Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-10-12 10:59:24

Rosi's POV

MALAKI at magarbong mansion na tila palasyo ang bumungad sa akin nang makapasok sa bahay nitong nakatirik sa gitna ng malaking lupain.

Pinaupo ako nito sa silyang katapat niya habang nasa loob kami ng living room. Si Itay ay hinatid nito sa bahay namin at ako lang ang dinala nito rito.

"Kayo ho ba ang pinagkakautangan ni Itay?"

Banayad itong ngumiti habang tumatango. "He owe me two million pesos."

"Two million?!"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula rito. Kahit iyong isang milyon, hindi ko na alam kung saan hahagilapin. Two million pa kaya?

"Hija, alam mo na sigurong nakasalalay sa iyo ang buhay ng iyong itay."

May kinuha itong isang kahon sa glass table na malapit sa amin. Binuksan nito iyon at kumuha ng malaki at kulay brown na tobako.

Matapos sindihan ang tobako ay ngumiti ito sa akin. "Pero puwede mo siyang iligtas."

Natigilan ako nang maalala ang sinabi ni Itay kanina. Kailangan kong pakasalan ang anak-anakan ng pinagkakautangan nito para maabsuwelto ito sa utang niya.

Ibig sabihin... pakakasalan ko ang lalaking nakatalik ko kagabi?

"Buburahin ko ang utang ng itay mo, babayaran ko ang pampaospital ng iyong inay at bibigyan pa kita nang limang milyon."

Nahigit ko ang hininga ko sa mga narinig. Limang milyon? At babayaran pa niya ang utang at pampaospital nina Itay at Inay?

"Ano hong kailangan kong gawin?"

"It's simple, hija." Binuga niya ang usok mula sa kaniyang bibig. "You just have to marry my adopted son."

***

Binigyan ako ng oras ni Don Isidro para makapag-isip. Ngayon ay nasa loob ako ng isang magandang kuwarto. Para itong hotel sa sobrang ganda!

Pinag-isipan ko nang mabuti ang alok ni Don Isidro sa akin. Kung tutuusin, hindi na ako lugi roon. Kapag nagpakasal ako sa anak-anakan niya, mawawalan kami ng utang, mapapagamot ko pa si Inay!

"At hindi lang iyon, may limang milyon pa kami."

Napangiti ako nang maisip ang limang milyon. E, kahit magtrabaho yata ako buong buhay ko, hindi ko kikitain ang ganoong kalaking halaga.

Isa pa, mas mabuti na rin siguro na maikasal ako sa ampon ni Don Isidro. Tutal, may nangyari na sa amin. Ito ang naging una ko.

"Wala na rin naman akong babalikan. Ayaw na sa akin ni Gary. Harap-harapan niya akong niloko."

Huminga ako nang malalim. Papayag na ako sa gusto ng matandang don.

"Pero sa isang kondisyon ho."

Nandito ako ngayon sa private office ni Don Isidro. Nakahanda na akong sabihin sa kaniya na pumapayag ako sa gusto niya.

"Kahit ano, hija, sabihin mo."

"Gusto ko pong makilala muna ang anak-anakan n'yo."

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha nito nang may mangyari sa amin kagabi. Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw. Sana man lang, bago kami ikasal ay makita at makilala ko muna ito.

"Hindi puwede."

Sandali akong natahimik sa sinabi ng matanda. "Ho?"

"Makikilala mo lang si Sixto sa araw ng kasal n'yo."

Sixto?

"P-pero bakit po? Gusto ko lang naman makita—"

"Kung ipagpipilitan mo ang gusto mo, makakaalis ka na. Pero maghanda kayo nang dalawang milyon sa loob ng isang linggo!"

Iniwas nito mula sa akin ang mukha niya. Nagbaba ako ng paningin habang mariin na lumulunok. Wala akong nagawa kundi sumunod.

"Bukas na bukas din, ikakasal kayo."

***

Buong gabi akong umiyak kagabi kaya nang sumapit ang umaga, namamaga ang gilid ng mga mata ko.

"Ang hirap mong ayusan, Diyos ko! Bakit kasi may pa-cry session ka pa kagabi?! Dapat nga, magpasalamat ka! Ikakasal ka sa mayaman!"

Tiningala ko si Tita Tuwad na siyang nagmi-make-up sa akin. Personal itong kinuha ni Don Isidro dahil alam ng matanda na malapit kami sa isa't isa.

"Nahuli ko si Gary kahapon, may kaulayaw na ibang babae."

