Hola! Sa may extra time, can you leave a rate or review po sa story? Thanks in advance po sa mag-iiwan! 🤍🍓
Rosi's POVNASA loob kami ng kotse ni Sixto at tahimik lang habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Sinubukan kong lingunin ito, at nakita kong naroon pa rin ang inis sa mukha niya."Thank you sa pagtatanggol sa akin.""It's nothing. Naiinis lang ako sa mga taong katulad nila.""I'm sorry.""Sorry for what?""Nadamay ka sa gulo ko." Huminga ako nang malalim habang malungkot na nakangiti. "Grabe, no? Maikling panahon ka pa lang nandito, pero ang lawak na ng impluwensya mo.""Ganyan ang nagagawa ng pera."Ngumiti ito bago dumukwang papunta sa akin at hinalikan ako sa mga labi."Huwag mo na silang isipin. Let's go? Ihahatid na kita."Tumango ako at pilit na kinalimutan ang mga nangyari, kahit na ang totoo ay masakit sa akin ang sinabi ng ibang tao. Alam kong iyon ang iniisip ng karamihan sa akin. Hindi ko sila masisisi. Kung ako sila, iyon din ang iisipin ko.Mabilis lang ang naging byahe. Pagdating namin sa tapat ng mansion, agad akong nagpaalam kay Sixto at bumaba. Nagmamadali pa ako sa
Rosi's POVSINALUBONG ko ng mahigpit na yakap si Sixto nang makapasok ako sa suite niya. Natatawa ako nitong inikot sa ere habang yakap ako."Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay.""I'm sorry. Tanghali na kasi umalis si Hanz kaya ngayon lang ako nakapunta.""Alam mo bang masama ang pakiramdam ko kanina?"Natigilan ako sa sinabi nito. Tumingkayad ako para sipatin ang temperatura sa noo niya. "May lagnat ka ba? Bakit masama ang pakiramdam mo?"Kinuha niya ang kamay kong nasa noo niya at dinala ito sa kaniyang labi. He smiled and looked at me with those beautiful eyes of him."Mabuti na ang pakiramdam ko, ngayong nandito ka na."Hindi ko napigilan ang ngumiti nang malapad. "Hay nako! Ikaw talaga, pinag-alala mo pa ako, babanat ka lang pala.""You're like a poem, you know that? You make everything around you beautiful."Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa sunod-sunod na banat nito.Mabilis niya akong binuhat at dinala sa kitchen. Ang balak namin ay kakain kami
Rosi's POVNAGISING ako dahil sa lamig na nanunuot sa katawan ko. Si Sixto ang una kong hinanap nang magmulat ako ng mga mata, pero wala ito sa paligid.Habang nakapulupot ang puting kumot sa hubad kong katawan, lumabas ako ng bedroom at hinanap si Sixto. Natagpuan ko ito sa living area, nakadekuwatro ng upo sa single sofa habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay at may sigarilyong nakaipit sa pagitan ng mga labi niya."My baby's awake."Ngumiti ako sa sinabi nito. Mabilis ko siyang nilapitan para sana maglambing. He took my hand and pulled me to sit on his lap."Gusto mo bang mag-shopping?"Lumapad ang ngiti sa aking mukha. Gusto ko sana, pero baka maulit na naman ang nangyari kahapon."Hindi na. Dahan-dahan lang, baka mahuli ako ni Inay." Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nito at kiniss siya sa pisngi."Should I talk to her?""Si Inay? Bakit?""Para huwag ka na niyang paghigpitan.""Sixto, siguradong magagalit lang iyon. Botong-boto iyon kay Hanz. Sa tuwing nag-aaway nga
Rosi's POVILANG araw na ang lumilipas pero hindi na ako bumalik pa sa hotel ni Sixto. Iniiwasan ko na rin hawakan ang cellphone ko dahil alam kong tumatawag at nagti-text siya.I occupied myself by spending more time with Seven, playing with him from morning til afternoon. Sa gabi ko lang nababasa ang mga text message ni Sixto.Bakit pa ako pupunta sa kaniya kung hindi naman niya ako kailangan? Nandoon si Candy, sila ang magsama!"Kanina pa kita kinakausap, bakit ba tulala ka na naman?"Napatingin ako kay Hanz nang marinig ang sinabi nito. Matalim na ang tingin niya sa akin, maging sina Inay at Itay ay ganoon din."I'm sorry, ano iyon?""Sinabi sa akin ni Inay na madalas ka raw umalis. Saan ka ba nagpupunta?"Napatingin ako kay inay sa sinabi ni Hanz. Nakaarko ang mga kilay nito nang mag-iwas ng tingin sa akin."A-ano kasi, Hanz... ""By the way, may gusto muna akong sabihin." Nakahinga ako nang maluwag nang ibahin ni Hanz ang usapan."Ano iyon, hijo? Sige, sabihin mo.""Itay, plano
