umiiyak na yumakap ito dito. Binuhat ito ni Genis saka kunot nuong lumapit sa kanya, “Pinapagalitan mo ang bata nang dahil lang nagseselos ka kay Carina?” akusa nito sa kanya na ikinapanting ng mga tenga niya. “At sino namang nagbigay saiyo ng idea na pinagseselosan ko ang babaeng iyon?” Inis na inis na sabi niya rito saka nagmamadaling inagaw dito si Gertrude ngunit mahigpit na kumapit sa leeg nito ang bata. Mas lalo tuloy siyang napipikon. Bakit lumalabas pa ngayon na siya ang kontrabida sa paningin ng kanyang anak? “Go to your room, honey,” dinig niyang magiliw na sabi ni Genis sa anak, “Mommy and I will talk first.” Kaagad namang tumalima si Gertrude sa sinabi nito. Napangisi siya nang may pait sa mga labi nang makapasok na sa kwarto nito si Gertrude, “So,
“WHAT DO YOU THINK?” nakangiting iniabot ni Carina kay Genis ang sample ng wedding gown na ipina-sketch nito sa isang sikat na fashion designer, “Ito ang gusto kong maging wedding dress. Ang ganda, hindi ba?” Mag-iisang lingo na simula nang mangako siya kay Amanda na hindi na niya ito guguluhin pa. Si Mang Doy na lamang ang inuutusan niyang sumundo sa anak kapag nakikipagkita siya rito. Kagabi lamang ay parang natutukso na siyang puntahan si Amanda ngunit tinikis niya ang nararamdaman. Paano niya pakakasalan si Carina kung si Amanda ang laman ng puso at isipan niya? Nuong isang araw pa niya pinag-iisipang makipagkalas dito pero kapag naiisip niya ang lahat ng mga sakripisyong ginawa nito para sa kanya ay bigla naman siyang nakakaramdam ng guilt. Ayaw niya itong bigyan ng stress. Baka muling bumalik ang sakit nito kapag na-stress ito ng dahil sa kanya. Kaya magpahanggang ngayon ay di niya alam kung paano sisimulan ang lahat. Ngunit
“STOP IT CARINA! Tama na ang mga kasinungalingan mo, please!” Yamot na sigaw ni Genis dito, “Huwag mo ng isali pa si Amanda sa mga palabas mo. Alam ko na ang totoo. Actually, matagal na kong nagdududa saiyo hindi ko lang maisip na magagawa mong magpanggap na may kanser ka kaya binalewala ko lahat ng doubts ko. . .” “At ang babaeng ito pa ngayon ang papaniwalaan mo, ha? Alam mo ba kung bakit hiniwalayan nya si Tom? Because she found out nalulugi na ang mga negosyo ng pinsan ko. Alam nyang wala na siyang mahihitang kayamanan kaya bigla na lang nyang iniwan sa ere! Pagkatapos magpapagamit ka lang sa kanya?” anitong tiningnan siya ng matiim, “Nakalimutan mo na ba kung sino ang kasama mo nuong panahong kailangang-kailangan mo ng mag-aalaga sayo?” anitong galit na galit na nilingon si Amanda, “Nang dahil saiyo, muntikan nang maputulan ng isang paa si Genis. Habang nanduon ka sa Canada, kumekeringkeng, iyong asawa mo muntikan nang mamatay dahil iniligtas nya kayong ma
NANG muling dalawin ni Genis si Gertrude ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Amanda para makausap ng masinsinan ang lalaki. “C-coffee?” aniya rito. Tumango ito. Nagtungo siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Simula nang maging mag-asawa sila ni Genis ay ngayon lamang niya ito maipagtitimpla ng kape. Naalala niyang nuong magkasintahan pa lamang siya nito ay gustong-gusto nito ang timpla ng kape niya. But then nagbago ang lahat ng iyon pagkatapos nilang ikasal. Naalala pa niyang ilang beses niyang tinangkang gawan ito ng kape tuwing umaga ngunit lumalamig lamang iyon nang ni hindi man lamang nito tinitikman kasama ng mga niluluto niyang pagkain. May pait sa mga labing napangiti siya. Never niyang naisip na nagawa nitong isapalaran ang buhay para lamang mailigtas silang magkapatid sa kumindnap sa kanila. Dinala niya sa salas ang kape. Hinigop iyon ni Genis saka napangiti, “Namiss ko ang kapeng ito,” halos paanas lamang na sab
NAIWAN SI AMANDA na nakasunod lamang ng tingin kay Genis. Hindi niya alam kung ano pa ba ang hindi nito ipinagtatapat sa kanya. Kung gusto nitong mabuong muli ang kanilang pamilya, kailangang maging transparent ito sa kanya. Mas lalong ayaw nito na paasahin nito si Gertrude. Bago ang anupaman, ang priority niya ay ang kanyang anak. Bagama’t mahirap ay nagawa naman niyang mabuhay na wala ito kaya kakayanin niya kahit wala ito ngunit inaalala niya ang kanyang anak. Alam niyang masasaktan ito kapag nalayo sa ama. Ramdam niya ang pananabik nito sa pagmamahal ng isang ama. At hindi yata niya kakayaning masaktan ang kanyang anak. “Mommy, where is Daddy? I tought we are going to watch a movie. Did you fight again?” anang bata nang maabutang wala ang ama sa salas. “No!” Mabilis na sagot niya saka lumuhod sa harapan nito at hinawakan ito sa magkabilang balikat, “M-mahal na mahal ka namin ng Daddy mo at handa naming I-give up ang mga diffe