Sandali itong natigilan bago umiling. "Oh, ano ngayon? Hayaan mo na! Wala naman siyang kuwentang lalaki! Gumanti ka na lang! Magpakasal ka ngayon sa isang guwapo at anak mayaman!"

Pinahid ko ang luhang nagpumilit bumagsak sa pisngi ko.

"Tita Tuwad, nagtataka lang ako."

"Tungkol saan?"

"Si Don Isidro, ayaw niyang makita ko ang anak niya bago ang kasal."

"Oh, ano naman ngayon?!"

"Tita, bakit ganoon? Mayaman naman sila, pero bakit kailangan pa nilang magbayad para may magpakasal sa anak-anakan niya?"

Napaisip din si Tita Tuwad sa tanong ko. Naupo siya sa tabi ko at napatango. "Oo nga, no? E teka, bakit mo ba pinoproblema iyon?"

"Tita Tuwad—"

"Hindi naman kahina-hinala! Oh!" Hinawakan niya ang baba ko. "Ang ganda mo! Maganda ka! Sa sobrang ganda mo, nakahandang magbayad nang malaki ang mga Hernandez para mapakasalan ka!"

"Tita Tuwad naman, e! Basta iba ang kutob ko. Masyadong too good to be true ang nangyayari. Feeling ko talaga, may tinatago sila."

Matapos akong ayusan ni Tita Tuwad, sumakay na ako sa bridal car at inihatid sa simbahan. May kalumaan ang simbahan pero malaki ito at maganda.

Umalingawngaw sa loob ang malakas na kantang pangkasal. Bumukas ang kahoy na pinto. Nag-umpisa akong maglakad nang marahan sa kahabaan ng red carpet.

Mabibilang lang sa mga daliri sa dalawang kamay ang dumalo sa kasal, pero kahit ganoon, enggrande ito. Puno ng mga bulaklak ang paligid na bumagay sa motif ng wedding. Halatang pinaghandaan at hindi tinipid.

Natanaw ko sa dulo ng pasilyo ang pakakasalan ko—lalaking matangkad at matipuno. Nakasuot ito ng white tuxedo na bumagay sa malalapad nitong balikat. Pero dahil sa malabo kong mata, hindi ko makita nang maayos ang mukha nito. 

Huminga ako nang malalim. "Mas mabuti na ito kaysa gabi-gabi kong iputa ang sarili ko para makaipon ng dalawang milyon."

Iyon ang pilit kong itinatanim sa kokoti ko, pero mabilis akong natigilan sa paglalakad at nabitiwan ang hawak kong bridal bouquet nang makita ang mukha ng lalaking pakakasalan ko.

Napatingin ako kay Don Isidro, nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang paghinto ko. I slowly shook my head as I turned my back and tried to runaway.

Kaya pala... kaya pala gusto ng don na nakapatay ang ilaw noong gabing binenta ko ang sarili ko sa anak-anakan niya. Kaya pala ayaw nilang magkita kami bago ang kasal. Pangit ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin! Disfigured ang mukha nito!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aren Garnica
sixto ba Ms. A sya ba Yong anak nila ni Tres and Tiana sa BILLIONAIRE'S UNWANTED BABY
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
di na baling pangit mayaman naman kesa sa bf mong manloloko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 4

    Rosi's POV"Huwag n'yo siyang hayaang makatakas!"Bago ko pa marating ang pinto ng simbahan, nakaharang na roon ang mga bodyguard ni Don Isidro. Pare-parehong armado ang mga ito."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"Nilingon ko si Don Isidro. Halos magmakaawa ako sa kaniya habang umiiling. "Nagsinungaling kayo sa akin! Hindi n'yo sinabi ang totoo!""Anong gusto mong gawin ngayon? Nasa magulang mo na ang mga pera at kasalukuyan nang inooperahan ang inay mo!""Nagmamakaawa po ako sa inyo! Magtatrabaho ako kahit habang-buhay, mabayaran lang kayo!""Isang linggo! Kapag hindi mo itinuloy ang kasal, kailangan ninyo akong bayaran sa loob ng isang linggo! At oras na hindi ninyo nagawa, ikaw at ang mga magulang mo, ipapakulong ko!"Natigilan ako sa mga sinabi niya. "Maawa naman kayo, Don Isidro.""Sa kulungan na magpapagaling ang iyong inay! Ano? Gusto mo pa ring umalis? Ayaw mong ituloy ang kasal? Sige! Umalis ka!"Mabilis na nagbigay ng daan ang mga bodyguard ng matanda. Ngayon ay wala nang n

    Last Updated : 2023-10-12
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 5