Rosi's POV"He asked you what?"Salubong ang mga kilay ni Sixto habang nakatingin sa akin. Sinabi ko kasi dito ang nangyari kanina matapos niyang umalis."He asked me to marry him, at gusto niyang madaliin namin ang kasal.""Pumayag ka ba?"Umiling ako sa kaniya bago naupo sa mahabang sofa. Sumunod naman ito sa akin."What did you tell him then?""I said, I can't marry him. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga ginawa niya. Ang pananakit niya sa akin, ang pambababae niya."Sixto wrapped his arms around my waist and kissed me on my cheeks. "Well, you did the right thing.""Nagulat nga ako na wala siyang ginawa matapos kong sabihin iyon. Inaasahan kong sasaktan na naman niya ako, pero tahimik lang siyang umalis ng mansion. Kaya nga nandito ako."Napangiti ito sa sinabi ko. Tumayo siya at sandaling pumasok sa kitchen. Nang makabalik ay may dala na itong dalawang wine glass."Let's forget about him, okay?" He gave me the wine and sat down beside me again.Napangiti ako nang simulan ako ni
Rosi's POVHINDI kami nag-usap ni Hanz nang makauwi. Inis akong natulog nang maaga habang nakipaglaro muna si Hanz kay Seven. Hindi rin naman niya tinangkang kausapin ako at hindi ko alam kung bakit.Nakapagtataka lang dahil hindi naman ganito ang ugali ni Hanz. Usually, binubugbog na niya ako ngayon at nagwawala na siya.Kinaumagahan, pinuntahan ako ng tauhan ni Sixto at ibinigay sa akin ang passbook at isang ATM card. Nagawan na raw ako ng savings account at nailipat na sa pangalan ko ang 800 million pesos na halagang pinagbentahan ng villa at manggahan.Matagal kong pinag-isipan ang gagawin ko sa perang ito. At sa lahat ng desisyon na gagawin ko, laging si Seven ang nauuna. This is for my child. Gamit nito, magiging malaya na kami. Hindi ko na kailangan pagtiisan si Hanz. Sa susunod na pagbubuhatan nila ako ng kamay, malaya na kaming makakaalis."Tarantado ka talaga! Ilang araw kang wala! Ni hindi ka tumawag o nag-text man lang! Ni hindi namin alam kung buhay ka pa o natokhang na!
Sixto's POVNAUPO ako sa isang VIP table sa loob ng kilalang restaurant. Um-order na rin ako ng pinakamahal nilang pagkain nang lumapit ang waiter. Ilan sandali pa, dumating na ang taong kikitain ko."Nako! Salamat at pumayag kayong makipagkita sa akin, Mr. Santiban!""Walang problema, Lito. Sit down. Uh, I hope you don't mind, um-order na ako para sa ating dalawa."Malapad na ngumiti ang lalaki. "Tamang-tama, sir! Gutom na rin ako, e. At saka ang init sa labas. Mabuto rito, may aircon!""Mabuti naman. You said there's something you want to talk about?""Oo, e. Iyong anak ko kasi, ayaw ibigay ang pera na pinagbentahan ng villa. Kung hindi mo pa natatanong, akin ang villa na iyon, hijo. Iniwan iyon sa akin ng son-in-law ko, kaya lang ay inilagay ko sa pangalan ng anak ko. Ama ako, e. Gusto ko ng makabubuti para sa kaniya, ang kaso, naging sakim! Ayaw ibigay sa amin ng inay niya ang pera."Napatango-tango ako sa narinig. "But I heard she already gave you your shares."Sandali itong nati
Sixto's POVMATAGAL na nawalan ng imik si Roberta matapos ng mga ibinunyag ko rito. Hindi ako nag-aalala na baka tumanggi ito. Knowing them, walang ibang mas mahalaga sa kanila kundi pera."Bago iyon, sabihin mo muna sa akin ang totoo. Hindi ba talaga ikaw si Sixto?"Natawa ako sa narinig. "I am Sixto.""Si Sixto Hernandez ang tinutukoy ko!""Bakit ba ipinagpipilitan n'yong ako si Sixto Hernandez? Kamukha ko ba siya?"Natahimik naman ito sa tanong ko. "Puwes, ito na lang ang sagutin mo. Kaano-ano mo si Tres Santiban?"Sandali akong natigilan sa tanong niya. Muling nagbalik sa akin ang araw kung kailan nalaman ko na ang mga tunay kong magulang ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid nito, ang biological mother ni Rosi.Bago ko pa masagot ang kaniyang tanong, may pumasok na katulong at sinabing may naghahanap sa akin."I'm sorry, I guess my attorney is already here. I have to end this conversation right now."Tumayo ito at napatingin sa mga bag at alahas. Sinenyasan ko naman ang katu
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev