"Nakatulala ka na naman." Agad siyang napatingin kay Wella. Si Wella ang kaibigan niya at kaklase. "Ano ba kasi ang problema mo?" Umupo ito sa kaharapan niyang bakanteng upuan. "Nakita mo na ang kapatid mo, nakasama mo na rin ang magulang mo plus andiyan pa si papa pogi, ano na naman ang iniisip mo?" Naiilang na sabi nito at binigay sa kanya ang pinabili niyang pagkain.Napatitig na lang dito at napailing. "Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot tinatamad lang siguro ako ngayon.""Grabi ka, kung kailan malapit na tayong ga graduate, isang buwan na lang tapos na rin tayo mag practice teacher wala na tayong problema, tapos ngayon kapa tinatamad? hay nako sis baka iba na 'yan." Humaba ang nguso niya, nalulungkot pa rin siya. "Akin na yang kamay mo, tingnan ko lang ang pulso mo." Kahit nalilito binigay niya na lang ang kamay. Hinanap nito ang pulso niya at gulat na gulat na tumingin sa kanya. Kinakabahan naman siya sa kaibigan. "Hala ka sis, ang bilis ng tibok ng puso mo hudyat non
"Ang ganda ng kotse niya,” bulong ni Ag na sinang-ayon naman si Wella."Bakit hindi niya binubuksan ang bintana ng kotse niya? kung hindi lang talaga alam ni Sam kUng ano ang kotse niya, hindi pa natin malalaman na siya na pala yan." Reklamo ni Ag, tumahimik na rin ito ng malapit na sila. Nang malapit na sila sa sasakyan nito, binaba lang nito ang bintana ng driver set at sumilip sa kanya. Napaka gwapo nito tingnan sa suit na suot. Nakangiting lumapit siya sa bintana. "Hi.""Parang teenenger lang,” bulong ni Wella kay Ag na kinatawa ng isa."I miss you," ani nito. Wala sa sariling napangiti siya. Kainis hindi naman siya kinikilig pero ang sarap ngumiti at tumalon talon.Tumingin ito sa likod niya at ngumiti kila Wella at Ag. "So, lady's where are we going?" Nalilitong tumingin siya kay Luis."Hindi nga! " Hindi makapaniwalang tanong ni Wella."Liliibre mo kami?" "Saan niyo gusto?" Tanong ng lalaki na kina tawa niya ng makita ang reaksiyon ng mga kaibigan. "Oh my god! Let's go!" Ag
"Are you sure?" Halos umikot na ang mata ni Sam sa kaartehan ni Ag. Nakalabas na sila ng restaurant ngayon at si Luis ay nag-o-offer dito na ihatid. "May pa english english ka pa diyan." Sita niya dito. "Hayaan mona nagpa practice nga ako. Pero seryoso ihahatid mo nga ako papa poge?" Natawa na lamang si Luis sa kakulitan ng kaibigan niya. "Ang bait mo naman. Gusto mo lang makaisa kay Sam eh." Napatingin siya kay Luis ng nabilaukan ito sa sariling laway dahil sa sinabi ng kaibigan. Pasimpleng pinandilatan niya ito ng mata pero siya nito pinansin. "Tingnan mo nasamid ka dahil totoo ang sinabi ko. Sakay na ako ah?" Naiilang na sabi nito. Nanahimik na lang si Luis at pasulyap sulyap sa kanya. Nang makapasok na ang kaibigan sa kotse, lumapit siya sa lalaki. "Luis gusto mo bang umisa sa akin?" Nag dalawang isip siyang itanong 'yon dahil nahihiya siya pero kailangan niyang malaman. Inalalayan siyang sumakay ng binata sa kotse tsaka ito umikot at sumakay na rin sa driver seat. Humaba an
Friday ngayon at walang pasok siya kaya nagpasya rin si Luis na huwag na pumasok sa opisina at inaya ang mga kaibigan nito na mag inuman sa bahay. Inaya niya na rin ang kaibigan na si Wella at Ag, gusto kasi ng mga ito na pumunta sila ng bar pero hindi pumayag si Luis kaya ang sabi nito sa mga kaibigan niya na pumunta na lang sa bahay at ito na ang bahala sa inuman at pulutan. Kumakain sila ngayon ni Luis ng umagahan, ang usapan kasi ay mamayang tanghali pa sila magkita kita. "Luis kung irito kaya natin si Ag kay Titus? mukhang bagay naman sila." Biglang naisip niya total naghahanap naman si Ag ng boylet, Hindi niya tuloy maiwasang isipin na kung magkatuluyan ang dalawa at magkakaroon ng baby ang cute siguro."Pero bagay naman sila ni Titus diba?" Tanong niya ulit dito. "Of course." Sagot nito at yumakap sa kanya. "Gwapo ang kaibigan ko, lahat sila ay nagmana sa'kin." Napataas na lang ang labi niya sa narinig, ang yabang nito sinama pa talaga ang sarili. Ayaw magpahuli. "Eat alot
"Hindi mo sinabing ang ganda pala ng kapatid mo Sam." Bulong ng katabi niya na si Wella."Kambal kami kaya magka-mukha kami." "Hindi mas maganda siya at ang kinis ng mukha." Sabat ni Ag at tumingin sa kapatid niyang si Sasah na pumalit sa pwesto ni Luis. Ang lalaki ay lumipat, sa tabi na ni Sky. "Edi maganda siya, wag kayong magpapa-libre sakin bukas huh." Agad namang humarap ang dalawa sa kanya at yumakap ng pabiro. "Ito naman hindi mabiro, siyempre mas mabait ka kaysa sa kanya," ani ni Wella. Napailang na lang siya, ang kapatid niya naman tuwang tuw habang nakayapos sa kanya. "Maganda lang siya dahil maputi siya pero mas maganda ka don," ani ni Agna nasa likod ni Wella.Si Titus at Ag naman parang aso at pusa na kanina pa nag-aaway.Buti at hindi na sila pinansin ng lahat, hinayaan ng mag-away sila total ayaw naman magpaawat. Hindi niya alam kung bakit ganito ang dalawa, parang may pinagdadaanan. Si Luis ngayon na nasa harapan niya ay nakamasid lang sa kanya, sa tuwing napapatin
Napa hawak siya sa ulo nang makaramdam ng sakit. Dahan dahang umupo siya sa kama habang sapo sapo ang ulo. "Ano bang nangyari at ang sakit ng ulo ko?" Tanong niya sa sarili habang hinihilot ang gilid ng noo. Napatingin siya bigla sa pintuan ng bumukas at pumasok si Luis na may dala dalang pagkain."Good morning baby." Nakangiting lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi bago nilapag ang pagkain sa tabi niya. "I made a soup for you, pampawala ng hangover." Tiningnan niya ang nilapag nitong pagkain, mukha namang masarap ang niluto niya pero wala siyang gana. "Kainin mona habang mainit pa para mainitan ang tiyan mo." Nakangiting sabi nito, naka tingin lang siya sa binata habang inaalala ang nangyari kagabi at kung bakit hanggang ngayon masakit pa rin ang dibdib niya. At ang kinalito niya lang ay kung bakit umaarte itong parang wala man lang silang pinag awayan kagabi. "At bakit ganyan ang mukha mo?" Takang tanong pa nito at umupo sa higaan. Akmang hahawakan pa siya nito nang iniwas
Bakit ganito ka sakit ang nagawang desisyon niya? Nasasaktan siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag. Wala itong kibo, nakatitig lang ito sa kanya. Umasa siyang tututol ito pero nawala ang pag asang 'yon nang makita ang reaksyon nito. Blangko ang mukhang nakatitig ang binata sa kanya, mas lalo siyang naluha. Masakit para sa kanya na gano'n ang reaksyon nito. Pinapakita lang nito na wala talaga itong pakialam kahit man na umalis siya.Pagkatapos niyang magpaalam, hindi na ito nagsalita tsaka na siya nagpasyang tumayo para magligpit ng gamit, hindi man lang talaga siya nito pinigilan na kinadagdag ng sama niya ng loob. Gusto niya sanang magpaalam, nang makabas siya ng kwarto at bitbit bitbit ang mga gamit niya. Gusto niya sanang yakapin at magpaalam pero hindi niya alam kung tama ba. Lumapit siya sa harapan ng binata, malayo ang tingin nito sa labas ng bahay. Magsasalita pa sana siya ng kaagad na pinutol na nito at ang salitang narinig niya mula sa lalaku ang nag paguho sa mundo ni
Maaga pa lang ay nagising na si Sam, pero unti unting nawala ang ngiti niya ng bumalik sa alaala niya na wala ng Luis ang bubungad sa umaga niya. Napatitig siya sa kisame para pigilan ang luhang gustong tumulo galing sa mga mata niya. Ilang araw na ang lumipas at ang akala niya ay magiging okay na siya pero masakit pa rin. Mapait na napangiti na lang siya habang inaalala ang mga oras na kasama ang binata. Pag ganitong oras gigisingin na lang siya ni Luis, 6 am pa pang ng umaga gumingising na ito para paglutuan siya ng umagahan. Pag katapos nitong magluto minsan ay pumapasok pa ulit ito sa kwarto na may dala dala ng pagkain. At kahit ganon, na miss niya rin ang luto nito na minsan ay sunog pa. Namiss niya rin ang halik nito sa umaga na gumigising sa kanya, ang mga yakap nito sa gabi pagnilalamig siya. Miss niya na ang paghahanda nito ng damit niya pag naliligo siya. At lalo lalong namimiss niya na nito. Napa hikbi na lamang siya sa tuwing naalala ang mga araw na magkasama silang da