    Rosi's POVNAKATAYO sa gilid ng tuktok ng hagdan si Sixto at nakatanaw sa akin. Halata ang pag-aalala sa mukha at mga mata niya. Hindi ko ito pinansin at agad na sinara ang pinto ng guest room kung saan matutulog ang pamilya ko habang nandito sila sa villa."Linawin mo nga ang sinasabi mo, Rosi! Ang pangit na iyon ang pinakasalan mo?! Nababaliw ka na ba! Bakit pumayag kang magpakasal sa isang mukhang ipis!"Nilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko. "Inay, huwag kayong maingay. Baka marinig niya kayo.""Ah, wala akong pakialam! Ano ngayon kung marinig niya tayo? Totoo naman ang sinasabi ko, ah! Pangit siya!""Hindi kaya nagkamali lang si Don Isidro, anak? Bakit naman ganoon ang hitsura ng anak-anakan niya?""Hindi ko alam, itay. Hindi ko rin alam na sa ganoong lalaki ako ikakasal.""E , scammer pala iyang Don Isidro na iyan! Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, pinakasal ka sa pangit at mukhang utusan.""Mabuti sana kung pangit pero mamahalin ang hitsura. E, iyong asawa mo, anak,

    Last Updated : 2023-10-24
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 6

    Rosi's POVMABILIS akong tumayo at iniwan si Sixto habang nakatulala ito matapos ng mga sinabi ko. Serves him right! Pagkatapos nila akong pilitin sa letseng kasal na ito, may kapal pa siya ng mukhang isipin na magugustuhan ko siya?!Lumabas ako ng kuwarto pero agad rin natigilan nang bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Don Isidro."Tsk. Tsk."Nagbaba ako ng paningin sa takot at hiya. Siguradong narinig nito ang mga sinabi ko kay Sixto. "Sumunod ka sa akin," aniya habang madilim ang mukha.Dumoble ang kabog ng puso ko sa takot. Ayaw ko sanang gawin ang gusto nito, pero nang muli niya akong lingunin nang may matalim na tingin, wala akong nagawa kundi sundan siya.Sa pribado nitong opisina kami ay pumasok. Naupo ako sa harap ng table niya habang siya ay nagsisindi ng tabako.Naalala ko na naman ang nangyari noong dukutin nila ako para ipakasal sa anak niya. Muling nabuhay ang matinding inis sa dibdib ko."Kapag hindi mo pinakitunguhan nang maayos si Sixto, mawawalan ng bisa ang pi

    Last Updated : 2023-10-25
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 7

    Rosi's POVISA-ISANG pinasok ng mga katulong ang mga bagong lutong pagkain at nilapag ito sa ibabaw ng malaking table. Malalanghap ang nakakatakam na amoy ng bawat ulam sa hapag.Masarap at mamahaling pagkain ang laging pinapaluto ni Don Isidro kaya tuwang-tuwa sina Itay at Inay. Paminsan lang kasi kami nakakakain noon ng mga mamahalin at masasarap na ulam. Lechon manok, fried chicken, beefsteak, lobster, grilled shrimp at iba pang mga laman-dagat ang lutong nasa harap namin."Ang sasarap naman tingnan ng mga ito, Don Isidro! Parang fiesta dito. Ganito ba kayo lagi?""Hindi naman, pero sinadya kong magpahanda ng mga masasarap na pagkain para sa inyo."Lumapad lalo ang ngiti sa mukha ni Itay. Kahit sina Inay at Gio ay nakangiti na rin. Nag-umpisa nang kumain ang lahat nang lumapit kay Sixto ang mayordoma ng mga Hernandez."Hijo, heto, pinaluto ko ang paborito mo.""Wow! Bangus sardines! Salamat po, Inay Gina.""Nako, basta para sa iyo! Napakasipag mo talagang bata ka. Baka naman natuyu

    Last Updated : 2023-10-26
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 8

    Rosi's POVILANG araw na rin ang lumipas mula nang pumanaw si Don Isidro. Nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng isang mabuting tao—para sa kanila.Hindi mabuting karanasan ang mayroon ako kay Don Isidro, pero kahit ganoon, hindi ko gugustuhin na mawala ito. At mas lalong hindi ako ang tipo ng tao na magsasaya dahil sa pagkamatay ng kapwa ko. Kaya hindi ko maatim makitang nagsasaya ang mga magulang ko.Nilingon ko sina Inay at Itay sa harap ng hapag habang kumakain sa loob ng dining. Nagluluksa ang lahat pero sila ay nagpaluto ng masasarap na pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing iyon habang nag-uusap na parang walang pinaglalamayan sa garden.Hinanap ng mga mata ko si Sixto. Kung mayroon mang pinakaapektado sa aming lahat, siguradong siya iyon. Para nang ama ang turing niya kay Don Isidro, at sa totoo lang, maliban sa mayordoma, ang don lang yata ang kakampi niya."Hindi ako makapaniwala na wala na si Don Isidro. Nagkita pa kami last month, at sobrang lakas pa niya."Nat

    Last Updated : 2023-10-27
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 9

    Rosi's POVPADABOG na isinara ni Inay ang pinto ng silid at saka pinagtatapon ang mga gamit na mahawakan ng kamay nito. Nagwawala na ito sa galit. Kahit si Itay ay hindi maipinta ang mukha."Tanginang matandang iyon! Bakit niya ibinigay ang lahat ng pera niya sa letseng charity at mga foundation na iyan! Mga wala naman kuwenta!""Itay, huminahon kayo.""Kung alam ko lang na ipamimigay ng matandang iyon ang lahat ng pera niya, sana ako na lang ang pumatay sa kaniya!""Itay, huwag kayong magsalita nang ganyan."Kinikilabutan ako sa mga naririnig at nakikitang reaction nila. Iba talaga ang dulot ng pera sa mga tao. Pero dahil din sa sinabi ni Itay, mas naging sigurado ako na wala talaga itong kinalaman sa nangyari kay Don Isidro.Siguro nga, itinago lang talaga ng matanda ang tungkol sa sakit niya sa puso. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit minadali nitong maikasal kami ni si Sixto? Dahil alam niyang mawawala na siya?"Ano nang mangyayari sa atin ngayon, Lito?! Wala na lahat ang pera!

    Last Updated : 2023-10-28
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 10

    Sixto's POVNATIGILAN ako sa ginagawa nang biglang tinapon ni Rosi ang baso ng juice na dinala ko para sa kaniya. Pati ang cheesecake sa platito ay hindi nito pinalagpas at ibinato sa akin."Puwede bang iwan mo ako mag-isa?! Sinabi ko naman sa iyo! Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo!""Rosi, gusto lang naman kitang dalhan ng pagkain. Kaunti lang ang kinain mo kahapon, baka magkasakit ka.""Wala kang pakialam kahit magkasakit ako! Kahit kailan talaga, bwiset ka sa buhay ko! Bwiset iyang mukha mo! Tigilan mo na ako, puwede ba? Huwag mo na akong sundan!"Halos madurog ang puso ko sa mga narinig na sinabi niya. Galit na galit ito at halos hindi na maipinta ang mukha.Sa loob lang nang ilang araw, tuluyang nagbago ang pakikitungo sa akin ng buong pamilya ng asawa ko—maging si Rosi. Lahat ng gusto nila, sinusunod ko para lang matanggap nila ako. Pero kaunting kibo, kaunting kilos, nagagalit sila sa akin. Iniinsulto ako at kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinasabi."Lumabas ka! Ay

    Last Updated : 2023-10-29
  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 11

    Sixto's POV"Bilisan n'yo! Kanina ko pa kayo pinagmamadali, ah?! Ang babagal naman!"Kalalabas ko lang ng office ni Don Isidro nang madatnan ko sa malawak na sala sina Inay, nagmamadali ang mga ito."Inay, saan kayo pupunta?""Ah! Wala kang pakialam!"Kinabahan ako nang maisip na aalis na ang mga ito. Agad kong nilapitan si Rosi na kabababa lang ng hagdan. Nakabihis din siya ng dilaw na bestida at naka-clip ang gilid ng buhok."Rosi, saan kayo pupunta? Aalis kayo?""Gustong mamasyal ni Inay. Family day ngayon."Natigilan ako sa narinig. Muli kong nilingon sina Inay na handa nang umalis."Puwede ba akong sumama?"Nilingon ako ni Rosi sa tanong ko. Hindi siya sumagot at wala rin reaksyon sa mukha niya. Nakatingin lang ito sa akin."Hindi ka puwedeng sumama! Nakita mo na ba iyang pagmumukha mo? Nakakahiya! Hindi puwedeng i-display iyang mukhang ganyan!""Inay, puwede naman ho ako magsuot ng cap o hoodie. Itatago ko ho ang mukha ko.""Hindi puwede!" Galit ako nitong pinamaywangan. "Dito k

    Last Updated : 2023-10-30

Latest chapter

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Epilogue

    Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 45

    Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 44

    Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 43

    Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 42

    Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 41

    Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 40

    Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 39

    Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a

  • My Ugly Husband is a Billionaire    Chapter 38

    Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev

DMCA.com Protection Status